Monday, December 13, 2021

AP8-Q2-WEEK4: MEDIEVAL PERIOD O GITNANG PANAHON - JOURNAL #4

 AP8-Q2-WEEK4: MEDIEVAL PERIOD O GITNANG PANAHON


JOURNAL #4


"AKO AT ANG KINABIBILANGAN KONG RELIHIYON"

SEASON 2: AP8-Q2-WEEK4-KECPHD: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon - Part I

 

AP8-Q2-WEEK4-KECPHD: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon - Part I

 AP8-Q2-WEEK4-KECPHD

GITNANG PANAHON SA EUROPA: HOLY ROMAN EMPIRE

 

*Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon

• Ekonomiya (Manoryalismo) Sosyo-kultural (Paglakas ng Simbahang Katoliko, Krusada)

 

 

BALIK-ARAL: Sa huling video lesson, tinalakay namin ang mga kabihasnang klasiko sa america, africa, at mga pulo sa pacific. Binanggit doon ang mga imperyong umusbong at nagbigay ambag sa mundo.

Ngayon naman ay pag-usapin natin ang daigdig sa panahon ng transisyon.

Makakasama natin sina Mr. Edwin Abugan, Ms. Joanne Medilo, at Ms. Rafaela Nacional.

Hahatiin natin sa dalawang talakayan ang aralin. Una, sa part I, pag-uusapan natin ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Gitnang Panahon, partikular na ang Holy Roman Empire at paglakas ng Simbahang Katoliko

Sa part II naman, pag-uusapan natin ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa panahong Medieval o gitnang panahon, partikular na Krusada at Piyudalismo.

Samahan niyo kami sa talakayang ito.. at huwag kalimutang i-like, share, at magsubscribe :)

 

PART I

 ARALIN 3

Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon


Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval

 -Ang Paglakas ng Simbahang Katoliko Bilang Isang Institusyon sa Gitnang Panahon

 -Ang Holy Roman Empire

 -Ang Paglunsad ng mga Krusada

 -Ang Buhay sa Europe Noong Gitnang Panahon (Piyudalismo, Manorialismo, Pagusbong ng mga Bayan at Lungsod)

 

Mga Salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Kapapahan

     Apat ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Rome. Pangunahin na rito ang pagbagsak ng Imperyong Romano na siyang nagbunsod sa kapangyarihan ng kapapahan.

 

Pagbagsak ng Imperyong Roman

     Marami ang dahilan ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko at ng kapapahan. Isa na rito ang pagbagsak ng imperyong Romano noong 476 C.E., na naghari sa kanluran at silangang Europe sa Gitnang Silangan at sa hilagang Africa sa loob ng halos 600 taon.


     Tinukoy ni Silvian, isang pari, na kalooban ng mga Roman ang bunga ng kanilang mga kasamaan. Ang mga kayamanang umagos papasok sa Rome ang naging sanhi ng palasak na kabulukan sa pamahalaan ng imperyo. Sa walang tigil na pagsasamantala sa tungkulin ng mga umuugit ng pamahalaan, nahati ang lipunan sa dalawang panig- ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan na binubuo ng mayayaman at malalakas na pinuno sa pamahalaan at mga nakararaming maliliit na mamamayan.

     Lubhang nakapagpahina ang kabulukan sa pamahalaan at ang kahabag-habag na kalagayan ng pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao sa katayuan ng Imperyong Rome. Noong 476 C.E., tuluyan itong bumagsak sa kamay ng mga barbaro na dati ng nakatira sa loob ng imperyo mula pa noong ikatlong siglo ng Kristiyanismo.

 


    Sa kabutihang-palad, ang simbahang Kristiyano, na tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga barbaro, ang nangalaga sa mga pangangailangan ng mga tao. Sa kawalan ng pag-asang maibalik ang dating lakas-militar at kasaganaang materyal ng imperyo, bumaling ang mamamayan sa simbahang Katoliko sa pamumuno at kaligtasan. Binigyang-diin nila ang kalagayan ng kaluluwa sa ikalawang buhay ayon sa pangako ng Simbahan para sa mga nailigtas sa pamamagitan ni Kristo. Sa kabilang dako, nahikayat naman ang mga barbaro sa kapangyarihan ng Simbahan. Pumayag sila na binyagan sa pagka- Kristiyano at naging matapat na mga kaanib ng pari.

 

Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan.

     Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga pinuno ng Simbahan na nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga mamamayan. Mula sa mga ordinaryong taong ito lumitaw ang mga pari at mga hirarkiya.

     Isang diyosesis ang kongregasyon ng mga Kristiyano sa bawat lungsod na pinamunuan ng Obispo. Nasa ilalim ng Obispo ang maraming pari sa iba’t ibang parokya sa lungsod. Nang lumaganap ang Kristiyanismo mula sa lungsod patungo sa mga lalawigan, sumangguni sa mga Obispo ang mga pari sa kanilang pamumuno. Sa ilalim ng pamumuno at pamamahala ng Obispo, hindi lamang mga gawaing espiritwal ang pinangalagaan ng mga pari, kundi pinangasiwaan din nila ang gawaing pangkabuhayan, pang-edukasyon at pagkawanggawa ng Simbahan. Bukod dito, ang Obispo rin ang namamahala sa pagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa lungsod at sa iba pang mga nasasakupan.

     Tinawag na mga Arsobispo ang mga Obispo na nakatira sa malalaking lungsod na naging unang sentro ng Kristiyanismo. Bukod sa panrelihiyong pamamahala ng kanilang sariling lungsod, may kapangyarihan ang isang Arsobispo sa mga Obispo ng ilang karatig na maliit na lungsod. Ang Obispo ng Rome, na tinawag bilang Papa, ang kinikilalang katas-taasang pinuno ng Simbahang Katoliko sa kanlurang Europe. Kabilang siya sa mga Arsobispo, Obispo at mga Pari ng mga parokya.

     Mula noong kalagitnaan ng ika-11 siglo, pinipili ang mga Papa ng Kolehiyo ng mga Kardinal sa pamamagitan ng palakpakan lamang, depende kung sino ang gusto ng matatandang kardinal. Sa Konseho ng Lateran noong 1719, pinagpasyahan ng mayorya ang paghalal ng Papa.

     Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon, ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin ang kapangyarihang pampulitika bilang pinuno ng estado ng Vatican.

    Ang salitang “Pope” ay ngangangahulugang AMA na nagmula sa salitang Latin na “Papa”. Noong unang panahon itinuturing ng mga kristyano ang “Papa” bilang ama ng mga Kristiyano, na siya pa ring tawag sa kanya sa kasalukuyang panahon.

 

Uri ng Pamumuno sa Simbahan

     Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng pundasyon ng Simbahang Katoliko Romano at Kapapahan. Ilan lamang sa mahahalagang tao ng Simbahan at ang kanilang mga nagawa ang makikita sa talahanayan.

 



Pinuno / Papa Paraan ng Pamumuno

 Constantine theGreat

    · Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at ang Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag.

    · Pinalakas ni Constantine ang kapapahan sa pamamagitan ng Konseho ng Constantinople. Sa kapulungang ito, pinaguri-uri ng mga Obispo ang iba’t ibang malalaking lungsod sa buong imperyo. Gayundin, pinili ang Rome bilang pangunahing diyosesis at dahil dito, kinilala ang Obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko Romano.



