Monday, January 25, 2016

TDC / AGP, Umarangkada sa Unang Buwan ng Taon

Unang buwan pa lamang ng taon ay naging abala na si Teachers' Dignity Coalition National Chair at Ating Guro Partylist First Nominee Benjo Basas na libutin ang kalakhang Luzon upang puntahan at bisitahin ang mga kapatid nating mga guro. Kasama niyang nag-ikot sina TDC Secretary-General Emmalyn Policarpio, TDC Vice Chair for South Luzon Ramon Miranda at iba pang opisyal ng organisasyon.

Unang naimbitahin si Benjo Basas noong Disyembre palang ng nakalipas na taon sa Cavite kung saan naging panauhing pandangal siya ng 900 participants ng kanilang Annual General Assembly of Teachers and Employees Federation of Dasmarinas, Cavite. Nagbigay din ng kaalaman ang chairman ukol sa Orientation on Rights and Benefit of teachers sa Teachers and Employees Federation of Pangasinan, sa Bolinao Pangasinan habang Gender and Development Program naman sa Teachers and Employees ng Concepcion, Tarlac noong January 7-8, 2016.

Nasa Pampanga naman sina Benjo at Emmalyn noong January 20-21, 2016 upang magbigay ng kaalaman sa mga kapatid nating guro doon habang nakasama naman ni Benjo sila Ramon at Glicero sa pagbisita sa South Luzon nitong January 23, 2016. Binisita naman nila TDC-NCR Chairman Ildefonso Enguerra III at Michael Rama ang mga kasama nating guro sa Signal Village National High School habang binigyang oryentasyon naman ni TDC-Caloocan Chairman Meng Arevalo ang ilang tricycle drivers ng Caloocan tungkol sa Ating Guro Partylit.

Nitong Enero rin nagsama-sama ang ilang supporters at guro na miyembro at opisyal ng TDC / Ating Guro Partylist sa SM Aura, Taguig upang pagsinayaan ang pagpapakilala ng Ating Guro Partylist sa Publiko. Dinaluhan ito ng ilang kandidato ng national level at mga kapatid natin sa media.

Sa Unang linggo naman ng Pebrero ay inaasahang magiging matagumpay ang National Convention ng TDC sa Baguio na dadaluhan ng iba't ibang leaders at supporters ng grupo mula sa Luzon Visayas at Mindanao.

with Sir Meng Arevalo at Grace Park Elem. School main

Beyond teachers, we have to reach out to other marginalized sectors of society, after all, Ating Guro is not only for teachers and children's welfare, we are also committed to ensure the general welfare of the people- especially the working class. This meeting with tryke drivers of Grace Park is just one of many encounters with the masses. MABUHAY!

TDC-NCR Chairman Ildefonso Enguerra IIIand Michael Ating Guro Rama with the teachers from Signal Village National High School








SLAC Session with TEachers Dignity Coalition National Chairperson Sir Benjo Ating Guro Basas and company.
With the San Agustin E/S teachers

TDC chairperson and Ating Guro 1st nominee Benjo Ating Guro Basas as keynote speaker with the 900 participants during the annual general assembly of Teachers and Employees Fedaration of Dasmarinas, Cavite

TDC chairperson and Ating Guro 1st nominee Benjo Ating Guro Basas as speaker for the "Gender and Development Program" with the Teachers and Employees from Tarlac — sa Concepcion, Tarlac.


 TDC chairperson and Ating Guro 1st nominee Benjo Ating Guro Basas as resource speaker for the "Orientation on Rights and Benefits" with the Teachers and Employees Fedaration of Pangasinan — sa Bolinao Pangasinan.




South Luzon with Benjo, Ramon and Glicero




Sunday, January 24, 2016

TDC-Caloocan, Nagpulong sa CZHS

Nagpulong noong Huwebes, January 21, 2016, ang ilang Lider at Faculty Officials ng TDC-Caloocan Chapter sa pangunguna ni Teachers' Dignity Coalition National Chair at Ating Guro Partylist First Nominee Benjo Basas sa Cielito Zamora High School, Camarin, Caloocan City.

Ito'y upang bigyang preparasyon ang nalalapit na kampanya para sa Ating Guro Partylist, ang Partido ng mga Guro.

Kabilang sa mga napag-usapan ang kalagayan ng TDC-Caloocan Chapter, kalinawan sa Salary Increase na matagal nang hinihingi ng mga guro, at iba pang isyu na may kinalaman sa mga guro.

Malaking pasasalamat naman ng grupo kay Sir Tirso Dela Cruz, principal ng CZHS, sa mainit na pagtanggap at pagbibigay ng maayos na akomodasyon para sa mga dumalo.





Ating Guro Partylist, Pormal ng Ipinakilala

Pormal nang ipinakilala ang Ating Guro Partylist sa SM Aura, Taguig kahapon, January 23, 2016. Kasabay din ito ng Solidarity Lunch ng Teachers' Dignity Coalition.

Dinaluhan ito ng mahigit isandaang Lider at Opisyal ng TDC at Ating Guro Partylist, mga miyembro mula sa iba't ibang Rehiyon ng bansa, ilang kandidato sa mataas na posisyon kabilang na si Senator Alan Peter Cayetano na tumatakbong Vice President at mga kapatid natin sa media.

Naging tampok na usapin ang pagpapakilala ng Ating Guro Partylist bilang sandigan hindi lamang ng mga guro kundi maging ang lahat ng mga mamamayan ng bansa dahil nakatutok ito sa pagpapabuti ng educational system at maging ang kapakanan ng mga mag-aaral lalo na ang mga guro. Nabanggit din dito ang plataporma ng partido at maging ang nais nitong mangyari sa mga susunod pang mga araw at buwan.

Ipinakilala sa programa ang limang nominado ng partido. Sina TDC National Chairperson Benjo Basas bilang First Nominee, Voctech Advocates Joy Roble ang Second Nominee, Former Principal Arsie Jallorina ang Third Nominee, Adult Education and Life Long Learning Advocates Raquel Castillo ang Fourth Nominee, at Private Teacher and Writer Juanito Dona ang Fifth Nominee.

Nagbigay ng Solidarity message si Senator Alan Peter Cayetano at Dr. Romeo Fernandez ng PESPA habang inilatag nama ni TDC Secretary-General Emmalyn Policarpio ang plataporma ng partido. Nagbigay rin ng kani-kanilang mensahe ang mga nominee para lalong pagtibayin ang partido.

Nagpaaliw naman ng sayaw ang grupo ng TDC-SINAG habang tinula naman ni SINAG Chairman Jayson Cruz ang ilan sa kanyang mga piyesa. Sina Marilou Felipe at Jaime Albiza ang naging tagapagdaloy ng programa.