Saturday, February 19, 2022

AP8-Q3-WEEK2-3: UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO - SEASON 2

  ARALING PANLIPUNAN 8 - IKATLONG KWARTER

Most Essential Learning Competencies: (2 Weeks)

    Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo.

BALIK-ARAL

    Sa week 1, inaral natin ang tungkol sa Renaissance kung saan naging makapangyarihan ang mga gitnang uri ng tao. Nagkaroon din ng paglakas ng sining, agham, panitikan, at higit ang pilosopiya. Ang mga ito ay nagbigay ng impluwensya hindi lamang sa gitnang panahon kundi maging sa kasalukuyang panahon sa daigdig.

    Ngayon naman tatalakayin natin ang unang yugto ng kolonyalismong kanluranin. Ano ang dahilan ng kanilang paggalugad, at ano ang naging epekto nito.

Ang Unang Yugto ng Kolonyalismo

    Ang mga kaganapan simula sa panahon ng Renaissance, mga Krusada hanggang sa pag-unlad ng paniniwalang merkantilismo ay nagbigay-daan sa Europa upang ito ay magsimulang lumakas hanggang sa kasalukuyan. 

    Nagsimula ang eksplorasyon o paggagalugad at pagtuklas ng mga bagong lupain noong ika-15 na siglo. Ang mga isinulat at kuwento ni Marco Polo tungkol sa kanyang paglalakbay sa Silangan ay pumukaw sa interes ng mga Europeo. Dahil sa mga kontroladong mga ruta ng kalakalan, napilitan ang ilang mga mangangalakal na maghanap ng bagong ruta upang makarating sa Silangan. Dito nagsimulang maglayag sa karagatan ang mga tao. Ang pagtuklas ng mga bagong lupain ang nagbigay-daan sa kolonyalismo. Ang kolonyalismo ay ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Ang panahong ika-15 siglo hanggang ika-17 na siglo ay tinatawag din na unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Ang imperyalismo ay tumutukoy sa panghihimasok, pag-impluwensya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. 

Motibo ng eksplorasyon

-Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

-Paghahanap ng Kayamanan

-Paghahangad ng katanyagan at Karangalan

-Kolonyalismo

    Ang paghahanap ng Spices o pampalasa mula sa Asya ay isa ring dahilan ng paglalakbay. Malaki ang pangangailan ng mga Europeo sa mga pampalasa lalo na ang paminta, cinnamon at nutmeg mula sa India. Sa panahon na ito, ang kalakalan ng spices ay kontrolado ng mga Muslim at mga taga-Venice sa Italy kaya nagkaroon ng monopolyo ng kalakalan. 

    Nakatulong upang mapadali ang paglalayag ang pag-unlad ng teknolohiya. Ang mga unang bansang Europeo na nagpasimula ng paglalayag ay gumamit ng mas malalaking sasakyang pandagat na tinatawag na caravel na naglalaman ng kanyon at riple. Nakatulong din ang pagkakatuklas sa compass na siyang ginagamit upang malaman ang tamang direksyon habang naglalakbay, gayundin ang astrolabe na siyang ginagamit upang sukatin ang altitude o taas ng araw at bituin. Nakatulong din ang mapa na nagpapakita sa baybayin ng Dagat Mediterranean at may grid system.

Ang Portugal

    Pinangunahan ng Portugal ang paghahanap ng mga spices at ginto sa pamamagitan ng paglalakbay sa karagatan. Malaki ang papel na ginampanan ni Prinsepe Henry “The Navigator” sa pagtatagumpay ng Portugal. Nagpatayo siya ng paaralan ng nabigasyon at hinikayat ang mga mahuhusay na astrologo, kartograpo, mandaragat at mathematician. 

Bartholomeu Dias

    Noong 1488, Natagpuan niya ang Cape of Good Hope sa Katimugang bahagi ng Africa. Ang pangyayaring ito ang nagpakilala na maaaring makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa.

Vasco da Gama 

    Noong 1497, kanyang pinamunuan ang apat na sasakyang pandagat na umikot sa Cape of Good hope at nakarating sa India. Natagpuan niya ang mga Hindu at Muslim na nakikipagkalakalan ng mahuhusay na seda, porselana at pampalasa na pangunahing pangangailangan sa Portugal. Napatunayan ang yaman ng Silangan at ang maunlad na kalakalan.

Ang Spain

    Dahil sa paghahangad ng Spain sa kayamanan mula sa Silangan, tinustusan nina Haring Ferdinand V at Reyna Isabella ang eksplorasyon ng bansa.

Christopher Columbus

Noong 1492, pinangunahan niya ang ekspedisyon na may layuning makarating sa India sa pamamagitan ng paglalayag pakanluran ng Atlantic Ocean. Nakarating siya sa isla ng Bahamas at tinawag ang mga tao dito na Indian. Narating din niya ang lupain ng Hispaniola at Cuba. Marami siyang natagpuang ginto dito na makasasapat sa pangangailangan ng Spain.

Amerigo Vespucci

    Noong 1507, ipinaliwanag niya na si Columbus ay nakatuklas ng New World o Bagong Mundo, na kinilala bilang America hinango mula sa kanyang pangalan. Ito ay naitala sa mapa ng Europe kasama ang iba pang isla.

Ferdinand Magellan

    Noong 1519, nilakbay ng kanyang ekspedisyon ang rutang pakanluran patungong Silangan. Natuklasan niya ang Brazil, nilakbay ang makipot na daanan ng tubig na mas kilala ngayon bilang Strait of Magellan, patungo sa Pacific Ocean hanggang makarating sa Pilipinas. Dahil dito, napatunayan na maaaring ikutin ang mundo at muling makakabalik sa pinanggalingan.

Ang Paghahati sa Daigdig

    Ang pag-uunahan ng pagtuklas ng mga bagong lupain ay nagdulot ng lumalalang paligsahan sa pagitan ng Portugal at Spain. Namagitan si Pope Alexander VI sa kanilang paglalabanan. Noong 1493, gumuhit ang Pope ng line of demarcation, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantic Ocean mula sa North Pole hanggang South Pole. 

    Ipinakikita sa mapa na lahat ng matatagpuang kalupaan at katubigan sa Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spain. Ang Silangang bahagi naman ay para sa Portugal.

Ang France

    Ang mga Pranses ay nagsagawa rin ng kanilang paggalugad sa daigdig, partikular na sa bahagi ng hilagang Amerika.

Jacques Cartier 

    Noong 1534, kaniyang naabot ang St. Lawrence River at ipinasailalim sa France ang lugar na ngayon ay silangang bahagi ng Canada.

Samuel de Champlain

    Noong 1608, kaniyang itinatag ang Quebec bilang unang permanenteng kolonyang French at kalakalan ng fur o produktong gawa sa balahibo ng hayop.

Louis Jolliet at Jacques Marquette

    Noong 1673, kanilang naabot ang Mississippi River at naglakbay hanggang Arkansas River.

Rene-Robert Cavalier (Sieur de La Salle)

    Noong 1628, kaniyang pinangunahan ang expedisyon sa Mississippi River hanggang sa Gulf of Mexico. Ang lahat ng lupain dito ay inialay sa hari ng France na si Louis XIV at tinawag niya itong Louisiana.

Ang England

    Noong 1600, binigyan ng England ang English East India Company (EEIC) ng karapatang makapagsulong ng interes na pangkalakalan. Binigyan ang EEIC ng monopolyo ng kalakalang English sa East Indies, gayundin sa Africa, Virginia, at iba pang bahagi ng Amerika. Ang mga sumusunod ay mga kolonyang English na naitatag:

 Roanoke Island – kolonya sa silangang baybayin ng Amerika na hindi nagtagal

 Carribean at Hilagang America – ang naging batayan ng imperyong English

 Dahil sa pagdami ng salapi, lumawak ang kalakalan at namuhunan ang mga negosyante sa malalaking negosyo.

 Nabuwag ng mga Europeo, sa pamamagitan ng bagong kalakalan, ang monopolyo ng mga Venetian sa Euro-Asya.

 Umunlad at naitama ang maraming kaalaman tungkol sa heograpiya, hayop, at halaman. 

 Napatunayan ang circumnavigation ni Ferdinand Magellan sa daigdig na lahat ng karagatan sa daigdig ay magkakaugnay.

 Nagkaroon ng pagkakataon na lumaganap ang mga sakit tulad ng yellow fever at malaria na hatid ng mga Europeo mula sa Africa patungong New World.

TANDAAN!

 Ang mga pangunahing dahilan ng eksplorasyon ay paghahanap ng spices, paghahanap ng ginto, mapalaganap ang Kristiyanismo, at maging magtamo ng karangalan at katanyagan.

 Ang eksplorasyon ay pinangunahan ng Portugal at sinundan ng Spain, France, Netherland at England.

 Ang explorasyon ay nagiwan ng pangmatagalang epekto sa kasaysayan na tinahak ng daigdig at isa sa mga ito ay ang pagkakatatag ng batayan para sa modernong ekonomiyang kalakalan at pamilihan.

GAWAIN:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Isulat sa Notebook at ikomento sa ibaba ang inyong sagot.

1. Anong mga bansa ang naghati sa mundo? at sino ang namagitan sa kanila sa paghahati nito?

2. Anu-anong mga bansa ang nakiisa o nagpatupad din ng eksplorasyon?

3. Anu-ano ang mabuti at hindi mabuting epekto ng eksplorasyon?

4. Sa iyong palagay, may maganda bang naidulot sa ating bansa ang mga nagdaang eksplorasyon o paggalugad? Bakit?

REFERENCE:

Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/2/21/Spain_and_Portugal.p

33 comments:

  1. Replies
    1. Niña H. Ocenar
      8- Laoan
      Gawain 1
      1. Ang Portugal at Spain. Si Pope Alexander VI ang namagitan sa kanilang paglalabanan
      2. Ang Portugal at sinundan ito ng Spain, France, Netherland at England
      3. Ang mga pangunahing dahilan ng eksplorasyon ay paghahanap ng mga spices, mga ginto, mapalaganap ang kristiyanismo at maging magtamo ng karangalan at katanyahan. Mga agawan ng mga bansa
      4. Opo, dahil umangat ang ating ekonomiya

      Delete
    2. Joy B. Nuñez
      8-Laoan

      1. Ang mga bansang naghati sa mundo ay ang Portugal at Spain.Namagitan si Pope Alexander VI sa kanilang paglalabanan. Noong 1493, gumuhit ang Pope ng line of demarcation, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantic Ocean mula sa North Pole hanggang South Pole.
      2. Ang eksplorasyon ay pinangunahan ng Portugal at sinundan ng Spain, France, Netherland at England.
      3. Ang explorasyon ay nagiwan ng pangmatagalang epekto sa kasaysayan na tinahak ng daigdig at isa sa mga ito ay ang pagkakatatag ng batayan para sa modernong ekonomiyang kalakalan at pamilihan.
      4. Opo, sapagkat madaming nabago sa ating bansa nagkaroon ng modernong ekonomiyang kalakalan at pamilihan

      Delete
    3. Jerome A.Napoles 8-laoan
      1.Namagitan si Pope Alexander VI sa kanilang paglalabanan. Noong 1493, gumuhit ang Pope ng line of demarcation, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantic Ocean mula sa North Pole hanggang South Pole.
      2.Ang eksplorasyon ay pinangunahan ng Portugal at sinundan ng Spain, France, Netherland at England
      3. Ang explorasyon ay nagiwan ng pangmatagalang epekto sa kasaysayan na tinahak ng daigdig at isa sa mga ito ay ang pagkakatatag ng batayan para sa modernong ekonomiyang kalakalan at pamilihan.
      4.opo katulad ng kristianismo

      Delete
    4. Benice Nerpio
      8-laoan

      1.Pope Alexander VI ang nag hati sa pagitan ng portugal at spain
      2.portugal,espanya,France, Netherlands
      3.mabuting epekto ng pang kokolonya ng mga Ingles sa India:
      Naging mabilis ang pagluluwas ng mga raw materials galing India. Nag karoon ang India ng mga socialized train at mga daungan ng barko na naka base sa malalayong lugar sa India.
      Nakilala ang tatlong pangunahing daungan ng India sa daigdig. At naging dahilan ito na lumaki ang bilang ng mga taga Europeo na magnegosyo sa India.
      Pinakilala ng kolonyalistang Ingles ang western education para maging sistematiko ang pagtuturo ng literacy at numeracy sa bansang India. At maging gabay ito sa mga kalakalan.
      Masamang epekto ng pagsakop ng Ingles sa India.
      Hindi nirespeto ang mga kaugalian ng mga Muslim at Hindu. Na nagbunsod sa rebelyong sepoy.
      Nagkaroon ng mga malawakang
      pagpatay sa mga probinsya ng India
      tulad ng amritsar massacre
      kontrolado ng Ingles ang pamahalaan ng India at walang karapatan na magdesisiyon ang mamayan nito lalo na sa pagpili ng pinuno.
      4.Walang magandang naidulot;
      Ang pangunahing Negatibong epekto ay Nawasak ang kultura, sa pamamagitan ng pagsira at pagtanggal sa mga mayamang kultura at sibilisasyon.Pagkalat ng sakit, tulad ng bulutong, black spot, atbp. Kung saan kumalat sa buong mundo.

      Delete
    5. Freya Aaliyah B. Nopre
      8-Laoan

      Gawain:
      1) Ito ay ang Portugal at Spain na pinamagitan ni Pope Alexander VI.
      2) Ang eksplorasyon ay pinangunahan ng Portugal at sinundan ng Spain, France, Netherland at England.
      3) Ang explorasyon ay nagiwan ng pangmatagalang epekto sa kasaysayan na tinahak ng daigdig at isa sa mga ito ay ang pagkakatatag ng batayan para sa modernong ekonomiyang kalakalan at pamilihan.
      4) Mabuti Ang epekto nito sa ating bansa dahil nakatulong Ang mga natuklasan nila sa kanilang eksplorasyon sa kasalukuyan.

      Delete
    6. christof jemuel L.Gutierrez
      8-laoan
      1.NETHERLAND,ENGLAND AT FRANCE AT ANG NAMAGITAN NAMAN SA KANILANG PAGHAHATI AY SILA:
      NETHERLAND-HENDRY HUDSON
      ENGLAND-ROANOKE ISLAND,CARRIBEAN AT HILAGANG AMERIKA,WEST INDIES AT JAMESTOWN.
      FRANCE-JACQUES CARIER,SAMUEL DE CHAMPLAIN,LOUIS JOLLIET,JACQUES MARQUE AT RENE-ROBERT CAVALIER.
      2.PORTUGAL SPAIN AT FRANCE.
      3.ANG MABUTI SA EKSPOLORASYON AY MAKAKAKITA SILA NG BAGAY NA MAARING PAGKAKITAAN AT ANG BINDI MABUTING EPEKTO NG EKSPLORASYON AY HINDI NILA ALAM ANG MAGIGING EPEKTO SA KAPALIGIRAN KUNG ITO BA AY MAKAKABUTI O MAKAKASAMA.
      4.OPO,DAHIL SA EKSPLORASYON NAKATUKLAS SILA NG MGA BAGAY-BAGAY NA MAAARING PAGKAKITAAN O MAIBENTA

      Delete
    7. Charls John B Criste
      8-Laoan

      1. Ang Portugal at Spain. Si Pope Alexander VI ang namagitan sa kanilang paglalabanan

      2. Ang Portugal at sinundan ito ng Spain, France, Netherland at England

      3. Ang mga pangunahing dahilan ng eksplorasyon ay paghahanap ng mga spices, mga ginto, mapalaganap ang kristiyanismo at maging magtamo ng karangalan at katanyahan. Mga agawan ng mga bansa

      4. Opo, dahil nadiscobre ang maraming bansa, tumaas ang ekonomiya ng maraming bansa.

      Delete
    8. Micaella Obido
      Laoan

      1.ito ay ang mga bansang spain, france , portugal
      2. Ang mga bansa nakiisa sa sa eksplorasyon ay ang mga bansang Portugal, Spain, France, England at Netherland.
      3.lumawak ang kaalaman at nagkaroon ng mga negosyo ang iba,at lumawak din ang nasasakupan
      4.Ang explorasyon ay nagiwan ng pangmatagalang epekto sa kasaysayan na tinahak ng daigdig at isa sa mga ito ay ang pagkakatatag ng batayan para sa modernong ekonomiyang kalakalan at pamilihan.

      Delete
  2. Replies
    1. Ma Victoria P Sarmiento
      8-PILI

      GAWAIN I

      1. Portugal at Spain,Namagitan si Pope Alexander VI sa kanilang paglalabanan. Noong 1493, gumuhit ang Pope ng line of demarcation, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantic Ocean mula sa North Pole hanggang South Pole.
      2.Spain, France, Portugal, Netherland at England.
      3. Ang mga pangunahing dahilan ng eksplorasyon ay paghahanap ng spices, paghahanap ng ginto, mapalaganap ang Kristiyanismo, at maging magtamo ng karangalan at katanyagan.PAGKAKAROON NG AGAWAAN NG BANSA DAHIL SA YAMAN.
      4.PARA SAKIN MAGANDA SATING BANSA UNA SA LAHAT PAGUNLAD NA EKONOMIYA SA PAMAMAGITAN NG KALAKALAN NG PRODUKTO NATIN.

      Delete
    2. Alden Mike T.Torne
      8pili

      1.PORTUGAL AT SPAIN;Namagitan si Pope AlexanderVI sa kanilang paglalabanan Noong 1493,gumuhit ang Pope ng line of demarcation, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantic Ocean mula sa North Pole hanggang South Pole.

      2.Spain,France,Portugal, Netherland at England.

      3. Ang mga pangunahing dahilan ng eksplorasyon ay paghahanap ng spices,paghahanap ng ginto, mapalaganap ang Kristiyanismo, at maging magtamo ng karangalan at katanyagan.Pagkakaroon Ng agawan Ng bansa dahil ito sa yaman.

      4.Opo MAGANDA SATING BANSA UNA SA LAHAT PAGUNLAD NA EKONOMIYA SA PAMAMAGITAN NG KALAKALAN NG PRODUKTO NATIN.
      Nakapag hanap Sila Ng mga bagay na pwedeng ibenta.

      Delete
    3. Aishelle mae seballos
      8-Pili

      Gawain
      1.ANG PORTUGAL AT SPAIN.
      SI POPE ALEXANDER VI,ANG NAMAGITAN SA PAG LALABANAN
      2.PORTUGAL,SPAIN,FRANCE,NETHERLAND, AT ENGLAND.
      3.Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
      -Paghahanap ng Kayamanan
      -Paghahangad ng katanyagan at Karangalan
      -Kolonyalismo.
      4.OO,SAPAGKAT DAHIL DITO AY UMANGAT ANG EKONOMIYA.

      Delete
  3. Replies
    1. BRIAN LASIBAL
      GRADE 8-TALISAY

      GAWAIN I

      1. Portugal at Spain,Namagitan si Pope Alexander VI sa kanilang paglalabanan. Noong 1493, gumuhit ang Pope ng line of demarcation, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantic Ocean mula sa North Pole hanggang South Pole.
      2.Spain, France, Portugal, Netherland at England.
      3. Ang mga pangunahing dahilan ng eksplorasyon ay paghahanap ng spices, paghahanap ng ginto, mapalaganap ang Kristiyanismo, at maging magtamo ng karangalan at katanyagan.PAGKAKAROON NG AGAWAAN NG BANSA DAHIL SA YAMAN.
      4.PARA SAKIN MAGANDA SATING BANSA UNA SA LAHAT PAGUNLAD NA EKONOMIYA SA PAMAMAGITAN NG KALAKALAN NG PRODUKTO NATIN.

      Delete
    2. Ken Jacob C Jornacion
      8-Talisay

      1. Spain at Portugal, namagitan si POPE ALEXANDER VI sa kanilang paghahati
      2. Portugal, Spain, prance, england, Netherland
      3. Nakaka buti kasi umunlad ang kanilang bansa.nakasama kasi kinukuha nila ang yaman ng isang bansa na mahina
      4. Opo may magandang dulot itong eksplorasyon kasi kung wala ito hindi tayo matatagpuan ni FERDINAD MAGELA ang ating bansang Pilipinas

      Delete
    3. This comment has been removed by the author.

      Delete
    4. Chariz Anne Torres
      8-Talisa

      GAWAIN 1
      1. Portugal at Spain,Namagitan si Pope Alexander VI sa kanilang paglalabanan. Noong 1493, gumuhit ang Pope ng line of demarcation, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantic Ocean mula sa North Pole hanggang South Pole.
      2. Spain, France, Portugal, Netherlands, at England
      3. Isa sa mga mabubuting naidudulot o naidulot ng eksplorasyon ay ang pagpapalawak ng mga teritoryo o lupain sa Pulitikal,paghahanap ng pampalasa at pag palaganap ng kristiyanismo. Ang hindi naman mabuting epekto o naidulot ng eksplorasyon ay ang pag-kasira ng Pamilyang naapektuhan ng 'Slave Trade' sa Sosyo-Kultural.
      4.Opo,dahil nakapaghahanap sila na mga bagay na pwedeng ibenta o pagkakitaan.

      Delete
    5. Kristelle Gale S. Lu
      8-Talisay
      DIGNIDAD Q3 W2-3

      1. - Ang mga bansang Portugal at Spain ang naghati sa mundo sa kadahilanang nag uunahan sila sa pagtuklas ng mga bagong lupain na nagdulot na lumalalang paglisahan.
      - Si Pope Alexander VI ang namigitan da kanilang paglalabanan at pagligsahan, kaya gumuhit ang Pope ng "line of demarcation" isang hindi makikitang linya mula sa gitna nf Atlantic Ocean mula sa North Pole hanggang South Pole Kanlurang bahagi ng linya para sa Spain, Silangang bahagi ng linya para sa Portugal.

      2. Ang mga bansa nakiisa sa sa eksplorasyon ay ang mga bansang Portugal, Spain, France, England at Netherland.

      3. Mabuting Epekto ng Eksplorasyon
      - Naging sentro ng pangkalakalng daigdig ang Europe
      - dumami ang salapi
      - lumawak ang kaalaman at pamumuhay ng mga negosyate sa malalaking negosyo
      - pag unlad ng teknolohiya
      - natuklasan ang compass
      -grid system
      - lumaganap ang Kristiyanismo
      - natuklasan ang mga Spices
      - pagtuklas ng bagong lupain

      Hindi mabuting epekto ng Eksplorasyon
      - naghati ang dalawang bansa ang naghati sa mundo
      -nagkaroon ng pagligsahan sa dalawang bansa Spain at Portugal
      - lumaganap ang sakit na yellow fever at malaria na hatid ng Europeo mula sa Afruca patungong New World.

      4. Opo, nakatulong at malaki ang ganda naidulot ng nagdaang eksplorasyon sa ating bansa sa dahilan ang mga bagay natuklasan nila noon ay patuloy parin natin ginagamit at mga mamayang ng eeksplorasyon upang mapadali nila matunton ang pupuntahan at patuloy na makatulas ng mga lupain. Ang compass ay patuloy parin natin ginagamit sa eksplorasyon.

      Delete
    6. Sofia A. Dayang
      8-Talisay

      Gawain 1
      1. Ang Portugal at Spain. Si Pope Alexander VI ang namagitan sa kanilang paglalabanan
      2. Ang Portugal at sinundan ito ng Spain, France, Netherland at England
      3. Ang mga pangunahing dahilan ng eksplorasyon ay paghahanap ng mga spices, mga ginto, mapalaganap ang kristiyanismo at maging magtamo ng karangalan at katanyahan. Mga agawan ng mga bansa
      4. Opo, dahil umangat ang ating ekonomiya

      Delete
    7. Mheludy laureta 8- talisay

      1.Namagitan si Pope Alexander VI sa kanilang paglalabanan. Noong 1493, gumuhit ang Pope ng line of demarcation, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantic Ocean mula sa North Pole hanggang South Pole.
      2.Ang mga bansa nakiisa sa sa eksplorasyon ay ang mga bansang Portugal, Spain, France, England at Netherland
      3.Ang mga pangunahing dahilan ng eksplorasyon ay paghahanap ng spices,paghahanap ng ginto, mapalaganap ang Kristiyanismo, at maging magtamo ng karangalan at katanyagan.Pagkakaroon Ng agawan Ng bansa dahil ito sa yaman.
      4. Opo, sapagkat madaming nabago sa ating bansa nagkaroon ng modernong ekonomiyang kalakalan at pamilihan

      Delete
  4. Replies
    1. Khurt F.Palma
      8-Yakal

      1. Ang Portugal at Spain. Ang namagitan naman sa kanila ay si Pope Alexander VI.

      2.Spain, Portugal, France, England at Netherland.

      3. Isa sa mga mabubuting naidudulot o naidulot ng eksplorasyon ay ang pagpapalawak ng mga teritoryo o lupain sa Pulitikal,paghahanap ng pampalasa at pag palaganap ng kristiyanismo. Ang hindi naman mabuting epekto o naidulot ng eksplorasyon ay ang pag-kasira ng Pamilyang naapektuhan ng 'Slave Trade' sa Sosyo-Kultural.

      4. Opo, dahil maraming mabubuti o magagandang pagbabago sa ating bansa bunsod ng kanilang paggalugad at ang pagkatatag ng batayan para sa modernong ekonomiyang kalakalan at pamilihan ay nakakatulong sa pag-angat ng ating ekonomiya sa kasakukuyan.

      Delete
    2. Precious Jewel R. De Mesa
      8-Yakal

      Quarter 3 - Week 2-3

      [Gawain 1]

      1. Ang Portugal at Spain. Si Pope Alexander VI ang namagitan sa kanilang paglalabanan

      2. Ang Portugal at sinundan ito ng Spain, France, Netherland at England

      3. Ang mga pangunahing dahilan ng eksplorasyon ay paghahanap ng mga spices, mga ginto, mapalaganap ang kristiyanismo at maging magtamo ng karangalan at katanyahan. Mga agawan ng mga bansa

      4. Opo, dahil nadiscobre ang maraming bansa, tumaas ang ekonomiya ng maraming bansa.

      Delete
    3. Matthew Lhay S. Dacal Dacal
      8-Yakal

      1. Ang mga bansang naghati sa mundo ay ang Portugal at Spain.Namagitan si Pope Alexander VI sa kanilang paglalabanan. Noong 1493, gumuhit ang Pope ng line of demarcation, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantic Ocean mula sa North Pole hanggang South Pole.

      2.Spain,France,Portugal, Netherland at England.

      4. Opo, nakatulong at malaki ang ganda naidulot ng ngdaang eksplorasyon sa ating bansa sa dahilan ang mga bagay natuklasan nila noon ay patuloy parib natin ginagamit at mga mamayang ng eeksplorasyon upang mapadali nila matunton ang pupuntahan at patuloy na makatulas ng mga lupain. Ang compass ay patuloy parin natin ginagamit sa eksplorasyon.

      Delete
    4. Hershelyn R. Ordinario
      8-Yakal

      1. Ang mga bansang naghati sa mundo ay ang Portugal at Spain.Namagitan si Pope Alexander VI sa kanilang paglalabanan. Noong 1493, gumuhit ang Pope ng line of demarcation, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantic Ocean mula sa North Pole hanggang South Pole.
      2. Ang eksplorasyon ay pinangunahan ng Portugal at sinundan ng Spain, France, Netherland at England.
      3. Ang explorasyon ay nagiwan ng pangmatagalang epekto sa kasaysayan na tinahak ng daigdig at isa sa mga ito ay ang pagkakatatag ng batayan para sa modernong ekonomiyang kalakalan at pamilihan.
      4. Opo, sapagkat madaming nabago sa ating bansa nagkaroon ng modernong ekonomiyang kalakalan at pamilihan

      Delete
  5. Jasmine Jhayzel V. Hicarte
    8-Mabolo

    1.ang mga bansang Portugal at Spain kasama nadin ang France, England,Netherland ang namamagitan sa paghati sa mundo ay sina Jacques Cartier,Samuel de Champlain,Louis Jolliet at Jacques Marquette,Pope Alexander VI.
    2.Portugal,France at Spain
    3.Ang magandang epekto ng eksplorasyon ay humahanap sila ng mga bagay ng mapagkakakitaan at ang hindi mabuting epekto naman ay hindi sila tiyak sa kakalabasan nito.
    4.Opo,dahil nakapaghahanap sila na mga bagay na pwedeng ibenta o pagkakitaan

    ReplyDelete
  6. Franchesca P. IbayanMarch 6, 2022 at 3:39 PM

    Franchesca P. Ibayan
    8_MABOLO

    GAWAIN 1
    1. Portugal at Spain,Namagitan si Pope Alexander VI sa kanilang paglalabanan. Noong 1493, gumuhit ang Pope ng line of demarcation, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantic Ocean mula sa North Pole hanggang South Pole.
    2. Spain, France, Portugal, Netherlands, at England
    3. Isa sa mga mabubuting naidudulot o naidulot ng eksplorasyon ay ang pagpapalawak ng mga teritoryo o lupain sa Pulitikal,paghahanap ng pampalasa at pag palaganap ng kristiyanismo. Ang hindi naman mabuting epekto o naidulot ng eksplorasyon ay ang pag-kasira ng Pamilyang naapektuhan ng 'Slave Trade' sa Sosyo-Kultural.
    4.Opo,dahil nakapaghahanap sila na mga bagay na pwedeng ibenta o pagkakitaan.

    ReplyDelete
  7. Janus Andrei F. Indelible
    8-mabolo
    Dignidad 2-3

    1. Ang Portugal at Spain. Ang namagitan naman sa kanila ay si Pope Alexander VI.
    2.Spain, Portugal, France, England at Netherland.
    3.ang naging mabuting epekto ng eksplorasyon ay ang mga pag-tuklas nila ng mga bagong lupain at ang pag-papatayo nila ng kanilang mga tahanan sa lupain,pag aalaga ng hayop at pangangalaga sa lupain at ang masamang epekto naman ay ang kanilang mga gulo na nangyayari kapag nakatuklas sila ng bagong lupain at maraming tao ang namamatay dahil sa agawan ng mga lupain.
    4.opo,dahil kung hindi sila nageksplorasyon hindi natin malalaman kung gaano kalaki ang mundo at wala tayong malalaman tungkol sa buong mundo.

    ReplyDelete
  8. KIIAN JOSH G. JACKSON
    G8 MABOLO

    DIGNIDAD Q3 WEEK2-3

    1. - Ang mga bansang Portugal at Spain ang naghati sa mundo sa kadahilanang nag uunahan sila sa pagtuklas ng mga bagong lupain na nagdulot na lumalalang paglisahan.
    - Si Pope Alexander VI ang namigitan da kanilang paglalabanan at pagligsahan, kaya gumuhit ang Pope ng "line of demarcation" isang hindi makikitang linya mula sa gitna nf Atlantic Ocean mula sa North Pole hanggang South Pole Kanlurang bahagi ng linya para sa Spain,
    Silangang bahagi ng linya para sa Portugal.

    2. Ang mga bansa nakiisa sa sa eksplorasyon ay ang mga bansang Portugal, Spain, France, England at Netherland.

    3. Mabuting Epekto ng Eksplorasyon
    - Naging sentro ng pangkalakalng daigdig ang Europe
    - dumami ang salapi
    - lumawak ang kaalaman at pamumuhay ng mga negosyate sa malalaking negosyo
    - pag unlad ng teknolohiya
    - natuklasan ang compass
    -grid system
    - lumaganap ang Kristiyanismo
    - natuklasan ang mga Spices
    - pagtuklas ng bagong lupain

    Hindi mabuting epekto ng Eksplorasyon
    - naghati ang dalawang bansa ang naghati sa mundo
    -nagkaroon ng pagligsahan sa dalawang bansa Spain at Portugal
    - lumaganap ang sakit na yellow fever at malaria na hatid ng Europeo mula sa Afruca patungong New World.

    4. Opo, nakatulong at malaki ang ganda naidulot ng ngdaang eksplorasyon sa ating bansa sa dahilan ang mga bagay natuklasan nila noon ay patuloy parib natin ginagamit at mga mamayang ng eeksplorasyon upang mapadali nila matunton ang pupuntahan at patuloy na makatulas ng mga lupain. Ang compass ay patuloy parin natin ginagamit sa eksplorasyon.

    ReplyDelete

  9. JOAN ANTONIO LISONDRA
    8-TALISAY

    GAWAIN:

    1. Ang mga bansang naghati sa mundo ay ang Portugal at Spain.Namagitan si Pope Alexander VI sa kanilang paglalabanan. Noong 1493, gumuhit ang Pope ng line of demarcation, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantic Ocean mula sa North Pole hanggang South Pole.
    2. Ang eksplorasyon ay pinangunahan ng Portugal at sinundan ng Spain, France, Netherland at England.
    3. Ang explorasyon ay nagiwan ng pangmatagalang epekto sa kasaysayan na tinahak ng daigdig at isa sa mga ito ay ang pagkakatatag ng batayan para sa modernong ekonomiyang kalakalan at pamilihan.
    4. Opo, sapagkat madaming nabago sa ating bansa nagkaroon ng modernong ekonomiyang kalakalan at pamilihan

    ReplyDelete
  10. Gawain 1

    1.Ang dalawang bansang naghati sa Mundo ay ang Portugal at Spain. Si Pope Alexander Vl naman ang namagitan sa kanilang labanan.

    2.Nauna rito ang Portugal, sumunod ang Spain, France, Netherland, at England.

    3.Ang mabuting epekto nito ay naipalawak ang kaalaman sa ibat ibang bansa at nakatuklas rin ang mga natatagong kayamanan mapa kultural man o likas. Ang masama namang epekto nito ay naging sakim Naman sa kayamanan ang karamihan sa bansa at naging bunga nito ang pagkasawi ng napakaraming tao.

    ReplyDelete
  11. Alexza Gweneth R. Jacob
    8-Mabolo

    1.Ang mga bansang Portugal at Spain ang naghati sa mundo sa kadahilanang nag uunahan sila sa pagtuklas ng mga bagong lupain na nagdulot na lumalalang paglisahan.