 

Papa Leo the Great (440-461)

    · Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang doktrinang nagsasabing ang Obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo. Sa kaniyang mungkahi, ang emperador sa kanlurang Europe ang nag-utos na kilalanin ang kapangyarihan ng Obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahan. Makalipas ang ilang daang taon, ibinigay ang pangalang Papa sa Obispo ng Rome. Mula noong kapanahunan ni Papa Leo, kinilala ang kapangyarihan ng Papa sa lahat ng mga Kristiyano sa kanlurang Europe. Tumanggi naman ang Simbahang Katoliko sa silangang Europe na kilalanin ang Papa bilang pinakamataas na pinuno ng Kristiyanismo hanggang

 


Papa Gregory I

     · Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisikap sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng Simbahan sa buong kanlurang Europe.

    · Natamo ni Papa Gregory I ang sukdulan ng tagumpay nang magawa niyang sumampalataya ang iba’t ibang mga barbarong tribo at lumaganap ang Kristiyanismo sa malalayong lugar sa kanlurang Europe. Dahil dito, nagpadala siya ng mga misyonero sa iba’t ibang bansa na hindi pa sumasampalatay sa Simbahang Katoliko. Buong tagumpay na nagpalaganap ng kapangyarihan ng Papa ang mga misyonerong ito nang sumampalataya sa Kristiyanismo ang England, Ireland, Scotland, at Germany.

 


Papa Gregory VII

     Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng kapangyarihang sekular at eklesyastikal ukol sa power of investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa mga tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng Germany. Itiniwalag kaagad niya sa simbahan si Haring Henry IV na gumanti naman nang ipag-utos niya ang pagpapatalsik kay Papa Gregory VII. Ngunit nang maramdaman ni Henry IV na kaanib ni Papa Gregory VII ang mga Maharlika sa Germany, sumuko siya sa Papa at humingi ng kapatawaran. Binawi ng Papa ang kaparusahang pagtitiwalag sa Simbahan pagkatapos ng lubhang paghihirap sa pagtawid sa Alps at napahamak pagkaraan nang malaon at masidhing pag-aaregluhan.

    Ang investiture ay isang seremonya kung saan ang isang pinunong sekular katulad ng hari ay pinagkakalooban ng mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa Obispong kaniyang hinihirang bilang maging pinuno ng simbahan. Sa pamumuno ni Papa Gregory sa Simbahan, tinanggal niya ang karapatan ng mga pinunong sekular na magkaloob ng kapangyarihan sa pinuno ng simbahan.

 

Pamumuno ng mga Monghe

     Binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina. Sila ang mga regular na kasapi ng mga pari at itinuturing na higit na matapat kaysa mga paring sekular. Tuwirang nasa ilalim lamang ng kontrol at pangangasiwa ng Abbot at Papa ang mga monghe. Namumuhay ang mga monghe sa ilalim ng mahigpit na mga alituntunin ng monasteryo. Dahil dito, malaki ang kanilangimpluwensya sa pamumuhay ng tao noong Panahong Medieval. Dahil sa kanilang paniniwalang “Ang pagtatrabaho at pagdarasal,” nagsikap sila sa paglinang at pagtanim sa mga lupain na nakapaligid sa kanilang mga monasteryo. Dahil dito, hindi lamang kapaki-pakinabang ang kanilang pagsisikap sa mga monasteryo, kundi higit pang nakaimpluwensya ito sa pag-unlad ng agrikultura sa buong Europe noong Panahong Medieval.

 

Mga Gawain ng mga Monghe.

     Nagtiyaga ang mga monghe sa pag-iingat ng mga karunungang klasikal ng mga sinaunang Griyego at Romano. Dahil sa hindi pa natutuklasan ang palimbagan at ang paggawa ng papel, ang lahat ng mga libro na kanilang iniingatan sa mga aklatan sa monasteryo ang kanilang matiyagang isinusulat muli sa mga sadyang yaring balat ng hayop. Dahil sa ginawang pagsisikap ng mga monghe, ang mga kaalaman tungkol sa sinauna at panggitnang panahon ay napangalagaan sa kasalukuyan.

 



    Ang makatarungang pamumuno ng mga monghe sa kanlurang Europe ay nakatulong din sa lawak ng katanyagan at kapangyarihan ng Simbahan sa ilalim ng pamumuno ng Papa. Nagpakain ang mga monasteryo sa mahihirap, nangalaga sa mga maysakit at kumupkop sa mga taong nais makaligtas sa kanilang mga kaaway. Bumalangkas ang Simbahan ng isang sistema ng mga batas at nagtatag ng mga sariling hukuman sa paglilitis ng mga pagkakasala na kinasasangkutan ng mga pari at mga pangkaraniwang tao. Dahil walang sinumanang nagsasagawa ng ganitong paglilingkod pagkatapos bumagsak ang imperyo ng Rome, nahikayat ang mga tao sa Simbahan para sa kaayusan, pamumuno at tulong. Pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga monghe ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa utos ng Papa sa iba’tibang dako ng kanlurang Europe. Napag-alaman na natin kung paano napasampalataya sa Kristiyanismo ang mga Visigoth sa Spain; ang mga Anglo-Saxon sa England, Ireland at Scotland; at ang mga German sa ilalim ng direksiyon ni Papa Gregory I. Gayundin, naging martir si St. Francis Xavier, ang tinaguriang Apostol ng Asia para sa simulain ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sa utos ng Papa sa Rome.

    Bukod sa paglakas ng impluwensiya ng simbahang Katoliko, isa sa mahalagang kaganapan sa Europe sa Panahong Medieval ay ang pagkakatatag ng “Holy Roman Empire”. Sino nga ba si Charlemagne? Bakit tinawag na Holy Roman Empire ang imperyo? Ano ang kontribusyon ng imperyong ito sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan?

 



Ang Holy Roman Empire

    Isa sa mga mayor ng palasyo si Charles Martel, ang nagsikap na pag-isahin ang France. Tinalo niya ang mga mananalakay na Muslim. Mula noon, hindi na nagtangkang sakupin ang Kanlurang Europe.

 



    Si Pepin the Short ang unang hinirang na hari ng France. Noong 768, humalili kay Pepin ang anak na si Charlemagne o Charles the Great, isa sa pinakamahusay na hari sa Medieval Period. Sa gulang na 40, kinuha niya si Alcuin, pinakamahusay na iskolar ng panahon upang magpaturo ng iba’t ibang wika. Inanyayahan din niya ang iba’t ibang iskolar sa Europe upang turuan at sanayin ang mga pari at opisyal ng pamahalaan. Sinakop niya ang Lombard, Muslim, Bavarian at Saxon at ginawang mga Kristiyano.

     Noong kapaskuhan ng taong 800, kinoronahan siyang emperador ng Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire). Marami ang nagsabi na ang imperyo ang bumuhay na muli sa imperyong Romano. Sa panahon ng imperyo, ang mga iskolar ang naging tagapangalaga ng kulturang Graeco-Romano. Ang pagsasama-sama ng elementong Kristiyano, German, at Roman ang namayani sa kabihasnang Medieval.

    Nang namatay si Charlemagne noong 814, humalili si Louis the Religious. Hindi nagtagumpay ang pagsisikap nitong mapanatili ang imperyo dahil sa paglaban ng mga maharlika. Nang mamatay siya, hinati ng kaniyang tatlong anak ang imperyo sa pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun noong 841. Napunta kay Charles the Bald ang France; kay Louis the German ang Germany; atang Italy kay Lothair.Sa pagkakawatak-watak ng imperyo, nawalan ng kapangyarihan ang mga haring Carolingian sa mga maharlika at nagsimula na naman ang paglusob ng mga Viking, Magyar at Muslim. Namayani sa Europe ang mga maharlika at humina ang mga hari. Nagsimula ang isang sistematikong sosyo-ekonomiko, politiko at militari- ang piyudalismo.



481- Pinag-isani Clovis ang iba’t ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Romano 

496- Naging Kristiyano si Clovis at ang kaniyang buong sandatahan 

511- Namatay si Clovis at hinati ang kaniyang kaharian sa kanyang mga anak 

687- Pinamunuan ni Pepin II ang tribung Franks 

717- Humalili kay Pepin II ang kaniyang anak na si Charles Martel 

751- Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang bilang Hari ng mga Franks sa halip na Mayor ng Palasyo

    Si Pope Leo III ang humirang kay Charlemagne bilang “Emperor of the Holy Roman Empire”. Ayon sa ilang aklat, nangangahulugan ito na ang ideya ng mga Romano ng isang sentralisadong pamahalaan ay hindi naglaho


GAWAIN:

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod. Isulat sa notebook at ikomento sa ibaba ang iyong sagot.

1. Holy Roman Empire

2. Kapapahan

3. Charlemagne

4. Imperyong Roman

5. Silvian

6. Simbahan

7. Papa

8. Arsobispo

9. Obispo

10. Pari

11. Hirarkiya

12. Constantine the Great

13. Papa Leo the Great

14. Papa Gregory I

15. Papa Gregory VII

16. Investiture

17. Monghe

18. Charles Martel

19. Pepin the Short

20. Alcuin

21. Louis the Religious

22. Clovis

23. Pope Leo III

 

REFERENCE:

Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang AKlat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et. al. pahina 141-144 

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrT4R.pNhRgnpwAjmiJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANFaE1lVmpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3SV9NVEV3TGdBQUFBQnZHVExJBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDMHp4U0FWSUlTczJuRlZtLnQzRnJSQQRuX3N1Z2cDMARvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMzEEcXVlcnkDQlVSR0lTJTIwU0ElMjBHSVROQU5HJTIwUEFOQUhPTgR0X3N0bXADMTYxMTkzNzQ2MQ--?p=BURGIS+SA+GITNANG+PANAHON&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Ilw1NhRgG2UA4tNXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PIYUDALISMO&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Lta9NRRgQtgAFHeJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANvcVY1UURFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3S0tNVEV3TGdBQUFBQmcuNWswBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDamJtSmQ5N01SYnEzMUtmbGJLYTRsQQRuX3N1Z2cDMQRvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMTYEcXVlcnkDUEFQQSUyMExFTyUyMElJSQR0X3N0bXADMTYxMTkzNzI4OA--?p=PAPA+LEO+III&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9GjBsNRRgCLwA9I9XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PEPIN+THE+SHORT&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9IlJZNRRgYlkA7BtXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=CHARLES+MARTEL&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9FqzPNBRg6k4Ad7uJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANsTWJRNHpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3UGJNVEV3TGdBQUFBQlMxbWNTBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDQ1ZVUGVZemtRZ3E0bjMuQ0dFaUh4QQRuX3N1Z2cDMQRvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDNDcEcXVlcnkDUEFNVU1VTk8lMjBORyUyME1PTkdIRSUyMFNBJTIwR0lUTkFORyUyMFBBTkFIT04EdF9zdG1wAzE2MTE5MzY5OTg-?p=PAMUMUNO+NG+MONGHE+SA+GITNANG+PANAHON&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9ImOmNBRgNIYAdjtXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PAPA+GREGORY+VII&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DuV2NBRgpt0AhkhXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PAPA+GREGORY+I&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9GjBcNBRgDTMA51NXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PAPA+LEO+THE+GREAT&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Hr4TMxRg4nkAoNmJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAM2RXROaFRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3U0tNVEV3TGdBQUFBQTRWV2V4BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDb2dOa3lacnhSbm1uS3pNWi5JS0VmQQRuX3N1Z2cDMARvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMzgEcXVlcnkDU0lMVklBTiUyMFJPTUFOJTIwJTIwR0lUTkFORyUyMFBBTkFIT04EdF9zdG1wAzE2MTE5MzY1ODI-?p=SILVIAN+ROMAN++GITNANG+PANAHON&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9CW61MhRg_BwAEm5XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=SIMBAHANG+KATOLIKO+GITNANG+PANAHON&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=28&iurl=http%3A%2F%2Fwww.geocities.ws%2Fsaibabawngbato%2Fimahe%2Fchurch.jpg&action=close

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9CJ6RMhRg1DcA0zlXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=KRUSADA&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrgDdogNBRgjFAAVixXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=CONSTANTINE+THE+GREAT&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Hr5WMhRgABEAw_aJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANBRjVRdWpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3VjZNVEV3TGdBQUFBQXRISllNBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDaWxUUDBfcG1RUy42dk1lSUxzalB5QQRuX3N1Z2cDMARvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMjQEcXVlcnkDUEFQQSUyMEdJVE5BTkclMjBQQU5BSE9OBHRfc3RtcAMxNjExOTM2MzYw?p=PAPA+GITNANG+PANAHON&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DtUuMhRgC1UA0zJXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=HOLY+ROMAN+EMPIRE&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrgDaP3MRRg1QMAhztXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=ROMA&fr2=piv-web&fr=mcafee

 

Friday, November 26, 2021

AP8-Q2-WEEK3: JOURNAL #3

AP8-Q2-WEEK3: JOURNAL #3

KABIHASNANG KLASIKO SA AFRICA, AMERICA, AT MGA PULO SA PACIFIC

 

"ANG AKING KULAY NA LUBOS KONG IPINAGMAMALAKI"



SEASON 2: AP8-Q2-WEEK3: KABIHASNANG KLASIKO SA AFRICA, AMERICA, AT MGA PULO SA PACIFIC

 

AP8-Q2-WEEK3-KECPHD: KABIHASNANG KLASIKO SA AFRICA, AMERICA, AT MGA PULO SA PACIFIC

 AP8-Q2-WEEK3-KECPHD: 

KABIHASNANG KLASIKO SA AFRICA, AMERICA, AT MGA PULO SA PACIFIC

 

MELC: Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabihasnan sa:  Africa – Songhai, Mali, Ghana • America – Aztec, Maya, Olmec, Inca, at Mga Pulo sa Pacific –  Polynesia, Micronesia, Melanesia

 

BALIK-ARAL:

    Sa nakaraang talakayan, tinalakay ko ang kabihasnang Romano, ang simuila nito, paglalakbay tungo sa katanyagan, at ambag nito sa daigdig.

    Ngayon naman ay tatalakayin namin… hindi lamang ako dahil may guest tayo mamaya, ang mga kabihasnang klasiko sa Africa, America, at mga Pulo sa Pacific.

    Nais kong ipakilala sina, Ms. Blay, Ms, Ignacio, and Ms. Implica… sila ay magbibigay ng kaunting kaalaman mamaya.

 




ARALIN2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific

    Ano-ano ang naiisip mo kapag nababanggit ang mga salitang America, Ang Africa? At ang mga Pulo sa Pacific? Ano-ano na ang alam mo tungkol  sa mga lugar na ito?

    Masasalamin sa kasalukuyang kalagayan nit at sa pamumuhay ng kanilang mamamayan ang impluwensiya ng mga sinaunang kabihasnang  naitatag sa mga kontinenteng ito.

    Mapag-aaralan mo sa araling ito ang pag-usbong at pag-unlad ng mga imperyo sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific. Masusuri mo rin kung paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan

 


Mga Kabihasnan sa Mesoamerica

    Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga mamamayan sa Mesoamerica na magsaka. Ang maliliit na pamayanang agrikultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica. Nang lumaon, naging makapangyarihan ang ibang pamayanan at nakapagtatag ng lungsod-estado. Ang mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan. Ilan dito ay ang kabihasnang Olmec at Zapotec na tinalakay sa nakaraang Modyul.




    Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec. Naging maunlad rin ang Kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng kabihasnang Greece, at Rome, ang pagiging maunlad at makapangyarihan ay nagtulak sa mga kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop ng lupain at magtayo ng imperyo. Malawak ang naging impluwensiya ng mga Maya, Aztec, at Inca kung kaya’t itinuturing ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa America.


Kabihasnang Maya (250 C.E. – 900 C.E.)

    Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanang lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador, at Copan. Nakamit ng Maya ang rurok ng kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E.

    Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala. Pinalawig ng mga pinunong tinatatawag na halach uinic o “tunay na lalaki” ang mga pamayanang urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa kanilang mga diyos.

    Nang lumaon, nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan. Naiugnay ng malalawak at maayos na kalsada at rutang pantubig ang mga lungsod-estado ng Maya. Banaag sa kaayusan ng lungsod ang pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng mahihirap at nakaririwasa. Ang sentro ng bawat lungsod ay isang pyramid na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga diyos. May mga templo at palasyo sa tabi ng pyramid.

    Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal ay mais, asin, tapa, pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy, at balat ng hayop. Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin. Ang pangunahing pananim nila ay mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya, at cacao. Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga Maya, ang sinamba nilang diyos ay may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais gayundin ang tungkol sa ulan.

    Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 C.E. Subalit sa pagtatapos ng ikawalong siglo C.E., ang ilang mga sentro ay nilisan, ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang panrelihiyon at estado ay bumagsak. Sa pagitan ng 850 C.E. at 950 C.E., ang karamihan sa mga sentrong Maya ay tuluyang inabandona o iniwan. Wala pang lubusang makapagpaliwanag sa pagbagsak ng Kabihasnang Mayan. Ayon sa ilang dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito. Maaari rin na sanhi ng panghihina nito ang pagbagsak sa produksiyon ng pagkain batay sa mga nahukay na labi ng tao na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na nutrisyon. Ang mga labi ay natuklasang hindi gaanong kataasan samantalang mas manipis ang mga buto nito. Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucatan ay nanatili nang ilan pang siglo, tulad ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna, at Copan. Sa paghina ng Chichen at Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan sa buong Yucatan hanggang sa maganap ang isang pag-aalsa noong 1450.

 

Isang maunlad na kabihasnan ang nabuo ng mga Mayan.

    Ang pagbagsak ng mga lungsod-estado ng Kabihasnang Maya ay nagdulot ng paglaho ng kanilang kapangyarihan sa timog na bahagi ng Mesoamerica. Sa panahong ito, nagsimulang umunlad ang maliliit na pamayanan sa Mexico Valley. Ang mga mamamayan rito ang nagtatag ng isa sa unang imperyo sa Mesoamerica – ang Imperyong Aztec.

    Kung ang mga Maya ay nagtatag ng kanilang Kabihasnan sa timog na bahagi ng Mesoamerica, ang mga Aztec naman ay naging makapangyarihan sa gitnang bahagi nito. Matatandaan na sa bahagi ring ito umusbong ang sinaunang Kabihasnang Olmec. Bunga nito, ang pamumuhay at paniniwala ng mga Aztec ay may impluwensiya ng mga Olmec. Subalit, hindi tulad ng mga Olmec, ang mga Aztec ay nagpalawak ng kanilang teritoryo. Mula sa dating maliliit na pamayanang agrikultural sa Valley of Mexico, pinaunlad ng mga Aztec ang kanilang kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo. Kinontrol nila ang mga karatig lupain sa gitnang bahagi ng Mesoamerica.


Kabihasnang Aztec (1200 – 1521)

    Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribo na ang orihinal na pinagmulan ay hindi tukoy. Unti-unti silang tumungo sa Lambak ng Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E. Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,”isang mitikong lugar sa Hilagang Mexico.

    Noong 1325, itinatag nila ang pamayanan ng Tenochtitlan, isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng Texcoco. Ang Texcoco ay nasa sentro ng Mexico Valley. Nang lumaon, ang lungsod ay naging mahalagang sentrong pangkalakalan.

    Angkop ang Tenoctitlan sa pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga Aztec dahil mayroon itong matabang lupa. Sa kabila nito, hindi sapat ang lawak ng lupain upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Ang hamong ito ay matagumpay na natugunan ng mga Aztec.

    1. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak. Upang madagdagan ang lupang tinataniman, tinabunan ng lupa ng mga Aztec ang mga sapa at lumikha ng mga chinampas, mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden.

    2. Wala silang kasangkapang pambungkal ng lupa o hayop na pantrabaho. Nagtatanim sila sa malambot na lupa na ang gamit lamang ay matulis na kahoy.

    3. Mais ang kanilang pangunahing tanim. Ang iba pa nilang tanim ay patani, kalabasa, abokado, sili, at kamatis. Nag-alaga rin sila ng mga pabo, aso, pato, at gansa

    4. Dahil sila ay mga magsasaka, ang mga Aztec ay taimtim na umaasa sa mga puwersa ng kalikasan at sinasamba ang mga ito bilang mga diyos. Ang pinakamahalagang diyos nila ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw. Mahalaga ang sikat ng araw sa pananim ng mga magsasaka kaya sinusuyo at hinahandugan ang naturang diyos. Mahalaga rin sina Tlaloc, ang diyos ng ulan at si Quetzalcoatl. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang mga diyos na ito upang mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa pagsira ng daigdig. Dahil dito, ang mga Aztec ay nag-alay ng tao. Ang mga iniaalay nila ay kadalasang bihag sa digmaan bagama’t may mga mandirigmang Aztec na nagkukusang-loob ialay ang sarili.

    Bunga ng masaganang ani at sobrang produkto, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Aztec na makipagkalakalan sa mga kalapit na lugar na nagbigay-daan upang sila ay maging maunlad. Ang kaunlarang ito ng mga Aztec ay isa sa mga dahilan upang kilalanin ang kanilang kapangyarihan ng iba pang lungsod-estado. Nakipagkasundo sila sa mga lungsod-estado ng Texcoco at Tlacopan. Ang nabuong alyansa ang siyang sumakop at kumontrol sa iba pang maliliit na pamayanan sa Gitnang Mexico.

    Sa pagsapit ng ika-15 siglo, nagsimula ang malawakang kampanyang militar at ekonomiko ng mga Aztec. Ang isa sa mga nagbigay-daan sa mga pagbabagong ito ay si Tlacaelel, isang tagapayo at heneral. Itinaguyod niya ang pagsamba kay Huitzilopochtli. Kinailangan din nilang manakop upang maihandog nila ang mga bihag kay Huitzilopochtli. Ang paninindak at pagsasakripisyo ng mga tao ay ilan sa mga naging kaparaanan upang makontrol at mapasunod ang iba pang mga karatig-lugar na ito. Ang mga nasakop na lungsod ay kinailangan ding magbigay ng tribute o buwis. Dahil sa mga tribute at mga nagaping estado, ang Tenochtitlan ay naging sentrong pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica mula sa Pacific Ocean haggang Gulf of Mexico at mula sa hilagang Mexico hanggang sa Guatemala. Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero at tagapagtayo ng mga estruktura tulad ng mga kanal o aqueduct, mga dam, gayundin ng sistema ng irigasyon, liwasan, at mga pamilihan.

    Ang biglaang pagbaba ng populasyon ay dulot ng epidemya ng bulutong, pang-aalipin, digmaan, labis na paggawa, at pagsasamantala. Sa kabuuan, tinatayang naubos ang mula 85 hanggang 95 bahagdan ng kabuuang katutubong populasyon ng Mesoamerica sa loob lamang ng 160 taon.

 


HERNANDO CORTES

    Sa pagdating ni Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong 1519, natigil ang pamamayani ng mga Aztec sa Mesoamerica. Si Cortes ang namuno sa ekspedisyong Espanyol na nanakop sa Mexico. Inakala ni Montezuma II, pinuno ng mga Aztec, na ang pagdating ng mga Espanyol ay ang sinasabing pagbabalik ng kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil sa mapuputingkaanyuan ng mga ito. Noong 1521, tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan.

 

HEOGRAPIYA NG SOUTH AMERICA

    May magkakaibang klima at heograpiya ang South America kung ihahambing sa Mesoamerica. Matatagpuan sa hilaga ng Amazon River na dumadaloy sa mayayabong na kagubatan. Pawang ang mga prairie at steppe naman ang matatagpuan sa Andes Mountains sa timog na bahagi. Samantala, tuyot na mga disyerto ang nasa kanlurang gulod ng mga bundok na kahilera ng Pacific Ocean. Dahil sa higit na kaaya-aya ang topograpiya ng Andes, dito nabuo ang mga unang pamayanan. May mga indikasyon ng pagsasaka gamit ang patubig sa hilagang gilid ng Andes noong 2000 B.C.E. Sa pagsapit ng ika-11 siglo B.C.E, maraming pamayanan sa gitnang Andes ang naging sentrong panrelihiyon. Ang mga pamayanang ito ay umusbong sa kasalukuyang Peru, Bolivia, at Ecuador. Nang lumaon, nagawang masakop ng ilang malalaking estado ang kanilang mga karatig-lugar. Subalit sa kabila nito, wala ni isa man ang nangibabaw sa lupain

 

Kabihasnang Inca (1200-1521)

    Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong naninirahan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Sa pamumuno ni Manco Capac, bumuo sila ng maliliit na lungsod-estado.

    Ang salitang Inca ay nagangahulugang “imperyo.” Hango ito sa pangalan ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes. Unti-unting pinalawig ng mga Inca ang kanilang teritoryo hanggang sa masakop nito ang 3,220 kilometro kuwadrado sa kahabaan ng baybayin ng Pacific. Saklaw ng imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina.

    Noong 1438, pinatatag ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti ang lipunang Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong estado. Sa ilalim ni Topa Yupanqui (1471-1493), pinalawig niya ang imperyo hanggang hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia, at Chile. Napasailalim din sa kaniyang kapangyarihan ang estado ng Chimor o Chimu na pinakamatinding katunggali ng mga Inca sa baybayin ng Peru. Sa ilalim naman ni Huayna Capac, nasakop ng imperyo ang Ecuador.

 


FRANCISCO PIZARRO

    Sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca noong 1532, ang lupain ng Imperyong Inca ay sumasaklaw mula sa hilaga sa kasalukuyang Colombia hanggang sa katimugan sa bahagi ng Chile at Argentina. Subalit dahil sa mga tunggalian tungkol sa pamumuno at kawalang kapanatagan sa mga nasakop na bagong teritoryo, unti-unting humina ang imperyo. Dagdag pa rito ang tila napakalaking saklaw ng Imeryong Inca na naging malayo mula sa sentrong pangangasiwa sa Cuzco. Nariyan din ang malaking pagkakaiba ng mga pangkat ng tao sa ilalim ng kanilang kapangyarihan.

    Samakatuwid, ang imperyo ay nasa kaguluhang politikal na pinalubha pa ng epidemya ng bulutong na dala ng mga sinaunang dumating na conquistador o mananakop na Espanyol. Sa katunayan, si Huayna Capac, isa sa mga pinuno ng Inca, ay namatay sa isang epidemya noong 1525. Ang pagpanaw na ito ay nagdulot ng tunggalian sa kaniyang mga anak na sina Atahuallpa at Huascar. Sa huli, nanaig si Atahuallpa. Nakilala niya si Pizarro habang naglalakbay ito patungong Cuzco. Nang lumaon, binihag ni Pizarro ang Atahuallpa at pinatubos ng pagkarami-raming ginto. Noong 1533, pinapatay si Atahuallpa at makalipas ang isang taon, sinakop ng mga Espanyol ang Cuzco gamit lamang ang maliit na hukbo.

    Sa kabila ng katapangan ng mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa bagong teknolohiyang dala ng mga dayuhan, tulad ng mga baril at kanyon. Ang ilan sa mga Inca ay nagtungo sa kabundukan ng Vilcabamba at nanatili rito nang halos 30 taon. Hindi nagtagal, ang huling pinuno ng mga Inca na si Tupac Amaru ay pinugutan ng ulo noong 1572. Dito tuluyang nagwakas ang pinakadakilang imperyo sa Andes.

    Sa kasalukuyan, makikita pa rin ang mga pamana ng mga Kabihasnang Klasikal na Maya, Aztec, at Inca. Ang mga estruktura tulad ng Pyramid of Kukulcan, Pyramid of the Sun, at ang lungsod ng Machu Picchu ay hinahangaan at dinarayo ng mga turista dahil sa ganda at kakaibang katangian nito. Nananatili itong paalala ng mataas na kabihasnang nabuo ng mga sinaunang mamamayan sa America.


 AFRICA

Mga Kaharian at Imperyo sa Africa

Heograpiya ng Africa

    Mahalaga ang papel ng heorapiya kung bakit ang Africa ang huling pinasok at huling nahati-hati ng mga Kanluraning bansa. Tinawag ito ng mga Kanluranin na dark continent dahil hindi nila ito nagalugad kaagad. Nanatiling limitado ang kaalaman ng mga bansang Kanluranin tungkol sa kontinenteng ito hanggang noong ika-19 na siglo.

    Ang pinakamainit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaong malapit sa equator. Matatagpuan dito ang rainforest o isang uri ng kagubatan kung saan sagana ang ulan at ang mga puno ay malalaki, matataas, at may mayayabong na dahon. Sa hangganan ng rainforest ay ang savanna, isang bukas at malawak na grassland o damuhan na may mga puno. Sa grassland sa hilaga ng equator matatagpuan ang rehiyon ng Sudan. Sa bandang hilaga naman ng rehiyon ng Sudan makikita ang Sahara, ang pinakamalaki at pinakamalawak na disyerto sa daigdig. Ang Sahara na malaki pa sa Europe ay hindi natitirhan maliban sa mga oasis nito. Ang oasis ay lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at tubig na kayang bumuhay ng halaman at hayop. Tanging sa oasis lamang may mga maliliit na pamayanan sa Sahara. Hiwa-hiwalay at kalat-kalat ang mga kultura at kabihasnang sumibol at namayani sa malawak na kontinente ng Africa.

    Isa sa mga umunlad na kultura sa Africa ay ang rehiyon na malapit sa Sahara. Nakatulong sa kanilang pamumuhay ang pakikipagkalakalan. Tinawag itong Kalakalang Trans-Sahara. Bunga nito, nakarating sa Europe at iba pang bahagi ng Asya ang mga produktong African.

 

Ang Kalakalang Trans-Sahara 

    Noong 3000 B.C.E., isang masaganang kalakalan ang umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan, ang rehiyon sa timog ng Sahara. Tinawag na Trans-Sahara ang kalakalang naganap dito. Ang kalakalang Trans-Sahara ay tumagal hanggang ika-16 na siglo. Tinawag itong kalakalang Trans-Sahara dahil tinawid ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng caravan, dala-dala ang iba’t ibang uri ng kalakal. Kamelyo ang kadalasang gamit sa mga caravan. Ang caravan ay pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay.

    Ang mga mangangalakal mula sa Carthage ay pumupunta sa Sahara upang mamili ng mga hayop tulad ng unggoy, leon, elepante, at mga mamahaling hiyas. Sinasabi na ang mga elepante na ginamit ni Hannibal sa Digmaang Punic laban sa Rome ay nanggaling sa Kanlurang Africa. Iba’t ibang grupo ng mga tao ang nagtayo ng mga pamayanan sa mga lugar na dinaraanan ng kalakalan.

 

Ang Pagpasok ng Islam sa Kanlurang Africa

    Nang makapagtatag ng mga pamayanang Muslim sa Morocco, ang Islam ay unti-unting nakilala at kalaunan ay namayani sa mga kultura at kabihasnang nananahan sa Kanlurang Africa. Ang Islam ay pinalaganap ng mga Berber, mga mangangalakal sa Hilagang Africa. Pumupunta sila sa Kanlurang Africa upang bumili ng ginto kapalit ng mga aklat, tanso, espada, seda, kaldero, at iba pa.

 

Mga Kabihasnan sa Africa

    Matatandaan na ang Egypt ang isa sa mga pinakaunang lunduyan ng kabihasnan sa daigdig. Maliban sa Egypt, ang Axum ang kasalukuyang Ethiopia sa Silangang Africa ay napatanyag din dahil sa naging sentro ito ng kalakalan. Binibisita ito ng mga mangangalakal mula sa Persia at Arabia. Umusbong din ang mga estado sa rehiyon ng Sudan kung saan ang kanilang yaman ay dulot ng kanilang kapangyarihan sa kalakalang tumatawid sa Sahara. Kapwa nasa Silangang Africa ang dalawang kabihasnang ito.

    Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan. Dito umusbong ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

    Ang Axum Bilang Sentro ng Kalakalan Ang kaharian ng Axum ay sentro ng kalakalan noong 350 C.E. Malawak ang pakikipagkalakalan nito at sa katunayan, ito ay may pormal na kasunduan ng kalakalan sa mga Greek. Mga elepante, ivory (ngipin at pangil ng elepante), sungay ng rhinoceros, pabango, at pampalasa o rekado ang karaniwang kinakalakal sa Mediterranean at Indian Ocean. Kapalit nito, umaangkat ang Axum ng mga tela, salamin, tanso, bakal, at iba pa. Isang resulta ng malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito ng Kristiyanismo. Naging opisyal na relihiyon ng kaharian ang Kristiyanismo noong 395 C.E.

    Kung ang kahariang Axum ay naging tanyag sa Silangang Africa, nakilala naman sa Kanlurang Africa ang tatlong imperyo na siyang naging makapangyarihan dulot rin ng pakikipagkalakalan sa mga mamamayan sa labas ng Africa. Ito ay ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

 

Ang Imperyong Ghana 

    Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol ang isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara. Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba’t ibang produkto tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa bakal, katad, at iba pang produktong wala sila.

    Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot ng matabang lupa sa malawak na kapatagan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ay isang dahilan kung bakit lumaki ang populasyon dito. Sagana rin ang tubig upang punan ang pangangailangan sa mga kabahayan at sa irigasyon.

 

Mahalagang salik sa paglakas ng Ghana

Naging maunlad dahil naging sentro ng kalakalan sa Kanlurang Africa

Bumili ng mga kagamitang pandigma na yari sa bakal at mga kabayo

Ginamit ang mga sandatang gawa sa bakal upang makapagtatag ng kapangyarihan sa mga grupong mahina ang mga sandata.

Ang mga kabayo ay nagbibigay ng ligtas at mabilis na paraan ng transportasyon para sa mga mandirigma nito

 

ANG IMPERYONG MALI

    Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba, isa sa mahalagang outpost ng Imperyong Ghana. Ang pag-akyat ng Mali sa kapangyarihan ay sinimulan ni Sundiata Keita. Noong 1240, sinalakay niya at winakasan ang kapangyarihan ng Imperyong Ghana. Sa pamamagitan ng patuloy na pananalakay, ang Imperyong Mali ay lumawak pakanluran patungong lambak ng Senegal River at Gambia River, pasilangan patungong Timbuktu, at pahilaga patungong Sahara Desert. Hawak nito ang mga ruta ng kalakalan. Noong mamatay si Sundiata noong 1255, ang Imperyong Mali ang pinakamalaki at pinakamapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan.

    Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan ng kalakalan. Nang mamuno si Mansa Musa noong 1312, higit pa niyang pinalawak ang teritoryo ng imperyo. Sa pagsapit ng 1325, ang malalaking lungsod pangkalakalan tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu, at Gao ay naging bahagi ng Imperyong Mali.

    Maliban sa pagpapalawak ng imperyo, naging bantog din si Mansa Musa sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan. Nagpatayo siya ng mga mosque o pookdasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo. Hinikayat niya ang mga iskolar na pumunta sa Mali. Sa panahon ng kaniyang paghahari, ang Gao, Timbuktu, at Djenne ay naging sentro ng karunungan at pananampalataya.


Ang Imperyong Songhai     

    Simula pa noong ikawalong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan na sa mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger River. Maliban sa kalakalan, dala rin ng mga Berber ang pananampalatayang Islam. Sa pagsapit ng 1010, tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng mga Songhai, ang Islam. Bagama’t hinikayat niya ang mga Songhai na tanggapin ang Islam, hindi niya pinilit ang mga ito.

    Sa pamamagitan ng Gao at ng Timbuktu, nakipagkalakalan ang Songhai sa Algeria. Dahil dito, nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai sa iba pang bahagi ng Imperyong Islam.

    Noong 1325, ang Songhai ay sinalakay at binihag ng Imperyong Mali. Subalit hindi ito nagtagal sa pagiging bihag ng Mali. Noong 1335, lumitaw ang bagong dinastiya, ang Sunni, na matagumpay na binawi ang kalayaan ng Songhai mula sa Mali. Mula 1461 hanggang 1492, sa ilalim ni Haring Sunni Ali, ang Songhai ay naging isang malaking imperyo. Sa panahon ng kaniyang paghahari, pinawalak niya ang Imperyong Songhai mula sa mga hangganan ng kasalukuyang Nigeria hanggang sa Djenne.

    Hindi niya tinanggap ang Islam sapagkat naniniwala siyang sapat na ang kaniyang kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng mga katutubong mangingisda at magsasaka. Gayunpaman, iginalang at pinahalagahan pa rin niya ang mga mangangalakal at iskolar na Muslim na nananahan sa loob ng kaniyang imperyo. Sa katunayan, hinirang niya ang ilan sa mga Muslim bilang mga kawani sa pamahalaan.

 

Ghana

    Ipinag-utos ni haring Al-Bakri na ibigay sa kaniya ang mga butil ng ginto at tanging mga gold dust ang pinayagang ipagbili sa kalakalan. Sa ganitong paraan, napanatili ang mataas na halaga ng ginto.

 

 Ghana, Mali at Songhai

    Ang mga imperyong ito ay naging makapangyarihan dahil sa kalakalan. Pangunahing produkto nila ang ginto. Nagsilbi silang tagapamagitan ng mga African na mayaman sa ginto at ng mga African na mayaman sa asin.

    Sa panahong ito,ginagamit ng mga African ang ginto upang ipambili ng asin. Ginagamit ng mga African ang asin upang mapreserba ang kanilang mga pagkain.

  

Mali

    Nagsilbing sentro ng kalakalan ang Timbuktu. Bukod dito, lumaganap rin ang relihiyong Islam at tumaas ang antas ng kaalaman dulot ng impluwensiya ng mga iskolar na Muslim. Ang Sankore Mosque ay ipinagawa ni Mansa Musa noong 1325.

    Bunga ng pagkakatatag ng mga sinaunang kabihasnan at imperyo, nabuo ang pagkakilanlan ng kasalukuyang kontinente ng America at Africa. Samantala, sa mga Pulo ng Pacific, nagsimula na ring makilala ang mga Austronesean. Tunghayan sa susunod na bahagi ng aralin ang kanilang nabuong kabihasnan.


 

MIGRASYONG AUSTRONESIAN

    Magkaugnay ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga pulo ng Pacific at Timog-Silangang Asya. Ito ay dahil ang nandayuhan at nanahan sa dalawang rehiyong ito ay mga Austonesian. Ang Austronesian ay tumutukoy sa mga taong nagsasalita ng mga wikang nabibilang sa Austronesian o Malayo-Polynesian. Ito ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.

    Ayon sa teorya ng iskolar na si Peter Bellwood, nagmula sa timog China ang mga Austronesian. Sa hangaring makahanap ng mga bagong teritoryo na masasaka, umalis sila ng China at nandayuhan simula noong 4000 B.C.E. Tumungo sila sa mga lugar na kilala ngayon bilang Taiwan, Pilipinas, Malaysia, Brunei, at Indonesia. Noong 2000 B.C.E., may mga Austronesian na tumungo pakanluran hanggang makarating sa Madagascar sa Africa. Samantala, may mga tumungo pasilangan at tinawid ang Pacific Ocean at nanahan sa mga pulo ng Pacific.

    Unang narating ng mga Austronesian ang New Guinea, Australia, at Tasmania. Noong 1,000 B.C.E., nanahan ang mga Austronesian sa Vanuatu, Fiji, at Tahiti.

    Narating din nila ang Tonga, Samoa, at Marquesas. Tinatayang nasa mga pulo ng Hawaii sila noong 100 B.C.E. Pinakamalayo nilang naabot ang Easter Island, isang pulo sa Pacific na bahagi na ng South America.

    Sa pag-aaral ng kabihasnan ng mga pulo sa Pacific, mahalagang tunghayan ang lipunan ng mga tao rito bago dumating ang mga Kanluranin. Ang lipunan at kulturang ito ay Austronesian.

 

Ang mga Pulo sa Pacific

    Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islandsay nahahati sa tatlong malalaking pangkat – ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ang mga katawagang ito ay iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan ng mga pulo at ang anyo ng mga katutubo nito.

 

POLYNESIA – maraming isla

poly – marami

nesia - isla

 

MICRONESIA – maliliit na mga isla

micro – maliit

nesia - isla

 

MELANESIA – maiitim ang mga tao dito

mela– maitim

nesia - isla

 

Polynesia 

    Ang Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng Melanasia at Micronesia. Ang Polynesia ay higit na malaki kaysa pinagsamang lupain ng Melanasia at Micronesia.

    Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn.

    Batay sa dami ng pinagkukunan ng pagkain ang laki ng pamayanan sa Polynesia. Umabot hanggang 30 pamilya ang bawat pamayanan dito. Ang sentro ng pamayanan ay ang tohua na kadalasang nasa gilid ng mga bundok. Ito ay tanghalan ng mga ritwal at pagpupulong. Nakapaligid satohua ang tirahan ng mga pari at mga banal na estruktura.

    Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda.Ang karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo, at niyog.Sa pangingisda naman nakakakuha ng tuna, hipon, octopus, at iba pa. Nanghuhuli rin sila ng pating.

    Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o mana. Ang katagang mana ay nangangahulugang “bisa” o “lakas.”Sa mga sinaunang Polynesian, ang mana ay maaaring nasa gusali, bato, bangka, at iba pang bagay.

    May mga batas na sinusunod upang hindi mawala o mabawasan ang mana. Halimbawa, bawal pumasok sa isang banal na lugar ang pangkaraniwang tao. Ang sinaunang kababaihan sa Marquesas ay hindi maaaring sumakay sa bangka sapagkat malalapastangan niya ang bangka na may angking mana. Gayundin, ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain ay dapat nakabukod. Bawal silang makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat nilang kainin upang hindi mawala ang kanilangmana. Ang tawag sa mga pagbabawal o prohibisyong ito ay tapu. Kamatayan ang pinakamabigat na parusang igagawad sa matinding paglabag sa tapu.

 

 Micronesia

    Ang maliliit na pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at sa silangan ng Asya. Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati), at Nauru.

    Ang mga sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga lawa o dagat-dagatan. Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan. Itinatag nila ang kanilang mga pamayanan sa bahaging hindi gaanong tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin.

    Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian. Nagtatanim sila ng taro, breadfruit, niyog, at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at starch na maaaring gawing harina. Pangingisda ang isa pang ikinabubuhay ng mga Micronesian. May kaalaman din sa paggawa ng simpleng palayok ang mga lipunan ng Marianas, Palau, at Yap.

     Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Sa Palau at Yap, bato at shell ang ginagamit bilang paraan ng palitan. Gumagamit din ang Palau ng batong ginawang pera (stone money). Sa iba pang mga pulo, nagpapalitan ng kalakal ang matataas (high-lying islands) at mabababang pulo (low-lying coral atolls).

     Ipinagpapalit ng mga high-lying island ang turmericna ginagamit bilang gamot at pampaganda. Samantala, ang mga low-lying coral atoll ay nakipagpalitan ng mga shellbead, banig na yari sa dahon ng pandan, at magaspang na tela na galing sa saging at gumamela. Bilang tela, ginagawa itong palda ng kababaihan at bahag ng kalalakihan.

    Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang mga rituwal para sa mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang ani.

 

Melanesia

    Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia. Ito ay kasalukyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New Caledonia, at Fiji Islands.

    Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa baybaying-dagat o sa dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma. Tagumpay sa digmaan ang pangkaraniwang batayan ng pagpili sa pinuno. Sa maraming grupong Papuan, ang kultura ay hinubog ng mga alituntunin ng mga mandirigma tulad ng katapangan, karahasan, paghihiganti, at karangalan.

    Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din dito ng pandan at sago palm na pinagkukunan ng sago. Pangingisda, pag-aalaga ng baboy, at pangangaso ng mga marsupial at ibon ang iba pang kabuhayan dito. May kalakalan din sa pagitan ng mga pulo. Karaniwang produktong kinakalakal ng mga Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin, apog, gayundin ang mga gawa nilang bangka.

    Naniniwala rin sa animism ang mga sinaunang Melanesian. Ipinababatid ng diyos ng kalikasan ang mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan, sakuna, kamatayan, o pag-unlad ng kabuhayan. Laganap din sa Solomon Islands at Vanuatu ang paniniwala sa mana.

    May sariling katangian at kakanyahan ang mga isla sa Pacific. Nakabatay ang kanilang pamumuhay sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang isla at kontinente.

    Bagama’t hindi ito kasing-unlad, kasing-tanyag at kasingyaman ng mga kabihasnan at imperyo sa America at Africa, nakaimpluwensiya rin ito sa mga mamamayang naninirahan sa mga isla sa Pacific at sa mga karatig bansa nito sa Timogsilangang Asya sa kasalukuyan.

 

 GAWAIN

 PANUTO: Alamin ang mga sumusunod at isulat sa notebook ang iyong sagot. Ikomento rin sa ibaba ang iyong mga sagot.

 1. MESOAMERICA

2. MAYA

3. AZTEC

4. INCA

5. OLMEC

6. HALACH UINIC

7. PYRAMID OF KUKULCAN

8. TENICHTITLAN

9. HUITZILOPOCHTLI

10. QUETZALCOATL

11. HERNANDO CORTES

12. MONTEZUMA II

13. FRANCISCO PIZARRO

14. CONQUISTADOR

15. HUAYNA CAPAC

16. RAINFOREST

17. SAVANNA

18. OASIS

19. SAHARA

20. TRANS-SAHARA

21. CARAVAN

22. AXUM

23. GHANA

24. MALI

25. SONGHAI

26. POLYNESIA

27. MICRONESIA

28. MELANESIA

29. PETER BELLWOOD

30. PACIFIC

 

 Reference:

Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9JnI2Rwxgy2YA7QCJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANKdjNiUlRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3LjhNVEV3TGdBQUFBQlpvR01BBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMxMwRxdWVyeQNBTUVSSUNBJTIwTUFQBHRfc3RtcAMxNjExNDE3NTUw?p=AMERICA+MAP&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9K571RgxgihgAw5tXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=AFRICA&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Im3.RgxgcjEA9FZXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PULO+SA+PACIFIC&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DuIVRwxggG8AedBXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=MESOAMERICA&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DtAVRwxgu3EA3CtXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=MAYA&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Du4bRwxgPToAkT1XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=AZTEC&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Ds8iRwxgSBAA73BXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=INCA&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Jh0vRwxgw6sABYxXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=MEXICO&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9F696SwxgoJoAhEOJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANad0pGUFRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3dWNNVEV3TGdBQUFBQ2F0UmFSBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAM1BHF1ZXJ5A09MTUVDBHRfc3RtcAMxNjExNDE4NTI3?p=OLMEC&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Fqw8Rwxg4U4AKuyJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANPX3NaLmpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3VExNVEV3TGdBQUFBQlo5OU1TBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDQnpHZW5YQmtRb09BbWVib3dBaGpyQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzEyBHF1ZXJ5A1RFTk9DSFRJVExBTgR0X3N0bXADMTYxMTQxODU1Mg--?p=TENOCHTITLAN&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Hr4_RwxglBQAABKJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAM5WmdTOHpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3cTZNVEV3TGdBQUFBQmFJVFJLBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMxNwRxdWVyeQNIRVJOQU5ETyUyMENPUlRFUwR0X3N0bXADMTYxMTQxODYwOQ--?p=HERNANDO+CORTES&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9FqxCRwxgbEwASAmJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAN5eVN0TGpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3QXhNVEV3TGdBQUFBQmFVQmJOBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMxNQRxdWVyeQNTT1VUSCUyMEFNRVJJQ0EEdF9zdG1wAzE2MTE0MTg2MzY-?p=SOUTH+AMERICA&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9FqxDRwxg9nsA2YOJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANzUjZzMWpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3TEpNVEV3TGdBQUFBQmFiS0w3BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDc25HMlhyZk9TUjYuMGN5TUlpSXNkQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzE5BHF1ZXJ5A0ZSQU5DSVNDTyUyMFBJWkFSUk8EdF9zdG1wAzE2MTE0MTg2NjQ-?p=FRANCISCO+PIZARRO&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrT4R9GRwxgFG0AWuyJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANVUS5xRVRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3cENNVEV3TGdBQUFBQmFsMzRFBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAM4BHF1ZXJ5A0RJU1lFUlRPBHRfc3RtcAMxNjExNDE4Njk1?p=DISYERTO&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9F69JRwxgAuAAqeKJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAMudGJTVHpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3b3pNVEV3TGdBQUFBQmF4bFpyBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAM1BHF1ZXJ5A09BU0lTBHRfc3RtcAMxNjExNDE4NzA0?p=OASIS&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9F69NRwxg2xUA6_mJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAN4U29VQ3pFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3V0pNVEV3TGdBQUFBQmEuUlBCBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDbzIyVUpqSDVRdjJYUjhIOEFkNkUxQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzYEcXVlcnkDU0FIQVJBBHRfc3RtcAMxNjExNDE4NzE5?p=SAHARA&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DWuGTAxg.AYAq1eJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANEQTdHcnpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3ZHJNVEV3TGdBQUFBQ3FyS2V6BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDQ2RnQy43Q2JSeFdCdlhfV1NBUHVzQQRuX3N1Z2cDMQRvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDNDUEcXVlcnkDYW5nJTIwYXh1bSUyMGJpbGFuZyUyMHNlbnRybyUyMG5nJTIwa2FsYWthbGFuBHRfc3RtcAMxNjExNDE4Nzk0?p=ang+axum+bilang+sentro+ng+kalakalan&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9FqzNTAxg5gYAM7OJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANXSFY4V3pFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3UE1NVEV3TGdBQUFBQ3U1aElQBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDaTBCQ2hjT2xRUVdVZTJKY1l6NXV4QQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzE3BHF1ZXJ5A0lNUEVSWU9ORyUyMEdIQU5BBHRfc3RtcAMxNjExNDE4OTA0?p=IMPERYONG+GHANA&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DtIGTQxg4lgA2XNXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=IMPERYONG+MALI&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DtM3TQxg.B8AVyVXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=IMPERYONG+SONGHAI&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9FqpGTAxg8wkAPSuJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANWTWVaTURFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3RFpNVEV3TGdBQUFBQ201TW5hBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMxNgRxdWVyeQNQRVRFUiUyMEJFTExXT09EBHRfc3RtcAMxNjExNDIwMDYz?p=PETER+BELLWOOD&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrT4R9PTAxghE4AyUaJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANpNTJoZnpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3R0NNVEV3TGdBQUFBQ25iV2lGBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMxMgRxdWVyeQNBVVNUUkFORVNJQU4EdF9zdG1wAzE2MTE0MjAxMTg-?p=AUSTRANESIAN&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt