ARALING PANLIPUNAN 8-IKATLONG KWARTER
8- AP- Qrt 3- Week 4
Most Essential Learning Competencies:
Nasusuri ang dahilan, kaganapan, at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal. Code: AP8DKT-IIi-13
BALIK-ARAL:
Sa huling aralin, tinalakay natin ang unang yugto ng kolonyalismong kanluranin partikular na ang mga bansang nanguna sa paggalugad at naging epekto nito sa mga bansang naapektuhan.
Ngayon naman ay tatalakayin natin ang mga salik na nagbigay-daan sa rebolusyong siyentipiko, enlightenment, at industriyal. Kasamang tatalakayin natin ang mga kaganapan at kontribusyon nito sa daigdig.
DAHILAN, KAGANAPAN, AT EPEKTO NG REBOLUSYONG SIYENTIPIKO, ENLIGHTENMENT AT INDUSTRIYAL
Sa huling bahagi ng Gitnang Panahon, ang mahabang panahon ng digmaan, pananakop at kaguluhang ekonomiko ay nagwakas. Ang pagbabagong ito ang nagsilbing hudyat upang magsimula ang bagong panahon ng pagtuklas, pag-aaral at pagkamulat sa mga pangyayari sa lipunan na nagbigay-daan sa maraming pagbabago sa larangan ng medisina, paglilimbag, transportasyon, at telekomunikasyon.
Kahanga-hanga at maipagmamalaki ang mga ambag ng mga pilosopo, siyentipiko at mga imbentor. Napakalaking ambag ito sa katalinuhan at kagalingan ng mga sinaunang tao na nagsilbi na ring pamana nila sa ating makabagong panahon sa iba’t-ibang larangan at aspekto. Hindi natin napapansin subalit ang ilang mga bagay na ating ginagamit araw-araw ay maaaring nag-ugat sa malayong nakaraan.
Gayundin, ang kasaysayan ng iba’t-ibang kaisipan, pilosopiya, at imbensiyon sa kasalukuyan ay maaaring tuntunin sa mga sinaunang kaganapang ito.
ANG REBOLUSYONG SIYENTIPIKO
Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng panibagong pananaw at paniniwala ng mga Europeo. Ang dating impluwensiya ng simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng tao ay nabawasan at humina dahil sa mga bagong tuklas na kaalaman na pinatunayan ng “bagong agham”.
DAHILAN | KAGANAPAN | EPEKTO |
Iwasto ang mga sinaunang kaisipan na pinaniniwalaan ng simbahan mula sa teorya ni Ptolemy.
-Ayon sa kanya, ang kalawakan ay nakaayos sa paraang geocentric (ang mga planeta, araw at mgabituin ay umiinog sa mundo). | Nicolaus Copernicus-sumulat ng aklat na “On the Revolutions of Heavenly Spheres” noong 1543.
-Ayon sa kanya, heliocentric ang pagkakaayos ng daigdig kung saan ang araw ay iniikutan ng mga planeta kasama ang mundo.
-Isinulat ni Galileo Galilei sa kanyang “Dialogue Concerning the Two Chief World Systems” ang paghahambing sa dalawang teorya. Sinang-ayunan niya ang teorya ni Copernicus. | -nilitis si Galileo ng inquisition (pagpaparusa sa tumutuligsa sa simbahan) at habambuhay na pagkakabilanggo. |
Pagbibigay-sigla sa bagong agham. | Iginiit ni Francis Bacon sa kanyang aklat na “Novum Organum” ang paggamit ng inductive method.
-Sa paraang ito, kinakailangan ang pagsusuri sa mga tiyak na bagay upang makabuo ng isang pangkalahatang paliwanag mula sa impluwensiya nina Copernicus at Galileo.
-Isinulat ni Rene Descartes sa kaniyang aklat na “Discourse on Method” ang paggamit ng deductive method sa pag-aaral ng siyensiya mula sa pangkalahatang prinsipyo at logical reasoning. | -Tinawag itong Scientific Method o masusing proseso ng pangangalap ng kaisipan mula sa : 1.katanungan 2.obserbasyon 3.pagbuo ng haypotesis 4.eksperimento 5.paglikom ng datos 6.pagsusuri 7.konklusyon.
-pag-unlad ng iba pang sangay ng agham: 1. decimal at simbolo ng +, -, x at =. 2. teleskopyo 3. air pump 4. steam engine 5. Thermometer 6. Compass
-ang pag-unlad ng kaalaman sa medisina ay nakatulong upang mapabuti ang kalidad ng pamumuhay.
-nasugpo ang mga karamdaman at napagbuti ang kaalaman sa anatomiya. |
ANG PANAHON NG ENLIGHTENMENT (KALIWANAGAN)
Ito ay bunga ng makaagham na epekto ng rebolusyon sa iba’t ibang aspekto ng buhay upang mapaunlad ang larangan ng pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at edukasyon.
DAHILAN | KAGANAPAN | EPEKTO |
Pagnanais ng mga Europeo na umahon mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala. | Kilusangintelektuwal-samahan ng mga pilosopo na naglalayong gamitin ang agham sa pagsagot sa suliraning ekonomikal, politikal at maging kultural. | -ang kanilang mga ambag ang nagsilbing pundasyon ng mga modernong ideya tungkol sa pamahalaan, edukasyon, demokrasya at sining.
