Dinagsa ang isinagawang National Seminar on DepEd Legal Process ng Teachers' Dignity Coalition o TDC sa Angela's Resort sa San Jose, Puerto Princesa, Palawan noong March 3-5, 2017.
Halos Limandaang (500) deligado mula sa iba't ibang dibisyon sa bansa ang lumahok sa naturang pagtitipon mula sa inaasahan nitong mahigit 300 lamang na mga nagparehistro bago pa man ganapin ang gawain.
Iba't ibang paksa ang natutunan ng mga lumahok partikular na ang Magna Carta, Administrative at Civil Case, Legal Procedure, 6 Working Hours, Promotion, at iba pang kaalaman na may kinalaman sa mga guro ng bansa.
Nagkaroon naman ng open forum ang gawain upang mabigyan ng pagkakataon ang mga deligado na itanong at ipaalam ang kalagayan ng kanilang mga dibisyon na sinagot at pinaliwanagan naman ng mga umupong panel na speaker din sa naturang gawain.
Naging Panauhing pandangal at tagapagsalita ang ilang kawani ng Department of Education Central Office at Regional Offices. Kasama na rin ang ilang mula sa pribadong kumpanya at tanggapan.
Nagagalak naman ang National Chairman ng TDC at First Nominee ng Ating Guro Partylist na si Benjo Basas sa mga dumalo dahil maliban sa marami na itong natutunan sa mga aktibad, makatutulong din ito upang mapigilan ang maling gawain ng mga nakaupong pinuno ng paaralan, dibisyon, at maging sa iba't ibang tanggapan ng DepEd. Kasama na rin dito ang hindi makatarungang paglabas ng Joint Circular ng DepEd, DBM, at DILG.
Mabuhay ang TDC!