ARALIN 7
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
MELC: Nasusuri ang mga kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India at China
BALIK-ARAL:
Nakaraan tinalakay natin ang mga imperyo at dinastiyang umusbong sa Sinaunang Kabihasnan sa Egypt at Mesopotamia.
Inaral natin ang Luma, Gitna, at Bagong Kaharian sa lumang Ehipto kasama narin ang mga sinaunang Paraoh na namuno rito. Nabanggit din ang ilang Diyos na kanilang sinasamba.
Sa Kabihasnang Mesopotamia naman, tinalakay natin ang mga kabihasnang umusbong partikular na ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, Persian, Hittite, at Phoenician.
Ngayon naman ay tatalakayin natin ang iba pang Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig na umusbong, partikular na ang Indus at Tsina.
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Tinatawag na pictogram ang sistemang ng pagsusulat subalit wala pang nakakatuklas kung paano basahin ang mga simbolo nito. Malaking palaisipan at mahiwaga ang pagwawakas ng kabihasnang Indus. May nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng mga puno, labis na pagbaha, at pagbabago sa klima. Maaari ring dahil sa pagkaroon ng lindol o pagsabog ng bulkan na naging dahilan ng pagbagsak nito.
Noong 1500 BCE, sinalakay ng mga Aryan pangkat ng tao na mapuputi at nagsasalita ng wikang Indo-Europeo na tinatawag na Sanskrit ang Harappa at Mohenjo-Daro. Sila ay nagmula sa Gitnang Silangan.
Nagtataglay sila ng payak na pamumuhay, likas ang pagiging matapang at malakas kaya tinuturing sila na mahuhusay na mandirigma, Ang pinagsamang kultura ng mga Dravidian at Aryan ay nagbigay-daan sa relihiyong Hinduismo, ito ay itinuturing na pinakamatandang relihiyon sa daigdig.
Ayon sa paniniwalang Hinduismo, Ang hari ay manipestasyon ng Diyos na si Shiva, ang Diyos na tagawasak (destroyer). Samakatuwid, kinikilala nila bilang pinakamataas at walang kapantay sa kaharian ang isang haring Diyos. Sa relihiyong Hinduismo, ang tao ay mamatay at muling mabubuhay sa ibang anyo, paraan o nilalang hanggang sa matamo niya ang kaganapan tinatawag itong reinkarnasyon. Naniniwala ang mga Hindu sa karma, ang karma ang magbibigay sa tao ng gantimpala kung kabutihan ang tinamim, subalit pagdurusa naman ang balik kapag kasamaan ang itinanim sa kapwa.
Isa pang relihiyon na umusbong sa India ay ang Budismo na itinatag ni Siddharta Gautama, isang mayamang prinsipe na tinalikuran ang yaman at namuhay ng payak. Sa kaniyang mahabang meditasyon ay nagkaroon siya ng pagbabagong espiritwal at siya ay naging Buddha, na ang ibig sabihin ay “naliwanagan”. Ang Budismo ay may katuruan na walong landas sa buhay at apat na dakilang katotohanan.
Ang pag-unlad ng lipunan at kultura ng mga Aryan ay tinatawag na Panahon ng Vedic. Ang salitang “veda” ay nangangahulugang “kaalaman”. Ang Veda ay aklat ng sagradong kaalaman. Ito ay mga koleksyon ng mga ritwal at himnong panrelihiyon. Ang kalikasan tulad ng langit, araw, tubig at ulan ay itinuturing na banal ng mga Aryan.
Nabuo ang sistemang Caste kung saan ang mga mamamayan sa lipunang Hindu ay nahahati sa iba't ibang antas. Naniniwala sila sa kapalaran, na ang tao ay isinilang sa kanilang estado sa buhay at mananatili roon hanggang sa kamatayan. Ang mga miyembro ng iba’t ibang caste ay hindi maaring makihalubilo sa isa’t isa. Ang mga Dravidian ay itinuturing na untouchable o hindi dapat hawakan.
Mahalagang Kaganapan sa Kabihasnan ng India
circa 2500
Pag-usbong Kabihasnan sa India
circa 2000
Pag-abot sa tugatog ng kabihasnan sa Harappa
circa 1500
Pagkawasak ng Mohenjo-Daro dahil sa mga Aryan
327 BCE
Pagsalakay ni Alexander the Great sa India
321 BCE
Pagsisimula ng Dinastiyang Maurya na tumagal hanggang 184 BCE
247 BCE
Paghahari ni Asoka ng Imperyong Maurya
320 BCE
Pagsisimula ng Imperyong Gupta
1526 BCE
Pagtatag ng Imperyong Mughal
IMPERYONG MAURYA
Pagkatatag
•Noong 322 B.C.E., nasakop ni Chandragupta Maurya ang dating kaharian ng Magadha at tinungo ang mga naiwang lupain ni Alexander. Sakop ng imperyo ang hilagang India at bahagi ng kasalukuyang Afghanistan.
Mahalagang Pangyayari
•Ang kabisera ay nanatili sa Pataliputra. Tagapayo ni Chandragupta Maurya si Kautilya, ang may akda ng Arthasastra. Naglalaman ito ng mga kaisipan hinggil sa pangangasiwa .at estratehiyang politikal.
Ang imperyo ay pinamunuan ni Ashoka o Asoka (269-232 B.C.E.) ang kinikilalang pinakamahusay na pinuno ng Maurya at isa sa mahuhusay na pinuno sa kasaysayan ng daigdig. Matapos ang kaniyang madugong pakikibaka sa mga kalinga ng Orissa noong 261 B.C.E. na tinatayang 100,000 katao ang nasawi, tinalikdan niya ang karahasan at sinunod ang mga turo ni Buddha.
Pagbagsak
•Nagsimulang humiwalay sa imperyo ang ilang mga estadong malayo sa kabisera. Sa pagbagsak ng Imperyong Maurya noong ikalawang siglo B.C.E., nagtagisan ng kapangyarihan ang mga estado ng India. Sa sumunod na limang siglo, ang hilaga at gitnang India ay nahati sa maliliit na kaharian at estado.
IMPERYONG GUPTA
Pagkatatag
•Ang pangalan nito ay hango mula sa pangalan ng naunang imperyo. Itinatag ito ni Chandragupta I (circa 319-335 C.E.).
Mahahalagang Pangyayari
·Nakontrol uli ang hilagang India. Muli, ang kabisera ng imperyo ay nasa Pataliputra. Itinuturing itong panahong klasikal ng India. Naging epektibo ang pangangasiwa samantalang ang panitikan, sining, at agham ay yumabong. Maunlad ang mga larangan ng astronomiya, matematika, at siruhiya (surgery) sa panahong ito.
Si Kalidasa, ang Kinikilalang pinakamahusay na manunulat at makata ng India, ay nabuhay sa panahong ito bagama’t hindi alam ang eksaktong petsa. Ang dulang Sakuntala na tinatayang isinulat niya noong ikaapat o ikalimang siglo C.E. ay hango mula sa kaisipang Hindu.
Pagbagsak
•Sa pagsapit ng ikaanim na siglo C.E., nagsimulang humina at bumagsak ang Gupta sa kamay ng panibagong mananakop, ang mga White Hun, na maaaring mga Iranian o Turk mula sa Gitnang Asya.
IMPERYONG MOGUL
Pagkatatag
•Itinatag ang Mogul nang masakop ni Babur ang hilagang India at Delhi noong 1526.
Mahahalagang Pangyayari
•Narating ng imperyo ang tugatog ng kapangyarihan sa ilalim ni Akbar na namuno sa kabuuan ng hilagang India mula 1556 hanggang 1605. Nagpatupad siya ng kalayaan sa pananampalataya at makatarungang pangangasiwa. Ilan pang magagaling na pinuno ang humalili kay Akbar tulad nina Shah Jahan na nagpatayo ng Taj Mahal at Aurangzeb nagbawal ng sugal, alak, prostitusyon, at sati (suttee) o pagsunog ng buhay sa mga biyuda.
Pagbagsak
•Sa pagsapit ng ikaanim na siglo C.E., nagsimulang humina at bumagsak ang Gupta sa kamay ng panibagong mananakop, ang mga White Hun, na maaaring mga Iranian o Turk mula sa
•Gitnang Asya Labis na humina ang Mogul dahil na rin sa pagdating ng makapangyarihang English sa India.
