Thursday, September 30, 2021
Tuesday, September 28, 2021
AP8-Q1-WEEK3: JOURNAL 3 - SEASON 2
AP8-Q1-WEEK3: JOURNAL 3 - SEASON 2
"ANG AKING PINAGMULAN NA LABIS KONG IKINARARANGAL"
AP8-Q1-WEEK4: SINAUNANG TAO - SEASON 2
AP8-Q1-WEEK4-KECPHD: SINAUNANG TAO
AP8-Q1-WEEK4-KECPHD
PINAGMULAN NG TAO
Marami ang nagtatalo o siguro nagtatalo pa rin hanggang ngayon kung ano ba talaga ang nauna.. ang itlog? o ang Manok?
Ang manok nama'y nagsimula sa itlog, napisat/nabiyak, naging sisiw, at nung lumaki, manok na!
Ano nga kaya ang nauna?
Isang bagay parin ang marami ang tanong - bakit nga kaya iba-iba ang tao? may maputi, kayumanggi, maitim! mayroon ding pandak, katamtaman, at matangkad... minsan may higante pa ang laki sa karaniwan..
Iba iba rin ang tabas ng pangangatawan ng tao, may payat, may mataba, may singkit, bilugan, katamtaman! may matangos, at may Pango! Pango kaba?
Ang mga katangiang ito'y ipinamana sa inyo/atin ng mga magulang, lolo at lola, ninuno natin... maging sila ay ganun din... Ang tanong-Saan ba nagmula ang tao? Saan ka nagmula? Sa unggoy ba?
Alamin natin!
Sa araling ito, pag-aaralan naman natin ang Sinaunang Tao.
Nakaraan pinag-aralan natin ang Heograpiyang Pisikal at Heograpiyang Pantao.. Kung saan, inaral natin ang pisikal na katangian ng daigdig at mga saklaw ng heograpiyang pantao tulad ng wika, relihiyon, at pangkat-etniko.
Maliban sa mga Alamat! Dalawa ang teorya ng pinagmulan ng Tao! - Ang sa Bibliya at sa Siyensya!
BIBLIYA
Ayon sa paniniwalang panrelihiyon, ang tao raw ay nilikha ng Diyos. Sa Bibliya, Mababasa sa Genesis (Creation). Ipinaliwanag dito kung paano nilikha ng Diyos ang mundo at Tao sa loob ng anim na araw. Sila Eva at Adan ang unang tao sa mundo ayon sa bibliya.
SYENSYA
Sa siyensya naman, Sinasabi ng mga siyentipiko at mga antropologo na ang tao ay lumitaw sa mundo dahil sa isang proseso ng ebolusyon. Ang prosesong ito ay katha ng isang kilalang geologist at biologist na si Charles Robert Darwin. Pinakatanyag ang teorya ni Charles Darwin na Evolution of Man. (Picture)
Ayon sa kaniya nagmula sa simpleng organismo ang tao at hindi bunga ng isang paglikha. Dahil sa proseso ng ebolusyon lumitaw ang tao, ito ay tinawag niyang Theory of Evolution o Teorya ng Ebolusyon ng Tao.
Sa kanyang teorya, ang tao raw ay nagmula sa unggoy?!? - Mukhang unggoy.
Ang pagkakasunud-sunod nito ay:
Australopithecus
Homo Habilis
Homo Erectus
Homo Neanderthalensis
Homo Sapiens
Sa teoryang ito, ayon kay Charles Darwin, ang lahat ng species o pangkat ng mga nabubuhay na organismo ay nalinang sa pamamagitan ng natural selection. Ang mga pahayag at pag-aaral na ito ay nakasaad sa kaniyang librong may pamagat na "On the Origin of Species" na nailimbag noong taong 1859.
Maraming tumaliwas sa pananaw na ito subalit naging batayan ito ng mga ilang siyentipikong nagdadalubhasa sa pinagmulan ng tao.
Pinagmulan ng Tao batay sa Siyentipiko at Arkeologong Tuklas
Batay sa siyentipikong pag-aaral ng pinagmulan ng tao, ang tao daw ay nagmula sa sinaunang mga specie ng Apes o bakulaw – malaking uri ng unggoy - (ang sinasabing pinagmulan ng tao). Mula sa specie ng Austrolapethicus hanggang sa specie ng Homo (nangangahulugang tao).
May 2.5 milyong taon na ang nakalilipas nang makitang nabuhay ang mga ninuno ng tao. Napagtagumpayan ng mga Homo na ito ang makiayon sa kanilang kapaligiran at sa panahon.
Australopethicus ito ay nagmula sa salitang Austra na nangangahulugang Timog at Pithecus na nangangahulugang Ape na kapag pinagsama ang mga salita, ito ay nangangahulugang "Southern Apes". Ang lahat ng mga labi at buto ng Southern Apes ay natagpuan sa Timog Africa.
Tatlong tanyag na Homo na natagpuan sa iba’t-ibang panig ng Daigdig
- Nangangahulugang able man o handy man
- Unang species ng hominid na marunong gumawa ng mga kagamitang yari sa bato.
- Namuhay noong bandang 1.4 hanggang 2.3 milyong taon na nakalilipas
- Lucy pinakatanyag na Austrolapethicus afarensis na natuklasan ang mga labi noong 1974. Ito ay pinaniniwalaang ninuno ng Homo Habilis.
-Natatanging uri ng mga Homo sapagkat ito ay nakatatayo ng tuwid o taong nakatindig.
-Tinatawag na upright man dahil sa tuwid ito kung tumayo.
-May kakayahang gumawa ng mga kagamitan gaya ng Homo Habilis.
-Unang hominid na namuhay sa lipunan ng mga mangangaso.
-Nabuhay mahigit 1.9 milyong taon na ang nakakaraan
-Uri ng Homo na nangangahulugang matalino, nakapangangatwiran at modernong tao. ·
-Ito ang pinakahuling species ng ebolusyon ng tao.
-Ang mga tao sa henerasyong ito ay kabilang at tinatawag na Homo Sapiens
-Isang halimbawa ng homo na ito ay ang Cro-Magnon.
Nang simulan ng mga unang tao na gumawa ng mga kagamitan na yari sa bato ay nagsimula na rin ang panahon na tinawag ng mga arkeologo na panahon ng bato. Hinati ito sa tatlong panahon:
Paleolitiko- Panahon ng Matandang Bato
Paleos: matanda
Lithos: bato
Mesolitiko - Gitnang Panahon ng Bato
Meso: gitna
Lithos: bato
Neolitiko - Panahon ng Bagong Bato
Neo: bago
Lithos: bato
Pagkaraang lumitaw ang mga Homo species partikular ang Homo habilis noong dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan, nagsimula na rin ang Panahong Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao.
PANAHONG PALEOLITIKO (2 500 000 – 10 000 B.C.E)
Ito ay tinatawag ding ―Panahon ng Lumang Bato o Old Stone Age‖. Ito ay nanggaling sa dalawang salita na Paleos (matanda) at Lithos (bato). Ito ang panahon kung saan ginagamit ang bato bilang kasangkapan ng mga hominid. Laganap ang pangangaso at pangongolekta ng mga halaman sa gubat sa panahong ito. Isa sa mga pinakamahalagang pangyayari dito ay ang pagdiskubre ng apoy. Sinasabi na ang mga tao sa panahong ito ay tinatawag na Nomadic o nomadiko - walang permanenteng tirahan.
Ayon sa mga dalubhasa sa paksang ito, ang Panahong Paleolitiko ay nahati sa tatlong bahagi: Lower, Middle, at Upper Paleolithic.
A. Lower Paleolithic Period
-Ayon sa pag-aaral, ito ang panahong nagbabago ang anyo ng mga tao at ang pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig.
-Nakilala ang mga Homo Habilis sa bahaging ito sapagkat dito nila natutuhang gumawa ng mga kasangkapang yari sa bato. Nagwakas ang bahaging ito dakong 120 000 taon na ang nakararaan.
B. Middle Paleolithic Period
-Ito ang bahagi nang paglitaw ng makabagong tao 100 000 taon na ang nakalilipas. Sa
panahong ito umusbong ang pagiging artistiko at abilidad ng mga tao dahil sa pagguhit sa mga bato at pagpipinta sa kanilang mga katawan. Sinasabing dito nabuhay ang taong Neanderthal na natuklasan sa Germany ang mga labi.
C. Upper Paleolithic Period
Umusbong dakong 40 000 – 8 500 taon ang nakararaan. Nabuo sa bahaging ito ang kultura ng mga tao. Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite na kadalasang matatagpuan sa mga lambak. Sa panahong ito lumitaw ang mga Cro-Magnon at napalitan ang mga Neanderthal. Nagkaroon din ng pagbabago sa mga gawi, asal at pamumuhay ng mga tao.
Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12 000 taon nang matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding umunlad ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito ang simula ng Panahong Neolitiko
PANAHONG NEOLITIKO (10 000 – 4 000 B.C.E)
Ito ang huling bahagi ng Panahong Bato. Kilala ito sa tawag na Panahon ng Bagong Bato o New Stone Age. Nagmula sa mga katagang Griyego na Neo at lithos na ang ibig sabihin ay bagong bato. Sa kasaysayan, ito ay tumutukoy sa panahon na kung saan ang pagpapabago sa kabuhayan ng tao ay umabot sa mataas nitong antas. Ang mga pagbabagong ito ay bunsod ng pagkakaroon ng mataas na antas ng teknolohiya. Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, permanenteng paninirahan sa pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok at paghahabi. Naganap sa panahong ito ang Rebolusyong Neolitiko o sistematikong pagtatanim.
Pinaunlad sa panahong ito ang sektor ng agrikultura gamit ang makabagong makinarya. Natuto din ang mga tao na magpaamo ng mga hayop. Naging mas bihasa sila sa paggawa ng mga kasangkapang yari sa bato.
Maging ang kanilang mga tahanan ay mas malaki at pulido gamit ang mga materyales na tulad ng graba, semento at buhangin na hindi pa nauso ng panahong paleolitiko. Natuto na rin ang mga taong tumira at manahanan sa isang pamayanan. Hinihinuha na dito na rin nabuo ang konsepto ng pamilya at tahanan.
Catal Huyuk – isa itong pamayanang Neolitiko na matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia (Turkey ngayon). Ito ay isang pamayanang sakahan.
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao nang matutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang yari sa metal. At dito nag-umpisa ang Panahon ng Metal. Naganap ito dakong 4 000 B.C.E.
PANAHONG METAL (4 000 B.C.E - Kasalukuyan)
Ito ang panahon makalipas ang panahon ng bagong bato. Natutunan ng mga tao sa panahong ito ang paggamit ng metal upang lumikha ng mga kasangkapang magagamit nila sa kanilang paghahanap-buhay tulad ng kutsilyo, sibat, pana, itak, at espada. Dito nakilala ang tanso bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga patalim.
A. Panahon ng Tanso
Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso subalit patuloy pa rin ang paggamit sa kagamitang yari sa bato. Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4000 B.C. sa ilang lugar sa Asya, at 2 000 B.C.E. sa Europe at 1 500 B.C.E. naman sa Egypt. Nalinang na mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso.
B. Panahon ng Bronse
Ang panahong ito ay nagpakilala sa bronse bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga kagamitang pansaka. Natuklasan ng mga tao na ang bronse ay mas matibay kaysa tanso sapagkat ito ay pinaghalong tanso at lata. Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagagawa mula sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat. Sa panahong ito natutong makipagkalakalan ang mga tao sa mga karatig-pook.
C. Panahon ng Bakal
Ang panahong ito ay isang yugto ng kaunlaran ng sinaunang tao na namamayani ang bakal sa pangunahing sangkap sa mga kagamitan at sandata. Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng Indo-Europeo na nanirahan sa Kanlurang Asya dakong 1 500 B.C.E. Nang lumaon, lumaganap ang paggamit ng bakal sa iba pang kaharian.
Tandaan!
Maraming paliwanag tungkol sa pinagmulan ng tao. Ilan sa mga paliwanag na ito ay ang paniniwalang panrelihiyon (Teoryang Paglalang) at ang paliwanag mula sa siyensya (Teoryang Ebolusyon).
Ayon sa siyentipikong pag-aaral, ang tao ay nagmula sa sinaunang mga specie ng Apes o bakulaw – malaking uri ng unggoy - (ang sinasabing pinagmulan ng tao).
Ang tatlong tanyag na Homo na natagpuan sa iba’t ibang panig ng Daigdig
1. Homo Habilis - Nangangahulugang able man o handy man. Isang hominid na marunong gumawa ng mga kagamitang yari sa bato.
2. Homo Erectus - uri ng mga Homo na nakatatayo ng tuwid o taong nakatindig. Tinatawag na upright man dahil sa tuwid ito kung tumayo; at
3. Homo Sapiens - isang Homo na nangangahulugang matalino, nakapangangatwiran at modernong tao. Ang mga tao sa henerasyong ito ay kabilang at tinatawag na Homo Sapiens.
