Friday, September 21, 2018

Mga Guro, Sama-Samang Nagtirik ng Kandila



Muling nagtipon ngayong gabi ang ilang kaguruan ng Metro Manila sa pangunguna ng Teachers' Dignity Coalition upang ipakita nila ang pagkadismaya sa Kagawaran ng Edukasyon at ipanawagan ang pagtaas ng suweldo ng mga guro, pagpapahinto ng RPMS, pagtugon sa hinaing sa problema sa GSIS, at iba pa.

Dakong alas ala-sais hanggang alas syete ng gabi kanina, nagsama-sama ang mga guro sa Caloocan North sa Bagong Silang High School, Caloocan, at sa Caloocan High School naman ang taga-CAMANAVA upang sama-samang ipagtirik ng kandila ang mga panawagang hindi pa inaaksyunan ng Kagawaran. Kabilang na rin sa paksa ng gawain ang ipagluksa ang pagpapatiwakal ng ilang mga guro ng bansa dulot ng sobrang stress sa kabi-kabilang non-teaching works na ipinapagawa ng Kagawaran.

Pinangunahan nina Dr. Juanito Victoria, Principal IV ng Bagong Silang High School, G. Bong Lagarde, Opisyal ng TDC-National, at G. Jimboy Albiza, President ng TDC-Caloocan ang gawain sa Caloocan North. Habang Si G. Jess Abener, Faculty President ng Caloocan High School, Olive De Guzman, TDC Secretary-General, Dr. Meng Arevalo, PSDS, at iba pa sa Caloocan South.

Nagtirik din ng kandila ang ilang mga guro sa Metro Manila na hindi nakadalo sa venue na inilaan ng TDC, sa kani-kanilang paaralan.

Ang gawaing ito ng TDC ay ilan lamang sa nakahanda nitong gawin para sa mga susunod na araw hanggang ang Kagawaran ng Edukasyon ay patuloy na babaliwalain ang mga panawagan ng mga guro sa bansa.

Mabuhay ang TDC!





































No comments:

Post a Comment