Tuesday, March 23, 2021

AP8-Q3-W1: RENAISSANCE

 ARALING PANLIPUNAN 8- IKATLONG KWARTER

AP8-Q3-Week1 


Most Essential Learning Competencies: 

    Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyo￾kultural sa panahon ng Renaissance.


BALIK-TANAW:

    Sa huling aralin ng Second Grading, inaral natin ang tungkol sa paglakas ng simbahan, pagbagsak ng Rome, ang piyudalismo, paglitaw ng mga Burgis, at pagbuo ng mga Guild na siyang poprotekta sa gitnang uri ng lipunan.

    Ngayon naman ay tatalakayin natin ang dahilan ng paglakas ng Europe sa daigdig.


ANG PAGLAKAS NG EUROPE


    Nagmumula sa Europe ang pinakamayayamang mga bansa sa daigdig. Malaki ang bahaging ginampanan nila upang mapanatili ang katayuan ng Europe bilang isa sa pinakamaunlad na kontinente sa mundo. 

    Sa pag-unlad ng agrikultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim umunlad ang produksyon sa Europe noong “Middle Ages”. Dahil dito lumaki ang populasyon at dumami ang pangangailangan ng mga mamamayanan na matutugunan naman ng maunlad na kalakalan ang mga lungsod￾-estado sa hilagang Italy ang nakinabang sa kalakalan. Noong ika-11 hanggang ika-12 na siglo umunlad ito bilang sentrong pangkalakalan at pananalapi sa Europe. Ilan sa mga lungsod-estado na umusbong ay ang Milan, Florence, Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna at Genoa. Ang yaman ng mga lungsod estado ay di nakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan at industriya.

    Ang mga pagbabago ng kamalayan mula sa Panahong Medieval ang nagpasimula sa pag-usbong ng makabagong daigdig. Ang mga pangyayari sa paglakas ng Europe, paglawak ng kapangyarihan nito at ang pagpakamulat sa mga bagong kaalaman at ideya ay nagdala ng  transpormasyon sa Europe at bumago sa buong daigdig.

    Malalaman natin sa araling ito ang dahilan ng paglakas ng Europa na malaki ang bahaging ginampanan sa kasaysayan.


Europe


-Bourgeoisie

ito ay tumutukoy sa mga mamamayan ng mga bayan sa Medieval France na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Ang mga artisan ay mga manggagagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang. Ang mga mangangalakal naman ang siyang nangangalakal ng produktong likha ng mga artisan.

-Merkantilismo

Ang sentral ng teoryang ito ay ang doktrinang Bullionism.. ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito. Ibig sabihin, kung mas maraming ginto at pilak ang isang bansa, magiging makapangyarihan ito. Malaki ang naitulong nito sa pagkabuo at paglakas ng mga Nation-State sa Europe.

-National Monarchy

Malaki ang naitulong sa pagtatag ng national Monarchy sa Europe. Mula sa piyudalismo na hindi sentralisado ang pamahalaan dahil sa kanya-kanyang kapangyarihan ng mga maharlika, ang pagtatag ng national Monarchy ay nagkaroon ng sentralisadong pamahalaan na may mas makapangyarihang hari.

-Nation-State

Ito ay tumutukoy sa isang estado na pinananahan ng mga mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan. Mahalagang katangian ng nation-state sa panahong iyon ang pagkakarron ng sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng isang pambansang monarkiya na maykakayahan at kapangyarihan na magpatupad ng batas sa buong nasasakupan. Dahil sa makapangyarihan ang mga nation-state, nagpakita ng ibayong lakas ang Europe na ng lumaon as mas lalong tumatag.

-Simbahan

Malaki ang naging impluwensya ng simbahan sa paghina ng mga panginoong may lupa sa panahon ng piyudalismo. Tinuligsa ang pang-aabuso ng mga hari na siya namang nagpalakas lalo ng papel ng simbahan sa gitnang panahon. Marami rin namang tumuligsa sa simbahan dahil sa mga pang-aabuso sa kapangyarihan.. naging daan naman ito sa pagsibol ng transisyon at paglitaw ng panahon ng renaissance.

-Renaissance

Ang renaissance ay ang muling pagsilang. Ito ang magiging sentro ng aralin ngayon.


Bakit nga ba sa Italya umusbong ang renaissance?


Italya

-Italy ang piangmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan ang italyano sa mga Romano kaysa sa alin mang bansa sa Europe.

-Pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral

-Maganda ang lokasyong ito. dahil sa lokasyon nito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod dito na makipagsapalaran sa kanlurang Asya at Europe.

-Mahalaga rin ang naging papel ng mga unibersidad sa Italy. Naitaguyod at naipanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano.


Ang Renaissance at ang Italy


Ang Renaissance ay itinuturing na knowledge revolution. Itinuturing itong panahon na ang tao ay makamundo at materyalistiko. Gayunman, may naganap na dakilang repormasyon noong Renaissance. Ang diwa ng Renaissance ang bumuhay sa Repormasyon. Ang mga ideya at saloobin ng dalawang era ay nagbunsod sa mas maraming Kalayaan at mga pagpapahalagang demokratiko, ang panahon ng Eksplorasyon, at panahon ng Humanismo at Katwiran. Ito ang era na umusbong sa modernong daigdig. Ang “Renaissance”, o Risogimento sa Italyano ay nangangahulugang “muling pagsilang”. Ito ang panahon na nagwakas sa Dark Age at nagbukas ng mas progresibong panahon sa Europe. Binago ng mayayaman at matatalino ng panahong ito ang kanilang pokus mula sa relihiyon at bulag na pananampalataya, itinuon nila ang kanilang interes sa humanism at personal na mga bagay-bagay. Naapektuhan nito ang kanilang prayoridad sa buhay, sining, edukasyon, musika at ibang interes. Inihanda sila nito sa Repormasyon, Panahon ng Eksplorasyon, at Panahon ng Katwiran at Humanismo.


Ang Kababaihan sa Renaissance


Iilang kababihan lamang ang tinatanggap sa mga unibersidad o pinapayagang magsanay sa kanilang propesyon sa Italy. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang makilala ang iilang mga kababaihan at ang kanilang ambag sa Renaissance. Ilan lamang sa mga ito ay sina Isotta Nogarola ng Verona na may akda ng Dialogue on Adam and Eve (1451) at Oration on the Life of St. Jerome (1453). Nariyan din si Laura Cereta mula sa Brescia na nagsulong sa pagtatanggol sa pag-aaral ng Humanistiko para sa kababaihan. Sa larangan ng pagsusulat ng tula nariyan sina Veronica Franco ng Venice at si Vittoria Colonna mula sa Rome. Kung sa pagpipinta naman ang pag￾uusapan, hinangaan ang mga obra nina Sofonisba Anguissola mula Cremona na may gawa ng Self-Portrait at si Artemisia Gentileschi, anak ni Orazio na nagpinta ng Judith and Her Maidservant with the head of Holoferness (1625) at Self-Portrait as the Allegory of Painting (1630).


Ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome ay tinatawag na humanist o humanista, mula sa salitang Italian na nangangahulugang “guro ng humanidades, partikular ng wikang Latin.” Pinag-aaralan sa humanities o Humanidades ang wikang latin at Greek, komposisyon, retorika, kasaysayan at pilosopiya, at maging ang Matematika at musika. Sa pag-aaral ng mga ito, napagtanto ng mga humanista na dapat gawing modelo ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa mga asignaturang ito. Ang Humanismo ay isang kilusang intelektwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay.


Alamin naman natin ang mga ambag sa panahon ng Renaissance!


Brain Map!

1. Raphael Santi (1483-1520)

2. Leonardo da Vinci (1452-1519)

3. Michelangelo Bounarotti (1475-1564)

4. Sir Isaac Newton (1642-1727)

5. Galileo Galilei (1564-1642)

6. Nicolas Copernicus (1473-1543)

7. Francesco Petrarch (1304-1374)

8. Giovanni Boccacio (1313-1375)

9. William Shakespeare (1564-1616)

10. Desiderious Erasmus (1466-1536)

11. Miguel de Cervantes (1547-1616)

12. Nicollo Machiavelli (1469-1527)



1. “Ganap/Perpektong Pintor”. Pinakamahusay na pintor ng Renaissance. Kilala sa pagkakatugma at balance o proporsyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kanyang mga tanyag na gawa ang obra maestrang “Sistine Madonna,” “Madonna and the Child,” at “Alba Madonna.”

2. Isang henyong maraming nalalaman sa iba-ibang larangan. Isang pintor, arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at pilosopo. Obra mestra niya ang tanyag na “The Last Supper” o huling hapunan ni Kristo.

3. Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance. Ipininta niya ang Sistine Chapel ng Katedral ng Vatican ang kwento ng banal na kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdigan hanggang sa pagbaha. Nilikha niya ang pinakabantog na La Pieta isang estatwa ni Kristo matapos ang pagpako sa kaniya sa krus.

4. Sang-ayon sa kanyang batas ng Universal Gravitation, ang bawat planeta ay may kaniya-kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog.

5. Isang astronomo at matematiko. Malaki ang naitulong ng kaniyang naimbentong teleskopyo para mapatotohanan ang teoryang Copernican. 

6. Inilahad niya ang teoryang heliocentric; “Ang pag-ikot ng daigdig sa aksis nito kasabay ng mga planetang umiikot sa paligid ng araw”.

7. Tinaguriang “Ama ng Humanismo.” Pinakamahalagang sinulat niya sa Italyano ang “Songbook” isang koleksyon ng mga sonata ng pag-ibig sa pinakamamahal niyang si Laura.

8. Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kaniyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang “Decameron”, isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isandaang nakakatwang salaysay.

9. Ang “Makata ng mga Makata.” Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahon ng Englandsa pamumuno ni Reyna Elizabeth II. Ilan sa mga sinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng: “Julius Caezar,” Romeo at Juliet,” “Hamlet,” “Anthony at Cleopatra,” at “Scarlet.”

10. “Prinsipe ng mga Humanista.” May-akda ng “In Praise of Folly” kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao.

11. Sa larangan ng panitikan, isinulat niya ang nobelang “Don Quixote de la Mancha,” aklat na kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period.

12. Isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italy. May- akda ng “The Prince.” Napapaloob sa aklat na ito ang dalawang Prinsipyo: “Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan” at “Wasto ang nilikha ng lakas.”



GAWAIN 1: 

Panuto: Isulat sa kwaderno/Notebook at ikomento sa ibaba ang inyong sagot.


1. Alamin ang mga prominenteng kalalakihan sa panahon ng renaissance at anu-ano ang naging ambag nila sa daigdig.

2. Alamin naman ang mga prominenteng kababaihan sa panahon ng renaissance at naging ambag nila sa daigdig.

3. Batay sa nabasa mo tungkol sa renaissance, ano ang pagkakatulad nito sa buhay mo?

 

Monday, March 15, 2021

Exploring Bolinao, Pangasinan, Philippines

 Unwinding in Bolinao, Pangasinan



    We went in Bolinao, Pangasinan recently with my Family. It is very interesting story since the LockDown implemented due to pandemic that made my children stayed at home for more than a year. This time, we've spent time with the sea, seashore, sunrise and beautiful sunset. We also made to have sidetrips. We also visited the Lighthouse, Enchanted Cave, and the Bolinao Falls 1.

    This trip made my family recharged from what we've been experiencing since the lockdown was implemented. I hope this pandemic will last the soonest. 

    By the way, thanks to Van for Rent for their services which kept us safe during the tour. I hope for the next time.

    Stay Safe Everyone :)