Monday, October 20, 2025

Ikalawang Lagumang Gawain sa AP8




PANUTO: Piliin ang titik na pinakaangkop na sagot. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.


1. Ang Europe ay may mahalagang kontribusyon sa daigdig. Bakit kaya tinawag na Golden Apple ang Constantinople?

A. Dahil ito ay mayaman, sentro ng kalakalan, at mahalaga sa Silangan.

B. Dahil ito ay kilala sa malalawak na taniman ng mansanas at iba pang prutas


2. Tinawag itong Golden Apple, ano ang naging epekto ng pagbagsak ng Constantinople sa kalakalan?

A. Lumawak ang kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya sa pamamagitan ng Constantinople

B. Nahinto ang dating ruta kaya naghanap ng bagong ruta ang mga Europeo


3. Ano ang tawag sa grupo ng mga Muslim mula sa Anatolia na pinamunuan ni Sultan Mehmed II na nagtagumpay sa pagsakop sa Constantinople noong 1453.

A. Ottoman Turk

B. Medici


4. Ito ay dakilang simbahan na itinayo bilang simbolo ng kapangyarihan at pananampalataya ng Byzantine Empire.

A. Byzantium

B. Hagia Sophia


5. Ito ay nangangahulugang “Ama” na nagmula sa salitang latin na Papa.

A. Pope

B. Parental


6. Dating tawag sa bagong imperyo na nagpatuloy sa Silangang bahagi ng Imperyong Romano.

A. Istanbul

B. Byzantine


7. Isang makasaysayang panahon sa Europa na nagbigay-diin sa muling pagsilang ng sining, agham, at kaalaman batay sa klasikal na pamana ng Gresya at Roma.

A. Renaissance

B. Repormasyon


8. Bakit mahalaga ang papel na ginampanan ng pamilyang Medici sa pagpapalaganap ng Renaissance sa Italya

A. Sila ay nabibilang sa mataas na tao tulad ng duke at mga papa.

B. Ang kanilang pamilya ay sumuporta sa mga pintor at iskultor.


9. Isang pintor, imbentor, at siyentista na lumikha ng mga obra tulad ng Mona Lisa at The Last Supper, na nagpapakita ng kanyang malawak na interes at obserbasyon.

A. Leonardo Da Vinci

B. Raphael Santi


10. Isang eskulturang marmol na tinaguriang La Pietà, na makabagbag-damdaming nagpapakita sa Birheng Maria habang karga ang katawan ni Hesus matapos siyang ipako sa krus.

A. Raphael Santi

B. Michelangelo


11. Siya ang tinaguriang “Makata ng mga Makata”.

A. William Shakespeare

B. Giovanni Boccacio


12. Nicolaus Copernicus: Teoryang Heliocentric; ______________: Teoryang Geocentric

A. Galileo Galilei

B. Ptolemy


13. Mga taong may ambag sa renaissance sa larangan ng agham.

A. Sir Isaac Newton, Galileo Galilei, Nicolas Copernicus

B. Sofonisba Anguissola, Isotta Nogarola, Veronica Franco


14. Mga taong may ambag sa renaissance sa larangan ng pagpipinta.

A. Sofonisba Anguissola, Isotta Nogarola, Veronica Franco

B. Michaelangelo Bounarotti, Leonardo da Vinci, Raphael Santi


15. Mga taong may ambag sa renaissance sa larangan ng Sining at Panitikan.

A. Desiderius Erasmus, Miguel de Cervantes, Francesco Petrarch

B. Sir Isaac Newton, Galileo Galilei, Nicolas Copernicus


16. Mga prominenteng indibidwal na lumitaw at nagkapangalan lamang sa panahon ng renaissance.

A. Michaelangelo Bounarotti, Leonardo da Vinci, Raphael Santi

B. Sofonisba Anguissola, Isotta Nogarola, Veronica Franco


17. Ano ang ibig sabihin ng salitang “Repormasyon”?

A. Isang kilusan na naglayong baguhin ang Simbahang Katoliko

B. Isang kilusan na naglayong palakasin ang kapangyarihan ng Papa


18. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit hinamon ni Martin Luther ang Simbahang Katoliko?

A. Dahil nais niyang baguhin ang pamahalaan ng Germany

B. Dahil hindi siya sang-ayon sa pagbebenta ng indulhensiya


19. Tumutukoy sa kilusang intelektwal na nagbibigay halaga sa potensiyal, kakayahan, at dignidad ng tao.

A. Humanismo

B. Indibidwalismo


20. Dokumento na ipinagbibili noon ng Simbahang Katoliko kapalit ng kapatawaran ng kasalanan o bawas sa parusang espiritual, na kalaunan ay ipinagbawal dahil sa maling paggamit.

A. Repormasyon

B. Indulhensiya


21. Tawag sa malawakang paglilinis at reporma sa loob ng Simbahang Katoliko bilang tugon sa Repormasyong Protestante.

A. Renaissance

B. Kontra Repormasyon


22. Pagpupulong ng mga lider ng Simbahang Katoliko sa Italy noong 1545 upang pagtibayin ang pananampalataya at ayusin ang mga abuso.

A. Society of Jesus

B. Council of Trent


23. Ito ay tumutukoy sa pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.

A. Kolonyalismo

B. Nasyonalismo


24. Ito ay tumutukoy sa panghihimasok, pag-impluwensya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.

A. Kolonyalismo

B. Imperyalismo


25. Si Ibn Battuta ay kilala sa kanyang mga paglalakbay sa iba’t ibang bahagi ng mundo noong ika-14 na siglo. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa mga lugar na binisita niya?

A. Amerika

B. China


26. Tawag sa mga Amerikano na ang magulang ay isang Europeo at isang katutubo.

A. Mulatto

B. Mestizo


27. Ano ang pangunahing layunin ng paglalayag ng mga Europeo noong ika-15 siglo?

A. Maghanap ng bagong ruta at palaganapin ang pananampalataya

B. Maglakbay sa ibang lugar para maglibang at tuklasin ang mga bagong tanawin


28. Ano ang kahalagahan ng “Cape of Good Hope” sa paglalayag ni Bartolomeu Dias at sa kasaysayan ng pagtuklas ng ruta patungong Silangan?

A. Isang lugar para sa bakasyon at pahinga

B. Simbolo ng tagumpay at bagong ruta


29. Mga bansang Europeo na nagpaligsahan sa panahon ng paggalugad at pagtuklas ng mga bagong lupain.

A. Spain at Portugal

B. Spain at France


30. Bakit tinaguriang “The Navigator” si Prinsipe Henry ng Portugal?

A. Nalakbay niya ang buong daigdig.

B. Ginamit niya ang kanyang yaman at kapangyarihan upang suportahan ang mga manlalayag.


31. Alin sa mga sumusunod ang HINDI itinuturing na motibo para sa kolonyalismo, sa unang yugto ng imperyalismong kanluranin?

A. Pakikipagkaibigan

B. Paghahanap ng kayamanan


32. Naglayag siya sa ngalan ng Spain, narating niya ang tinaguriang “Bagong Daigdig” o America a nagbukas ng bagong landas para sa eksplorasyon, kolonisasyon, at pagbabago sa kasaysayan ng mundo.

A. Bartolomeu Diaz 

B. Christopher Columbus


33. Paano nakatulong ang Demarcation Line sa Atlantic Ocean noong 1493 na ipinahayag ni Pope Alexander VI sa mga mananakop katulad ng Spain at Portugal sa daigdig?

A. Naiwasan ang paglala ng sigalot sa pagitan ng Spain at Portugal sa pananakop.

B. Napaburan ang pananakop ng Spain sa kanlurang bahagi ng daigdig.


34. Aling ekspedisyon ang nakilala bilang unang nakapaglayag paikot ng mundo (1519–1522)?

A. Balboa’s Voyage

B. Magellan–Elcano Expedition


35. Ano ang mas malawak na implikasyon ng pagkakatuklas ni Vasco da Gama sa direktang ruta patungong India?

A. Mas mura ang rekado sa Europa at lumakas ang kalakalan

B. Nabawasan ang interes ng mga Europeo sa kolonyalismo


36. Ayusin sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari.

1. Kasunduan sa Tordesillas
2. Pagdating ni Christopher Columbus sa “New World”
3. Nalibot ni Bartolomeu Dias ang Cape of Good Hope
4. Pagtatayo ng paaralan ni Prince Henry the Navigator
5. Pagdating ni Vasco da Gama sa India

A. 21543

B. 43215


37. Ninais ng mga mananakop na mapupuntahan ang mga bansa sa Asya dahil sa mga nabasang impormasyon sa aklat ni Marco Polo na “The Travels of Marco Polo”. Alin sa sumusunod ang HINDI KABILANG sa motibo ng eksplorasyon?

A. pagpapanatili ng kapayapaan

B. palakasin ang kapangyarihan


38. Bakit naging madali para sa mga Espanyol na pabagsakin ang mga Aztec at Inca?

A. Dahil sa pag-angkat ng teknolohiya mula sa Asya

B. Dahil sa pagkakaroon ng panloob na tunggalian sa imperyo


39. Conquistador na nanguna sa pananakop ng Imperyong Aztec.

A. Hernán Cortés

B. Diego Velázquez


40. Namuno sa ekspedisyon patungong Peru.

A. Marco Polo

B. Francisco Pizarro


41. Sa kaniya ipinangalan ang Amerika.

A. Amerigo Vespucci

B. Marco Polo


42. Isang iskolar at manlalakbay mula Morocco na nakilala sa kaniyang malawak na paglalakbay sa daigdig ng Islam noong ika-14 na siglo.

A. Marco Polo

B. Ibn Battuta


43. Paano ipinapakita ng paglalakbay ni Ibn Battuta na “konektado” ang mundo bago pa man nagkaroon ng Globalisasyon?

A. Dahil naitala ang ugnayan ng kalakalan at kultura

B. Dahil sa kanyang pagsakop sa mga kaharian


44. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kinomisyon si Zheng He na magsagawa ng mga ekspedisyon sa ilalim ng Dinastiyang Ming?

A. Upang manakop at palawakin ang teritoryo ng China

B. Upang ipakita ang yaman at kapangyarihan ng China


45. Unang Mongol-Turkic na nagtatag ng Mughal Empire matapos ang Labanan sa Panipat.

A. Babur

B. Sha Jahan


46. Ginamit ni Thomas Hobbes ang ideyang ito upang isulong ang paniniwala na ang absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan.

A. Divine Law

B. Natural Law


47. Ang Enlightenment ay isang kilusang intelektwal noong ika-18 siglo sa Europa. Ano ang pangunahing ideya ng Enlightenment?

A. Paggamit ng dahilan at agham upang maunaawaan ang mundo.

B. Pagtulak sa mga digmaang Relihiyon.


48. Alin sa mga sumusunod na rebolusyon ang kilala sa pagbagsak ng monarkiya at pagtatatag ng unang republika sa Pransiya?

A. Rebolusyong Industriyal

B. Rebolusyong Pranses


49. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang maituturing na isa sa mga negatibong epekto ng Imperyalismong Kanluranin?

A. Racism at Diskriminasyon

B. Pag-unlad ng mga Kultura


50. Isang damdamin ng pagiging matapat at mapagmahal sa bansa.

A. bayanihan

B. nasyonalismo

Monday, October 13, 2025

K TO 10 CURRICULUM: MGA PAKSA SA IKATLONG MARKAHAN SA ARALING PANLIPUNAN 8

AP8-Q3-WEEK1-8: MGA PAKSANG ARALIN


PAMANTAYANG PANGNILALAMAN  

Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga pangyayari at isyung pampolitika sa daigdig na nagpapatatag sa diwa ng demokrasya ng mga mamamayan 


PAMANTAYAN SA PAGGANAP  

Nakalilikha ng adbokasiyang may kaugnayan sa mga isyu at hamong pampolitika at pansibiko na nagpapatatag sa diwa ng demokrasya 


A. Unang Digmaang Pandaigdig 

1. Mga Sanhi 

2. Mga Pangyayari 

3. Mga Pagbabagong dulot ng Digmaan 


1. Natatalakay ang mga sanhi, pangyayari, at pagbabagong dulot ng Unang Digmaang Pandaigdig 


B. Ang Daigdig Pagkaraan ng Digmaan 

1. Pagtatatag ng League of Nations 

2. Spanish Flu 

3. Great Depression  


2. Nabibigyang katuwiran ang naging tugon ng mga bansa sa pagharap sa iba’t ibang suliranin pagkaraan ng digmaan 


C. Banta ng Ideolohiyang Totalitaryanismo at Pasismo 

1. Katuturan ng Totalitaryanismo 

2. Komunismo sa Russia at China 

3. Pasismo sa Italy at Nazismo sa Germany 

4. Militarismo sa Japan 


3. Nasusuri ang ideolohiyang totalitaryanismo bilang banta sa demokratikong pamamahala 


D. Ikalawang Digmaang Pandaigdig 

1. Sanhi 

2. Mga Pangyayari 

3. Mga Pagbabagong dulot ng Digmaan 


4. Natataya ang mga sanhi, pangyayari, at pagbabagong dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


E. Ang Cold War sa Europa at America 

1. Truman Doctrine at Marshall Plan 

2. NATO at Warsaw Pact 

3. Space Race 

4. Cuban Missile Crisis 


5. Naipaliliwanag ang mga pangyayaring nagbigay daan sa Cold War at ang mga tunggaliang dulot nito  


F. Ang Asya at Africa sa Panahon ng Cold War 

1. Paglaya ng mga Bansa at Neokolonyalismo 

2. Non-Aligned Nations 

3. Digmaang Korea at Vietnam 

4. Russo-Afghan War 


6. Nasusuri ang epekto ng Cold War sa Asya at Africa 


G. Ang Daigdig Matapos ang Cold War: Pagkakabuwag ng USSR 


7. Natataya ang kalagayan ng daigdig sa pagwawakas ng Cold War 


H. Mga Kilusan para sa Demokrasya 

1. Civil Rights Movement sa US 

2. Solidarity Movement ng Poland 

3. Tiananmen Square Protest sa China 

4. Anti-Apartheid Movement ng South Africa 


8. Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng iba’t ibang kilusan sa pagtaguyod ng demokratikong lipunan

 

AP8-Q2-WEEK7: Paglaganap ng Nasyonalismo sa Asya at Amerika

 K TO 10 CURRICULUM

Nasusuri ang naging tugon ng ilang bansa sa Asya, Africa at Latin America sa imperyalismong Europeo 


19. Modernisasyon ng Japan (Meiji Restoration) 




20. Himagsikan sa South America (Simon Bolivar) 




21. Back-to-Africa Movement 




22. United League ni Sun Yat Sen  




23. Passive Resistance ni Gandhi (India) 




AP8-Q2-WEEK6: Rebolusyong Pranses at Pag-usbong ng mga Bansang Estado

 K TO 10 CURRICULUM

Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa panahon ng Rebolusyong Pranses at pagtatag ng mga bansang estado


17. French Revolution at mga pagbabagong dulot nito 




18. Pag-usbong ng mga Bansang-Estado 




AP8-Q2-WEEK5: Panahon ng Absolutismo, Liberalismo at Enlightenment

 K TO 10 CURRICULUM

Naiuugnay ang Enlightenment at Rebolusyong Amerikano sa paglinang ng nasyonalismo at pagkabansa 


15. Mga mahalagang pangyayari 




16. Rebolusyong Amerikano 




AP8-Q2-WEEK4: Panahon ng Imperyalismo

 K TO 10 CURRICULUM

Nasusuri ang imperyalismong Europeo at Japan sa Asya at Africa 


13. Pag-usbong ng mga Imperyo ng England, France, the Netherlands, Portugal, at Spain sa America, India at East Indies 




14. Pagpasok ng mga Imperyalistang Estado ng Russia, Italy, Germany, United States, at Japan 




AP8-Q2-WEEK3: Ang mga Asyano sa Panahon ng Paggalugad at Kolonyalismo

 K TO 10 CURRICULUM

Nasusuri ang mga naging unang tugon ng mga Asyano sa panahon ng paggalugad at kolonyalismo 


9. Ang paglalakbay ni Ibn Battuta 




10. Ming China (tuon sa paglalakbay ni isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni Zheng He) 




11. Mughal Empire ng India 




12. Tokugawa Japan (Edict of Sakoku) 




AP8-Q2-WEEK2: Panahon ng Paggalugad at Kolonyalismo sa America

 K TO 10 CURRICULUM

Nasusuri ang mga pangyayari at kinahinatnan ng paggalugad at kolonyalismo ng mga Europeo sa mga bagong lupain sa America 


5. Ang Europe sa Panahon ng Paggalugad at Kolonyalismo 




6. Mga Dahilan  




7. Tunggalian ng Portugal at Spain 




8. Ang Epekto ng Pananakop sa Imperyong Aztec at Inca sa lipunang Mesoamerican/ Andean at sa Lipunang Espanyol 



AP8-Q2-WEEK1: Mahahalagang Pangyayari sa Daigdig noong Ika-15 at Ika-16 Siglo

K TO 10 CURRICULUM 

Natatalakay ang mahahalagang pangyayari noong ika-15 at ika-16 siglo bago ang panahon ng paggalugad ng mga lupain


1. Pagsasara ng Constantinople 






2. Renaissance 




3. Repormasyon 




4. Kontra-Repormasyon