Tuesday, December 1, 2020

AP8-QUARTER1-WEEK7: SINAUNANG KABIHASNAN


 

AP8-QUARTER1-WEEK6: SINAUNANG KABIHASNAN


 

AP8-QUARTER1-WEEK5: SINAUNANG KABIHASNAN


 

AP8-QUARTER1-WEEK4: SINAUNANG TAO


 

AP8-QUARTER1-WEEK2: HEOGRAPIYANG PANTAO


 

AP8-QUARTER1-WEEK1: HEOGRAPIYA NG DAIGDIG


 

PAMANA NG SINAUNANG KABIHASNAN | AP8 - Q1 - WEEK8 - KECPHD

 ARALIN 8

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

MELC: Nasusuri ang mga Pamana ng mga Sinaunang kabihasnan sa daigdig


LAYUNIN:

    Nasusuri ang mga pamana ng sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India, at China batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan


BALIK-ARAL:

    Nakaraan tinalakay natin ang mga imperyo at dinastiyang umusbong sa Sinaunang Kabihasnan sa Indus at Tsina.

    Inaral natin ang mga imperyo, kaharian, at dinastiyang umusbong sa Indus at Tsina.. maging ang mga ilang ambag at paniniwala nito sa kasaysayan ng daigdig.

    Ngayon naman ay tatalakayin natin ang mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig.


Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

    Ang pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ay nagdulot ng iba’t ibang pag-unlad sa sistema ng pamumuhay ng tao. Ang kabihasnang Sumer, Egyptian, Indus at Shang ay ilan lamang sa mga kabihasnang nag-iwan ng mahahalagang ambag sa kasaysayan. Ang mga pamanang ito ay naging susi rin ng pagkilala sa naging pamumuhay ng mga mamamayan sa mga nabanggit na kabihasnan. Isa-isahin natin ang mga pamanang ito at alamin ang kanilang kahalagahan sa kasaysayan.

 

Kabihasnang Sumer o Mesopotamia (3500 - 3000 BCE)


Code of Hammurabi

- ito ay kalipunan ng mga 282 batas na nabuo sa panahon ng pamumuno ni Haring Hammurabi. Tumatalakay sa mga dapat sundin sa pang-araw-araw na buhay ng kanyang mga mamamayan.

Cuneiform

- kauna-unahang itinuturing na sistema ng pagsulat na nabuo sa daigdig.


Epic of Gilgamesh

- kauna-unahang akdang pampanitikan sa daigdig. Tumatalakay ito sa buhay ni Haring Gilgamesh sa lungsod-estado ng Uruk sa Sumer noong 3000 BCE.

Gulong

- napakahalagang sinaunang imbensyon ng mga Sumerian ay ang gulong. Sa pamamagitan nito ay napabilis ang paglalakbay sa kalupaan.



Ziggurat

- ito ay ang sentrong gusali o istraktura ng mga lungsod sa Kabihasnang Sumer. Dito nagaganap ang mga pagsamba nila sa kanilang mga Diyos.

 

Iba pang Kontribusyon

Araro, Decimal System, Lunar Calendar, Palayok, Perang Pilak

 

 

Kabihasnang Egyptian (3050 - 2686 BCE)

 


Hieroglyphics

- sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Egyptian. Bukod sa sumusulat sila sa papel, umuukit din sila ng mahahalagang impormasyon sa mga gusali.


 


Mummification

- proseso ng pag-eembalsamo o preserbasyon ng bangkay bago ito ilibing. Ginagamitan nila ng kemikal ang katawan upang patuyuin, matapos ito ay pininpintahan, binabalutan ng tela at nilalagyan ng palamuti tulad ng mga alahas.


 


Pyramid

- mga istrakturang karaniwang ginagamit ng mga Egyptian bilang libingan ng kanilang mga Pharaoh. Ang mga kayamanan ng kanilang pinuno ay makikita rin sa loob ng pyramid bilang paghahanda sa kabilang buhay.

 

Iba pang Kontribusyon

Book of the Dead, Geometry, Kalendaryo na may 365 na araw, Medisina sa pagsasaayos ng nabaling buto

 

Kabihasnang Indus (3500 - 1750 BCE)


 


Sewerage System

- sistematiko at maayos na mga daluyan ng tubig. Ang mga palikuran ay nakakonekta sa mga sentralisadong tubo at imburnal sa ilalim ng lupa.


 


Sistemang Grid

- nakilala rin ang kabihasnang Indus sa sistematikong pagpaplano ng pagtatayo ng mga gusali. Nakaayos ang mga ito na tila grid pattern.

 

Iba pang kontribusyon

Ramayana at Mahabharata, pamantayan ng bigat at sukat, pinagmulan ng mga relihiyong Hinduismo, Budismo, Jainismo at Sikhismo

 

Kabihasnang Shang (1570 - 1045 BCE)



Calligraphy

- sistema ng pagsulat ng mga Tsino. Ang kanilang pagsulat ay mula sa kanan paibaba patungo sa kanan paibaba.


 


Oracle Bones

- mga tortoise shell o cattle bone na naglalaman ng ibat ibang impormasyon ukol sa pakikipag-usap ng mga Tsino sa kanilang mga Diyos.

 


 

Potter’s Wheel

- kagamitan ng mga gumagawa ng palayok na kung saan kilala ang sinaunang Tsina sa kahusayan sa paggawa nito.

 

Iba pang kontribusyon 

Water clock, kalendaryo, silk o seda

  

TANDAAN!

    Bawat sinaunang kabihasnan sa daigdig ay nakapag-ambag ng mga mabuting pagbabago sa pamumuhay ng tao. Bawat ambag ay nakapagdulot ng mas mabisang takbo sa pamayanang kanilang kinabibilangan. Ngunit sa kabila ng mga kabutihang dulot ng mga ito, ay hindi pa rin nawala ang masasamang epekto. Ang kaunlaran ng isang kabihasnan ay karaniwang nagwawakas nang dahil sa pananakop ng ibang grupo ng tao. Ang bawat pagsulong ng mga kabihasnan ay kaalinsabay ng pagtatapos naman ng iba. Ngunit sa kabila rin naman nito ay hindi maisasantabi na ang mabubuting dulot ng mga pamana ng mga kabihasnan ay nagkaroon ng walang humpay na epekto sa pamumuhay ng kasalukuyang tao. Mga pamanang hindi lamang maituturing na materyal na bagay, kundi mga pamanang positibong pananaw sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay.

 

ITO MUNA ANG ATING LEKSYON NGAYON...

 

 

GAWAIN 1

 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Sagutin mo ang mga ito nang mahusay sa abot ng iyong makakaya. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno at sa comment section sa ibaba.

1.Sa Epikong Gilgamesh, sinasabing ang kapalaran ng isang tao ay nasa kanyang kamay kung ano man ang kahihitnan ng kanyang buhay ay ayon na din sa kagustuhan at gawa niya. Sangayon ka ba sa paniniwalang ito? Ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamgitan ng pagbibigay halimbawa batay sa kasalukuyang panahon. Ano ang aral na natutuhan sa nanturang epiko na maaari mong magamit sa iyong pamumuhay.

2.Sa kasalukuyang panahon na laganap ang krimen, kung bibigyan ka ng pagkakataon na mabigyan ng kapangyarihan na masugpo ito, makatwiran bang gamitin batayan ang Hammurabi Code upang masupil ito? Pangatwiranan ang iyong sagot sa pamamgitan ng pagbibigay halimbawa.

3.Bilang mag-aaral ano-anong mga proyekto ang maaari mong maimungkahi upang mapangalagaan ang mga pamana ng mga sinaunang sibilisayon? Ipaliwanag kung paano ito isasagawa sa pamamgitan ng isang Flow Chart.

4.Ang Pilipinas ay mayaman sa mga pamanang pangkultura, bilang mamamayang Pilipino, paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga?

 

REFERENCE:

Kasaysayan ng Daigdig. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.    

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrT4R.d9MBflZAA5yCJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANxRlpqWFRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3Q3FNVEV3TGdBQUFBQUVnaEJ6BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDSW1VVl8xMUVTSHVMOTN3MENzc0JLQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzIxBHF1ZXJ5A0VwaWMlMjBvZiUyMEdpbGdhbWVzaAR0X3N0bXADMTYwNjQ4OTk3Mw--?p=Epic+of+Gilgamesh&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Hr5X9cBfKHcAPgWJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAN1RFFMY2pFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3QW1NVEV3TGdBQUFBQVBtN3dKBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDamVadXVEQjhUclMwZVJURjZhbTBIQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzE0BHF1ZXJ5A1NVTUVSJTIwR1VMT05HBHRfc3RtcAMxNjA2NDkwMTA4?p=SUMER+GULONG&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt 

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9NEmM9cBfUTYAS5CJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANEXzNZbXpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3TWZNVEV3TGdBQUFBQVN5ZkJYBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDYVdqSG16TG5SYkdaRlFDUHprWGRfQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzI1BHF1ZXJ5A1NFV0VSQUdFJTIwU1lTVEVNJTIwSU5EVVMEdF9zdG1wAzE2MDY0OTAyMDc-?p=SEWERAGE+SYSTEM+INDUS&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt 

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9F6_AGMFfGQgA8eKJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAN3RDhwQnpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3VGRNVEV3TGdBQUFBQXI5ZUpSBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDaUhqRjRMcEJSQmU0TGNRczFMNG9nQQRuX3N1Z2cDMARvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMzMEcXVlcnkDQ0FMTElHUkFQSFklMjBLQUJJSEFTTkFORyUyMFRTSU5BBHRfc3RtcAMxNjA2NDkwNDA0?p=CALLIGRAPHY+KABIHASNANG+TSINA&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt 

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9F6_AGMFfGQgA8eKJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAN3RDhwQnpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3VGRNVEV3TGdBQUFBQXI5ZUpSBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDaUhqRjRMcEJSQmU0TGNRczFMNG9nQQRuX3N1Z2cDMARvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMzMEcXVlcnkDQ0FMTElHUkFQSFklMjBLQUJJSEFTTkFORyUyMFRTSU5BBHRfc3RtcAMxNjA2NDkwNDA0?p=CALLIGRAPHY+KABIHASNANG+TSINA&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9F68v8sBfpegAjwGJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANmc05ITGpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3QUZNVEV3TGdBQUFBRGZjRmk5BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDNFgzelJEUXdRYkNkcmp4MVpBX25sQQRuX3N1Z2cDNwRvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMTgEcXVlcnkDRElOQVNUSVlBTkclMjBUQU5HBHRfc3RtcAMxNjA2NDgwOTM5?p=DINASTIYANG+TANG&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt 

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9NEld8sBfv2oANd.JzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANkMDJGb3pFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3UnFNVEV3TGdBQUFBRGlMd1NMBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDeDZuUFpKRVFSdVd1LkdhX2F1MEdCQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzE5BHF1ZXJ5A0NBTExJR1JBUEhZJTIwU0hBTkcEdF9zdG1wAzE2MDY0ODA1MDE-?p=CALLIGRAPHY+SHANG&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt