Matagumpay ang unang Regional Seminar ng Leadership in Education Academy and Development o LEAD sa Pangunguna ng presidente nito na si Dr. Mario Lucero at Dinamic Educators of the Millenials o DEM, Philosophy Doctorate Students ng University of Caloocan City, sa pangunguna ni Thelmo Ado, Chairman, sa Springfield School - International, Quezon City noong June 22, 2017. Ito ang kauna-unahang pagsasama ng dalawang organisasyon na naglalayong makatulong sa Kaguruan, Education Students, at iba pang nakalinya sa educational sector ng bansa.
Naging tema ng gawain ang Research Led Teaching and Emerging trends at Updates of K-12 Curriculum in the ASEAN Perspectives. Pinag-usapan dito ang research style and techniques, kasalukuyang kurikulum ng bansa, trends, at iba pa. Naging pangunahing lecturer ang kasalukuyang Dean of Education ng UP-Diliman na si Dr. Marie Therese P. Bustos.
Nasiyahan naman ang mga dumalo sa gawain at magagandang feedback ang ipinarating sa organizers ng seminar. Anila, magaling ang lecturer at hindi nakakasawang pakinggan. Kasama pa rito ang kaalamang kailangan nila sa kani-kanilang school.
Magandang simulain ito para sa mga organizer at inaasahan nila na tumagal pa ang kanilang samahan upang mas marami pa silang matulungan sa hanay ng kaguruan.