-sinuri nila ang kapangyarihan at relihiyon at tinuligsa ang kawalan ng katarungan sa lipunan. |
Makabagong ideyang pampolitika | Natural Law- ginamit ni Thomas Hobbes ang ideyang ito upang isulong ang paniniwala na ang absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan. -Sa kanyang aklat na “Leviathan” inilarawan niya ang isang lipunan na walang pinuno at may magulong lipunan. | -kinailangan na pumasok ng tao sa kasunduan sa pamahalaan.
-kailangang protektahan at pangalagaan ng pinuno ang kanyang mga nasasakupan. |
Pagpapahayag ng bagong pananaw | Sa lathalaing “Two Treatises of Government” ni John Locke, ipinahayag niya na maaaring sumira ang tao sa kanyang kasunduan sa pinuno kung ang pamahalaan ay di na kayang pangalagaan at ibigay ang kaniyang mga natural na karapatan.
Baron de Montesquieu naniniwala sa ideya ng paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan sa tatlong sangay: a.lehislatura (tagapagbuo ng batas) b. ehekutibo (nagpapatupad ng batas) c. hukuman (tagahatol) | -naging basehan ng mga Amerikano ang ideyang ito na lumaya sa pamumuno ng Great Britain. |
Pangangailangan sa regulasyon ng gobyerno sa kalakalan | Laissez Faire- uri ng pagnenegosyo na di makikialam ang gobyerno. | Pagsuporta ng mga physiocrat para mabigyang-proteksiyon ang mga lokal na produkto. |
ANG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL
Ang mga kaisipan na isinulong sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko ang naging daan sa pagtuklas at pag-imbento ng mga makabagong makinarya. Ito ay isinilang sa pagkakaroon ng sistemang pabrika (factory system), pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon.
DAHILAN | KAGANAPAN | EPEKTO |
Pagbabago sa larangan ng industriya ng tela. | Pagkakaroon ng maraming imbensiyon:
-Cotton gin- naimbento ni Eli Whitney upang ihiwalay ang buto at iba pang material sa bulak na ginagawang tela.
-Spinning jenny- ito ay naimbento ni James Hargreaves, isang makinaryang nagpabilis ng paglalagay ng sinulid sa bukilya.
-Spinning frame o water frame- gawa ni Richard Awkright. Ginamitan niya ng tubig ang spinning jenny upang lalong pabilisin ang paggawa ng tela. | -naging mabilis ang proseso ng produksiyon. -paglaki ng kita at pagunlad ng pamumuhay.
-pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga tao sa pag-imbento ng mga makinarya.
-pagsasamantala ng mga kapitalista.
-patuloy na pagyaman ng mga kapitalista. |
Mabago ang lumang sistema ng produksiyon, transportasyon, at komunikasyon. | Steam engine- naimbento nina Thomas Newcomen at James Watt na naging daan upang madagdagan ang suplay ng enerhiya na magpapatakbo ng industriya.
-Open- field system pinagsasama-sama ang maliliit na lupain sa isang komunidad upang mas mapadali ang pagsubok ng bagong paraan ng pagtatanim.
-Elektrisidad-ipinakilala ni Thomas Alva Edison na siyang malaking tulong upang maliwanagan ang buong komunidad at mapatakbo ang iba pang makabagong kagamitan.
-Steamboat- ginamit ni Robert Fulton na siyang nagbigay-daan sa pag-unlad ng pagbabarko.
-Steam locomotive-daang-bakal na ginawa nina John McAdam at Thomas Telsford na nagbigay-daan sa pag-unlad ng daang-bakal o railroad.
-Telepono-imbensiyon ni Alexander Grahambell sa komunikasyon. | -paglipat ng mga tao mula sa kabundukan patungo sa mga lungsod.
-paglitaw ng mga lungsod na sentro ng industriya.
-pagsilang ng sistemang pabrika. |
.
TANDAAN!
REBOLUSYONG INDUSTRIYAL
Ito ay isinilang sa pagkakaroon ng sistemang pabrika (factory system), pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon.
REBOLUSYONG SIYENTIPIKO
instrumento sa pagkakaroon ng panibagong pananaw at paniniwala dahil sa bagong agham
ENLIGHTENMENT
Ito ay bunga ng makaagham na epekto ng rebolusyon sa iba’t ibang aspekto ng buhay.
GAWAIN:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang inyong sagot sa inyong notebook at ikomento rin sa ibaba.
1. Magbigay ng 3 mahahalagang kaisipan/ kagamitan na naiambag ng mga Europeo sa kasaysayan na sa tingin mo ay patuloy na ginagamit hanggang sa kasalukuyan sa sumusunod na panahon:
a. Rebolusyong Siyentipiko
b. Enlightenment
c. Rebolusyong Industriyal
2. Bakit mahalaga na unahin ng mga pinuno ng pamahalaan ang kapakanan ng mga mamamayan kaysa sa kanilang sarili lalo sa panahon ng pandemya?
3. Bilang isang Pilipino na bumibili ng produkto, mahalaga ba na makialam ang pamahalaan sa pagtatakda ng presyo sa pamilihan? Bakit?
4. Paano makakatulong sa iyo ang mga imbensiyong nalikha noong panahon ng Rebolusyong Siyentipiko at Industriyal?
5. Sa paanong paraan mo ito mapangangalagaan?
REFERENCE:
Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9CW8mqXVgq4kA59JXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=REBOLUSYONG+SIYENTIPIKO&fr2=piv-web&fr=mcafee