Sa sinaunang Kabihasnang Tsina, ang mga Tsino ay naniniwala na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro bunsod ito sa kanilang paniniwala na Sinosentrismo na ang kanilang lahi ay angat kaysa sa ibang kultura kayasila ang sentro ng daigdig. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom.
Nahahati ang lipunan ng Tsina sa apat na pangkat.
1. Paham- nakababasa at nakasusulat
2. Magsasaka- nagtutustos ng pagkain sa populasyon
3. Artisano- may kasanayan sa paggawa ng armas at iba’t ibang kasangkapan
4. Mangangalakal
Dinastiya ang tawag sa uri ng pamahalaang nabuo sa Kabihasnang Tsina. Pinamumunuan ito ng isang emperador na nagmula sa iisang pamilya o angkan. Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan”, kung saan ang emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit siya ay itinuturing na Son of Heaven o “Anak ng Langit” pinili siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay naging masama at mapangabuso, ay babawiin ng kalangitan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan. Ang paniniwalang Mandate of Heaven at Son of Heaven ang nagpapaliwanag bakit papalit-palit ang dinastiya sa Tsina na tinatawag na Dynastic Cycle.
SHANG (1570 B.C.E. - 1045 B.C.E)
•Itinuturing na unang dinastiyang pulitikal ng Tsina
•Itinatag ni Emperador Tang
•Nagsimulang ang paniniwala sa kaisipang Mandate of Heaven at Son of Heaven
•Calligraphy ang uri ng pagsulat gamit ang oracle bones
ZHOU/CHOU (1045 B.C.E. - 221 B.C.E.)
•Dinastiyang umiral sa pinakamahabang panahon sa Tsina (900 taon)
•Pinamunuan ni Emperador Wu Wang
•Tinawag na "Gintong Panahon" sa larangan ng Pilosopiya dahil sa panahong ito lumitaw ang mga pilosopiyang Confucianismo, Taoismo at Legalismo
Confucianismo- mabuting asal at tamang pakikihalubilo sa kapwa
Taoismo- tamang pakikitungo sa kapwa at sundin ang daloy ng kalikasan
Legalismo- malupit na batas at mabigat na parusa
QIN/CH'IN (221 B.C.E. - 206 B.C.E.)
•Pinagmulan ng kasalukuyang pangalan ng bansang Tsina
•Pinaunlad ni Emperador Shi Huang Ti
•Ipinasunog ng emperador ang lahat ng naisulat na tala tungkol sa mga naunang dinastiya ng Tsina
•Maraming iskolar ang hinuli at pinatay
•Ipinatayo ni Emperador Shi Huang Ti ang Great Wall of China nanagsilbing panangga ng Tsina laban sa mga barbaro ng Mongolia
HAN (202 B.C.E. - 220 C.E.)
•Itinatag ni Liu Pang
•Naimbento ang papel sa panahong ito.
•Naisulat ang kasaysayan ng Tsina
SUI (589 C.E. - 618 C.E.)
•Napag-isa nitong muli ang Tsina
•Itinatag ni Yang Jian
•Naipakilala sa Tsina ang relihiyong Buddhismo
•Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall na napabayaan sa mahabang panahon.
•Ginawa rin ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng Huang Ho at Yangtze
TANG (618 C.E. - 907 C.E)
•Kilala bilang "Gintong Panahon ng Tsina"
•Muling nagkaroon ng kasaganahan at kaunlaran ang Tsina
•Nagkaroon ng pag-unlad sa larangan ng sining at teknolohiya
•Budismo ang naging dominanteng relihiyon sa mga panahong ito ay tinangkilik ng mga dugong bughaw at mga karaniwang tao.
•Ibinalik ang civil service examination system na naging mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan. Ang pagsusulit na ito ay unang ginamit sa panahong Han subalit pinagbuti pa sa panahong Tang
SUNG/SONG (960 C.E. - 1127 C.E.)
•Itinatag ni Zhao Kuangyin
•Nagtayong isang hukbong imperyal
•Umunlad ang teknolohiyang agrikultural
•Nasakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi
•Nalikha ang isang paraan ng paglilimbag
YUAN (1279 - 1368)
•Pinamunuan ni Kublai Khan, isang barbarong Mongol
•Nakarating sa Tsina si Marco Polo, isang manlalakbay na Europeo
•Pagkatapos ng mga labanan, dumaan ang dinastiya sa tinatawag na Pax Mongolica o panahon ng kapayapaan, maayos na sistema ng komunikasyon, at mabuting kalakalan sa malawak na teritoryong sakop mula Timog-Silangang Asya hanggang Silangang Europa
MING (1368 - 1644)
•Nagsimulang manakop ang Tsina sa mga kalapit na lupain
•Naipakilala sa Tsina ang Kristiyanismo
•Naitayo rin ang Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng emperador
•Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pamamaraang movable type
•Lumaki rin ang populasyon ng China na umabot sa 100 milyon
MANCHU/CHING (1644 - 1911)
•pinamunuan ni Taitsung
•nagkaroon ng kasaganahan at kapayapaan sa Tsina sa loob ng 150 taon
•Noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya sa China nang maganap ang Rebolusyon ng 1911 na nagbigay-daan sa pagkatatag ng Republika ng Tsina
TANDAAN!
Ang sinaunang India ay may mayamang kultura. Ang relihiyong Hinduismo na kinapalooban ng konsepto ng karma at reinkarnasyon, at ang kaisipang Budismo na sumasalamin sa kanilang pamumuhay.
Ang kambal-lungsod ng Mohenjo Daro at Harappa ay itinatag ng mga Dravidian bilang mga pangunahing mga lungsod-estado ng Kabihasnang Indus.
Umiral ang pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunan Indus na tinatawag na sistemang caste.
Ang kabihasnang Tsina ay nainiwala sa kaisipang mandate of heaven at son of heaven bilang pangunahing batayan sa pagpili ng kanilang pinuno.
Dinastiya ang tawag sa uri ng pamahalaang nabuo sa Kabihasnang Tsina. Pinamumunuan ito ng isang emperador na nagmula sa iisang pamilya o angkan
Sa kabihasnang Tsina umusbong ang pilosopiyang Confucianism, Taoism, at Legalism. Sa larangan ng arkitektura, nakilala ang Great Wall of China na nagsilbing proteksyon sa mga mananak
ITO MUNA ANG ATING LEKSYON NGAYON...
GAWAIN 1:
Panuto: Basahing maigi ang sumusunod na pahayag at sagutin ang tinutukoy nito. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno. Ikomento rin sa comment section ang iyong sagot.
_____1. Pangkat ng tao na mapuputi at nagsasalita ng wikang Indo-Europeo
_____2. Isa sa kambal na lungsod na naging sentro ng pamayanang Indus
_____3. Sistema ng pag-uuri-uri ng tao sa sinaunang India
_____4. Tinipong sagradong aklat na tungkol sa himnong pandigma, mga sagradong ritwal, sawikain at salaysay
_____5. Ang mga pangkat ng katutubong tao na unang nanirahan sa India
_____6. Diyos na tagawasak
_____7. Sistema ng pagsulat na nagbibigay interpretasyon sa isang bagay sa anyong larawan
_____8. Itinuturing na isa sa pinakamagandang halimbawa ng arkitekturang Indian.
_____9. Pinakamatandang relihiyon sa daigdig
_____10. Paniniwala kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang na muli sa ibang anyo, paraan o nilalang
GAWAIN 2:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno. Ikomento rin sa comment section ang iyong sagot.
1.Sang-ayon ka ba sa paniniwala ng mga Tsino sa Mandate of Heaven bilang paraan sa pagpili ng kanilang pinuno upang makabuo ng matatag na lipunan? Ipaliwanag ang sagot.
2. Sa Caste System ng India, Mayroon kaya sa iyong Lipunan ng kahalintulad nito? Ipaliwanag ang sagot
REFERENCE:
Kasaysayan ng Daigdig. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9ImER6cBfQ8YAHDhXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=Kabihasnang+Indus&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Du8p6cBf9toAmylXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=Dravidian&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9NEny6cBfzAcAItmJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANNdU1XT1RFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3UnVNVEV3TGdBQUFBQmh4OVZzBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMyMQRxdWVyeQNQSUNUT0dSQU0lMjBEUkFWSURJQU4EdF9zdG1wAzE2MDY0NzgzNDQ-?p=PICTOGRAM+DRAVIDIAN&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr41D406cBfgn0A1jdXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=Sanskrit&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Fq2z68BfegYAsgdXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=BUDISMO&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9JheX68BfmMMAODlXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=SHIVA&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Hr4O6sBfqHkA6SuJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANXS043T3pFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3RG1NVEV3TGdBQUFBQmpiNDR2BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDMGExeGxlTW5SQ0NrVmNKai5aQTg1QQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzkEcXVlcnkDSElORFVJU01PBHRfc3RtcAMxNjA2NDc4NzIy?p=HINDUISMO&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Jnln6cBfyCgAsJ.JzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANWMHIuc0RFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3NG5NVEV3TGdBQUFBQlpmVWM5BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDLmdicXA2djZRWGltR0prc3o2TVp1QQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzI5BHF1ZXJ5A0hBUkFQUEElMjBBVCUyME1PSEVORE8lMjBEQVJPBHRfc3RtcAMxNjA2NDc4Njk0?p=HARAPPA+AT+MOHENDO+DARO&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Jnlc68BfEk8A1geJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAN6aFVoVkRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3QXdNVEV3TGdBQUFBQjNUTXduBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMyOQRxdWVyeQNBUllBTiUyMFJBQ0UlMjBWUyUyMERSQVZJRElBTgR0X3N0bXADMTYwNjQ3ODg0MA--?p=ARYAN+RACE+VS+DRAVIDIAN&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt#id=1&iurl=https%3A%2F%2Fs-media-cache-ak0.pinimg.com%2F736x%2F07%2F28%2F30%2F072830c19768302b6fa59395ec1ccc55.jpg&action=click
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrgBmWO78Bf3O0A2zBXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=KALIDASA&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Dt_s7sBf.2cAB1lXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=ASHOKA&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9IMkN7sBfMFkA1ydXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=CHANDRGUPTA+MAURYA&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DWgE7sBf2BQA6khXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=IMPERYONG+MAURYA&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9JnJm68Bf4nkAfqWJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANKY3dKekRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3TmxNVEV3TGdBQUFBQjM4U0tkBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAM1BHF1ZXJ5A0lORElBBHRfc3RtcAMxNjA2NDc5MjEw?p=INDIA&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Jnn768BfDEgAKw6JzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANvZTlQaGpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3QktNVEV3TGdBQUFBQ0EwMHNqBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMxNARxdWVyeQNDQVNURSUyMFNZU1RFTQR0X3N0bXADMTYwNjQ3OTE1MQ--?p=CASTE+SYSTEM&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt#id=8&iurl=https%3A%2F%2Fwww.worldatlas.com%2Fr%2Fw728-h425-c728x425%2Fupload%2F6e%2Fcf%2F44%2Fshutterstock-206034574.jpg&action=click
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9NEld8sBfv2oANd.JzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANkMDJGb3pFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3UnFNVEV3TGdBQUFBRGlMd1NMBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDeDZuUFpKRVFSdVd1LkdhX2F1MEdCQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzE5BHF1ZXJ5A0NBTExJR1JBUEhZJTIwU0hBTkcEdF9zdG1wAzE2MDY0ODA1MDE-?p=CALLIGRAPHY+SHANG&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Hr4d8sBfxGwAryiJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANJQXBQaERFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3RGdNVEV3TGdBQUFBRGVYRkVRBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDc3VKRHljM3ZUdDJvMnJ6cmRkbC5jQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzE5BHF1ZXJ5A0RJTkFTVElZQU5HJTIwU0hBTkcEdF9zdG1wAzE2MDY0ODA0MzA-?p=DINASTIYANG+SHANG&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9ImXd8cBfiqoAW5xXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=DINASTIYANG+XIA&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Dud48cBfh3EAG7pXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=KABIHASNANG+TSINA&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9BNbF8MBf8FEAaQJXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=AKBAR&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Dukk8MBf3o8ANgVXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=BABUR&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9NEkx7cBfDDIAJ0OJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANsTS5xdnpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3YkdNVEV3TGdBQUFBQ1RUcjM4BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMxNwRxdWVyeQNJTVBFUllPTkclMjBNT0dVTAR0X3N0bXADMTYwNjQ3OTkwMg--?p=IMPERYONG+MOGUL&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DWsi8MBf0jkAQYuJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAM3ekw3WGpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3THdNVEV3TGdBQUFBREFMc3BDBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDYlhlU2VRN2RTTEdxdjM4SUhHXzM1QQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzE4BHF1ZXJ5A0RJTkFTVElZQU5HJTIwWkhPVQR0X3N0bXADMTYwNjQ4MDYxMg--?p=DINASTIYANG+ZHOU&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt#id=7&iurl=https%3A%2F%2Fimage.slidesharecdn.com%2Fdinastiyangzhouantchin-161208035336%2F95%2Fdinastiyang-zhou-ant-chin-7-638.jpg%3Fcb%3D1481169533&action=click
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9NEk48MBfQTAAXkeJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAN5d1dSVmpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3R1pNVEV3TGdBQUFBREJldHoyBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDMGUuUDZxbThULnVkYnlJWFhjUDBoQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzE3BHF1ZXJ5A0RJTkFTVElZQU5HJTIwUUlOBHRfc3RtcAMxNjA2NDgwNjk1?p=DINASTIYANG+QIN&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrTLfrT8MBf8nYAOWiJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAM1OFVJNERFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3SWRNVEV3TGdBQUFBREt0dU9IBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDTUtxdWVLbW5USC53MVZ2STNYLkdnQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzEyBHF1ZXJ5A0dSRUFUJTIwV0FMTAR0X3N0bXADMTYwNjQ4MDc2Ng--?p=GREAT+WALL&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9LtZ88cBfDmUAMUSJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAM4Z2t1c2pFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3RnRNVEV3TGdBQUFBRFV4NkQ2BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDRHR1LnYxbEtRSml3QklLOTVlNm1VQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzE2BHF1ZXJ5A0RJTkFUSVlBTkclMjBIQU4EdF9zdG1wAzE2MDY0ODA4MTI-?p=DINATIYANG+HAN&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Ltbj8cBfj0MAFEmJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAN2eUZrN1RFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3eGlNVEV3TGdBQUFBRGE2VUxkBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDa0lSazRlUlFSVXlpZnNrbUpzUGZaQQRuX3N1Z2cDOARvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMTcEcXVlcnkDRElOQVNUSVlBTkclMjBTVUkEdF9zdG1wAzE2MDY0ODA4ODA-?p=DINASTIYANG+SUI&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9F68v8sBfpegAjwGJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANmc05ITGpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3QUZNVEV3TGdBQUFBRGZjRmk5BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDNFgzelJEUXdRYkNkcmp4MVpBX25sQQRuX3N1Z2cDNwRvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMTgEcXVlcnkDRElOQVNUSVlBTkclMjBUQU5HBHRfc3RtcAMxNjA2NDgwOTM5?p=DINASTIYANG+TANG&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9NEl.88BfFSgAIAGJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANUdnZ2Q1RFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3QUpNVEV3TGdBQUFBRHpheWZHBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDZ2U5b0lCUmtTR0d4QTk3aVdla2pEQQRuX3N1Z2cDNQRvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMjAEcXVlcnkDRElOQVNUSVlBTkclMjBNQU5DSFUEdF9zdG1wAzE2MDY0ODEyOTI-?p=DINASTIYANG+MANCHU&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrTLfo488BfqqwA0haJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANtS243QmpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3QjdNVEV3TGdBQUFBRHZPenViBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDLkRJU1dMUHBRNTZEZ3V6Z2s1UzNXQQRuX3N1Z2cDMwRvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMTgEcXVlcnkDRElOQVNUSVlBTkclMjBNSU5HBHRfc3RtcAMxNjA2NDgxMjM4?p=DINASTIYANG+MING&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9JnLk8sBfGeoAcqCJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAM3M1BpM0RFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3TlBNVEV3TGdBQUFBRHFSTHBnBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMxOARxdWVyeQNESU5BU1RJWUFORyUyMFNVTkcEdF9zdG1wAzE2MDY0ODEwNDc-?p=DINASTIYANG+SUNG&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt