Idokyu Mo Problema Ko Para sa Solusyong Pagbabago!
Gabay:
-Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang dokyumentaryo na tutuon sa mga kasalukuyang problema ng mga kabataan na nakaapekto hindi lamang sa kanilang pang-araw araw na buhay kundi maging sa kanilang pag-aaral.
-Sasagot sa mga katanungang: kumusta na ang kabataan ngayon, ano na ang kanilang pinagkakaabalahan, ano ang pangunahing problemang kinakaharap, ano karaniwang nakakaapekto sa kanilang pag-aaral, at ano ang tugon ng kanilang mga magulang, ng paaralan, ng barangay, at ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral.
-Ang mga mag-aaral ay magbibigay solusyon din sa kanilang natuklasang problema para sa lalo nilang ikabubuti.
-Ang kanilang dokyumentaryo ay tatagal lamang mula lima (5) hanggang labinlimang (15) minuto.
-Ilalagay ito sa CD upang mapanood at mapag-usapan sa loob ng silid-aralan.
-Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng grado base sa kanilang produkto
-Ang kanilang produkto ay naglalaman ng mga problema, solusyon, program ng pamahalaan, maayos na pag-edit, tamang musika, at pagtutulungang may intelektuwal.
-Ang isang klase ay hahatiin sa apat (4) hanggang lima (5) grupo para sa isang proyekto na magtutulungan para mabuo ang isang produktibong output.
-Ang inaasahang kagamitan sa kanilang dokyu ay ang mga sumusunod: Camera/Cellphone, CD, Computer, at ibang kailangan para mabuo ang isang dokyumentaryo.
Layunin:
-Pangunahing layunin ng proyektong ito ang makasabay sa tagpo ng aralin sa Araling Panlipunan sa ikatlong Markahan: Pag-usbong ng Makabagong Daigdig: Transpormasyon tungo sa Pagbuo ng Pandaigdigang Kamalayan.
-sa pagbabagong ito, layon ng proyekto na mabuksan at lumawak ang pananaw ng kabataan/mag-aaral sa pagbabagong nagaganap sa kasalukuyan at solusyong hihinang sa pagkakamali tungo sa pagiging isang progresibong mag-aaral.
-Layon din ng proyekto na maranasan ang pagtutulungan, pagtuklas, disiplina, at pagpapalabas ng potensyal ng mga mag-aaral na makatutulong para sa lalo nilang ikalalago sa mga susunod pang pagkakataon.