Magbabago o Magbabago?!?
ni Dione Ulep
Ano nga ba ang nagbago sa aking sarili?
Dapat ba ako'y magbago para lapitan ng lahat?
Uumpisan ko na ang aking isinulat....
Kaya't patulong
Sinabing pabulong
Ayoko na suko na ako!
...Ang aking sinabi sa aking sarili
Pero bawal sumuko dahil grado ang nakasalalay
Grado ang nakasalalay kaya't bawal sumuko
..Grado binago mo ako para di ako sumuko at habulin ang aking mga kulang
...pinangako ko sa aking sarili, ako'y magbabago sa pag dating ng ikalawang markahan.
Sumunod ang nagbago sa aking sarili ang aking ang emosyon
...Na ako'y laging nakasimangot at laging nagagalit binago ko ito para lapitan ng mga gwapong lalaki.
...Tulad nga ng sinabi ko na akoy tatamad tamad nung unag markahan kayat pilit kong babaguhin ang aking sarili sa pag dating ng ikalawang markahan
Ikalawang markahan...
Ano nga ba ang nag bago sa aking sarili
Nagbago ng lalapitan..
Nagbago ng kokopyahan..
Isa sa mga pag babago ko at isa rin sa pag babago ng aking mga kamag-aral.
Nung unang markahan na hindi gumagawa ng takda na binabaliwala na parang taong mahal ko na kung ano ang pag babaliwala ko sa aking takda ganoon din ang pag babaliwa nya sa aking nararamdaman
...kaya't binago ko ito sa ikalawang markahan ...pero binaliwa parin ako
Dumako naman tayo sa parte ng pag susulit...
Maikling leeg na humahaba kapag pagsusulit
Malabong ang mata kapag nagtuturo ang guro
...pero pagdumaan ang pagsusulit itoy lumilinaw! ako'y na bibilib!
Dapat na natin itoy baguhin
Kung maikli wag nang pahabain
Kung malabo wag nang palinawin
Baguhin na natin ang ating sarili
...para hindi magsisi
Dumako tayo sa parte ng mundo...
Sa mundo na puno ng nag fefeeeling perpekto
Ganyan sa mundo puno ng nagfefeeling perpekto kapag ika'y nasa taas pilit kang ibaba
kaya't ako'y mas gugustuhin na nalang
...nasa baba para hindi na maibaba!
Nung ako'y nataasan ko sya sa aking grado ...nasabihan ng tabi sa matalino kaya binago ko ito
...kaya hinde na tumabi sa matalino
...tumabi na sa kapantay!
At dumating ang ikalawang markahan
...na dumating na ang aking grado
...wala parin pag babago
...mataas parin ang grado
kaya kahit kanino ako'y itabi wala paring pagbabago
...Ehh kung itabi ako sa'yo sino ang matalino?
maraming salamat sa iyong panghuhusga kase nalaman ko kung ano ang kaya ko!
Sa mga taong mapanghusga sa akin o sa amin
...lubos akong nag papasalamat dahil nabago namin ang aming sarili
...muli huwag akong kakalimutan ako si Dione Ulep na lubos na nagpapasalamat sa iyong salitaan!
Sa parte naman tayo ng malabo...
Sa'an man ito'y matungo sana nasa tama
Sa relasyong kompikado!
..Na malabong maging tayo!
..Na parang proyekto na malabong maipasa!
..Na malabong ihabol at malabong hindi na makapasa!
dahil hindi na habol at huling nabigkas ng aking bibig na "SANA NILINAWAN KO NUNG UNA!"
...para hinde na naghabol!