Naglabas na ng pahayag ang Department of Education sa pamamagitan ng isang Memorandum (DM-CI-2022-009), sa pamamagitan ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instructions Strand Diosdado San Antonio. Ito'y matapos ang maraming panawagan para sa Academic health Break dahil sa pagbugso ng bilang ng mga nagkakasakit dulot ng Covid-19 at Omicron variant.
Maraming mga guro ang nagkaroon ng ubo, trangkaso, at iba pa sampo ng kanilang pamilya bago at pagpasok ng bagong taon. Kaya naman, iba't ibang panawagan para sa health break ang umingay. Hindi naman kasi garantiya ang pagkakasakit para hindi gawin ng mga guro ang kanilang tungkulin sa paaralan. Kung hindi naman magampanan ng mga guro ang kanilang trabaho, mababawasan naman ang sahod nito. Ibig sabihin, kailangang magtrabaho ng mga guro, may sakit man o wala, upang hindi mabawasan ang mga sahod nito. Maliban pa rito, matatambakan ng trabaho ang mga guro kung hindi nila haharapin ang kanilang mga responsibilidad na dumadagdag kada araw. Hindi pa kasama rito ang mga deadlines na dapat mapuno base sa schedule nito.
Base sa Memorandum ni USEC San Antonio, the Reiteration of the Policy on Academic Ease and Allowing the Suspension of Classes and Other Teaching-Related Activities in the Midst of the Surge in Covid-19 Cases, pinaghugutan nito ang pagbugso ng bilang ng mga kaso na may kinalaman sa Covid-19 at pagbibigay konsiderasyon sa mga guro lalo na iyong nakaranas ng mga sintomas at kapakanan ng mga mag-aaral. Dahil dito hinikayat ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga Regional Office at mga Division Office na magkaroon ng diskresyon sa pagsususpinde ng mga klase at iba pang non-teaching related activities.
Sa pagbibigay ng academic health break, dapat maganap ito ngayong Enero at hindi dapat lumampas sa dalawang linggo. At dahil sa pagbabago ng health situation lalo na ang kalagayan ng mga guro at mga mag-aaral, binibigyan ng opsyon ang mga Regional Offices and Division Office na magdecide sa petsa at bilang ng araw ng break.
Base pa rin sa memo, nakahinto muna ang lahat ng synchronous at asynchronous classes at ang pag-submit ng academic requirements at iba pang teaching related activities ay mauusog din.
Binibigyang-laya naman ang mga pampribadong paaralan na magkaroon ng sariling diskresyon sa pagpapatupad ng class suspension.
Ayon naman sa National Chairman ng Teachers' Dignity Coalition na si Benjo Basas, Bagama't hindi ito ang inaasahang response ng Kagawaran ng Edukasyon, malaking bagay na rin umano ito dahil napakinggan ang kanilang panawagan sa ahensya. Umaasa rin sila na maging pantay-pantay ang pagpapatupad ng kanilang kahilingan.
No comments:
Post a Comment