AP8-Q2-WEEK4: MEDIEVAL PERIOD O GITNANG PANAHON
JOURNAL #4
"AKO AT ANG KINABIBILANGAN KONG RELIHIYON"
AP8-Q2-WEEK4: MEDIEVAL PERIOD O GITNANG PANAHON
JOURNAL #4
"AKO AT ANG KINABIBILANGAN KONG RELIHIYON"
AP8-Q2-WEEK4-KECPHD
GITNANG PANAHON SA EUROPA: HOLY ROMAN EMPIRE
*Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon
• Ekonomiya (Manoryalismo) Sosyo-kultural (Paglakas ng Simbahang Katoliko, Krusada)
BALIK-ARAL: Sa huling video lesson, tinalakay namin ang mga kabihasnang klasiko sa america, africa, at mga pulo sa pacific. Binanggit doon ang mga imperyong umusbong at nagbigay ambag sa mundo.
Ngayon naman ay pag-usapin natin ang daigdig sa panahon ng transisyon.
Makakasama natin sina Mr. Edwin Abugan, Ms. Joanne Medilo, at Ms. Rafaela Nacional.
Hahatiin natin sa dalawang talakayan ang aralin. Una, sa part I, pag-uusapan natin ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Gitnang Panahon, partikular na ang Holy Roman Empire at paglakas ng Simbahang Katoliko
Sa part II naman, pag-uusapan natin ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa panahong Medieval o gitnang panahon, partikular na Krusada at Piyudalismo.
Samahan niyo kami sa talakayang ito.. at huwag kalimutang i-like, share, at magsubscribe :)
PART I
ARALIN 3
Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon
Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval
-Ang Paglakas ng Simbahang Katoliko Bilang Isang Institusyon sa Gitnang Panahon
-Ang Holy Roman Empire
-Ang Paglunsad ng mga Krusada
-Ang Buhay sa Europe Noong Gitnang Panahon (Piyudalismo, Manorialismo, Pagusbong ng mga Bayan at Lungsod)
Mga Salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Kapapahan
Apat ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Rome. Pangunahin na rito ang pagbagsak ng Imperyong Romano na siyang nagbunsod sa kapangyarihan ng kapapahan.
Pagbagsak ng Imperyong Roman
Marami ang dahilan ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko at ng kapapahan. Isa na rito ang pagbagsak ng imperyong Romano noong 476 C.E., na naghari sa kanluran at silangang Europe sa Gitnang Silangan at sa hilagang Africa sa loob ng halos 600 taon.
Tinukoy ni Silvian, isang pari, na kalooban ng mga Roman ang bunga ng kanilang mga kasamaan. Ang mga kayamanang umagos papasok sa Rome ang naging sanhi ng palasak na kabulukan sa pamahalaan ng imperyo. Sa walang tigil na pagsasamantala sa tungkulin ng mga umuugit ng pamahalaan, nahati ang lipunan sa dalawang panig- ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan na binubuo ng mayayaman at malalakas na pinuno sa pamahalaan at mga nakararaming maliliit na mamamayan.
Lubhang nakapagpahina ang kabulukan sa pamahalaan at ang kahabag-habag na kalagayan ng pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao sa katayuan ng Imperyong Rome. Noong 476 C.E., tuluyan itong bumagsak sa kamay ng mga barbaro na dati ng nakatira sa loob ng imperyo mula pa noong ikatlong siglo ng Kristiyanismo.
Sa kabutihang-palad, ang simbahang Kristiyano, na tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga barbaro, ang nangalaga sa mga pangangailangan ng mga tao. Sa kawalan ng pag-asang maibalik ang dating lakas-militar at kasaganaang materyal ng imperyo, bumaling ang mamamayan sa simbahang Katoliko sa pamumuno at kaligtasan. Binigyang-diin nila ang kalagayan ng kaluluwa sa ikalawang buhay ayon sa pangako ng Simbahan para sa mga nailigtas sa pamamagitan ni Kristo. Sa kabilang dako, nahikayat naman ang mga barbaro sa kapangyarihan ng Simbahan. Pumayag sila na binyagan sa pagka- Kristiyano at naging matapat na mga kaanib ng pari.
Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan.
Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga pinuno ng Simbahan na nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga mamamayan. Mula sa mga ordinaryong taong ito lumitaw ang mga pari at mga hirarkiya.
Isang diyosesis ang kongregasyon ng mga Kristiyano sa bawat lungsod na pinamunuan ng Obispo. Nasa ilalim ng Obispo ang maraming pari sa iba’t ibang parokya sa lungsod. Nang lumaganap ang Kristiyanismo mula sa lungsod patungo sa mga lalawigan, sumangguni sa mga Obispo ang mga pari sa kanilang pamumuno. Sa ilalim ng pamumuno at pamamahala ng Obispo, hindi lamang mga gawaing espiritwal ang pinangalagaan ng mga pari, kundi pinangasiwaan din nila ang gawaing pangkabuhayan, pang-edukasyon at pagkawanggawa ng Simbahan. Bukod dito, ang Obispo rin ang namamahala sa pagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa lungsod at sa iba pang mga nasasakupan.
Tinawag na mga Arsobispo ang mga Obispo na nakatira sa malalaking lungsod na naging unang sentro ng Kristiyanismo. Bukod sa panrelihiyong pamamahala ng kanilang sariling lungsod, may kapangyarihan ang isang Arsobispo sa mga Obispo ng ilang karatig na maliit na lungsod. Ang Obispo ng Rome, na tinawag bilang Papa, ang kinikilalang katas-taasang pinuno ng Simbahang Katoliko sa kanlurang Europe. Kabilang siya sa mga Arsobispo, Obispo at mga Pari ng mga parokya.
Mula noong kalagitnaan ng ika-11 siglo, pinipili ang mga Papa ng Kolehiyo ng mga Kardinal sa pamamagitan ng palakpakan lamang, depende kung sino ang gusto ng matatandang kardinal. Sa Konseho ng Lateran noong 1719, pinagpasyahan ng mayorya ang paghalal ng Papa.
Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon, ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin ang kapangyarihang pampulitika bilang pinuno ng estado ng Vatican.
Ang salitang “Pope” ay ngangangahulugang AMA na nagmula sa salitang Latin na “Papa”. Noong unang panahon itinuturing ng mga kristyano ang “Papa” bilang ama ng mga Kristiyano, na siya pa ring tawag sa kanya sa kasalukuyang panahon.
Uri ng Pamumuno sa Simbahan
Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng pundasyon ng Simbahang Katoliko Romano at Kapapahan. Ilan lamang sa mahahalagang tao ng Simbahan at ang kanilang mga nagawa ang makikita sa talahanayan.
Pinuno / Papa Paraan ng Pamumuno
Constantine theGreat
· Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at ang Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag.
· Pinalakas ni Constantine ang kapapahan sa pamamagitan ng Konseho ng Constantinople. Sa kapulungang ito, pinaguri-uri ng mga Obispo ang iba’t ibang malalaking lungsod sa buong imperyo. Gayundin, pinili ang Rome bilang pangunahing diyosesis at dahil dito, kinilala ang Obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko Romano.
Papa Leo the Great (440-461)
· Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang doktrinang nagsasabing ang Obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo. Sa kaniyang mungkahi, ang emperador sa kanlurang Europe ang nag-utos na kilalanin ang kapangyarihan ng Obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahan. Makalipas ang ilang daang taon, ibinigay ang pangalang Papa sa Obispo ng Rome. Mula noong kapanahunan ni Papa Leo, kinilala ang kapangyarihan ng Papa sa lahat ng mga Kristiyano sa kanlurang Europe. Tumanggi naman ang Simbahang Katoliko sa silangang Europe na kilalanin ang Papa bilang pinakamataas na pinuno ng Kristiyanismo hanggang
Papa Gregory I
· Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisikap sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng Simbahan sa buong kanlurang Europe.
· Natamo ni Papa Gregory I ang sukdulan ng tagumpay nang magawa niyang sumampalataya ang iba’t ibang mga barbarong tribo at lumaganap ang Kristiyanismo sa malalayong lugar sa kanlurang Europe. Dahil dito, nagpadala siya ng mga misyonero sa iba’t ibang bansa na hindi pa sumasampalatay sa Simbahang Katoliko. Buong tagumpay na nagpalaganap ng kapangyarihan ng Papa ang mga misyonerong ito nang sumampalataya sa Kristiyanismo ang England, Ireland, Scotland, at Germany.
Papa Gregory VII
Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng kapangyarihang sekular at eklesyastikal ukol sa power of investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa mga tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng Germany. Itiniwalag kaagad niya sa simbahan si Haring Henry IV na gumanti naman nang ipag-utos niya ang pagpapatalsik kay Papa Gregory VII. Ngunit nang maramdaman ni Henry IV na kaanib ni Papa Gregory VII ang mga Maharlika sa Germany, sumuko siya sa Papa at humingi ng kapatawaran. Binawi ng Papa ang kaparusahang pagtitiwalag sa Simbahan pagkatapos ng lubhang paghihirap sa pagtawid sa Alps at napahamak pagkaraan nang malaon at masidhing pag-aaregluhan.
Ang investiture ay isang seremonya kung saan ang isang pinunong sekular katulad ng hari ay pinagkakalooban ng mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa Obispong kaniyang hinihirang bilang maging pinuno ng simbahan. Sa pamumuno ni Papa Gregory sa Simbahan, tinanggal niya ang karapatan ng mga pinunong sekular na magkaloob ng kapangyarihan sa pinuno ng simbahan.
Pamumuno ng mga Monghe
Binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina. Sila ang mga regular na kasapi ng mga pari at itinuturing na higit na matapat kaysa mga paring sekular. Tuwirang nasa ilalim lamang ng kontrol at pangangasiwa ng Abbot at Papa ang mga monghe. Namumuhay ang mga monghe sa ilalim ng mahigpit na mga alituntunin ng monasteryo. Dahil dito, malaki ang kanilangimpluwensya sa pamumuhay ng tao noong Panahong Medieval. Dahil sa kanilang paniniwalang “Ang pagtatrabaho at pagdarasal,” nagsikap sila sa paglinang at pagtanim sa mga lupain na nakapaligid sa kanilang mga monasteryo. Dahil dito, hindi lamang kapaki-pakinabang ang kanilang pagsisikap sa mga monasteryo, kundi higit pang nakaimpluwensya ito sa pag-unlad ng agrikultura sa buong Europe noong Panahong Medieval.
Mga Gawain ng mga Monghe.
Nagtiyaga ang mga monghe sa pag-iingat ng mga karunungang klasikal ng mga sinaunang Griyego at Romano. Dahil sa hindi pa natutuklasan ang palimbagan at ang paggawa ng papel, ang lahat ng mga libro na kanilang iniingatan sa mga aklatan sa monasteryo ang kanilang matiyagang isinusulat muli sa mga sadyang yaring balat ng hayop. Dahil sa ginawang pagsisikap ng mga monghe, ang mga kaalaman tungkol sa sinauna at panggitnang panahon ay napangalagaan sa kasalukuyan.
Ang makatarungang pamumuno ng mga monghe sa kanlurang Europe ay nakatulong din sa lawak ng katanyagan at kapangyarihan ng Simbahan sa ilalim ng pamumuno ng Papa. Nagpakain ang mga monasteryo sa mahihirap, nangalaga sa mga maysakit at kumupkop sa mga taong nais makaligtas sa kanilang mga kaaway. Bumalangkas ang Simbahan ng isang sistema ng mga batas at nagtatag ng mga sariling hukuman sa paglilitis ng mga pagkakasala na kinasasangkutan ng mga pari at mga pangkaraniwang tao. Dahil walang sinumanang nagsasagawa ng ganitong paglilingkod pagkatapos bumagsak ang imperyo ng Rome, nahikayat ang mga tao sa Simbahan para sa kaayusan, pamumuno at tulong. Pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga monghe ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa utos ng Papa sa iba’tibang dako ng kanlurang Europe. Napag-alaman na natin kung paano napasampalataya sa Kristiyanismo ang mga Visigoth sa Spain; ang mga Anglo-Saxon sa England, Ireland at Scotland; at ang mga German sa ilalim ng direksiyon ni Papa Gregory I. Gayundin, naging martir si St. Francis Xavier, ang tinaguriang Apostol ng Asia para sa simulain ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sa utos ng Papa sa Rome.
Bukod sa paglakas ng impluwensiya ng simbahang Katoliko, isa sa mahalagang kaganapan sa Europe sa Panahong Medieval ay ang pagkakatatag ng “Holy Roman Empire”. Sino nga ba si Charlemagne? Bakit tinawag na Holy Roman Empire ang imperyo? Ano ang kontribusyon ng imperyong ito sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan?
Ang Holy Roman Empire
Isa sa mga mayor ng palasyo si Charles Martel, ang nagsikap na pag-isahin ang France. Tinalo niya ang mga mananalakay na Muslim. Mula noon, hindi na nagtangkang sakupin ang Kanlurang Europe.
Si Pepin the Short ang unang hinirang na hari ng France. Noong 768, humalili kay Pepin ang anak na si Charlemagne o Charles the Great, isa sa pinakamahusay na hari sa Medieval Period. Sa gulang na 40, kinuha niya si Alcuin, pinakamahusay na iskolar ng panahon upang magpaturo ng iba’t ibang wika. Inanyayahan din niya ang iba’t ibang iskolar sa Europe upang turuan at sanayin ang mga pari at opisyal ng pamahalaan. Sinakop niya ang Lombard, Muslim, Bavarian at Saxon at ginawang mga Kristiyano.
Noong kapaskuhan ng taong 800, kinoronahan siyang emperador ng Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire). Marami ang nagsabi na ang imperyo ang bumuhay na muli sa imperyong Romano. Sa panahon ng imperyo, ang mga iskolar ang naging tagapangalaga ng kulturang Graeco-Romano. Ang pagsasama-sama ng elementong Kristiyano, German, at Roman ang namayani sa kabihasnang Medieval.
Nang namatay si Charlemagne noong 814, humalili si Louis the Religious. Hindi nagtagumpay ang pagsisikap nitong mapanatili ang imperyo dahil sa paglaban ng mga maharlika. Nang mamatay siya, hinati ng kaniyang tatlong anak ang imperyo sa pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun noong 841. Napunta kay Charles the Bald ang France; kay Louis the German ang Germany; atang Italy kay Lothair.Sa pagkakawatak-watak ng imperyo, nawalan ng kapangyarihan ang mga haring Carolingian sa mga maharlika at nagsimula na naman ang paglusob ng mga Viking, Magyar at Muslim. Namayani sa Europe ang mga maharlika at humina ang mga hari. Nagsimula ang isang sistematikong sosyo-ekonomiko, politiko at militari- ang piyudalismo.
481- Pinag-isani Clovis ang iba’t ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Romano
496- Naging Kristiyano si Clovis at ang kaniyang buong sandatahan
511- Namatay si Clovis at hinati ang kaniyang kaharian sa kanyang mga anak
687- Pinamunuan ni Pepin II ang tribung Franks
717- Humalili kay Pepin II ang kaniyang anak na si Charles Martel
751- Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang bilang Hari ng mga Franks sa halip na Mayor ng Palasyo
Si Pope Leo III ang humirang kay Charlemagne bilang “Emperor of the Holy Roman Empire”. Ayon sa ilang aklat, nangangahulugan ito na ang ideya ng mga Romano ng isang sentralisadong pamahalaan ay hindi naglaho
GAWAIN:
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod. Isulat sa notebook at ikomento sa ibaba ang iyong sagot.
1. Holy Roman Empire
2. Kapapahan
3. Charlemagne
4. Imperyong Roman
5. Silvian
6. Simbahan
7. Papa
8. Arsobispo
9. Obispo
10. Pari
11. Hirarkiya
12. Constantine the Great
13. Papa Leo the Great
14. Papa Gregory I
15. Papa Gregory VII
16. Investiture
17. Monghe
18. Charles Martel
19. Pepin the Short
20. Alcuin
21. Louis the Religious
22. Clovis
23. Pope Leo III
REFERENCE:
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang AKlat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et. al. pahina 141-144
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrT4R.pNhRgnpwAjmiJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANFaE1lVmpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3SV9NVEV3TGdBQUFBQnZHVExJBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDMHp4U0FWSUlTczJuRlZtLnQzRnJSQQRuX3N1Z2cDMARvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMzEEcXVlcnkDQlVSR0lTJTIwU0ElMjBHSVROQU5HJTIwUEFOQUhPTgR0X3N0bXADMTYxMTkzNzQ2MQ--?p=BURGIS+SA+GITNANG+PANAHON&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Ilw1NhRgG2UA4tNXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PIYUDALISMO&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Lta9NRRgQtgAFHeJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANvcVY1UURFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3S0tNVEV3TGdBQUFBQmcuNWswBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDamJtSmQ5N01SYnEzMUtmbGJLYTRsQQRuX3N1Z2cDMQRvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMTYEcXVlcnkDUEFQQSUyMExFTyUyMElJSQR0X3N0bXADMTYxMTkzNzI4OA--?p=PAPA+LEO+III&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9GjBsNRRgCLwA9I9XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PEPIN+THE+SHORT&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9IlJZNRRgYlkA7BtXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=CHARLES+MARTEL&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9FqzPNBRg6k4Ad7uJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANsTWJRNHpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3UGJNVEV3TGdBQUFBQlMxbWNTBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDQ1ZVUGVZemtRZ3E0bjMuQ0dFaUh4QQRuX3N1Z2cDMQRvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDNDcEcXVlcnkDUEFNVU1VTk8lMjBORyUyME1PTkdIRSUyMFNBJTIwR0lUTkFORyUyMFBBTkFIT04EdF9zdG1wAzE2MTE5MzY5OTg-?p=PAMUMUNO+NG+MONGHE+SA+GITNANG+PANAHON&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9ImOmNBRgNIYAdjtXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PAPA+GREGORY+VII&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DuV2NBRgpt0AhkhXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PAPA+GREGORY+I&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9GjBcNBRgDTMA51NXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PAPA+LEO+THE+GREAT&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Hr4TMxRg4nkAoNmJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAM2RXROaFRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3U0tNVEV3TGdBQUFBQTRWV2V4BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDb2dOa3lacnhSbm1uS3pNWi5JS0VmQQRuX3N1Z2cDMARvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMzgEcXVlcnkDU0lMVklBTiUyMFJPTUFOJTIwJTIwR0lUTkFORyUyMFBBTkFIT04EdF9zdG1wAzE2MTE5MzY1ODI-?p=SILVIAN+ROMAN++GITNANG+PANAHON&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9CW61MhRg_BwAEm5XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=SIMBAHANG+KATOLIKO+GITNANG+PANAHON&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=28&iurl=http%3A%2F%2Fwww.geocities.ws%2Fsaibabawngbato%2Fimahe%2Fchurch.jpg&action=close
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9CJ6RMhRg1DcA0zlXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=KRUSADA&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrgDdogNBRgjFAAVixXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=CONSTANTINE+THE+GREAT&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Hr5WMhRgABEAw_aJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANBRjVRdWpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3VjZNVEV3TGdBQUFBQXRISllNBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDaWxUUDBfcG1RUy42dk1lSUxzalB5QQRuX3N1Z2cDMARvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMjQEcXVlcnkDUEFQQSUyMEdJVE5BTkclMjBQQU5BSE9OBHRfc3RtcAMxNjExOTM2MzYw?p=PAPA+GITNANG+PANAHON&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DtUuMhRgC1UA0zJXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=HOLY+ROMAN+EMPIRE&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrgDaP3MRRg1QMAhztXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=ROMA&fr2=piv-web&fr=mcafee