Ang mga Homo na ito ay nabuhay sa iba’t ibang yugto. Ang mga yugtong ito ay tinatawag na:
A. Panahong Paleolitiko o Lumang Bato
B. Panahong Neolitiko o Bagong Bato; at
C. Panahong Metal
Gawain 1
Panuto: Hanapin sa SET B ang tinutukoy ng SET A. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno. Isend sa inyong guro.
SET A
1. Nangangahulugang tao
2. Sumulat ng On the Origin of Species
3. Nangangahulugang able man o handyman
4. Pinakatanyag na Austrolapethicus Afarensis
5. Ang tao ay lumitaw dahil nilikha ng Diyos
6. Tawag sa walang permanenteng tirahan
7. Tinatawag na upright man dahil sa tuwid ito kung tumayo
8. Isang halimbawa ng Homo Sapiens
9. Sila ang nakatuklas ng bakal
10.Naganap sa panahong ito ang sistematikong pagtatanim
SET B
a. Hettites
b. Nomadiko
c. Charles Robert Darwin
d. Cro-Magnon
e. Austrolapethicus
f. Lucy
g. Homo
h. Teoryang Ebolusyon
i. Teoryang Paglalang
j. Homo Erectus
k. Homo Sapiens
l. Homo Habilis
m. Panahong Paleolitiko
n. Panahong Neoltiko
o. Panahong Metal
Gawain 2
Panuto: Ngayong natapos mo ang araling ito, dugtungan mo naman ang mga sumusunod na Open-ended Statement base sa iyong nalaman at naunawaan sa araling ito. Ikomento ang iyong sagot sa comment section sa ibabang bahagi nito.
Nalaman ko __________________________________________________________.
Naunawaan ko _______________________________________________________.
Gagawin ko __________________________________________________________.
Gawain 3
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isend ang sagot sa iyong guro.
1. Sa anong yugto sa Panahong Paleolitiko nagsimulang lumitaw ang mga komplikadong pagpapangkat sa lipunan?
A. Prehistoric Period C. Middle Paleolithic Period
B. Lower Paleolithic Period D. Upper Paleolithic Period
2. Isa itong Homo Species na nanganghulugang able man o handy man, sila ang unang hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato.
A. Homo Erectus C. Homo Sapiens
B. Homo Habilis D. Homo Neanderthal
3. Sa panahon ng Upper Paleolithic ang mga taong Neanderthal ay nawala at napalitan ng mga taong Cro – Magnon. Ang mga Cro – Magnon ay kakaiba sa mga sinaunang tao dahil sa:
A. gumagamit ng apoy
B. bumuo ng isang sistema ng irigasyon
C. nakikipagkalakalan sila sa malayong pook
D. gumagamit sila ng mga kasangkapang yari sa bronse
4. Alin sa mga sumusunod ang pag-unlad na naranasan sa panahon ng Middle Paleotic Period?
A. paggamit ng apoy
B. paggamit ng magaspang na kagamitan
C. nabuhay ang mga tao sa pamamagitan ng pangangaso
D. umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan
5. Ang mga Homo Sapiens ay nangunguna sa lahat ng sinaunang tao sa karunungan. Ito ay nagpapatunay na:
A. higit na marami silang kagamitan kaysa sa ibang sinaunang tao
B. pagala–gala sila sa paghahanap ng makakain
C. hindi sila nakakasulat ng anumang bagay
D. umasa sila sa kalikasan upang mabuhay
6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagbibigay ng MALING impormasyon tungkol sa yugto ng pag-unlad sa pamumuhay ng tao?
A. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.
B. Dumami ang maaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.
C.Umunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahong Paleolitiko.
D. Pinakinis na bato ang gamit noong Panahong Neolitiko.
Reference:
Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.
Bustamante (2014). Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig. St. Bernadeth Publishing House Corporation. Philippines
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Du3GIotf2ZMAWwZXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=evolution+of+man&fr2=piv-web&fr=mcafee
Thursday, September 16, 2021
AP8-Q1-WEEK2: JOURNAL 2 SEASON 2
AP8-Q1-WEEK2: JOURNAL 2 - SEASON 2
"ANG NAGING GAMPANIN NG RELIHIYON O PANINIWALA SA PAGHUBOG NG AKING PAGKATAO"
AP8-Q1-WEEK2: Heograpiyang Pantao SEASON 2
AP8-Q1-WEEK2: Heograpiyang Pantao
AP8-Q1-WEEK2
Nakaraan pinag-aralan natin ang kahulugan ng heograpiya, saklaw, at tema nito. Inaral din natin ang papel nito sa pamumuhay ng tao at ating kasaysayan.
