TDC CALOOCAN, NAKIPAGDIYALOGO KAY MAYOR ALONG MALAPITAN
Matagumpay ang naganap na diyalogo sa pagitan ng Teacher’s Dignity Coalition - Caloocan Chapter at ni Mayor Along Malapitan noong Hulyo 19, 2022 sa Caloocan City Hall. Ito’y matapos magbigay ng courtesy call ang TDC-Caloocan Chapter sa bagong luklok na alkalde ng Caloocan.
Pinangunahan ni TDC National Chairperson Benjo Basas at TDC-Caloocan Chapter Chairman Jaime Albiza ang pakikipagpulong sa bagong Alkalde ng Caloocan. Kasama rin ng mga opisyal ng TDC sina Dr. Meng Arevalo, Dr. Juanito Victoria, Jessieto Abener, Bong Lagarde, Analiza Basas, Dr. Elvis Jam Visaya, at iba pang mga aktibong guro na masugid na miyembro ng organisasyon.
Tinalakay sa nasabing pulong ang pagbabalik ng Augmentation Allowance sa dalawang libo piso (2,000), hiling na mabigyan ng laptop o cellphone ang lahat ng mga pampublikong guro ng Caloocan, Incentives para sa mga guro na nag-aaral ng Masteral at Doctorate, suporta sa mga training ng mga guro, at iba pang may kinalaman sa kalagayan ng mga guro ng Caloocan.
Maganda naman ang naging tugon ni Mayor Malapitan sa mga guro. Aniya, unti-unting ibabalik ang dating halaga ng augmentation allowance ng mga guro bago matapos ang kanyang termino. Pag-aarala pa umano kung pwede sa Special Education Fund (SEF) ang hiling ng mga guro na libreng cellphone o laptop na gagamitin sa kanilang pagtuturo at sisikapin ng lokal na pamahalaan na matulungan ang kaguruan ng Caloocan sa abot ng kanilang makakaya.
Umaasa ang TDC-Caloocan Chapter na maisakatuparan ang mga pangakong ito ng alkalde at maging katuwang rin sila para sa lalong ikakaayos ng kapakanan ng mga guro ng Caloocan.
-end-
No comments:
Post a Comment