Friday, November 26, 2021

AP8-Q2-WEEK3: JOURNAL #3

AP8-Q2-WEEK3: JOURNAL #3

KABIHASNANG KLASIKO SA AFRICA, AMERICA, AT MGA PULO SA PACIFIC

 

"ANG AKING KULAY NA LUBOS KONG IPINAGMAMALAKI"



SEASON 2: AP8-Q2-WEEK3: KABIHASNANG KLASIKO SA AFRICA, AMERICA, AT MGA PULO SA PACIFIC

 

AP8-Q2-WEEK3-KECPHD: KABIHASNANG KLASIKO SA AFRICA, AMERICA, AT MGA PULO SA PACIFIC

 AP8-Q2-WEEK3-KECPHD: 

KABIHASNANG KLASIKO SA AFRICA, AMERICA, AT MGA PULO SA PACIFIC

 

MELC: Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabihasnan sa:  Africa – Songhai, Mali, Ghana • America – Aztec, Maya, Olmec, Inca, at Mga Pulo sa Pacific –  Polynesia, Micronesia, Melanesia

 

BALIK-ARAL:

    Sa nakaraang talakayan, tinalakay ko ang kabihasnang Romano, ang simuila nito, paglalakbay tungo sa katanyagan, at ambag nito sa daigdig.

    Ngayon naman ay tatalakayin namin… hindi lamang ako dahil may guest tayo mamaya, ang mga kabihasnang klasiko sa Africa, America, at mga Pulo sa Pacific.

    Nais kong ipakilala sina, Ms. Blay, Ms, Ignacio, and Ms. Implica… sila ay magbibigay ng kaunting kaalaman mamaya.

 




ARALIN2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific

    Ano-ano ang naiisip mo kapag nababanggit ang mga salitang America, Ang Africa? At ang mga Pulo sa Pacific? Ano-ano na ang alam mo tungkol  sa mga lugar na ito?

    Masasalamin sa kasalukuyang kalagayan nit at sa pamumuhay ng kanilang mamamayan ang impluwensiya ng mga sinaunang kabihasnang  naitatag sa mga kontinenteng ito.

    Mapag-aaralan mo sa araling ito ang pag-usbong at pag-unlad ng mga imperyo sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific. Masusuri mo rin kung paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan

 


Mga Kabihasnan sa Mesoamerica

    Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga mamamayan sa Mesoamerica na magsaka. Ang maliliit na pamayanang agrikultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica. Nang lumaon, naging makapangyarihan ang ibang pamayanan at nakapagtatag ng lungsod-estado. Ang mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan. Ilan dito ay ang kabihasnang Olmec at Zapotec na tinalakay sa nakaraang Modyul.




    Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec. Naging maunlad rin ang Kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng kabihasnang Greece, at Rome, ang pagiging maunlad at makapangyarihan ay nagtulak sa mga kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop ng lupain at magtayo ng imperyo. Malawak ang naging impluwensiya ng mga Maya, Aztec, at Inca kung kaya’t itinuturing ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa America.


Kabihasnang Maya (250 C.E. – 900 C.E.)

    Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanang lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador, at Copan. Nakamit ng Maya ang rurok ng kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E.

    Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala. Pinalawig ng mga pinunong tinatatawag na halach uinic o “tunay na lalaki” ang mga pamayanang urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa kanilang mga diyos.

    Nang lumaon, nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan. Naiugnay ng malalawak at maayos na kalsada at rutang pantubig ang mga lungsod-estado ng Maya. Banaag sa kaayusan ng lungsod ang pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng mahihirap at nakaririwasa. Ang sentro ng bawat lungsod ay isang pyramid na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga diyos. May mga templo at palasyo sa tabi ng pyramid.

    Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal ay mais, asin, tapa, pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy, at balat ng hayop. Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin. Ang pangunahing pananim nila ay mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya, at cacao. Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga Maya, ang sinamba nilang diyos ay may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais gayundin ang tungkol sa ulan.

    Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 C.E. Subalit sa pagtatapos ng ikawalong siglo C.E., ang ilang mga sentro ay nilisan, ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang panrelihiyon at estado ay bumagsak. Sa pagitan ng 850 C.E. at 950 C.E., ang karamihan sa mga sentrong Maya ay tuluyang inabandona o iniwan. Wala pang lubusang makapagpaliwanag sa pagbagsak ng Kabihasnang Mayan. Ayon sa ilang dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito. Maaari rin na sanhi ng panghihina nito ang pagbagsak sa produksiyon ng pagkain batay sa mga nahukay na labi ng tao na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na nutrisyon. Ang mga labi ay natuklasang hindi gaanong kataasan samantalang mas manipis ang mga buto nito. Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucatan ay nanatili nang ilan pang siglo, tulad ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna, at Copan. Sa paghina ng Chichen at Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan sa buong Yucatan hanggang sa maganap ang isang pag-aalsa noong 1450.

 

Isang maunlad na kabihasnan ang nabuo ng mga Mayan.

    Ang pagbagsak ng mga lungsod-estado ng Kabihasnang Maya ay nagdulot ng paglaho ng kanilang kapangyarihan sa timog na bahagi ng Mesoamerica. Sa panahong ito, nagsimulang umunlad ang maliliit na pamayanan sa Mexico Valley. Ang mga mamamayan rito ang nagtatag ng isa sa unang imperyo sa Mesoamerica – ang Imperyong Aztec.

    Kung ang mga Maya ay nagtatag ng kanilang Kabihasnan sa timog na bahagi ng Mesoamerica, ang mga Aztec naman ay naging makapangyarihan sa gitnang bahagi nito. Matatandaan na sa bahagi ring ito umusbong ang sinaunang Kabihasnang Olmec. Bunga nito, ang pamumuhay at paniniwala ng mga Aztec ay may impluwensiya ng mga Olmec. Subalit, hindi tulad ng mga Olmec, ang mga Aztec ay nagpalawak ng kanilang teritoryo. Mula sa dating maliliit na pamayanang agrikultural sa Valley of Mexico, pinaunlad ng mga Aztec ang kanilang kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo. Kinontrol nila ang mga karatig lupain sa gitnang bahagi ng Mesoamerica.


Kabihasnang Aztec (1200 – 1521)

    Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribo na ang orihinal na pinagmulan ay hindi tukoy. Unti-unti silang tumungo sa Lambak ng Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E. Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,”isang mitikong lugar sa Hilagang Mexico.

    Noong 1325, itinatag nila ang pamayanan ng Tenochtitlan, isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng Texcoco. Ang Texcoco ay nasa sentro ng Mexico Valley. Nang lumaon, ang lungsod ay naging mahalagang sentrong pangkalakalan.

    Angkop ang Tenoctitlan sa pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga Aztec dahil mayroon itong matabang lupa. Sa kabila nito, hindi sapat ang lawak ng lupain upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Ang hamong ito ay matagumpay na natugunan ng mga Aztec.

    1. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak. Upang madagdagan ang lupang tinataniman, tinabunan ng lupa ng mga Aztec ang mga sapa at lumikha ng mga chinampas, mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden.

    2. Wala silang kasangkapang pambungkal ng lupa o hayop na pantrabaho. Nagtatanim sila sa malambot na lupa na ang gamit lamang ay matulis na kahoy.

    3. Mais ang kanilang pangunahing tanim. Ang iba pa nilang tanim ay patani, kalabasa, abokado, sili, at kamatis. Nag-alaga rin sila ng mga pabo, aso, pato, at gansa

    4. Dahil sila ay mga magsasaka, ang mga Aztec ay taimtim na umaasa sa mga puwersa ng kalikasan at sinasamba ang mga ito bilang mga diyos. Ang pinakamahalagang diyos nila ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw. Mahalaga ang sikat ng araw sa pananim ng mga magsasaka kaya sinusuyo at hinahandugan ang naturang diyos. Mahalaga rin sina Tlaloc, ang diyos ng ulan at si Quetzalcoatl. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang mga diyos na ito upang mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa pagsira ng daigdig. Dahil dito, ang mga Aztec ay nag-alay ng tao. Ang mga iniaalay nila ay kadalasang bihag sa digmaan bagama’t may mga mandirigmang Aztec na nagkukusang-loob ialay ang sarili.

    Bunga ng masaganang ani at sobrang produkto, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Aztec na makipagkalakalan sa mga kalapit na lugar na nagbigay-daan upang sila ay maging maunlad. Ang kaunlarang ito ng mga Aztec ay isa sa mga dahilan upang kilalanin ang kanilang kapangyarihan ng iba pang lungsod-estado. Nakipagkasundo sila sa mga lungsod-estado ng Texcoco at Tlacopan. Ang nabuong alyansa ang siyang sumakop at kumontrol sa iba pang maliliit na pamayanan sa Gitnang Mexico.

    Sa pagsapit ng ika-15 siglo, nagsimula ang malawakang kampanyang militar at ekonomiko ng mga Aztec. Ang isa sa mga nagbigay-daan sa mga pagbabagong ito ay si Tlacaelel, isang tagapayo at heneral. Itinaguyod niya ang pagsamba kay Huitzilopochtli. Kinailangan din nilang manakop upang maihandog nila ang mga bihag kay Huitzilopochtli. Ang paninindak at pagsasakripisyo ng mga tao ay ilan sa mga naging kaparaanan upang makontrol at mapasunod ang iba pang mga karatig-lugar na ito. Ang mga nasakop na lungsod ay kinailangan ding magbigay ng tribute o buwis. Dahil sa mga tribute at mga nagaping estado, ang Tenochtitlan ay naging sentrong pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica mula sa Pacific Ocean haggang Gulf of Mexico at mula sa hilagang Mexico hanggang sa Guatemala. Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero at tagapagtayo ng mga estruktura tulad ng mga kanal o aqueduct, mga dam, gayundin ng sistema ng irigasyon, liwasan, at mga pamilihan.

    Ang biglaang pagbaba ng populasyon ay dulot ng epidemya ng bulutong, pang-aalipin, digmaan, labis na paggawa, at pagsasamantala. Sa kabuuan, tinatayang naubos ang mula 85 hanggang 95 bahagdan ng kabuuang katutubong populasyon ng Mesoamerica sa loob lamang ng 160 taon.

 


HERNANDO CORTES

    Sa pagdating ni Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong 1519, natigil ang pamamayani ng mga Aztec sa Mesoamerica. Si Cortes ang namuno sa ekspedisyong Espanyol na nanakop sa Mexico. Inakala ni Montezuma II, pinuno ng mga Aztec, na ang pagdating ng mga Espanyol ay ang sinasabing pagbabalik ng kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil sa mapuputingkaanyuan ng mga ito. Noong 1521, tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan.

 

HEOGRAPIYA NG SOUTH AMERICA

    May magkakaibang klima at heograpiya ang South America kung ihahambing sa Mesoamerica. Matatagpuan sa hilaga ng Amazon River na dumadaloy sa mayayabong na kagubatan. Pawang ang mga prairie at steppe naman ang matatagpuan sa Andes Mountains sa timog na bahagi. Samantala, tuyot na mga disyerto ang nasa kanlurang gulod ng mga bundok na kahilera ng Pacific Ocean. Dahil sa higit na kaaya-aya ang topograpiya ng Andes, dito nabuo ang mga unang pamayanan. May mga indikasyon ng pagsasaka gamit ang patubig sa hilagang gilid ng Andes noong 2000 B.C.E. Sa pagsapit ng ika-11 siglo B.C.E, maraming pamayanan sa gitnang Andes ang naging sentrong panrelihiyon. Ang mga pamayanang ito ay umusbong sa kasalukuyang Peru, Bolivia, at Ecuador. Nang lumaon, nagawang masakop ng ilang malalaking estado ang kanilang mga karatig-lugar. Subalit sa kabila nito, wala ni isa man ang nangibabaw sa lupain

 

Kabihasnang Inca (1200-1521)

    Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong naninirahan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Sa pamumuno ni Manco Capac, bumuo sila ng maliliit na lungsod-estado.

    Ang salitang Inca ay nagangahulugang “imperyo.” Hango ito sa pangalan ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes. Unti-unting pinalawig ng mga Inca ang kanilang teritoryo hanggang sa masakop nito ang 3,220 kilometro kuwadrado sa kahabaan ng baybayin ng Pacific. Saklaw ng imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina.

    Noong 1438, pinatatag ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti ang lipunang Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong estado. Sa ilalim ni Topa Yupanqui (1471-1493), pinalawig niya ang imperyo hanggang hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia, at Chile. Napasailalim din sa kaniyang kapangyarihan ang estado ng Chimor o Chimu na pinakamatinding katunggali ng mga Inca sa baybayin ng Peru. Sa ilalim naman ni Huayna Capac, nasakop ng imperyo ang Ecuador.

 


FRANCISCO PIZARRO

    Sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca noong 1532, ang lupain ng Imperyong Inca ay sumasaklaw mula sa hilaga sa kasalukuyang Colombia hanggang sa katimugan sa bahagi ng Chile at Argentina. Subalit dahil sa mga tunggalian tungkol sa pamumuno at kawalang kapanatagan sa mga nasakop na bagong teritoryo, unti-unting humina ang imperyo. Dagdag pa rito ang tila napakalaking saklaw ng Imeryong Inca na naging malayo mula sa sentrong pangangasiwa sa Cuzco. Nariyan din ang malaking pagkakaiba ng mga pangkat ng tao sa ilalim ng kanilang kapangyarihan.

    Samakatuwid, ang imperyo ay nasa kaguluhang politikal na pinalubha pa ng epidemya ng bulutong na dala ng mga sinaunang dumating na conquistador o mananakop na Espanyol. Sa katunayan, si Huayna Capac, isa sa mga pinuno ng Inca, ay namatay sa isang epidemya noong 1525. Ang pagpanaw na ito ay nagdulot ng tunggalian sa kaniyang mga anak na sina Atahuallpa at Huascar. Sa huli, nanaig si Atahuallpa. Nakilala niya si Pizarro habang naglalakbay ito patungong Cuzco. Nang lumaon, binihag ni Pizarro ang Atahuallpa at pinatubos ng pagkarami-raming ginto. Noong 1533, pinapatay si Atahuallpa at makalipas ang isang taon, sinakop ng mga Espanyol ang Cuzco gamit lamang ang maliit na hukbo.

    Sa kabila ng katapangan ng mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa bagong teknolohiyang dala ng mga dayuhan, tulad ng mga baril at kanyon. Ang ilan sa mga Inca ay nagtungo sa kabundukan ng Vilcabamba at nanatili rito nang halos 30 taon. Hindi nagtagal, ang huling pinuno ng mga Inca na si Tupac Amaru ay pinugutan ng ulo noong 1572. Dito tuluyang nagwakas ang pinakadakilang imperyo sa Andes.

    Sa kasalukuyan, makikita pa rin ang mga pamana ng mga Kabihasnang Klasikal na Maya, Aztec, at Inca. Ang mga estruktura tulad ng Pyramid of Kukulcan, Pyramid of the Sun, at ang lungsod ng Machu Picchu ay hinahangaan at dinarayo ng mga turista dahil sa ganda at kakaibang katangian nito. Nananatili itong paalala ng mataas na kabihasnang nabuo ng mga sinaunang mamamayan sa America.


 AFRICA

Mga Kaharian at Imperyo sa Africa

Heograpiya ng Africa

    Mahalaga ang papel ng heorapiya kung bakit ang Africa ang huling pinasok at huling nahati-hati ng mga Kanluraning bansa. Tinawag ito ng mga Kanluranin na dark continent dahil hindi nila ito nagalugad kaagad. Nanatiling limitado ang kaalaman ng mga bansang Kanluranin tungkol sa kontinenteng ito hanggang noong ika-19 na siglo.

    Ang pinakamainit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaong malapit sa equator. Matatagpuan dito ang rainforest o isang uri ng kagubatan kung saan sagana ang ulan at ang mga puno ay malalaki, matataas, at may mayayabong na dahon. Sa hangganan ng rainforest ay ang savanna, isang bukas at malawak na grassland o damuhan na may mga puno. Sa grassland sa hilaga ng equator matatagpuan ang rehiyon ng Sudan. Sa bandang hilaga naman ng rehiyon ng Sudan makikita ang Sahara, ang pinakamalaki at pinakamalawak na disyerto sa daigdig. Ang Sahara na malaki pa sa Europe ay hindi natitirhan maliban sa mga oasis nito. Ang oasis ay lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at tubig na kayang bumuhay ng halaman at hayop. Tanging sa oasis lamang may mga maliliit na pamayanan sa Sahara. Hiwa-hiwalay at kalat-kalat ang mga kultura at kabihasnang sumibol at namayani sa malawak na kontinente ng Africa.

    Isa sa mga umunlad na kultura sa Africa ay ang rehiyon na malapit sa Sahara. Nakatulong sa kanilang pamumuhay ang pakikipagkalakalan. Tinawag itong Kalakalang Trans-Sahara. Bunga nito, nakarating sa Europe at iba pang bahagi ng Asya ang mga produktong African.

 

Ang Kalakalang Trans-Sahara 

    Noong 3000 B.C.E., isang masaganang kalakalan ang umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan, ang rehiyon sa timog ng Sahara. Tinawag na Trans-Sahara ang kalakalang naganap dito. Ang kalakalang Trans-Sahara ay tumagal hanggang ika-16 na siglo. Tinawag itong kalakalang Trans-Sahara dahil tinawid ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng caravan, dala-dala ang iba’t ibang uri ng kalakal. Kamelyo ang kadalasang gamit sa mga caravan. Ang caravan ay pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay.

    Ang mga mangangalakal mula sa Carthage ay pumupunta sa Sahara upang mamili ng mga hayop tulad ng unggoy, leon, elepante, at mga mamahaling hiyas. Sinasabi na ang mga elepante na ginamit ni Hannibal sa Digmaang Punic laban sa Rome ay nanggaling sa Kanlurang Africa. Iba’t ibang grupo ng mga tao ang nagtayo ng mga pamayanan sa mga lugar na dinaraanan ng kalakalan.

 

Ang Pagpasok ng Islam sa Kanlurang Africa

    Nang makapagtatag ng mga pamayanang Muslim sa Morocco, ang Islam ay unti-unting nakilala at kalaunan ay namayani sa mga kultura at kabihasnang nananahan sa Kanlurang Africa. Ang Islam ay pinalaganap ng mga Berber, mga mangangalakal sa Hilagang Africa. Pumupunta sila sa Kanlurang Africa upang bumili ng ginto kapalit ng mga aklat, tanso, espada, seda, kaldero, at iba pa.

 

Mga Kabihasnan sa Africa

    Matatandaan na ang Egypt ang isa sa mga pinakaunang lunduyan ng kabihasnan sa daigdig. Maliban sa Egypt, ang Axum ang kasalukuyang Ethiopia sa Silangang Africa ay napatanyag din dahil sa naging sentro ito ng kalakalan. Binibisita ito ng mga mangangalakal mula sa Persia at Arabia. Umusbong din ang mga estado sa rehiyon ng Sudan kung saan ang kanilang yaman ay dulot ng kanilang kapangyarihan sa kalakalang tumatawid sa Sahara. Kapwa nasa Silangang Africa ang dalawang kabihasnang ito.

    Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan. Dito umusbong ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

    Ang Axum Bilang Sentro ng Kalakalan Ang kaharian ng Axum ay sentro ng kalakalan noong 350 C.E. Malawak ang pakikipagkalakalan nito at sa katunayan, ito ay may pormal na kasunduan ng kalakalan sa mga Greek. Mga elepante, ivory (ngipin at pangil ng elepante), sungay ng rhinoceros, pabango, at pampalasa o rekado ang karaniwang kinakalakal sa Mediterranean at Indian Ocean. Kapalit nito, umaangkat ang Axum ng mga tela, salamin, tanso, bakal, at iba pa. Isang resulta ng malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito ng Kristiyanismo. Naging opisyal na relihiyon ng kaharian ang Kristiyanismo noong 395 C.E.

    Kung ang kahariang Axum ay naging tanyag sa Silangang Africa, nakilala naman sa Kanlurang Africa ang tatlong imperyo na siyang naging makapangyarihan dulot rin ng pakikipagkalakalan sa mga mamamayan sa labas ng Africa. Ito ay ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

 

Ang Imperyong Ghana 

    Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol ang isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara. Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba’t ibang produkto tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa bakal, katad, at iba pang produktong wala sila.

    Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot ng matabang lupa sa malawak na kapatagan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ay isang dahilan kung bakit lumaki ang populasyon dito. Sagana rin ang tubig upang punan ang pangangailangan sa mga kabahayan at sa irigasyon.

 

Mahalagang salik sa paglakas ng Ghana

Naging maunlad dahil naging sentro ng kalakalan sa Kanlurang Africa

Bumili ng mga kagamitang pandigma na yari sa bakal at mga kabayo

Ginamit ang mga sandatang gawa sa bakal upang makapagtatag ng kapangyarihan sa mga grupong mahina ang mga sandata.

Ang mga kabayo ay nagbibigay ng ligtas at mabilis na paraan ng transportasyon para sa mga mandirigma nito

 

ANG IMPERYONG MALI

    Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba, isa sa mahalagang outpost ng Imperyong Ghana. Ang pag-akyat ng Mali sa kapangyarihan ay sinimulan ni Sundiata Keita. Noong 1240, sinalakay niya at winakasan ang kapangyarihan ng Imperyong Ghana. Sa pamamagitan ng patuloy na pananalakay, ang Imperyong Mali ay lumawak pakanluran patungong lambak ng Senegal River at Gambia River, pasilangan patungong Timbuktu, at pahilaga patungong Sahara Desert. Hawak nito ang mga ruta ng kalakalan. Noong mamatay si Sundiata noong 1255, ang Imperyong Mali ang pinakamalaki at pinakamapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan.

    Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan ng kalakalan. Nang mamuno si Mansa Musa noong 1312, higit pa niyang pinalawak ang teritoryo ng imperyo. Sa pagsapit ng 1325, ang malalaking lungsod pangkalakalan tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu, at Gao ay naging bahagi ng Imperyong Mali.

    Maliban sa pagpapalawak ng imperyo, naging bantog din si Mansa Musa sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan. Nagpatayo siya ng mga mosque o pookdasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo. Hinikayat niya ang mga iskolar na pumunta sa Mali. Sa panahon ng kaniyang paghahari, ang Gao, Timbuktu, at Djenne ay naging sentro ng karunungan at pananampalataya.


Ang Imperyong Songhai     

    Simula pa noong ikawalong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan na sa mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger River. Maliban sa kalakalan, dala rin ng mga Berber ang pananampalatayang Islam. Sa pagsapit ng 1010, tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng mga Songhai, ang Islam. Bagama’t hinikayat niya ang mga Songhai na tanggapin ang Islam, hindi niya pinilit ang mga ito.

    Sa pamamagitan ng Gao at ng Timbuktu, nakipagkalakalan ang Songhai sa Algeria. Dahil dito, nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai sa iba pang bahagi ng Imperyong Islam.

    Noong 1325, ang Songhai ay sinalakay at binihag ng Imperyong Mali. Subalit hindi ito nagtagal sa pagiging bihag ng Mali. Noong 1335, lumitaw ang bagong dinastiya, ang Sunni, na matagumpay na binawi ang kalayaan ng Songhai mula sa Mali. Mula 1461 hanggang 1492, sa ilalim ni Haring Sunni Ali, ang Songhai ay naging isang malaking imperyo. Sa panahon ng kaniyang paghahari, pinawalak niya ang Imperyong Songhai mula sa mga hangganan ng kasalukuyang Nigeria hanggang sa Djenne.

    Hindi niya tinanggap ang Islam sapagkat naniniwala siyang sapat na ang kaniyang kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng mga katutubong mangingisda at magsasaka. Gayunpaman, iginalang at pinahalagahan pa rin niya ang mga mangangalakal at iskolar na Muslim na nananahan sa loob ng kaniyang imperyo. Sa katunayan, hinirang niya ang ilan sa mga Muslim bilang mga kawani sa pamahalaan.

 

Ghana

    Ipinag-utos ni haring Al-Bakri na ibigay sa kaniya ang mga butil ng ginto at tanging mga gold dust ang pinayagang ipagbili sa kalakalan. Sa ganitong paraan, napanatili ang mataas na halaga ng ginto.

 

 Ghana, Mali at Songhai

    Ang mga imperyong ito ay naging makapangyarihan dahil sa kalakalan. Pangunahing produkto nila ang ginto. Nagsilbi silang tagapamagitan ng mga African na mayaman sa ginto at ng mga African na mayaman sa asin.

    Sa panahong ito,ginagamit ng mga African ang ginto upang ipambili ng asin. Ginagamit ng mga African ang asin upang mapreserba ang kanilang mga pagkain.

  

Mali

    Nagsilbing sentro ng kalakalan ang Timbuktu. Bukod dito, lumaganap rin ang relihiyong Islam at tumaas ang antas ng kaalaman dulot ng impluwensiya ng mga iskolar na Muslim. Ang Sankore Mosque ay ipinagawa ni Mansa Musa noong 1325.

    Bunga ng pagkakatatag ng mga sinaunang kabihasnan at imperyo, nabuo ang pagkakilanlan ng kasalukuyang kontinente ng America at Africa. Samantala, sa mga Pulo ng Pacific, nagsimula na ring makilala ang mga Austronesean. Tunghayan sa susunod na bahagi ng aralin ang kanilang nabuong kabihasnan.


 

MIGRASYONG AUSTRONESIAN

    Magkaugnay ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga pulo ng Pacific at Timog-Silangang Asya. Ito ay dahil ang nandayuhan at nanahan sa dalawang rehiyong ito ay mga Austonesian. Ang Austronesian ay tumutukoy sa mga taong nagsasalita ng mga wikang nabibilang sa Austronesian o Malayo-Polynesian. Ito ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.

    Ayon sa teorya ng iskolar na si Peter Bellwood, nagmula sa timog China ang mga Austronesian. Sa hangaring makahanap ng mga bagong teritoryo na masasaka, umalis sila ng China at nandayuhan simula noong 4000 B.C.E. Tumungo sila sa mga lugar na kilala ngayon bilang Taiwan, Pilipinas, Malaysia, Brunei, at Indonesia. Noong 2000 B.C.E., may mga Austronesian na tumungo pakanluran hanggang makarating sa Madagascar sa Africa. Samantala, may mga tumungo pasilangan at tinawid ang Pacific Ocean at nanahan sa mga pulo ng Pacific.

    Unang narating ng mga Austronesian ang New Guinea, Australia, at Tasmania. Noong 1,000 B.C.E., nanahan ang mga Austronesian sa Vanuatu, Fiji, at Tahiti.

    Narating din nila ang Tonga, Samoa, at Marquesas. Tinatayang nasa mga pulo ng Hawaii sila noong 100 B.C.E. Pinakamalayo nilang naabot ang Easter Island, isang pulo sa Pacific na bahagi na ng South America.

    Sa pag-aaral ng kabihasnan ng mga pulo sa Pacific, mahalagang tunghayan ang lipunan ng mga tao rito bago dumating ang mga Kanluranin. Ang lipunan at kulturang ito ay Austronesian.

 

Ang mga Pulo sa Pacific

    Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islandsay nahahati sa tatlong malalaking pangkat – ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ang mga katawagang ito ay iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan ng mga pulo at ang anyo ng mga katutubo nito.

 

POLYNESIA – maraming isla

poly – marami

nesia - isla

 

MICRONESIA – maliliit na mga isla

micro – maliit

nesia - isla

 

MELANESIA – maiitim ang mga tao dito

mela– maitim

nesia - isla

 

Polynesia 

    Ang Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng Melanasia at Micronesia. Ang Polynesia ay higit na malaki kaysa pinagsamang lupain ng Melanasia at Micronesia.

    Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn.

    Batay sa dami ng pinagkukunan ng pagkain ang laki ng pamayanan sa Polynesia. Umabot hanggang 30 pamilya ang bawat pamayanan dito. Ang sentro ng pamayanan ay ang tohua na kadalasang nasa gilid ng mga bundok. Ito ay tanghalan ng mga ritwal at pagpupulong. Nakapaligid satohua ang tirahan ng mga pari at mga banal na estruktura.

    Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda.Ang karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo, at niyog.Sa pangingisda naman nakakakuha ng tuna, hipon, octopus, at iba pa. Nanghuhuli rin sila ng pating.

    Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o mana. Ang katagang mana ay nangangahulugang “bisa” o “lakas.”Sa mga sinaunang Polynesian, ang mana ay maaaring nasa gusali, bato, bangka, at iba pang bagay.

    May mga batas na sinusunod upang hindi mawala o mabawasan ang mana. Halimbawa, bawal pumasok sa isang banal na lugar ang pangkaraniwang tao. Ang sinaunang kababaihan sa Marquesas ay hindi maaaring sumakay sa bangka sapagkat malalapastangan niya ang bangka na may angking mana. Gayundin, ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain ay dapat nakabukod. Bawal silang makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat nilang kainin upang hindi mawala ang kanilangmana. Ang tawag sa mga pagbabawal o prohibisyong ito ay tapu. Kamatayan ang pinakamabigat na parusang igagawad sa matinding paglabag sa tapu.

 

 Micronesia

    Ang maliliit na pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at sa silangan ng Asya. Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati), at Nauru.

    Ang mga sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga lawa o dagat-dagatan. Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan. Itinatag nila ang kanilang mga pamayanan sa bahaging hindi gaanong tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin.

    Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian. Nagtatanim sila ng taro, breadfruit, niyog, at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at starch na maaaring gawing harina. Pangingisda ang isa pang ikinabubuhay ng mga Micronesian. May kaalaman din sa paggawa ng simpleng palayok ang mga lipunan ng Marianas, Palau, at Yap.

     Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Sa Palau at Yap, bato at shell ang ginagamit bilang paraan ng palitan. Gumagamit din ang Palau ng batong ginawang pera (stone money). Sa iba pang mga pulo, nagpapalitan ng kalakal ang matataas (high-lying islands) at mabababang pulo (low-lying coral atolls).

     Ipinagpapalit ng mga high-lying island ang turmericna ginagamit bilang gamot at pampaganda. Samantala, ang mga low-lying coral atoll ay nakipagpalitan ng mga shellbead, banig na yari sa dahon ng pandan, at magaspang na tela na galing sa saging at gumamela. Bilang tela, ginagawa itong palda ng kababaihan at bahag ng kalalakihan.

    Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang mga rituwal para sa mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang ani.

 

Melanesia

    Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia. Ito ay kasalukyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New Caledonia, at Fiji Islands.

    Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa baybaying-dagat o sa dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma. Tagumpay sa digmaan ang pangkaraniwang batayan ng pagpili sa pinuno. Sa maraming grupong Papuan, ang kultura ay hinubog ng mga alituntunin ng mga mandirigma tulad ng katapangan, karahasan, paghihiganti, at karangalan.

    Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din dito ng pandan at sago palm na pinagkukunan ng sago. Pangingisda, pag-aalaga ng baboy, at pangangaso ng mga marsupial at ibon ang iba pang kabuhayan dito. May kalakalan din sa pagitan ng mga pulo. Karaniwang produktong kinakalakal ng mga Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin, apog, gayundin ang mga gawa nilang bangka.

    Naniniwala rin sa animism ang mga sinaunang Melanesian. Ipinababatid ng diyos ng kalikasan ang mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan, sakuna, kamatayan, o pag-unlad ng kabuhayan. Laganap din sa Solomon Islands at Vanuatu ang paniniwala sa mana.

    May sariling katangian at kakanyahan ang mga isla sa Pacific. Nakabatay ang kanilang pamumuhay sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang isla at kontinente.

    Bagama’t hindi ito kasing-unlad, kasing-tanyag at kasingyaman ng mga kabihasnan at imperyo sa America at Africa, nakaimpluwensiya rin ito sa mga mamamayang naninirahan sa mga isla sa Pacific at sa mga karatig bansa nito sa Timogsilangang Asya sa kasalukuyan.

 

 GAWAIN

 PANUTO: Alamin ang mga sumusunod at isulat sa notebook ang iyong sagot. Ikomento rin sa ibaba ang iyong mga sagot.

 1. MESOAMERICA

2. MAYA

3. AZTEC

4. INCA

5. OLMEC

6. HALACH UINIC

7. PYRAMID OF KUKULCAN

8. TENICHTITLAN

9. HUITZILOPOCHTLI

10. QUETZALCOATL

11. HERNANDO CORTES

12. MONTEZUMA II

13. FRANCISCO PIZARRO

14. CONQUISTADOR

15. HUAYNA CAPAC

16. RAINFOREST

17. SAVANNA

18. OASIS

19. SAHARA

20. TRANS-SAHARA

21. CARAVAN

22. AXUM

23. GHANA

24. MALI

25. SONGHAI

26. POLYNESIA

27. MICRONESIA

28. MELANESIA

29. PETER BELLWOOD

30. PACIFIC

 

 Reference:

Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9JnI2Rwxgy2YA7QCJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANKdjNiUlRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3LjhNVEV3TGdBQUFBQlpvR01BBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMxMwRxdWVyeQNBTUVSSUNBJTIwTUFQBHRfc3RtcAMxNjExNDE3NTUw?p=AMERICA+MAP&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9K571RgxgihgAw5tXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=AFRICA&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Im3.RgxgcjEA9FZXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PULO+SA+PACIFIC&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DuIVRwxggG8AedBXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=MESOAMERICA&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DtAVRwxgu3EA3CtXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=MAYA&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Du4bRwxgPToAkT1XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=AZTEC&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Ds8iRwxgSBAA73BXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=INCA&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Jh0vRwxgw6sABYxXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=MEXICO&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9F696SwxgoJoAhEOJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANad0pGUFRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3dWNNVEV3TGdBQUFBQ2F0UmFSBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAM1BHF1ZXJ5A09MTUVDBHRfc3RtcAMxNjExNDE4NTI3?p=OLMEC&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Fqw8Rwxg4U4AKuyJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANPX3NaLmpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3VExNVEV3TGdBQUFBQlo5OU1TBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDQnpHZW5YQmtRb09BbWVib3dBaGpyQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzEyBHF1ZXJ5A1RFTk9DSFRJVExBTgR0X3N0bXADMTYxMTQxODU1Mg--?p=TENOCHTITLAN&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Hr4_RwxglBQAABKJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAM5WmdTOHpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3cTZNVEV3TGdBQUFBQmFJVFJLBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMxNwRxdWVyeQNIRVJOQU5ETyUyMENPUlRFUwR0X3N0bXADMTYxMTQxODYwOQ--?p=HERNANDO+CORTES&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9FqxCRwxgbEwASAmJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAN5eVN0TGpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3QXhNVEV3TGdBQUFBQmFVQmJOBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMxNQRxdWVyeQNTT1VUSCUyMEFNRVJJQ0EEdF9zdG1wAzE2MTE0MTg2MzY-?p=SOUTH+AMERICA&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9FqxDRwxg9nsA2YOJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANzUjZzMWpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3TEpNVEV3TGdBQUFBQmFiS0w3BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDc25HMlhyZk9TUjYuMGN5TUlpSXNkQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzE5BHF1ZXJ5A0ZSQU5DSVNDTyUyMFBJWkFSUk8EdF9zdG1wAzE2MTE0MTg2NjQ-?p=FRANCISCO+PIZARRO&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrT4R9GRwxgFG0AWuyJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANVUS5xRVRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3cENNVEV3TGdBQUFBQmFsMzRFBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAM4BHF1ZXJ5A0RJU1lFUlRPBHRfc3RtcAMxNjExNDE4Njk1?p=DISYERTO&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9F69JRwxgAuAAqeKJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAMudGJTVHpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3b3pNVEV3TGdBQUFBQmF4bFpyBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAM1BHF1ZXJ5A09BU0lTBHRfc3RtcAMxNjExNDE4NzA0?p=OASIS&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9F69NRwxg2xUA6_mJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAN4U29VQ3pFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3V0pNVEV3TGdBQUFBQmEuUlBCBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDbzIyVUpqSDVRdjJYUjhIOEFkNkUxQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzYEcXVlcnkDU0FIQVJBBHRfc3RtcAMxNjExNDE4NzE5?p=SAHARA&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DWuGTAxg.AYAq1eJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANEQTdHcnpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3ZHJNVEV3TGdBQUFBQ3FyS2V6BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDQ2RnQy43Q2JSeFdCdlhfV1NBUHVzQQRuX3N1Z2cDMQRvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDNDUEcXVlcnkDYW5nJTIwYXh1bSUyMGJpbGFuZyUyMHNlbnRybyUyMG5nJTIwa2FsYWthbGFuBHRfc3RtcAMxNjExNDE4Nzk0?p=ang+axum+bilang+sentro+ng+kalakalan&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9FqzNTAxg5gYAM7OJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANXSFY4V3pFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3UE1NVEV3TGdBQUFBQ3U1aElQBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDaTBCQ2hjT2xRUVdVZTJKY1l6NXV4QQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzE3BHF1ZXJ5A0lNUEVSWU9ORyUyMEdIQU5BBHRfc3RtcAMxNjExNDE4OTA0?p=IMPERYONG+GHANA&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DtIGTQxg4lgA2XNXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=IMPERYONG+MALI&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DtM3TQxg.B8AVyVXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=IMPERYONG+SONGHAI&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9FqpGTAxg8wkAPSuJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANWTWVaTURFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3RFpNVEV3TGdBQUFBQ201TW5hBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMxNgRxdWVyeQNQRVRFUiUyMEJFTExXT09EBHRfc3RtcAMxNjExNDIwMDYz?p=PETER+BELLWOOD&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrT4R9PTAxghE4AyUaJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANpNTJoZnpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3R0NNVEV3TGdBQUFBQ25iV2lGBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMxMgRxdWVyeQNBVVNUUkFORVNJQU4EdF9zdG1wAzE2MTE0MjAxMTg-?p=AUSTRANESIAN&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

AP8-Q1-WEEK2: JOURNAL #2

 AP8-Q1-WEEK2: JOURNAL #2

KONTRIBUSYON NG KABIHASNANG ROMANO



"ANG KONTRIBUSYON NG SINAUNANG ROMA 

SA MUNDO, SA AKING BANSA, 

AT SA AKING SARILI"



SEASON 2: AP8-Q2-WEEK2: KONTRIBUSYON NG KABIHASNANG ROMANO

 

AP8-Q2-WEEK2: KONTRIBUSYON NG KABIHASNANG ROMANO

 AP8-Q2-WEEK2

KONTRIBUSYON NG KABIHASNANG ROMANO

 

BALIK-ARAL:

    Nakaraan tinalakay ko ang kabihasnang klasiko ng Europa. Kasama na rito ang mga Minoan, Mycenaean, Athens, Sparta, Greece, at Macedonia.

    Ngayon naman at tatalakayin ko ang kabihasnang klasiko ng Rome, ang simula, pakikibaka, at kontribusyon sa daigdig.

 

Layunin: Naipapaliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano


 


Kabihasnang Klasiko ng Rome: Ang Simula ng Rome

Ang Simula ng Rome 

    Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng ikawalong siglo BCE ng mga unang Roman na nagsasalita ng Latin, isang sangay ng wikang nabibilang sa Indo-Europeo. Sila ay lumipat sa Gitnang Italy at nagtayo ng sakahang pamayanan sa Latium Plain.

 


    Ayon Naman sa isang Matandang Alamat ang Rome ay itinatag ng kambal na sina Romulus at Remus. Habang mga sanggol pa lamang sila, inilagay sila basket at ipinaanod sa Tiber River ng kanilang amain sa takot na angkinin ng kambal ang kaniyang trono.

    Ang kambal ay sinagip at inaruga ng isang babaing lobo. Nang lumaki ang dalawa at nalaman ang kanilang pinagmulan, inangkin nila ang trono at itinatag ang Rome sa pampang ng Tiber River noong 753 BCE.

 


    Ang mga Roman ay tinalo ng mga Etruscan, ang kalapit na tribo sa Hilaga ng Rome. Sila ay magagaling sa sining, musika, at sayaw. Dalubhasa rin sila sa arkitektura, gawaing metal, at kalakalan. Tinuruan nila ang mga Roman sa pagpapatayo ng mga gusaling may arko, mga aqueduct, mga barko, paggamit ng tanso, paggawa ng mga sandata sa pakikidigma, pagtatanim ng ubas, at paggawa ng alak.


Kabihasnang Klasiko ng Rome: Ang Roman Republic

 

 

Ang Roman Republic

    Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng ikawalong siglo B.C.E. ng mga unang Roman na nagsasalita ng Latin, isang sangay ng wikang nabibilang sa Indo-Europeo. Sila ay lumipat sa gitnang Italy at nagtayo ng mga sakahang pamayanan sa Lithium Plain sa Timog ng Tiber River. Ang lugar na napili nila ay ang Palatine, isa sa pitong burol malapit sa Tiber River.


Pagtatatag ng Republic

    Natamo ng mga Romano ang kasanayan sa pamamahala sa ilalim ng mga Etruscan. Ang Rome ay nagsimula bilang isang siyudad-estado na pinamumunuan ng isang hari. Noong 509 B.C.E, inalis sa pwesto ng mga Romano si Tarquinius Superbus,ang hari ng Etruscan, at nagtatag sila ng isang Republika, ang pamahalaan. Naghalal sila ng dalawang konsul na puno ng hukbo upang magsilbi bilang punong mahistrado sa loob ng isang taon, ang bawat isa ay nagsilbing tagasubaybay ng bawat isa.

    Sa mga panahon ng kagipitan, ang senado na binubuo ng mga patrician na nanunungkulan habang buhay, ay patuloy na humahawak ng iba’t-ibang pwesto. Sila’y nagpatibay ng mga batas at Humirang ng mga kandidato para sa mga katungkulan. Ang kapangyarihan sa pagpapataw ng buwis, ang deklarasyon ng patakarang panlabas at iba pang pakikipag-ugnayan ay kasama rito. Sa kabilang panig, ang Asemblea na binubuo ng lahat ng mamamayan ay may maliliit lamang na kapangyarihan.

     Bagamat sila’y nakaboto, ang bilang ng kanilang boto ay hindi gaanong pinahahalagahan kaysa sa mga patrician. Sa paglipas ng panahon maraming tanggapan ang nalikha. Gayunman, ang mga plebeian ay Hindi parin gaanong nakalalahok sa pamumuhay pulitikal at sosyal sa Rome. Sila’y humihingi ng mga pagbabago. Noong 500 B.C.E. ang mga plebeian ay umalis sa syudad at nagtungo sa Mons Sacer at sila’y tumatangging bumalik hanggat hindi ibinibigay ang kanilang mga kahilingan. Ang mga patrician, sa wakas, ay sumuko at kanilang pinahintulutan ang mga plebeian na maghalal ng dalawang tribune.




Kabihasnang Klasiko ng Rome: Ang mga Plebeian at Patrician

Pakikibaka ng mga Plebeian para sa Pantay na Karapatan

     Isang assembly na nilikha upang kumatawan sa mga karaniwang tao. Nilikha upang pangalagaan ang karapatan ng mga plebeian laban sa mga mapang-abusong opisyal. Maaari nilang ipawalang-bisa ang anumang batas na mapang-api sa mahihirap. Hanggang Ten Tribune ang ihalal ng mga tao.

 

Ang mga Plebeian at Patrician

    ‘Di tulad ng Athens na isang demokratiko, sa Republikang Romano ang namuno ay mga aristokrata. Lahat sila ay nagmula sa mga mayayamang may-ari ng mga lupa na tinatawag na patrician. Bagamat sampung porsiyento lamang ng kabuuang populasyon ang mga patrician, nasa kamay nila ang halos lahat ng pangunahing posisyon sa pamahalaan at nagtamasa sila ng mas maraming karapatan. Karamihan naman sa mga Romano ay mga plebeians. Sila ay mga karaniwang tao na angmula sa mayamang mamamayan, negosyante, artisano, magsasaka hanggang sa mga manggagagawa. Bilang mamamayan sila ay nagbabayad ng buwis at naglilingkod sa sandatahan ngunit hindi kapantay ng mga tinamasang karapatan ng mga patrician ang kanilang tinaasang karapatan.

    May maayos na takbo ng pamamahala ang pamahalaang Romano. May tagapagpaganap (Executive) at tagapagbatas (Legislative). May dalawang patrician na tumatayong tagapagpaganap. Sila ang nagangasiwa sa pamahalaan at sa hukbong sandatahan. Sila ay inihalal sa tungkulin at may terminong isang taon upang makapaglingkod. Sa mga kamay nila nakasalalay ang kapangyarihan ng buong Roma. Maaari rin nilang i-veto o di tanggapin ang desisyon ng bawat isa. Kinakailangang magkasundo sila sa mga pangunahin at kritikal na desisyon. Sa panahon ng krisis, maaari silang pumili ng diktador mula sa mga pinagkakatiwalaang opisyal ng pamahalaan. May anim na buwan lamang na termino ang mga diktador o hanggang di natatapos ang krisis. Sa ganitong pamamaraan, napipigilan ang ganap na kapangyarihan ng mga diktador at napangangalagaan ang demokrasya.

    Ang tagapagbatas ay bumubuo ng 300 kinatawan. Ang pinakamakapangyarihan ay ang senado. Ang 300 kinatawan ay mula sa mga patrician. Sila ay inihalal at may terminong panghabambuhay. Tinatawag silang senador. Ang pangunahing gawain nila ay ang magbigay ng payo sa consul, maghain ng batas, at magtalakay ng mga patakarang panlabas.

     Hindi lahat ay sumang-ayon sa ganitong pamamahala. Noong 471 BC, ang mga Plebeians ay nagdesisyon na hindi na sila maglilingkod sa hukbong sandatahan ng Roma, bagkus ay magtatatag ng sarili nilang lungsod-estado. Ito ay upang maiwasan ang digmaang sibil at mapanatili ang kapayapaan. Sumang-ayon ang mga patrician sa ilang nais ng mga Plebeian. Isa na rito ay karapatang pumili ng sampung pinuno nila sa kanilang hanay na tatawaging tribunes na siyang magsusulong ng kanilang interes sa pamahalaan. Ang mga tribunes ay maaaring mag-veto ng ano mang desisyon ng consul o ng iba pang namumuno. Dahilan sa karapatang mag-veto, napangangalagaan ng mga Plebeian ang kanilang sariling interes laban sa mga patrician. Nagkaroon din ang mga Plebeian ng kanilang sariling asembleya na kinilala bilang Assembly of Tribes. Pagsapit ng 287 BC, isa na itong pangunahing tagapagbatas sa Roma.

     Sa simula ng Republika, ang mga batas ng Roma ay di nakasulat. Ang mga patrician ang may kontrol sa batas at ipinaalam lamang ito sa mga Plebeians. Pagsapit ng 451 BC, pinagbigyan ng mga patrician ang kanilang hiling. Ang mga batas ng Roma ay inukit sa mga tabletang tanso at inilagay sa forum upang mabasa ng lahat. Ito ay tinawag na Twelve Tables na siyang naging batayan ng iba pang batas sa Roma noong mga sumunod na panahon. Kasabay nito, bumuti rin ang katayuan ng mga plebeian. Pinayagan na silang makapag-asawa ng patrician at maglingkod sa mga pampublikong tanggapan. Pagsapit ng 287 BC, pantay na ang karapatang tinatamasa ng mga patrician at Plebeian. Ngunit, hindi maipagkakaila na ang kapangyarihang pulitikal ay nasa kamay pa rin ng mga patrician at ilang mayayamang plebeian. Patunay ito na ang republika at ang senado ay nasa kapangyarihan pa rin ng iilang mamamayan.


Kabihasnang Klasiko ng Rome: Digmaang Punic

Digmaang Punic

    Sa Simula, makapangyarihan ang Carthage sa dagat subalit upahan ang mga mandirigma nito dahil sa maliit na populasyon. Samantala, ang mga Roman naman ay walang hukbong pandagat at karanasan sa digmaang pandagat.

    Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang pananakop ng Rome sa bahaging timog ng Italy. Nagsisimula pa lamang ang Carthage noon na maging makapangyarihan sa kanlurang bahagi ng Mediterranean. tinatag ang Carthage (Tunis ngayon) ng mga Phoenician mula sa Tyre noong 814 BCE. Nang sakupin ng Persia ang Tyrem naging malaya ang Carthage at nagtatag ito ng imperyong komersyal na nasasakop ng hilagang Africa, silangang bahagi ng Spain, pulo ng Corsica, Sardinia, at Sicily.

     Nasubok ang kapangyarihan ng Rome at Carthage sa tatlong digmaang Punic, salitang latin na nagmula sa pangalang Phoenicia. Sa digmaang ito, napagpasyahan kung sino ang mamumuno sa Mediterranean.

 






Unang Digmaang Punic

     Kahit pa walang malakas na plota ang Rome, dinaig at natalo naman nito ang Carthage noong 241 BCE. Nagpagawa ang Rome ng plota at sinanay ang mga sundalong maging magaling na tagapagsagwan. Bilang tanda ng pagkapanalo, sinakop ng Rome ang Sicily, Sardinia, at Corsica

 

Ikalawang Digmaang Punic

     Nagsimula ito noong 218 BCE nang sakupin ni Hannibal, Heneral ng Carthage, ang Saguntum sa Spain na kaalyado ng Rome. Mula Spain, tinawid niya ang timog France kasama ang mahigit 40,000 sundalo. Tinawid rin nila ang bundok ng Alpis upang makarating sa Italy. Tinalo ni Hannibal ang isang malaking hukbo ng Rome sa Cannae noong 216 BCE. Subalit hindi agad sinalakay ni Hannibal ang Rome dahil inaantay muna niyang dumating ang inaasahang puwersa na manggagaling sa Carthage.

     Sa pamumuno ni Scipio Africanus, sinalakay ng Roman ang hilagang Africa upang pilitin si Hannibal na iwan ang Italy at pumunta ng Carthage upang sagipin ang kanyang mga kababayan.

     Sa pagkatalo ni Hannibal sa labanan sa Zama noong 202 BCE, Pumayag ang Carthage sa kasunduang pangkapayapaan noong 201 BCE na sirain ang plota ito, isuko ang Spain, at magbayad ng sa Rome ng buwis taun-taon.


Ikatlong Digmaang Punic

    Matapos ang 50 taon, naganap ang Ikatlong Digmaang Punic. Muling natalo ang Carthage sa digmaan laban sa Rome at dito, kinuha ng Rome ang lahat ng pag-aari ng Carthage sa Hilagang Africa.

    Mahalaga ang papel ni Marcus Porcius Cato sa pagsiklab ng digmaan. Sa kanyang pagbisita sa Carthage, nakita niya ang kahalagahan at luho ng pamumuhay dito. Batid niyang malakas ang Carthage at nananatili itong banta sa seguridad ng Rome. Pagbalik sa Rome, itinanim niya sa isipan ng Senado at publiko na dapat wasakin ang Carthage.

    Nang salakayin ng Carthage ang isang kaalyado ng Rome, sinalakay ng Rome ang Carthage. Sinunog nito ang lungsod at ipinagbili ang mga mamamayan bilang alipin.

 

Kabihasnang Klasiko ng Rome: Kabihasnang Rome

Tagumpay sa Silangan

    Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Punic, pumunta ang hukbo ng Rome sa Silangan. Tinalo nila rito ang Macedonia. Noong 146 BCE, naging lalawigan ng ROme ang Macedonia. Kasabay nito, sinunog ng Rome ang Corinth at inilagay ang iba pang lungsod-estado ng Greece sa ilalim ng pangangasiwa nito.

    Mula 133 BCE, nagsimulang mapasakamay ng Rome ang marami pang lupain. Pagsapit ng 100 BCE, lahat ng lupain sa baybayin ng Mediterranean Sea ay nasakop ng Rome. Dahil dito, hindi kataka-takang tawagin ang mga taga-Rome ang Mediterranean Sea bilang Mare Nostrum o Aming Dagat.

 

Kabihasnang Rome

    Sa pagsakop ng Roma sa mga lungsod-estado ng Greece, maraming Greek ang tumungo sa Italy. Tinangay rin ng Roma ang mga gawang sining at aklat ng Greece sa pagbabalik sa Rome. Kumalat ang kabihasnang Greece sa Rome at marami sa kanila ang tumungo sa Athens para mag-aral. Dahil dito, naimpluwensyahan ng Greece ang kabihasnang nabuo sa Rome. Gayunpaman, may sariling katangian ang kabihasnang Rome partikular na sa kaalaman sa arkitektura, inhenyeriya, sistema sa pamamahala, at batas.

 

Kabihasnang Klasiko ng Rome: Mga Pagbabago Dulot ng Paglawak ng Kapangyarihan ng Rome

Mga Pagbabago Dulot ng Paglawak ng Kapangyarihan ng Rome

    Habang patuloy ang pagkakasangkot ng Rome sa mga usaping panlabas, dinagdagan ng Senate ang kapangyarihan at katanyagan sa pangangasiwa ng mga kasunduan. Bagama’t ang pagpapatibay ng mga alyansa at deklarasyon ng digmaan ay dapat na isinasangguni sa Assembly, nagsisilbing tagapagpatibay na lamang ng nais ng Senate ang lupong ito. Ang monopolyo ng kapangyarihan ng Senate ang nagpalala sa katiwalian sa pamahalaan. Imbes na palakasin ang estado, madalas na gamitin ng mga opisyal na ipinapadala sa lalawigan ang kanilang katungkulan upang magpayaman. Lalong lumaki ang pagkakataon sa katiwalian dulot ng mga kapaki-pakinabang na kontrata para sa kagamitan ng hukbo.

    Masama ang naging epekto ng mga digmaan sa pagsasaka. Ang timog na bahagi ng Italy ay lubos na nasira dahil sa pamiminsala ng hukbo ni Hannibal. Nilisan ng maraming magsasaka ang kanilang bukirin at tumungo sa Rome upang maghanap ng trabaho ngunit wala namang malaking industriya ang Rome na magbibigay sa kanila ng trabaho. Hindi rin sila makahanap ng trabaho sa malalaking lupain ng mayayaman sapagkat ang nagsasaka ay alipin o bihag lamang ng digmaan.

    Samakatuwid, ang yaman na pumasok sa Rome mula sa napanalunang digmaan ay pinakinabangan lamang ng mayayaman at dahil dito lalong lumawak ang agwat ng mahihirap sa mayayaman. Binago nito ang ugali ng mga tao tungo sa pamahalaan. Pinalitan ng kasakiman at marangyang pamumuhay ang tradisyon ng pagsisilbi at disiplina sa sarili.


 

Si Julius Caesar Bilang Diktador

    Si Julius Caesar ay isang Romanong politiko, heneral, at dakilang manunulat ng prosang Latin. Susi siya sa pagbagsak ng Republikang Romano tungo sa pag-usbong ng Imperyong Romano. Ipinalawak ng kaniyang pagsakop ng Gallia ang daigdig Romano hanggang sa Dagat Atlantiko at nagbigay-daan ito sa pagpapakilala ng mga impluwensiyang Romano sa Pransiya, kung saan ang mga bunga nito ay kapuna-puna. Nagdulot din ito sa pagkalipol ng mga wikang Keltik sa Gallia. Noong 55 BCE inilunsad ng Caesar ang kauna-unahang paglusob ng mga Romano sa Britanya.

    Nakipaglaban at nanalo ang Caesar sa isang digmaang sibil na nag-iwan sa kaniya bilang tunay at kaisa-isang punò ng daigdig Romano. Nagsimula siya ng malawakang pagbabago ng lipunan at pamahalaang Romano. Iprinoklama siyang panghabambuhay na diktador, at lubos niyang isinaisa ang humihina at nagwawatak-watak nang pamahalaan ng Republika. Nakipagsabwatan ang kaibigan ng Caesar na si Marcus Brutus upang patayin siya nang pataksil sa pag-asang mailigtas ang Republika. Siya ay pinatay sa loob ng senado ng kaniyang kaibígan na si Brutus, pagpatay nang pataksil noong Ides of March ay nagsiklab ng panibagong digmaang sibil sa pagitan ng Caesarians—Octavianus, Mark Antony (Marcus Antonius), at Marcus Lepidus—at ng mga Republikano—Brutus, Cassius, at Cicero, kasáma ng mga iba. Nagtapos ang alitang ito sa pagtagumpay ng Caesarians sa Labanan sa Fílippoi, at sa pormal na pagtatatag ng Ikalawang Triumviratus nang sa pamamagitan ay kinontrol nina Octavianus, Antonius, at Lepidus ang Roma. Napatubog na naman ang Roma sa isa pang digmaang sibil dahil sa tensiyon sa pagitan nina Octavianus at Antonius na nauwi sa pagkatalo ng pangalawa sa Labanan sa Actium at ang pag-iwan kay Octavianus bílang tunay at kaisa-isang pinúnò ng daigdig Romano.

    Nagdulot ang panahong ito ng mga digmaang sibil sa pagpalit-anyo ng Roma mula Republika patungong Imperyo kung saan ang pamangkin ng Caesar sa tuhod at inampon niyang anak na si Octavian ang naging unang Emperor nito sa pangalang Caesar Augustus. Ang mga namúnò sa mga unang panahon ng Imperyong Romano ay ang kaniyang angkan na tinawag na Dinastiyang Hulio-Claudian.

    Kilalá nang detalyado ang mga kilusang militar ng Caesar mula sa kaniyang sariling sinulat na Commentarii (Mga Pagpupuna) at maraming bahagi ng kaniyang búhay ay itinalâ ng mga mananalaysay tulad nina Suetonius, Ploútarchos, at Dio Cassius.

    Ginawang diktador si Caesar sa kaniyang pagbalik sa Rome sapagkat kontrolado na niya ang buong kapangyarihan.

    Bilang diktador, binawasang niya ang kapangyarihan ng Senate ngunit dinagdagan naman niya ang bilang nito,mula 600 naging 900 ang kasapi nito.

 

Binigyan ng Roman citizenship ang lahat ng naninirahan sa Italy.

Sa mga lalawigan, ang pagbabayad ng buwis ay inayos habang ang pamahalaan ay pinagbuti.

 

FIRST TRIUMVIRATE

-Binuo ni Julius Cesar, Pompey, at Marcus Licinius Crassus.

-Isang union ng tatlong makapangyarihang tao na nangasiwa ng pamahalaan.

-Hinawakan nila ang kapangyarihang political at militar.

-Isang grupo ni Julius Caesar sa kanyang maagang karera.

-Bagama’t nagkasundo silang pamunuan ang Rome, may namagitang inggit at kompetisyon sa bawat isa.

 

Augustus: Unang Emperador ng Roma

    Bago pa man patayin si Caesar, ginawa na niyang tagapagmana ang kanyang apo sa pamangkin na si Octavian. Kasama sina Mark Antony at Marcus Lepidus, noong 43 BCE binuo ni Octavian ang Second Triumvirate upang ibalik ang kaayusan ng Rome. Ito ay dahil binalot na ng kaguluhan ang Rome mula nang mamatay si Caesar. Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate, tinalo nila ang hukbo nina Brutus at Cassius.

    Sa loob ng sampung taon, naghati sa kapangyarihan sina Octavian at Mark Antony. Pinamunuan ni Octavian ang Rome at kanlurang bahagi ng imperyo habang ang Egypt at mga lugar naman sa Silangan na kinilala ng Rome bilang lalawigang sakop nito ang pinamunuan ni Mark Antony. Samantala, si Lepidus ang namahala sa Gaul at Spain.

 


    Habang nasa Egypt, napamahal kay Antony ang Reyna ng Egypt na si Cleopatra. Dahil sa pag-ibig kay Cleopatra, binigyan niya ito ng lupa at binalak na salakayin ang Rome na nakarating naman sa Rome at ikinagalit ni Octavian. Dahil dito, bumuo ng malaking hukbo at plota si Octavian upang labanan si Antony. Noong 31 BCE, naganap ang malaking labanan sa pagitan nina Octavian at Antony sa Actium. Natalo ang malaking pwersa ni Antony at iniwan niya ang hukbo upang sundan sa Egypt si Cleopatra. Nagpakamatay si Antony ng sumunod na taon noong inakala niyang nagpakamatay si Cleopatra at dahil dito nagpakamatay din si Cleopatra sa harap ng pagkatalo kay Octavian. Kasunod nito, pinagkaitan naman ng kapangyarihan si Lepidus mula sa pamamahala sa Gaul at Spain. Noong 36 BCE, hinikayat niya ang rebelyon sa Sicily subalit hindi siya nagtagumpay at ipinatapon pa sa Circeii, Italy.

    Nang bumalik si Octavian sa ROme, nangako siyang bubuhayin muli ang Republic, hawak niya noon ang lahat ng kapangyarihan. Bilang pinuno ng hukbo, tinawag na imperator si Octavian. Noong 27 BCE, iginawad ng Senate kay Octavian ang titulong Augustus. Ang katagang ito ay karaniwang ginagamit patungkol sa isang banal na lugar o akto. Nangangahulugan lamang ito na ang Augustus ay nagpapahiwatig ng pagiging banal o hindi pangkaraniwan. Mula noon, nakilala na si Octavian bilang Augustus. At matapos ang halos isang siglong puno ng digmaang sibil, nagkabuklod muli ang Rome sa ilalim ng isang pinuno. Inihatid ng pamamahala ni Augustus ang panahon ng Imperyong Roman.

 

Limang Siglo ng Imperyo

    Si Augustus ay tagapagmana ng isang malawak na imperyo. Ang hangganan nito ay ang Euphrates sa silangan; Atlantic Ocean sa kanluran; ilog ng Rhine at Danube sa hilaga; at Sahara Desert sa timog. Umabot sa 100 milyon ang populasyon ng imperyo pagsapit ng ikalawang siglo CE na binubuo ng iba’t ibang lahi, pananampalataya, at kaugalian.

    Sa pangkalahatan, tahimik at masagana ang unang dalawa at kalahating siglo ng imperyo. Ang panahong ito ay mula sa 27 BCE hanggang 180 BCE. Kadalasang tinatawag ang panahong ito bilang PAx Romana o Kapayapaang Rome. Umunlad ang kalakalan sa loob ng imperyo maging ang daan at karagatan ay ligtas sa mga tulisan at mga pirata. Sagana ang imperyo sa lahat ng uri ng pagkain na nanggagaling sa Egypt, Hilagang Africa, at Sicily. Ang kahoy na gamit sa paggawa ng bahay at iba pang produktong agrikultural ay nagmumula sa Gaul at Gitnang Europe. Habang ang ginto, pilak, at tingga ay mula sa Spain. Ang tin sa Britain, tanso sa Cyprus, at bakal at ginto sa Balkan.

    Sa labas ng imperyo, isang masaganang kalakalan ang nag-uugnay sa Rome sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Mula sa India at China ang seda, mga pampalasa o rekado, pabango, mamahaling bato, at iba pang luho.

    Umunlad din ang panitikan sa panahon ng Pax Romana. Ang mga makatang sina Virgil, Horace, at Ovid ay nabuhay sa panahong ito. Sinulat ni Virgil ang “Aeneid” ang ulat ng paglalakbay ni Aenes pagkatapos ng pagbagsak ng Troy. Samantalang binigyang-buhay ni Ovid ang mga mitong Greek at Roman sa akda niyang “Metamorphoses.” Sinulat ni Pliny the Elder ang “Natural History,” isang tangkang pag-isahin ang lahat ng nalalaman tungkol sa kalikasan. Sinulat ni Tacitus ang “Histories at Annals” na tungkol sa imperyo sa ilalim ng pamamahala ng mga Julian at Flavian Caesar. Sinulat ni Livy simula 27-26 BCE ang “From the Foundation of the City,” ang kasaysayan ng Rome.

 

 

GAWAIN:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot. Ikomento rin sa ibaba ang iyong sagot.

I. Kilalanin ang mga sumusunod:

1. Romulus at Remus

2. Roman

3. Etruscan

4. Tarquinius Superbus

5. Patrician

6. Plebeian

7. Hannibal

8. Scipio Africanus

9. Marcus Porcius cato

10. Julius Caesar

11. Marcus Brutus

12. Octavian

13. Mark Antony

14. Marcus Lepidus

15. Cassius

16. Cicero

17. Caesar Augustus

18. Cleopatra

19. Virgil, Horace, at Ovid

20. Tacitus at Livy

 

II. Alamin ang sumusunod:

1. Pax Romana

2. Carthage

3. Augustus

4. Caesarian

5. Republikano

6. Diktador

7. Rome

8. Digmaang Punic

9. Veto

10. Executive

11. legislative

 

 

 

Reference:

Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.

http://dignidadngguro.blogspot.com/2018/08/kabihasnang-klasiko-ng-rome-mga.html

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9IMzCTwRg.7oAbjRXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=ROMANO+KABIHASNAN&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=13&iurl=https%3A%2F%2Fimage.slidesharecdn.com%2Froma-130918072804-phpapp01%2F95%2Fsinaunang-kabihasnan-ng-roma-2-638.jpg%3Fcb%3D1379489661&action=click

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9H6oGTgRgbR0A9yZXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=kabiahasnang+romano&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=11&iurl=https%3A%2F%2Fimage.slidesharecdn.com%2Fangrepublicngromeatangimperyongromano-130721044355-phpapp01-140918070356-phpapp01%2F95%2Fang-kabihasnang-roman-3-638.jpg%3Fcb%3D1411023948&action=click

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr4xJwsTgRgPoQA.VRXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=rome&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=0&iurl=http%3A%2F%2Ftravelingcanucks.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2011%2F03%2Fcolosseum-rome.jpg&action=click

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DuFRTgRgVwsArWpXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=indo-europeo&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=16&iurl=https%3A%2F%2Feuropeanoriginshome.files.wordpress.com%2F2020%2F06%2Findo-european_languages_map.png%3Fw%3D1024&action=click

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9IlxfTgRgZdgAeOpXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=italy&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=1&iurl=https%3A%2F%2Feldercraigjones.files.wordpress.com%2F2013%2F02%2Fphysical-map-of-italy.gif&action=click

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9ImGPTgRgXWoAVlpXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=romulus+at+remus&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9CW3DTgRgj58AqF9XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=tiber+river&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=5&iurl=http%3A%2F%2Ftravelswithnancy.com%2Fetruscans%2Fetruscan-images%2FTiber%2520River%25206.jpg&action=click

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DuhGTwRgE9wAE0VXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=ETRUSCAN&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=13&iurl=https%3A%2F%2Fwww.afrikaiswoke.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2020%2F06%2FEtruscan1-scaled.jpg&action=click

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Ikm8UARg..MAuRhXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=ROMAN+REPUBLIC&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DsrOUARgpuEAnqJXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=GITNANG+ITALY&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrgEanhUARggHsAaipXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PALATINE&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr4xJwDUQRg58kAeEVXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=TARQUINTUS+SUPERBUS&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DusrUQRgnToAXgVXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PATRICIAN&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9CW5DUQRgQsIATJxXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PLEBEIANS&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Il.vUQRgcRkA7kVXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=VETO&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9JnHMUQRgFrUAU5hXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=DIGMAANG+PUNIC&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr47a_qUQRgSWEAvhFXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=CARTHAGE&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DtRAVgRgrNcARBhXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=CLEOPATRA&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr4zV8qVgRguWMAc6xXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=OCTAVIAN&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DWfKVQRgAp4AiwxXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=JULIUS+CAESAR&fr2=piv-web&fr=mcafee