Ngayon naman, aralin naman natin ang isa pang saklaw ng heograpiya - Heograpiyang Pantao.
Heograpiyang Pantao
Ang heograpiyang pantao ay ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba't ibang bahagi ng daigdig.
Wika
Itinuturing bilang kaluluwa at salamin ng isang kultura ang wika. Ito ay nagbibigay pagkakakilanlan sa mga taong kabilang sa isang pangkat. Ang wika ay ipinamana pa sa atin ng mga sinaunang tao sa mundo at ito ang ginagamit natin upang magkaunawaan at magkaintindihan ang bawat tao sa mundo.
Batay sa datos mula sa aklat ng “Kasaysayan ng Daigdig” na sinulat ni Blando et al (2014), tinatayang may 7,105 buhay na wika sa mundo ng mahigit 6,200,000,000 katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. May 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Mga Katangian ng Wika
1. Dinamiko – nagbabago ito kasabay ng pagbabago ng panahon at pandaigdigan na pagbabago.
2. May sariling kakanyahan – hindi mahahanap sa ibang wika ang mga katangian ng isang wika.
3. Kaugnay ng wika ang kultura ng isang bansa – ang sining, panitikan, karunungan, kaugalian, kinagawian, at paniniwala ng mga mamamayan ang bumubuo ng kultura. Ang pangkat ng mga taong may angking kultura ay lumilinang ng isang wikang naaangkop sa kanilang mga pangangailangan sa buhay.
Relihiyon
Ang relihiyon ay nagmula sa salitang religare na nangangahulugang “pagsasama sama o pagkakabuklod-buklod.” Ito ay kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng tao. Bawat relihiyon ay may kaniya-kaniyang kinikilalang Diyos na sinasamba. Kadalasan ang mga paniniwalang nakapaloob sa mga aral at turo ng relihiyon ay naging basehan sa pagkilos ng tao sa kaniyang pamumuhay sa araw-araw.
Kung matatandaan ang ating mga ninuno ay mayroon din sariling paniniwala na naging gabay sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi organisado at sistematiko ang paniniwala nila noon. Ang mga relihiyon sa kasalukuyan ay organisado at may doktrinang sinusunod.
Suriin sa pie graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang bahagdan ng dami ng tagasunod nito.
Lahi at Pangkat-Etniko
Ang mga tao sa daigdig ay nahahati sa iba’t ibang pangkat. Isa sa mga batayan ay ang pangkat-etniko na kaniyang kinabibilangan.
Ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Maliwanag ang pagkakakilanlan ng bawat pangkat-etniko dahil pinagbubuklod ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon.
Samantala, ang race o lahi ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat. Ayon sa mga eksperto may iba’t ibang klasipikasyon ng tao sa daigdig na nagdulot ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita ng iba’t ibang uri ng diskriminasyon.
Tinatawag din na pangkat etnolinggwistiko ang mga pangkat-etniko dahil karamihan sa mga ito ay gumagamit ng iisang wika. Mayroong iba’t ibang pangkat etnolongwistiko sa daigdig. Halaw sa datos na sinulat ni (Minahan 2014), ang Han Chinese na may tinatantiyang populasyon na 1.4 bilyon ang pinakamalaking pangkatetniko sa buong daigdig. Ito ay sinundan ng mga Arabs na may populasyong 450 milyon (Nydell 2005), at ang pangatlo ay ang Bengalis na may populasyon na 230 milyon (Ethnologue 2014).
Grupong Etnolinggwistiko
Ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura
Dalawang Batayan ng Paghahating Etnolinggwistiko
1. Wika – sumasalamin sa pangunahing pagkakakilanlan ng isang pangkat
2. Etnisidad – ang pagkakapareho ng isang pangkat batay sa wika, tradisyon, paniniwala, kaugalian, lahi at saloobin.
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Ilagay ang inyong sagot sa comment section sa ibabang bahagi nito. Lagyan ng pangalan at section para sa pagkakakilanlan.
1. Ano ang pagkakaiba ng wika at etnisidad bilang dalawang batayan ng paghahating Etnolinggwistiko?
2. Bakit mahalaga ang wika at etnisidad bilang batayan ng paghahating Etnolinggwistiko?
3. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong sariling wika bilang tanda ng iyong pagkakakilanlan?
Gawain 2
Panuto: Ibigay ang inyong sagot sa sumusunod na mga tanong. Isulat ang mga sagot sa inyong kwaderno.
1. Paano nakatulong ang relihiyon o paniniwala sa paghubog ng iyong pagkatao?
2. Bakit nagiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig?
3. Sa iyong pananaw, nakakatulong ba ang wika sa pagkakaisa at kaunlaran? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Gawain 3
Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. Itype at Isend ito sa inyong guro kasama ng inyong pangalan at section.
1. Ano ang tinutukoy na pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa o rehiyon batay sa wika?
A. etniko C. etnolinggwistiko
B. etnisidad D. katutubo
2. Ano ang pangunahing batayan sa pagkilos ng tao sa kaniyang pang-arawaraw na pamumuhay?
A. etniko C. lahi
B. etnisidad D. relihiyon
3. Alin sa sumusunod ang hindi saklaw sa pag-aaral ng heograpiyang pantao?
A. lahi C. teknolohiya
B. relihiyon D. wika
4. Ano ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig at pangunahing paniniwala sa bansang India?
A. Budhismo C. Islam
B. Hinduismo D. Shintoismo
5. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang itinuturing na kaluluwa at nagbibigay pagkakakilanlan o identidad ng isang pangkat?
A. lahi C. relihiyon
B. pangkat etniko D. wika
6. Alin sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig ang may pinakamaraming gumagamit?
A. Afro-Asiatic C. Indo-European
B. Austronesian D. Niger-Congo
7. Tingnan ang talahanayan sa ibaba.
Mga Relihiyon Bahagdan ng mga Naniniwala
Kristiyanismo 31.59%
Islam 23.20%
Hinduismo 15.00%
Non-religious 11.67%
Budismo 7.10%
Iba pa 11.44%
8. Ano ang iyong mahinuha sa mga datos sa talahayanan?
A. Mas maraming naniniwala sa Islam kaysa Kristiyanismo
B. Kakaunti lamang ang yumakap sa relihiyong Kristiyanismo
C. Nangunguna ang Kristiyanismo sa may pinakamaraming naniniwala
D. Halos magkatulad ang dami ng naniniwala sa Hinduismo at Budismo
9. Batay sa talahanayan, ang non-religious group ay binubuo ng ________.
A. 7.10% C. 11.67%
B. 11.44% D. 15.00%
10. Anong relihiyon ang may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo?
A. Budismo C. Islam
B. Hinduismo D. Kristiyanismo
11. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang kultura o pinagmulan?
A. etniko C. paniniwala
B. lahi D. wika
12. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang tumutukoy sa kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat?
A. etniko C. relihiyon
B. lahi D. wika
13. Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng sumusunod maliban sa________.
A. klima C. relihiyon
B. pinagmulan D. wika
14. Anong relihiyon ang sinasamba ng mga Arabo?
A. Budismo C. Islam
B. Hinduismo D. Judaismo
15. Alin sa mga pangunahing relihiyon sa mundo ang may pinakamaliit na
tagasunod?
A. Budismo C. Islam
B. Hinduismo D. Kristiyanismo
16. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao?
A. Ito ay susi ng pagkakaintindihan.
B. Sisikat ang tao kung marami ang wika.
C. Dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika.
D. Yayaman ang tao pag may maraming alam na wika.
Reference:
Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.
file:///C:/Users/kirz_pooh/Downloads/ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01.pdf
file:///C:/Users/kirz_pooh/Downloads/ap8_q1_mod2_heograpiya%20ng%20pantao_FINAL08032020.pdf
file:///C:/Users/kirz_pooh/Downloads/Final-K-to-12-MELCS-with-CG-Codes.pdf
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9JnP2W4RfeYwAgytXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=pangkat+etniko+sa+mundo&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrT4R_IW4Rf4xwALQ6JzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANoNHJicFRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3QmpNVEV3TGdBQUFBQmhlNEZZBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMyMgRxdWVyeQNyZWxpaGl5b24lMjBzYSUyMG11bmRvBHRfc3RtcAMxNjAyNTEwMDU3?p=relihiyon+sa+mundo&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt