Showing posts with label STUDENTS' ACTIVITIES. Show all posts
Showing posts with label STUDENTS' ACTIVITIES. Show all posts

Thursday, May 12, 2022

SEASON 2: AP8-Q4-WEEK3-4: IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

  AP8-Q4-WEEK3-4: IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG


MELC/Kasanayan

Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Code: AP8AKD-IVb-2 


BALIK-ARAL:

Sa nagdaang aralin ay tinalakay ko ang mga pangyayaring nagbunsod sa unang digmaang pandaigdig. kasama rito ang mga tensyon at pagkakabuo ng samahan ng mga bansa sa mundo lalo na ang pagkakabuo ng liga ng mga bansa o League of Nations.

Ngayon naman ay tatalakayin ko ang mga mahahalagang pangyayari, dahilan, at mga naging bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Makikilala rin natin ang mga prominenteng tao na  nanguna sa pagsugod at pagdepensa sa digmaang ito.


Mga Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig at nag-udyok sa ikalawang digmaang pandaigdig

1. Paglusob ng Germany sa Poland

2. Masidhing Nasyonalismo

3. Pag-alis ng Germany sa liga ng mga bansa

4. Pag-agaw ng Japan sa Machuria 

5. Pagpatay kay Arkduke Francis Ferdinand ng Austria-Hungary 




Mga Dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II ay isang napakalaking digmaang kinasangkutan ng halos lahat ng bansa sa daigdig. Nag-umpisa ito halos dalawang dekada pa lamang ng matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Nagsimula ito ng ika-1 ng Setyembre taong 1939 at nagwakas noong ika-2 ng Setyembre taong 1945, nangangahulugang tumagal ang digmaan sa loob ng anim na taon at isang araw. Ang digmaang ito ay itinuturing na pinakamapaminsalang labanan sa kasaysayan ng tao dahil sa 70 hanggang 85 milyon ang mga namatay. Sa digmaang ito, nahati sa dalawang alyansang militar ang karamihan sa mga bansa sa buong mundo kasama na ang mga makapangyarihan, ito ay ang Allied Powers at Axis Powers. 

Ang Allies o Allied Powers ay pinangungunahan nina Winston Churchill ng Great Britain, Franklin Roosevelt ng United States of America, Joseph Stalin ng Soviet Union (Russia) at Chiang Kai-Shek ng China. Samantala, ang Axis Powers naman ay kinabibilangan nina Adolf Hitler ng Germany, Hirohito ng Japan at Benito Mussolini ng Italy.

 


Sa digmaang ito, nasangkot ang mahigit sa isang daang milyong tao mula sa iba’t ibang bansang nakilahok sa digmaan. Ibinuhos ng mga pangunahing bansa ang kanilang kakayahang pang-ekonomiya, pang-siyensya, at pang-industriyal para masuportahan ang digmaan. Kilala rin ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa malawakang masaker, pagpatay ng lahi, malawakang pambobomba, at paggamit ng mga nuclear na armas sa digmaan. Kaya hindi maikakailang mahirap mailarawan ang lawak at saklaw ng digmaang ito. Ngunit, ano ba ang nangyari? Ano ba ang mga naging dahilan upang humantong ito sa isang napakalaking digmaan ng kasaysayan? Paano nga ba nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Halina’t isa-isahin natin ang mga dahilang ito. 


Pagbagsak ng Stock Market

Noong taong 1920, nagkaroon ng economic boom o mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ang United States na makikita sa mataas na halaga ng stocks. Namuhunan ang maraming tao sa pamamagitan ng pagbili ng mga stocks sa mababang halaga ng porsiyento bilang paunang pambayad at inutang naman ang iba sa stockbroker. Setyembre 1929, nakaramdam ang mga namumuhunan ng pagtaas ng presyo ng stocks, kaya’t sinimulan nilang ibenta ang mga ito dahil sa posibilidad ng pagbaba ng presyo nito sa mga susunod na araw. Nagdulot ito ng tuloy-tuloy na pagbagsak ng halaga ng stocks hanggang Oktubre 24 na nagbigay takot sa mga namumuhunan.

Dahil sa patuloy na pagbagsak ng halaga ng stocks, lahat ng mga namumuhunan ay nagnais na ibenta ang kanilang mga stocks subalit walang nais bumili. At sa loob lamang ng isang araw, 13 milyong shares ang ibinenta sa New York Stock Exchange. Ang mabilis na pagbagsak ng presyo ng mga stock ay tinawag na Wall Street Crash, hango sa pinansiyal na distrito ng New York. Noong ika-29 ng Oktubre taong 1929, tuluyang bumagsak ang New York Stock Exchange at tinawag nila itong Black Thursday.


 Bunga ng Wall Street Crash:

1. Maraming tao ang nawalan ng malaking salapi at nalugi ng maganap ang wall street crash

2. Nagsara ang mga bangko at mga negosyo

3. Maraming tao ang nawalan ng trabaho

4. Humina ang produksiyon at bumababa ang pasahod sa mga manggagawa

5. Nagdulot ng Great Depression.


Ang Great Depression

Ang Great Depression ay isang malawakang krisis pang-ekonomiya na nagsimula dahil sa pagbagsak ng stock market noong October 20, 1929. Naapektuhan nito ang halos lahat ng mamamayan ng United States. Humina ang produksiyon ng mga industriya. Umabot sa 9 milyong katao ang nawalan ng pera sa mga bangko dahil nawalan ang bangko ng pambayad. Noong taong 1933, halos ikaapat na bahagi ng mga mamamayan sa United States ay nawalan ng trabaho.

Ang taong 1933 ang pinakamalalang taon ng Great Depression dahil umabot sa 12 milyong katao ang nawalan ng trabaho. Nabawasan ang pag-angkat ng United States ng mga hilaw na materyales na nakaapekto sa mga mahihirap na bansang dumedepende sa pagbebenta ng pagkain at mga hilaw na materyales. 

Lumaganap sa buong mundo ang pagbagsak ng ekonomiya ng United States. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, nagpautang ang mga bangko ng United States sa ibang bansa. Subalit, nang magsimula ang Great Depression, sinimulang bawiin ng United States ang mga pautang nito sa ibang bansa, gayundin ang kanilang puhunan at mga negosyo. At upang mapanatili ang dolyar sa kanilang bansa at bilhin ng mga mamamayang Amerikano ang kanilang sariling produkto, pinatawan ng mataas na taripa ng United States ang mga produktong imported. Ang patakarang ito ay nagkaroon ng epekto sa mga bansa na nagluluwas ng produkto sa United States. Naglagay rin ang mga bansa ng mataas na taripa sa kanilang mga produkto na naging sanhi ng paghina ng kalakalang pandaigdig. Nagdulot ito ng patuloy na paghina ng ekonomiya ng mundo at malawakang kawalan ng hanapbuhay. Ang Great Britain at Germany, ay kabilang sa mga bansang labis na naapektuhan. At mabilis na lumaganap sa buong mundo ang krisis.


Pagsikat ng mga Diktador

Dahil sa hangarin na magkaroon ng pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan, ang Nasismo, Komunismo, at Pasismo ay naitatag sa iba’t ibang panig ng Europa. Ito ang mga ideolohiyang sinusunod ng mga diktador. Ang isang diktador ay mayroong ganap na kapangyarihan at ganap na kontrol sa mga mamamayan nito. Naging hangarin ng mga diktador na sakupin ang kanilang mga kalapit bansa sa paniniwalang ito ang paraang makakatulong upang maiahon nila ang ekonomiya ng kanilang bansa. Ang mga ambisyon ng mga diktador tulad ni Adolf Hitler ng Germany, Benito Mussolini ng Italy, at Joseph Stalin ng Soviet Union (Russia) ang naging daan upang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

 

Kahinaan ng League of Nations

Ang League of Nations ay itinatag noong ika-10 ng Enero taong 1920 na may layuning mapanatili ang kapayapaan. Ngunit hindi nito nagawang pigilan ang pagsalakay ng Japan sa Manchuria, Italy sa Ethiopia, at Germany sa Rhineland. Ang mga kasapi ng League of Nations ay hindi nagkakasundo sa mga usapin at pagpapasya, wala itong kapangyarihang maningil ng buwis at walang sariling hukbo upang maipatupad ang mga desisyon. Ang hindi pagsali ng mga makapangyarihang bansa katulad ng United States ay isa pang dahilan ng kahinaan ng League of Nations. Sumali ang Russia noong 1934 subalit ito ay inalis kaya’t napunta sa Great Britain at France ang responsiblidad na itaguyod ang liga. Ngunit ang dalawang naturang bansa ng mga panahong iyon ay hindi pa lubusang nakakabangon sa pinsalang dulot ng Unang Digmaang Pandaigdig. Kaya’t upang makaiwas sa digmaan, ipinatupad ng Britain at France ang patakarang appeasement kung saang hinayaan nilang ipagpatuloy ng mga diktador ang kanilang pagsakop sa mga teritoryo.


Mga Kondisyon ng Treaty of Versailles

Opisyal na nagwakas ang Unang Digmaang Pandaigdig noong ika-28 ng Hulyo taong 1919 sa pamamagitan ng kasunduan sa Versailles. Layunin ng Treaty of Versailles na panatilihin ang kapayapaan pagkatapos ng Unang Digmaan. Ngunit para sa mga Aleman, hindi makatarungan ang nilalaman ng kasunduan. Naging mitsa ito upang magkaroon ng tensiyon at humantong sa pagsisimula sa panibagong digmaan na higit na mas malawak at mas mapaminsala.


Mga Pagsalakay Bago Sumiklab Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

1. Pagsalakay ng Japan sa Manchuria (1931) – Sinalakay ng Japan ang Manchuria noong 1931. Ito ay isang lalawigang nasa hilaga ng China na mayaman sa bakal at karbon. Ito ang unang hamon na kinaharap ng League of Nations, kinondena nila ito, subalit wala silang nagawa para pigilan ang Japan. Ang ginawang ito ng Japan ang dahilan kung bakit siya itiniwalag sa liga. 

2. Pagsalakay ng Italy sa Ethiopia (1935) – Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italy ang Ethiopia at tuluyang nilabag ang kasunduan sa Liga (Covenant of the League). 

3. Pagsalakay ng Germany sa Rhineland (1936) – ang pagtiwalag ng Germany sa liga ng mga bansa at pagkabigo ng liga na panatilihin ang kapayapaan ang nagkumbinsi kay Hitler na kunin ang Rhineland. Ito ay isang buffer zone na nasa magkatunggaling bansa na France at Germany. Dahil sa patakarang appeasement, ang paglusob na ito ng Germany ay hinayaan lamang ng France. 

4. Pagsalakay ng Japan sa China (1937) – sinalakay ng mga Hapones ang China, at dahil sa kanilang mga makabagong armas, bumagsak ang Nanjing at ang Beijing na kapital ng China. 

5. Pagkuha ng Germany sa Austria (1938) – Nakasaad sa Treaty of Versailles na ipinagbabawal ang pagsasama ng Austria at Germany (Anschluss). Ngunit dahil maraming mga mamamayang Austriano ang gustong maisama ang kanilang bansa sa Germany, nagpadala si Hitler ng hukbo sa Austria at ginawa itong sangay ng Germany. 

6. Pagkuha ng Germany sa Czechoslovakia (1938) - Noong Setyembre 1938, hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudentenland na pagsikapan na matamo ng kanilang awtonomiya. Dahil dito, hinikayat ng Inglatera si Hitler na magdaos ng isang pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni Hitler ang Sudentenland at noong 1939, ang mga natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta na rin sa Germany. 

7. Paglusob ng Germany sa Poland (1939) – Noong 1939, ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland ang huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pagsakop na ito ay pagbaliktad ng Germany sa Russia na kapwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan ng hindi pakikidigma ((Non-Aggression Pact). Ang pagbaliktad na ito ay dulot ng mga sumusunod na pagyayari:

a. Hindi pagsali ng Russia sa negosasyon tungkol sa krisis ng Czechoslovakia.

b. Pagkainis ng Russia sa Great Britain nang ang ipinadalang nitong negosyador para sa Kasunduan ng Pagtutulungan (Mutual Assistance Pact) ay hindi importanteng tao.


Mga Kaganapan at Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, hindi natupad ang kapayapaang inaasahang makamit batay sa Treaty of Versailles ng 1919 at sa iba pang mga kasunduang nilagdaan ng mga bansang Europeo. Sa halip, nasaksihan ang isa pang digmaan na itinuturing na pinakamapangwasak na digmaan sa kasaysayan ng sangkatuhan- ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na naganap noong 1939 hanggang 1945.


Mga Mahalagang Kaganapan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig 

Pagsalakay sa Poland. Bukod sa Austria at Czechoslovakia sinalakay din ng hukbo ni Hitler ang Poland noong Setyembre 1, 1939 upang gawing teritoryo. Isinagawa ng Germany ang blitzkrieg o lightning war, ang estratehiyang militar na ginagamitan ng mabibilis na eroplano at tangke na sinundan ng puwersa ng mga sundalo sa kanilang pagsalakay. Ito ay nagresulta ng pagbagsak ng Warsaw, ang kabisera ng Poland. Ang pagsalakay na ito ng Germany sa Poland ang nagpasimula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nang mabatid ito ng Britain at France, sila ay nagpahayag ng pakikidigma sa Germany noong Setyembre 3, 1939. Ang magkabilang panig na naglaban ay ang Axis Powers na pinangungunahan ng Germany, Italy at Japan laban sa Allied o Allies Powers na kinabibilangan ng Great Britain at France.

Ang Digmaan sa Europe. Sa kanlurang Europe, ang mga hukbong Pranses at Ingles ang nag-abang sa likod ng Maginot Line, (isang hanay ng mga moog na pangdepensa sa hangganan ng France at Germany) kung saan hinihintay nila ang pagsalakay ng Germany, subalit walang naganap na pagsalakay. Tinawag ito na Phony War dahil sa pananahimik ng Europe sa digmaan. Muling naglunsad ng pagsalakay si Hitler sa Denmark at Norway noong Abril 9, 1940. Isinunod nito ang Netherlands, Belgium at Luxembourg. Ito ang naghudyat sa pasimula ng Battle of France at ang pagtatapos ng Phony War. Tuluyang bumagsak ang Paris sa mga Aleman noong Hunyo 22, 1940. 

Sinamantala ng Soviet Union ang digmaan at sinakop ang Finland noong Nobyembre 1939. Sinakop din nito ang Latvia, Lithuania at Estonia gayundin ang Romania.

Labanan sa Hilagang Africa. Tinulungan ng Germany ang Italya laban sa mga British sa digmaang naganap sa Hilagang Africa. Iniutos ni Mussolini ang pagsalakay sa Libya noong Setyembre 1940. Layunin nito na makuha ang Egypt na noon ay kontrolado ng Britain dahil sa Suez Canal. Ang Suez Canal ay ang ruta na dinadaan ng Britain patungo sa mga kolonya nito sa Silangan kaya’t tinawag itong Lifeline of the Empire.

Pananalakay sa Soviet Union. Sa kabila ng kasunduan ng Soviet Union at Germany, nagplano si Hitler na salakayin ang Soviet Union. Bilang paghahanda, sinakop muna ng Germany ang Bulgaria at naminsala sa Greece at Yugoslavia. Sa tulong ng pinagsamang puwersa ng mga sundalo mula sa Italy, Romania at Finland biglaang sinalakay ng Germany ang Soviet Union noong Hunyo 22, 1941, at ito ay tinawag ni Hitler na Operation Barbarossa. 

 Ang United States at ang Digmaan. Ang paglaganap ng pananakop ng Axis Powers, pagkatalo ng mga Allies at pagkabahala sa kalagayan ng demokrasya sa daigdig ang nagdulot sa United States upang mapilitan na makialam sa digmaan. Pinagtibay ng kongreso ang batas na Lend Lease na nagpahintulot sa mga Allies na manghiram o upahan ang mga armas at suplay ng digmaan ng Amerika. Noong Agosto 1941, sina Pangulong Franklin Roosevelt ng America at Winston Churchill ng Inglatera ay nagpulong at lumagda sa Atlantic Charter, isang dokumento na naglalaman ng mga demokratikong prinsipyo na ipinaglalaban sa digmaan. 

Ang Labanan sa Pasipiko. Ang digmaan sa Pacific ay sa pagitan ng mga Allies at Japan na nagpatuloy hanggang Agosto 1945. Nauna nang sinalakay ng Japan ang Korea, Manchuria at ilang bahagi ng China. Sumunod na sinalakay ng Japan ang Guam at pagkaraan ay naglunsad ng pagsalakay sa Pilipinas. Sinalakay din ng Japan ang Hongkong, Malaya, Singapore, Indonesia, Myanmar at naging banta sa Australia. Narating ng Hapon ang tugatog ng tagumpay sa pananakop sa Pasipiko noong 1942 at nagtatag ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.

Habang pinag-uusapan ang kapayapaan sa pagitan ng Amerika at Japan, binomba ng mga eroplanong Hapon ang Pearl Harbor, Hawaii noong Disyembre 7, 1941. Ang pataksil na pagsalakay na ito ay nagpagalit sa mga Amerikano. 


Ang Pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Tagumpay ng Allied sa Europe at Hilagang Africa 

Nagsimula ang pagbawi sa Kanlurang Europe noong Hunyo 6, 1944, nang dumaong ang Allied Powers sa Normandy, France samantalang sa Hilagang Europe ay tinalo naman ng Rusya ang mga hukbong Nazi at nasakop ang Berlin. Habang nilalabanan ni Heneral Montgomery ang mga Nazi sa Egypt, sinalakay naman ni Heneral Dwight Eisenhower ang Morocco at Algeria. Pagkaraan ng matinding labanan noong May 13, 1945 ang Hilagang Africa ay napasakamay ng mga Alyadong bansa. Samantala ang pagkatalo ng mga hukbong Italyano ay nauwi sa pagbagsak ni Mussolini. 


Ang Pagsuko ng Germany

Noong Abril 30, 1945 si Hitler na nagnais mamuno sa daigdig ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbabaril kasama ang kabit nito, si Eva Braun sa isang selda. Ang digmaan sa Europe ay nagtapos noong Mayo 7, 1945 nang si Heneral Alfred Jodl, pinuno ng sandatahang lakas ng Germany ay lumagda sa isang kasunduan ng pagsuko ng Germany sa mga Alyado. Ang Mayo 8, 1945 ay idineklara bilang V-E (Victory in Europe) Day sa United States. Nang matapos ang digmaan sa Europa, ang mga alyado ay nagplano na durugin ang Japan, ang natitira sa puwersang Axis.


Ang Tagumpay sa Pasipiko

Inatake ng puwersang Amerikano at Australian ang mga lugar sa Asia-Pacific na nasakop ng Japan. Noong Agosto 6, 1945, ang United States ay nagbagsak ng bomba atomika sa Hiroshima at nasundan ng pangalawang bomba atomika na ibinagsak sa lungsod ng Nagasaki noong Agosto 9, na nagdulot ng malubhang epekto sa Japan. Hinikayat ni Pangulong Truman ang Japan na sumuko na o makaranas pa ng maraming pambobomba. Ika- 2 ng Setyembre, 1945, nilagdaan ng bansang Hapon ang mga tadhana ng pagsuko sa sasakyang U.S Missouri sa Tokyo Bay. Sumuko ang Japan noong Setyembre 2, 1945 at ito ay tinawag na V-J Day o Victory in Japan. Ito ang pormal na pagwawakas ng digmaan sa Pacific at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Ang Yalta Settlement

Ang naganap na pagpupulong ng tatlong pinuno ng mga bansang nanalo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naganap sa Yalta, bahagi ng Crimea, noong Pebrero 1945. Nagpulong sina Joseph Stalin ng Russia, Winston Churchill ng Great Britain at Franklin Roosevelt ng US upang pagpasyahan ang kapalaran ng Germany. Napagkasunduang ipatupad sa Germany ang disarmament, demilitarization o pagbabawal na magtatag ng sandatahang lakas at dismemberment o paghahati rito. Pagbabayarin din ang Germany ng $20 bilyon bilang bayad-pinsala



GAWAIN:


PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at ikomento ang inyong sagot sa comment section nito. Ilagay din sa inyong notebook ang inyong sagot.

1. Mayroon bang nananatiling epekto sa kasalukuyan ang naganap na digmaan noon? Magbigay ng limang mga bansang mayroong tensyon sa kasalukuyan.

2. Anu-ano ang mga dapat gawin upang maiwasan ang muling pagsiklab ng isa pang digmaan?

3. Ano ang mga masamang epekto ng digmaan? May kaugnayan ba ang mga naganap na digmaan noon sa kasalukuyang panahon? Ano ang kaugnayan nito sa kasalukuyan?

4. Bilang mag-aaral ngayon, sakaling maging lider ka sa hinaharap, paano mo haharapin ang tensyon sa West Philippine Sea?


REFERENCE

Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9IlrUF79g86oAmIlXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZAMEc2VjA3BpdnM-?p=ikalawang+digmaang+pandaigdig&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DuRoGL9g.DQAJAxXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZAMEc2VjA3BpdnM-?p=allied+vs+axis+powers&fr2=piv-web&fr=mcafee


Sunday, April 24, 2022

SEASON 2: AP8-Q4-WEEK1- UNANG DIGMAAN PANDAIGDIG: JOURNAL #1

 


JOURNAL #1:


"ANG MGA NAGAWA KONG BAGAY 

NA NAGDULOT NG HINDI PAGKAKASUNDO 

O PAGKAKAINTINDIHAN NG IBA"

SEASON 2: AP8-Q4-WEEK1-2: UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

 

 AP8-Q4-WEEK1-2: UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

MELC/Kasanayan

Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.Code: AP8AKD-IVa-1


BALIK-ARAL

      Sa nagdaang aralin, tinalakay ko ang mga pangyayari na may kaugnayan sa renaissance, unang yugto ng kolonyalismo, rebolusyong siyentipiko, industriyal at enlightenment, rebolusyong amerikano, rebolusyong pranses, si Napoleon Bonaparte, at ang ikalawang yugto ng kolonyalismong kanluranin.

    Ngayon naman ay tatalakayin natin ang mga pangyayari na nagbunsod sa Unang digmaang pandaigdig.


Paksa: Mga Dahilan na Nagbigay Daan sa Pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig

    Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay ang unang malawakang digmaan na nagsimula noong 1914 at nagwakas noong 1918. Ito rin ay tinawag na unang makabagong digmaan sa kasaysayan dahil dito ginamit ang mga naimbentong mga kagamitan gaya ng machine guns, poison gas, eroplanong pandigma, submarine at mga tangke. May tatlumpu’t dalawang bansa sa limang kontinente ang sumali sa digmaang ito hanggang sa pagwawakas nito. Napakalaki nang naging epekto ng digmaan sa pangkabuhayang aspeto ng Europa at higit sa lahat ay kumitil ito ng napakaraming buhay. Binago ng digmaang ito ang mapa ng buong Europa. 



Narito ang mga dahilan na nagbigay daan sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig:

1. Imperyalismo – Ang kompetisyon sa pag-aagawan ng mga kolonya sa Africa at Asya sa pagitan ng mga industriyal na bansa sa Europa ang nagpalalim sa tunggalian at kawalan ng tiwala ng mga bansa nito sa isa’t isa. Nag-uunahan ang mga makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at Asia. Ito ay lumikha ng samaan ng loob at pag-aalitan ng mga bansa. Halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

- Pagsalungat ng Britanya sa pag-angkin ng Germany sa Tanganyika (East Africa) sapagkat balakid ito sa balak na maglagay ng transportasyong riles mula sa Cape Colony patungong Cairo. 

- Pagtangka ng Germany na hadlangan ang pagtatatag ng French Protectorate sa Morocco dahil naiingit ito sa mga tagumpay ng France sa Hilagang Africa. 

- Pagkabahala ng England sa pagtatatag ng Berlin-Baghdad Railway dahil ito ay tila panganib sa ugnayan patungong India.

- Pagsalungat ng Serbia at Russia sa pagpapalawak ng hangganan ng Austria sa Balkan

- Pagiging kalaban ng Germany ang Great Britain at Japan sa pagsakop sa China

- Hindi natuwa ang Italy at ang Germany sa pagkakahati-hati ng Africa sapagkat malaki ang nasakop ng England at France habang maliit lamang ang sa kanila.

2. Militarismo – Kinailangan ng mga bansa sa Europa ang mga naglalakihang hukbong sandatahan sa lupa, karagatan at himpapawid upang pangalagaan ang kanilang mga teritoryo. Ang pagpaparami ng mga armas upang mahigitan ang ibang bansa ay nagpakita ng pagpili sa digmaan kaysa sa diplomasiya. Naging ugat ito upang maghinala at magmatyag ang mga karatig bansa. Sinimulang magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany na ipinagpalagay naman ng England na ito ay paghamon sa kanilang kapangyarihan bilang Reyna ng Karagatan.

3. Nasyonalismo – ang masidhing pagmamahal sa sariling bayan ay may kaakibat na positibo at negatibong epekto. Ito ay nakapaghahatid ng pagkakaisa o di kaya’y pagkakahati-hati. Ito ay isa sa mga dahilan at nagdulot ng di pagkakaunawaan ng mga bansa. Nang ito ay lumabis at naging panatikong pagmamahal sa sariling bansa, naging masidhi ang paniniwala ng mga bansa sa Europa na karapatan nilang pangalagaan ang mga kalahi nila at mamuhi sa mga bansang namumuno sa kanila. Halimbawa ay ang mga sumusunod:

- Ang aristokrasyang militar ng Germany, ang mga Junker, ay naniniwalang sila ang nangungunang lahi sa Europa. 

- Pagkamuhi ng mga Serbian dahil sa mahigpit na pamamahala ng Austria.

- Pagkakaroon ng Greek Orthodox na relihiyon sa maraming estado ng Balkan, at ang pananalita ay tulad ng mga Ruso kaya’t nakialam ang Russia sa Balkan.

4. Pagbuo ng Alyansa – dahil sa inggit, hinala at mga pangamba ng mga makapangyarihang bansa sa Europa, nabuo ang dalawang magkasalungat na alyansa. Ang mga alyansang ito ay ang Triple Entente at ang Triple Alliance. 

Ang Triple Entente ay binubuo ng mga sumusunod na bansa:

France

Britain

Russia

Ang Triple Alliance naman ay binubuo ng mga sumusunod na bansa:

Germany

Austria-Hungary

Italy 

Sa ilalim ng pagkakaroon ng mga alyansa, ang bawat kasapi ay magtutulungan kung mailalagay sa kaguluhan at mga tangkang pagsalakay sa kanilang bansa.

Pagsisimula at Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig

    Ang mga pangunahing pangyayari sa Europa na maituturing na pangunahing nakaapekto sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang krisis sa Bosnia noong 1908. Pinamahalaan ng Austria ang Bosnia Herzegovina noong 1908 tutol dito ang Serbia dahil nais nilang pamahalaan ang Bosnia-Herzegovina. Ang Russia ay handang tumulong sa Serbia dahil sa kanyang interes na mapasok ang Balkan Peninsula. Nakahanda namang lumaban ang Austria Hungary sa Serbia.

    Noong Hunyo 28, 1914 pinatay si Archduke Franz Ferdinand (tagapagmana ng trono ng Austria Hungary) at ang asawa nitong si Sophie habang sila ay naglilibot sa Saravejo, Bosnia Herzogovina. Ang salarin ay si Gavrilo Princip isang 19 na taong gulang na Serbian na kasapi sa Black Hand, isang lihim na organisasyong na naghahangad na tapusin ang pamumuno ng Austria-Hungary sa Bosnia Herzegovina. Dahil sa pangyayaring ito nagbigay ng ultimatum ang Austria-Hungary sa Serbia kabilang na dito ang pagiging bahagi ng mga opisyal ng Austria sa imbestigasyon ng pagpaslang ngunit di sumang-ayon ang Serbia. Noong Hulyo 28, 1914, nagdeklara ng digmaan ang Austria-Hungary laban sa Serbia. Ito na ang simula ng Unang Digmaang Pandaigdig. Dito na rin nakita ang reaksyon ng sistema ng alyansa ng mga bansa.Sinuportahan ng Russia ang Serbia. Inisip ng Russia na ang Germany ang nagtulak sa Austria-Hungary upang makipagdigma sa Serbia kayat agad itong nagpadala ng hukbo sa hangganan ng Germany. Bilang reaksyon ay nagdeklara ang Germany ng digmaan sa Russia noong Agosto 1, 1914. Batid ng Germany na tutulong ang France sa Russia kung kayat nagdeklara din ito ng digmaan sa France pagkalipas ng dalawang araw. Nagpasya naman ang Italy na maging neutral o walang kinikilingan. Sa labanang ito ay naging kalaban ng Germany ang France sa kanluran at Russia sa silangan. Ginamit ng Germany ang Schlieffen Plan na naglalayong talunin ang France sa loob ng anim na linggo matapos nito ay isusunod nila ang Russia. Dumaan sa Belgium (bansang neutral) ang Germany na ikinagalit ng Great Britain kayat nagdeklara ito ng digmaan sa Germany noong Agosto 4 at tinulungan ang Belgium at France. Nahati ang mga makapangyarihang bansa sa Europe na nasangkot sa digmaan. Ang Allied Powers na kinabibilangan ng Great Britain, France at Russia. Tinawag namang Central Powers ang Germany at Austria Hungary. Sa kalaunan ay sumali ang Japan at Italy sa Allied at ang Turkey at Bulgaria sa panig naman ng Central Powers.

Digmaan sa Kanluran

    Naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig. Saklaw nito ang France, Switzerland at Belgium hanggang sa North Sea.

    Ang Hilagang France ay napasok ng hukbo ng Germany at nakalaban ang mga sundalong Pranses at British. Dumepensa ng mabilis ang Russia sa silangan ng halos makalapit na sa Paris ang mga Aleman. Nahati ang hukbo ng Germany kung kayat sila ay nabigong maisakatuparan ang Schlieffen Plan dahil naging mabagal at matindi ang labanan sa pagitan ng dalawang panig. Gumamit ng mga sandata tulad ng machine gun at poison gas. Maraming sundalo ang namatay sa labanang ito.

Digmaan sa Silangan

    Ang digmaang ito ay mula sa Baltic Sea hanggang sa Black Sea. Naglunsad ang Russia ng pagsalakay sa Germany. Pinamunuan ito ni Czar Nicholas II. Natalo ang hukbong Russia sa Labanan sa Tannenberg. Itinuturing itong pangunahing tagumpay ng Central Powers. Nagtagumpay naman ang hukbong Russia sa Galicia ngunit di rin nagtagal ang kanilang tagumpay. Pinahirapan sila ng mga German sa Poland at tuluyang humina at kalaunan ay bumagsak ang hukbong sandatahan ng Russia. Naging sunod-sunod ang pagkabigo ng Russia sa mga labanan. Ito ang may pinakamaraming bilang ng mga sundalong nasawi, nasugatan at nabihag na umabot sa 5.5 milyon. Naging bigo ang Russia sa mga digmaan at bumagsak din ang kanilang ekonomiya na naging dahilan ng kawalan ng tiwala ng tao sa pamumuno ni Czar Nicholas II. Siya ay bumaba sa trono noong Marso 15, 1917 na nagtapos sa Dinastiyang Romanov at ang pagsilang naman ng Komunismo sa Russia. Nakipagkasundo si Vladimir Lenin sa ilalim ng pamahalaang Bolshevik sa Germany sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty of Brest-Litovsk. Naging kasapi ang Russia ng Central Powers at iniwan niya ang mga Alyado.

Labanan sa Labas ng Europe

    Nagnais ang mga Allies na makabawi sa Central Powers kaya’t gumawa sila ng hakbang upang makuha ang Dardanelles Strait na noon ay nasa ilalim ng Imperyong Ottoman. Tinawag itong Gallipoli Campaign subalit hindi naging matagumpay ang Allied Powers sa madugong labanang ito na ikinasawi ng tinatayang 250,000 nilang sundalo. May naganap ding labanan sa Timog Kanlurang Asya, dito natamo ng Allies ang kanilang tagumpay nang makuha nila ang Baghdad, Jerusalem at Damascus. Nagdeklara din ng digmaan ang Japan laban sa Germany at naagaw nito ang mga napasakamay naman ng France at Britain.

Digmaan sa Karagatan

    Nagkasubukang muli ang pwersa ng Germany at Britain sa Atlantic. Dinala ng Germany ang kaniyang hukbong dagat na tinawag na High Seas Fleet sa North Sea upang palubugin ang mga barko ng Britain. Ngunit ikinagulat ng mga Aleman ang naging pag- atake ng British sa baybayin ng Denmark na naging dahilan ng pag-atras ng Germany. Sa labanang ito ay maraming barko ng Britain ang lumubog kaya’t naging patas lamang ang labanan. Ang Atlantic ay nanatili pa ring kontrolado ng mga Allies.

Pagsali ng United States sa Digmaan

    Hinarang ng Germany ang mga barkong nakapaligid at patungo sa Britain. Noong Mayo 7, 1915 isang U Boat ang nagpalubog sa Lusitania, pampasaherong barko ng Britain na may sakay ding mga Amerikano. Tinatayang 1,198 katao ang namatay kabilang na ang mga pasaherong Amerikano. Isa pang pangyayari na nagtulak sa US na makibahagi sa digmaan ay nang magpadala ng telegrama ang Germany sa Mexico na sumali sa digmaan kapalit ng pangakong muling ibabalik ang mga dati nilang teritoryo na nasa ilalim ng Estados Unidos. Naging dahilan ito ng pagpasya ng United States na magdeklara ng digmaan. noong Abril 2, 1917 sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Woodrow Wilson.

    Patuloy ang ginawang paglusob ng Germany sa France at narating nila ang Ilog Marne noong Mayo 1918. Nagpadala ang US ng 2 milyong sundalo upang tumulong sa labanan. Napagtagumpayan ng mga Allies ang labanang ito. Dahil sa patuloy na paghina ng pwersa ng Germany ay bumaba sa pamumuno si Kaiser Wilhelm II noong Nobyembre 9, 1918. Nilagdaan ng bagong pinuno ang armistice noong Nobyembre 11, 1918 sa isang railway car sa Le Francport malapit sa Paris.


Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig

1. Napakalaki ng pinsala na naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-arian Tinatayang 8.5 milyong katao ang namatay at 22,000,000 ang nasugatan. Marami ang namatay sa gutom, sakit at paghihirap.

2. Maraming ari-arian ang nasira. Naantala ang kalakalan. Nawasak din ang mga imprastraktura, tahanan at mga lupang pansakahan. Napakalaki ng nagastos sa digmaan na umabot sa 200 bilyong dolyar. Kung kaya’t humina ang lipunan at kabuhayan.

3. Nagwakas ang apat na dinastiya: ang Hohenzollern ng Germany, Hapsburg ng Austria- Hungary, Romanov ng Russia at Ottoman ng Turkey.

4. Pagtatag ng malayang bansa- naging malayang bansa ang Finland, Latvia, Lithuania, Estonia, Yugoslavia at Albania. 


Mga Kasunduang Pangkapayapaan

        Sa pagnanais na wakasan na ang digmaan upang maibangon at maitaguyod ang Europe, naglunsad ng Peace Conference ang 32 bansa noong Enero 18, 1919 sa Paris. Namuno sa kasunduang ito ang mga nagwaging bansa at hindi pinayagang dumalo ang mga natalong bansa. Tinawag na Big Four ang mga nanguna sa pagbuo ng kasunduan. Ito ay sina Woodrow Wilson ng Estados Unidos, David Lloyd George ng Great Britain, George Clemenceau ng France at Vittorio Orlando ng Italy.

    Binalangkas ni Pangulong Woodrow Wilson ang Labing Apat na Puntos na naglalayon ng pangmatagalang kapayapaan. Kabilang sa napagkasunduan ay ang mga sumusunod:

1. Ang kasunduan na nagaganap ay dapat ipaalam sa lahat.

2. Magkaroon ng kalayaan at karapatan sa digmaan.

3. Kinakailangang tanggalin ang buwis para sa ikabubuti ng ekonomiya.

4. Kinakailangang bawasan ang sandatahan o lakas pandigma.

5. Dapat na walang kinikilingan sa mga suliranin na pangkolonya.

6. Pagnanais na magbigay ng kalayaan sa bansang Russia.

7. Pagnanais na magbigay ng kalayaan sa bansang Belgium.

8. Kagustuhan na maibalik ang Alsace-lorraine sa bansang Pransya.

9. Kailangang magkaroon ng maayos na hangganan ang bansang Italya.

10.Kagustuhan na magkaroon ng determinasyon ang mga nakatira sa Austria–Hungary.

11.Bigyan ng pagkakataon na makapagsarili ang mga bansang Balkan.

12.Bigyan ng kalayaan ang bansang Turkey sa kamay ng mga mananakop.

13.Bigyan ng kalayaan ang bansang Poland.

14.Pagtatag ng Liga ng mga Bansa.

    Makalipas ang anim na buwan ay nilagdaan naman ang Treaty of Versailles noong Hunyo 28, 1919 na opisyal na nagwakas ng Unang Digmaang Pandaigdig. Sa kasunduang ito ay nakasaad ang mga sumusunod: pagbalik sa France ng Alsace at Lorraine, pagsuko ng Germany sa lahat ng kolonya nito sa Africa at Asia, pagbabawal sa Germany na bumili at lumikha ng mga armas pandigma, pagbabayad ng Germany sa Allies ng 33 bilyong dolyar sa loob ng 30 taon. Ipinataw ng Allies ang responsibilidad ng digmaan sa Germany at mga kaalyado nito.

Ang Liga ng mga Bansa

 Itinatag ito sa layuning maiwasan ang anomang alitan sa pagitan ng mga bansa na maaaring maging dahilan muli ng digmaan. Layunin din nitong ayusin sa mapayapang paraan ang di pagkakaunawaan ng mga kasaping bansa, mapalaganap ang pandaigdigang pagtutulungan, lumakas ang kooperasyon ng mga bansa lalo na sa usaping pangkalakalan. Hindi inaprubahan ng Kongreso ng Estados Unidos ang pagsali ng kanilang bansa sa Liga. Nag-umpisa ang samahan na mayroong 42 lamang na bansang kasapi. Matapos ang ilan pang mga taon, umakyat ang bilang ng mga bansang kasapi nito sa 59. Ang Great Britain at France ang pangunahing bansang gumabay sa pagtatayo ng polisiya ng mga Liga ng mga Bansa. Ang Italy at Japan ang tumayong Konseho ng samahan. Ang mga ilan sa nagawa ng Liga ng mga Bansa ay ang pagpigil ng maliliit na digmaan sa pagitan ng Finland at Sweden noong 1920, Bulgaria at Greece noong 1925 at Colombia at Peru noong 1934. Namahala din ito sa rehabilitasyon ng mga sundalo pagkatapos ng digmaan. Nagsimula na itong manghina nang tumiwalag ang Japan dahil sa pananakop nito sa Manchuria na teritoryo ng China. Maging ang paglimita sa mga sandata ng mga bansa ay hindi sinunod ng ilang kasapi sa pangambang madali silang matatalo kung sakaling lusubin sila ng kalabang bansa.


TANDAAN!

 May apat na dahilan ang pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig: Militarismo, Nasyonalismo, Imperyalismo at Pagtatatag ng mga Alyansa. 

 Nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig noong Hulyo 27, 1914 hanggang Nobyembre 11, 1918.

 May dalawang alyansang nabuo mula sa pagkakampi kampihan ng mga bansa sa Europa. Ito ay ang Triple Entente at Triple Alliance.

 Ang mga bansa sa alyansang Triple Entente ay ang France, Britain, Russia. 

 Ang mga bansa sa alyansang Triple Alliance ay ang Germany, Austria-Hungary, Italy.

 Inggit, hinala at pangamba ay mga makapangyarihang emosyon na nangibabaw sa mga bansa sa Europa kaya humantong sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ang mga bansa nito. 

 Ang pangmadaliang dahilan ng pagsiklab ng digmaan ay ang pagsiklab ng labanan sa Balkan at ang pataksil na pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand.

 Magkalabang pangkat sa digmaan ang Central Powers na binubuo ng Germany, Austria-Hungary, Bulgaria at Imperyong Ottoman at ang Allied Powers na kinabibilangan ng Great Britain, Russia at France.

 Napilitang lumagda sa Treaty of Versailles ang Germany na opisyal na pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.  Ang pagkakabuo ng Liga ng mga Bansa ay naglalayon na isulong ang kapayapaan at pagtutulungan ng mga bansa.

 Ang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagkamatay ng milyong katao sanhi ng gutom, sakit at paghihirap. Maraming imprastraktura at ari￾arian ang nasira na nagdulot ngpaghina ng lipunan at kabuhayan. 


GAWAIN:

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Ikomento ang inyong sagot sa comment section. Isulat din ang inyong sagot sa inyong notebook.

1. Ano ang naging hudyat ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?

2. Bakit di nagtagumpay ang Schliffen Plan ng Germany?

3. Bakit napilitan na makisangkot ang United States sa digmaan?

4. Ano-ano ang mga hakbang na isinagawa ng mga pinuno ng bansa upang wakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig?

5. Sa iyong palagay, makatwiran ba ang di pagpapahintulot sa mga natalong bansa na maging kabahagi sa paglulunsad ng Peace Conference?

6. Ano-ano ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig?


REFERENCE

Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DsuzXbJgBG4AeTxXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZAMEc2VjA3BpdnM-?p=UNANG+DIGMAANG+PANDAIGDIG&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://www.twinkl.com/illustration/1914-alliances-colour-map-countries-europe-first-world-war-history-secondary-

https://www.twinkl.com/illustration/1914-alliances-colour-map-countries-europe-first-world-war-history-secondary-black-and-white


Sunday, January 2, 2022

AP8-Q2-WEEK5: GITNANG PANAHON SA EUROPA: HOLY ROMAN EMPIRE, PIYUDALISMO / SEASON 2

 

AP8-Q2-WEEK5-KECPHD: GITNANG PANAHON SA EUROPA: HOLY ROMAN EMPIRE, PIYUDALISMO


GITNANG PANAHON SA EUROPA: HOLY ROMAN EMPIRE, PIYUDALISMO 

*Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon

• Ekonomiya (Manoryalismo) Sosyo-kultural (Paglakas ng Simbahang Katoliko, Krusada)


MEDIEVAL PERIOD O GITNANG PANAHON: 

PART II

ANG KRUSADA AT PIYUDALISMO

 

BALIK-ARAL:

 Sa huling lesson, tinalakay namin ang daigdig sa panahon ng transisyon.... Ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Gitnang panahon partikular na ang Holy Roman Empire, Kapapahan, at Mga Monghe.

Ngayong part II, pag-uusapan natin ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa panahong Medieval o gitnang panahon, partikular na ang Krusada at Piyudalismo.


PART II

    Sa Panahong Medieval, unti-unting namayagpag ang Simbahang Katoliko. Nagsimulang maging Kristiyano ang mga tao sa Europa, subalit nang bumagsak ang “Holy Roman Empire”, nawalan ng malakas na pinuno ang imperyo. Sa kabilang dako ay nagpapalawak din ng imperyo ang mga Muslim. Nakuha ng mga Muslim ang Jerusalem.Bunsod nito, nanawagan ang Papa ng paglulunsad ng mga Krusada.

 


ANG KRUSADA

    Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang; at kalayaang pumili ng “fief” mula sa lupa na kanilang masakop.

 

Unang Krusada

    Ang unang Krusada ay binuo ng mga 3000 kabalyero at 12000 na mandirigma sa pamumuno ng Prinsipe at mga Pranses na nabibilang sa “nobility”. Matagumpay na nabawi ng grupong ito ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem, maraming Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mga limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim.

 

Ikalawang Krusada

    Sa paghihikayat ni St Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VIIng France at Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan anggrupong ito sa pagpunta sa Silangan at ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ngDamascus. Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europe ay nalunod na si Frederick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni Richard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno ng mga Turko. Sa kahulihulihan nagkasundo silang itigil ang labanan. Sa loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem. Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin.

 

Krusada ng mga Bata

    Noong 1212 isang labin dalawang taong French na ang pangalan ay Stephenay naniwala na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng krusada. Libong mga bata angsumunod sa kaniya ngunit karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria.

 

Ikaapat na Krusada

    Ang ikaapat na Krusada na inulunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kaya sila ay idineklarang “excomunicado”. Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga krusador hanggang sa Constantinople kungsaan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa Constantinople at naibalik ang imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng Krusada.

 

Iba pang Krusada

    Nagkaroon ng iba pang Krusada noong 1219, 1224, 1228 ngunit lahat ng mga ito ay naging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land.Sa kabuuan, ang mga Krusada ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang lupain.

 

Resulta ng Krusada

    Kung mayroon mang magandang naidulot ang Krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristiyano ay napayaman din. Sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga sumama sa gawaing ito. Hindi pagmamalasakit sa simbahan ang naging dahilan sapagsama sa banal na laban na ito kundi ang pagkakataong makapaglakbay at mangalakal.

 

    Ang salitang “Crusade” ay nagmula sa salitang Latin na “crux” na nangangahulugang “cross”. Ang mga Krusador ay taglay ang simbolo ng Krus sa kanilang kasuotan. Ib

 

 


 Ang Piyudalismo

     Mula sa ikasiyam hanggang ika-14 na siglo, ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe ay lupa. Kinakailangang pangalagaan ang pagmamay-ari ng lupa.Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari.

     Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang lahat ng kaniyang lupain, ibinabahagi ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong bughaw. Ang mga dugong bughaw na ito ay nagiging vassal ng hari. Ang hari ay isang lord o panginoong may lupa. Ang iba pang katawagan sa lord ay liege o suzerain. Samantala, ang lupang ipinagkakaloob sa vassal ay tinatawag na fief.Ang vassal ay isa ring lord dahil siya ay may-ari ng lupa. Ang kaniyang vassal ay maaaring isa ring dugong bughaw.

     Ang homage ay isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kanyang kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magiging tapat na tauhan nito. Bilang pagtanggap ng lord sa vassal, isinasagawa ang investiture o seremonya kung saan binibigyan ng lord ang vassal ng fief.

     Kadalasang isang tingkal ng lupa ang ibinibigay ng lord sa vassal bilang sagisag ng ipinagkaloob na fief. Ang tawag sa sumpang ito ay oath of fealty.

     Kapag naisagawa na ng lord at vassal ang oath of fealty sa isa’t isa, gagampanan na nila ang mga tungkuling nakapaloob sa kasunduan. Tungkulin ng lord na suportahan ang pangangailangan ng vassal sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fief. Tungkulin din niya na ipagtanggol ang vassal laban sa mga mananalakay o masasamang-loob at maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga alitan. Bilang kapalit, ang pangunahing tungkulin ng vassal ay magkaloob ng serbisyong pangmilitar .

     Tungkulin din ng vassal na magbigay ng ilang kaukulang pagbabayad tulad ng ransom o pantubos kung mabihag ang lord sa digmaan. Kailangan din niyang tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi para sa dowry ng panganay na dalaga ng lord at para sa gastusin ng seremonya ng pagiging knight ng panganay na lalaki ng lord. Ang knight ay isang mandirigmang nakasakay sa kabayo at nanumpa ng katapatan sa kaniyang lord.

 

Ang Pagtatag ng Piyudalismo

    Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga lokal na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlikha katulad ng mga konde at duke.

     Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim. Sinalakay nila ang iba’t ibang panig ng Europa lalo na sa bandang France. Ang mga Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang France kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag na Normandy.

     Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo.

     Isang magandang alaala ng Piyudalismo ang sistemang kabalyero (knighthood). Kinapapalooban ang kodigo ng kagandahang asal ng mga kabalyero (chivalry) ng katapangan, kahinahunan, pagiging marangal at maginoo lalo na sa kaibigan. Nagpapalaganap din ng mga saloobing Kristiyano ang sistemang kabalyero tulad ng pagtatanggol sa mga naaapi at paggalang sa kababaihan. Banal at isang propesyon na pinagpala ng simbahan ang pagiging kabalyero. Kalakip nito ang tungkuling ipagtanggol at itaguyod ang Kristiyanismo.

 

Lipunan sa Panahong Piyudalismo

    Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Piyudalismo- ang mga Maharlika o Noble, klerigo o matataas na opisyal ng simbahan at mga pari at mga alipin (serf)

    Mga Pari. Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sektor ng lipunan sapagkat hindi namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring magasawa. Maaaring manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika, manggagawa at mga alipin.

  Mga Kabalyero. Noong panahon ng kaguluhan kasunod ng pagkamatay ni Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang loob na maglingkod sa mga hari at sa mga may-ari ng lupa upang iligtas ang mga ito sa mga mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang paggamit ng salapi, ang magigiting na sundalo o kabalyero ang pinagkalooban ng mga kapirasong lupa bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. Ang mga kabalyero ang unang uri ng mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, na maaaring magpamana ng kanilang lupain. Mga Serf. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon nang walang bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao.Makapag-aasawa lamang ang isang serfsa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng kaniyang gamit, pati na ang kaniyang mga anak, ay itinuturing na pagaari ng panginoon. Wala silang maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang panginoon.

 

Pagsasaka: Batayan ng Sistemang Manor

    Ang Sistemang Manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito. Ang isang fief ay binubuo ng maraming manor na nakahiwalay sa isa’t isa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang pamayanan (village) kung saan ang mga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka sa manor. Sa kabilang dako ang kanilang panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng pagsasaka samanor na kaniyang magiging kayamanan.

    Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang pinakapusod ng isang manor. Maaari ring ang bahay sa manor ay isang malaking nababakurang gusali o kaya ay palasyo. Ang lupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa paggagamitan nito. Kumpleto sa mga kakailanganin ng magsasaka ang mga gamit sa manor. Para sa mga naninirahan doon,ang mga pangangailangan nila ay napapaloob na sa manor.

    Nandiyan ang kamalig, kiskisan, panaderya, at kuwadra ng panginoon. Mayroon ding simbahan, pandayan, at pastulan. Kung maibigan ng panginoon, ang mga kaparangan at kagubatan ay kaniyang hinahati ngunit nagiiwan siya ng pastulan na maaaring gamitin ng lahat.

     Ang manor ay isang malaking lupang sinasaka. Ang malaking bahagi ng lupain na umaabot ng 1/3 hanggang ½ ng kabuuang lupang sakahan ng manor ay pag-aari ng lord at ilan lamang sa mga magsasaka ang nagmamay-ari ng lupa.

 

Paglago ng mga Bayan

    Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga bagong teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito, tumaas ang ani kaya nagkaroon ng magandang uri ng pamumuhay ang mga tao. Nakatulong din nang malaki ang pagsasaayos ng mga kalsada upang mapadali ang pagdala at pagbili ng mga produktong agrikultural. Marami ang nanirahan sa mga lugar na malapit sa pangunahing daan.

 

Paggamit ng Salapi

    Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ang sistema ng kalakalan ay palitan ng produkto o barter. Dinadala ng mga magbubukid o kaya ng “serf” ang mga produktong bukid o produktong gawa sa bahay sa mga lokal na pamilihan. Dito nagpapalitan ng produkto ang mga tao. Ang lokal na pamilihan ay nagaganap lamang bawat linggo sa malalawak na lugar malapit sa palasyo o simbahan.

     Sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar na ang sumali, naisip ng panginoong piyudal na magtatag ng taunang perya. Dito sa peryang ito nagkatagpo-tagpo ang mga mangangalakal. Sa peryang ito kumikita ang panginoong piyudal dahil siya ay naniningil ng buwis at multa dito.

     Dito sa peryang ito nakita ang paggamit ng salapi ngunit iba-iba ang kanilang salaping barya. Dahil dito, nagsulputan ang mga namamalit ng salapi (money changer), na sa maliit na halaga ay namamalit ng iba’t ibang barya. Sa pagpapalit ng salaping ito nasabing nagsimula ang pagbabangko.

     Natuklasan ng ilang mangangalakal na hindi delikado ang mag-iwan ng malalakinghalaga sa mga namamalit ng salapi. Ang salaping ito ay ipinauutang din nang may tubo. Ang isang mangangalakal ay maaari ring magdeposito ng salapi sa isang lungsod at bibigyan siya ng resibo. Itong dineposito niya ay maaari niyang kolektahin sa ibanglungsod. Sa ganitong paraan naging ligtas ang paglipat ng salapi.

     Ang sistemang ito ng pagpapautang at pagbabangko ay nalinang sa hilagang Italya. Ang paggamit ng pera ay nakatulong sa paglalapit ng mga tao buhat sa iba’tibang lugar.

 


Ang Paglitaw ng Burgis

    Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at paglawak ng mga bayan, isangmakapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Sila ay tinatawag na burgis (men of burg o burgers o bourgeoisie). Ang interes ng grupong ito ay nasa kalakalan. Ang mataas na uri ng bourgeoisie ay ang mauunlad na negosyante at mga bangkero. Ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa magagaling na unibersidad. Ang mgabourgeoisie ay ang nagiging gitnang uri at mababa ang pagtingin sa kanila ng panginoong piyudal dahil sa sila ay mga bagong yaman lamang.

     Ang mga burgis ay patuloy na umiral at sila ang nagtaguyod ng sining at nakalinang ng sariling uri ng pagkamaharlika. Mababa rin ang pagtingin nila sa mgadalubhasang manggagawa kaya nagkaroon ng pag-uuri ng tao sa lipunan batay sa yaman at hindi na sa angkan.

     Ang bayan sa panahong ito ay tinatawag na burgh. Ang mga taong nagtayo ng kanilang tirahan dito ay karaniwang tinatawag naburgher. Sa France, ang mga burgher ay kolektibong tinatawag na bourgeoisie.

     Ang mga burgher ay kakaiba sa tradisyunal na paghahati ng lipunan batay sa kanilang ginagawa. Hindi sila lordna may ari ng lupa at nakikidigma. Iba rin sila sa pari na nagdarasal at sa magbubukid na nagtatanim. Ang mga naninirahan sa bayan ay nagkakaloob ng produkto at serbisyo na ikinakalakal. Habang dumarami ang kalakal nila, yumayaman sila at umuunlad ang kanilang pamumuhay. Ang mga mangangalakal at artisan na ito ay bumuo ng bagong pangkat sa lipunan, ang gitnang uri o “middle class”. Sa bayan maaaring umangat ang pangkaraniwang tao sa lipunan. Yaman at hindi kapanganakan ang batayan ng pagkakakilanlan. Kadalasan, higit na mayaman pa ang mga mangangalakal kaysa mga dugong bughaw.

  

Ang Guild System

    Marami sa mga naninirahan sa bayan ay sumali sa guild. Ang guild sa samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay.

 



Ang Merchant Guild

    Ang mga unang guild ay binalangkas ng mga mangangalakal. Nagpatayo sila ng mga bulwagang pinagdarausan ng pulong tungkol sa mga detalyeng kanilang negosyo. Kontrolado ng guild ng mga mangangalakal ang lahat ng kalakalan sa bayan. Maaari rin nilang hadlangan ang mga dayong mangangalakal sa pagnenegosyo sa kanilang bayan. Dahil sa kanilang yaman, lubhang naging mahalaga ang mga merchant guild o guild ng mga mangangalakal sa pamahalaang bayan. Hinikayat ng mga merchant guild ang pagkakaroon ng sistema ng kalinisan at pagpapagawa ng mga kanal para sa dumi. Sinikap nila na magkaroon ng iisang batayan ng timbang at panukat na maaaring gamitin ng lahat. Minsan, ginagampanan nila ang papel bilang mga pulis na naglalaan ng proteksyon. Maaari rin nilang impluwensiyahan ang mga lord na alisin ang toll o bayad ng mga daan sa mga lupain nito.

 


Ang Craft Guild

    Nang lumaki ang mga bayan, ang mga artisan ay nagtatag ng sariling guild. Ang bawat craft o kasanayan ay may sariling guild. Halimbawa, ang mga karpintero, barbero, panadero, sastre, at iba pang hanapbuhay ay may sariling guild. Ang sinumang hindi kasapi sa isang guild ay hindi maaaring gumawa ng produkto na ginagawa ng nasabing guild.

 

 

GAWAIN

    Panuto: Ibigay ang mga kontribusyon ng mga sumusunod at patunayan ito. Isulat ang sagot sa inyong notebook at ikomento rin sa ibaba.

 

1. Krusada

2. Pyudalismo

3. Burgis

4. Merchant Guild

5. Craft Guild

 

 

REFERENCE: 

Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang AKlat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et. al. pahina 141-144

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrT4R.pNhRgnpwAjmiJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANFaE1lVmpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3SV9NVEV3TGdBQUFBQnZHVExJBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDMHp4U0FWSUlTczJuRlZtLnQzRnJSQQRuX3N1Z2cDMARvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMzEEcXVlcnkDQlVSR0lTJTIwU0ElMjBHSVROQU5HJTIwUEFOQUhPTgR0X3N0bXADMTYxMTkzNzQ2MQ--?p=BURGIS+SA+GITNANG+PANAHON&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Ilw1NhRgG2UA4tNXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PIYUDALISMO&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Lta9NRRgQtgAFHeJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANvcVY1UURFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3S0tNVEV3TGdBQUFBQmcuNWswBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDamJtSmQ5N01SYnEzMUtmbGJLYTRsQQRuX3N1Z2cDMQRvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMTYEcXVlcnkDUEFQQSUyMExFTyUyMElJSQR0X3N0bXADMTYxMTkzNzI4OA--?p=PAPA+LEO+III&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9GjBsNRRgCLwA9I9XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PEPIN+THE+SHORT&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9IlJZNRRgYlkA7BtXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=CHARLES+MARTEL&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9FqzPNBRg6k4Ad7uJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANsTWJRNHpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3UGJNVEV3TGdBQUFBQlMxbWNTBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDQ1ZVUGVZemtRZ3E0bjMuQ0dFaUh4QQRuX3N1Z2cDMQRvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDNDcEcXVlcnkDUEFNVU1VTk8lMjBORyUyME1PTkdIRSUyMFNBJTIwR0lUTkFORyUyMFBBTkFIT04EdF9zdG1wAzE2MTE5MzY5OTg-?p=PAMUMUNO+NG+MONGHE+SA+GITNANG+PANAHON&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9ImOmNBRgNIYAdjtXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PAPA+GREGORY+VII&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DuV2NBRgpt0AhkhXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PAPA+GREGORY+I&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9GjBcNBRgDTMA51NXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PAPA+LEO+THE+GREAT&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Hr4TMxRg4nkAoNmJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAM2RXROaFRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3U0tNVEV3TGdBQUFBQTRWV2V4BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDb2dOa3lacnhSbm1uS3pNWi5JS0VmQQRuX3N1Z2cDMARvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMzgEcXVlcnkDU0lMVklBTiUyMFJPTUFOJTIwJTIwR0lUTkFORyUyMFBBTkFIT04EdF9zdG1wAzE2MTE5MzY1ODI-?p=SILVIAN+ROMAN++GITNANG+PANAHON&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9CW61MhRg_BwAEm5XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=SIMBAHANG+KATOLIKO+GITNANG+PANAHON&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=28&iurl=http%3A%2F%2Fwww.geocities.ws%2Fsaibabawngbato%2Fimahe%2Fchurch.jpg&action=close

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9CJ6RMhRg1DcA0zlXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=KRUSADA&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrgDdogNBRgjFAAVixXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=CONSTANTINE+THE+GREAT&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Hr5WMhRgABEAw_aJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANBRjVRdWpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3VjZNVEV3TGdBQUFBQXRISllNBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDaWxUUDBfcG1RUy42dk1lSUxzalB5QQRuX3N1Z2cDMARvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMjQEcXVlcnkDUEFQQSUyMEdJVE5BTkclMjBQQU5BSE9OBHRfc3RtcAMxNjExOTM2MzYw?p=PAPA+GITNANG+PANAHON&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DtUuMhRgC1UA0zJXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=HOLY+ROMAN+EMPIRE&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrgDaP3MRRg1QMAhztXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=ROMA&fr2=piv-web&fr=mcafee