Wednesday, January 24, 2018

PROYEKTO SA IKAAPAT NA MARKAHAN SA ARALING PANLIPUNAN VII

I. SISTEMANG PULITIKAL AT PAMAHALAAN SA ASYA

1 BAKIT MAY MGA PAGTUTOL SA URI NG PAMAHALAAN SA CHINA?
2 ANO ANG PAGKAKAIBA NG MILITAR SA THAILAND KUNG IHAHAMBING SA MYANMAR?
3 ANU-ANONG KATANGIAN ANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG PINUNO NG PAMAHALAAN UPANG TUNAY NA MAPABUTI ANG PANGANGASIWA SA KANYANG NASASAKUPAN?
4 KABAYANIHAN BANG MAITUTURING ANG PAGKAKAROON NG MATIBAY NA PANININDIGAN NG ISANG PINUNO KUNG PARA ITO SA IKABUBUTI NG NASASAKUPAN? PATUNAYAN.
5 ANO ANG MGA URI NG PAMAHALAAN AYON SA BILANG NG TAO NA MAY HAWAK NG KAPANGYARIHAN?
6 PAGHAMBINGIN ANG ABSOLUTE AT CONSTITUTIONAL MONARCHY. MAGBIGAY NG MGA BANSA SA ASYA NA NABIBILANG SA DALAWANG KLASIPIKASYONG ITO.
7 ANO ANG MGA KATANGIAN NG ISANG BANSANG DEMOKRATIKO?
8 BAKIT MAY MGA MILITAR NA UMAAGAW NG KAPANGYARIHAN?
9 ANONG MGA BANSA SA ASYA ANG DEMOKRATIKO?
10 PAANO NABUO ANG PEOPLE'S REPUBLIC OF CHINA O PRC? ANO ANG KAUGNAYAN NG CHINESE COMMUNITY PARTY (CCP) SA PANGYAYARING ITO?
11 IPALIWANAG ANG BAHAGING GINAMPANAN NG NATIONAL PEOPLE'S CONGRESS (NPC) SA PRC.
12 TUNTUNIN ANG MAHAHALAGANG YUGTO O PANYAYARI SA PRC SA PAGLIPAS NG PANAHON.
13 BAKIT MAHALAGA ANG PETSANG OKTUBRE 1, 1949 SA PRC?
14 PAANO BINALANGKAS ANG PAMAHALAAN NG PRC?
15 BAKIT MAKASAYSAYAN ANG HUNDRED FLOWERS CAMPAIGN? ANO ANG IBINUNGA NITO?
16 GAANO KABIGAT ANG NAGING PINSALA NG ANTI-RIGHTIST CAMPAIGN NOONG 1957 SA MGA KRITIKO NI MAO ZEDONG? IPALIWANAG.
17 IPALIWANAG ANG GREAT LEAP FORWARD. PAANO ITO MAIUUGNAY SA PEOPLE'S COMMUNES?
18 BAKIT MAHALAGA ANG GREAT PROLETARIAN CULTURAL REVOLUTION? NAGTAGUMPAY BA ITO SA MGA LAYUNIN NITO?
19 IHAMBING ANG PANUNUNGKULAN NI DENG XIAOPING KAY MAO ZEDONG. ANU-ANO ANG KANILANG NAGAWA SA PRC?
20 BAKIT NAKAHIHINDIK ANG DEMONSTRASYON SA TIANANMEN SQUARE NOONG 1989? PAANO MO ITO IKUKUMPARA SA MGA DEMONSTRASYON SA ATING BANSA?
21 SURIIN ANG HANGARIN NG MGA TSINO SA KASALUKUYAN. KATULAD BA ITO NG HANGARIN SA ATING PAMAHALAAN?
22 PAANO NAGBAGO ANG PAMAMAHALA NG MYANMAR?
23 BAKIT MAHALAGA ANG KASUNDUANG PANGLONG NOONG 1947?
24 NAGING MATAGUMPAY AT MAPAYAPA BA ANG MYANMAR PAGKATAPOS NA LUMAYA SA MGA ENGLISH? PATUNAYAN.
25 BAKIT MAHALAGA SI AUNG SAN SA MYANMAR?
26 NAGING MATAGUMPAY BA ANG PAMUMUNO SA U NU? PATUNAYAN.
27 GAANO KAHALAGA ANG TUNGKULING GINAMPANAN NI HENERAL NE WIN SA PANAHON NG ADMINISTRASYONG U NU?
28 PAANO PINAMAHALAAN NI HENERAL NE WIN ANG MYANMAR? ISALAYSAY. SANG-AYON KABA SA MGA PAGBABAGONG GINAWA NIYA? BAKIT?
29 BAKIT BUMABA SA PWESTO SI HENERAL NE WIN?
30 PATUNAYANG MAHALAGA ANG BAHAGING GINAMPANAN NI AUNG SAN SUU KYI SA PAGABABAGO SA MYANMAR.
31. ILARAWAN ANG SISTEMANG PULITIKAL NG KINGDOM OF THAILAND.
32 BAKIT HIGIT NA MAAYOS ANG KALAGAYANG PANG-ADMINISTRATIBO NG THAILAND? ANO ANG KAIBAHAN NITO SA MYANMAR?
33 PAGHAMBINGIN ANG TUNGKULIN NG HARI AT PUNONG MINISTRO NG THAILAND.
34 MAGKATULAD BA ANG SAN DIKA NG THAILAND SA ATING SUPREME COURT? PATUNAYAN.
35 BAKIT NAGKAROON NG KAGULUHANG PULITIKAL SA THAILAND?
36 BAKIT MAY KALUWAGAN SA KALAGAYANG PULITIKAL ANG THAILAND KUNG IHAHAMBING SA MYANMAR AT CHINA?
37 BAKIT NAGKAROON NG IMPOSISYON NG MILITARY RULE SA THAILAND KUNG IHAHAMBING SA MYANMAR AT CHINA?
38 PAANO NAKATULONG ANG MILITAR SA THAILAND UPANG MAGKAROON NG MATATAG NA PAMAHALAAN AT MAUNLAD NA EKONOMIYA?
39 IPALIWANAG ANG URI NG PAMAHALAAN NA UMIIRAL SA FEDERATION OF MALAYSIA SA KASALUKUYAN. TALAKAYIN ANG MGA SANGAY NITO.
40 PAANO MAIKUKUMPARA ANG PAMAHALAAN NG PILIPINAS SA PAMAHALAAN NG FEDERATION OF MALAYSIA KUNG MGA SANGAY NITO ANG PAG-UUSAPAN?
41 IPALIWANAG ANG BAHAGING GINAMPANAN NG DEPARTMENT OF NATIONAL UNITY NG MALAYSIA.
42 PAANO NAKATULONG ANG NATIONAL ECONOMIC POLICY (NEP) SA PAGPAPAUNLAD NG MALAYSIA?
43 BIGYANG-KATANGIAN SI MAHATHIR BIN MOHAMMAD BILANG ISANG PINUNO. TALAKAYIN ANG PAGBABAGONG IPINATUPAD NIYA SA MALAYSIA. MAKABULUHAN BA ANG MGA PAGBABAGONG ITO? PATUNAYAN.
44 IPALIWANAG ANG HANGAD NG 2-M GOVERNMENT NI MAHATHIR BIN MOHAMMAD. NAGTAGUMPAY BA ITO? IPALIWANAG.
45 ANO ANG MONARKIYA?
46 ANO ANG OLIGARKIYA?
47 ANO ANG DEMOKRASYA?
48 ANO ANG ARISTOKRASYA?
49 ANO ANG PARLIAMENTO?
50 ANO ANG PRESIDENTIAL?


II. ANG KABABAIHAN SA KASALUKUYAN

1 ANO ANG KAIBAHAN NG NUCLEAR FAMILY SA JOINT O EXTENDED FAMILY?
2 ANONG PAPEL ANG GINAMGAMPANAN NG UNITED NATIONS UPANG MAISULONG ANG KARAPATAN NG KABATAAN AT KABABAIHAN?
3 ANU-ANONG BENTAHE PARA  SA PAMILYA ANG PAGKAKAROON NG ISANG INA NA MAY EDUKASYON?
4 BILANG MAHALAGANG KASAPI NG ISANG PAMILYA, ANU-ANONG KATANGIAN ANG DAPAT MONG LINANGIN UPANG LALONG TUMATAG AT TUMIBAY ANG INYONG PAMILYA?
5 ANO ANG DOWRY?
6 ANO ANG FUNERAL PYRE?
7 ANO ANG INFANTICIDE?
8 ANO ANG EXTENDED FAMILY?
9 ANO ANG MATERNITY?
10 ANO ANG PURDAH?
11 ANO ANG SUTTEE?
12 ANO ANG NUCLEAR FAMILY?
13 BAKIT ITINUTURING NA BATAYAN AT SANDIGAN NG LIPUNAN ANG PAMILYA?
14 PAGHAMBINGIN ANG JOINT O EXTENDED FAMILY AT NUCLEAR FAMILY AYON SA BILANG, KOMPOSISYON AT KAHALAGAHAN NITO.
15 MAKATARUNGAN BANG TAMASAHIN NG KABABAIHANG ASYANO ANG KARAPATANG BUMOTO? BAKIT?
16 MAY KAKAYAHAN BANG HUMAWAK NG MATAAS NA POSISYON SA PAMAHALAAN ANG BABAING ASYANO? PATUNAYAN.
17 PAANO NAKATUTULONG ANG PAGBIBIGAY NG KARAPATAN SA KABABAIHAN NA MAKAPAG-ARAL SA KANILANG PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY?
18 BAKIT MALIMIT PAGSAMANTALAHAN AT ABISUHIN ANG MGA KARAPATAN NG BATA AT KABABAIHAN?
19 IPALIWANAG ANG CONVENTION ON THE RIGHTS OF THE CHILD (CRC). BAKIT ITO KINILALA AT INAPRUBAHAN NG UNITED NATIONS?
20 MAKATARUNGAN BANG IPAGLABAN ANG KARAPATAN SA PAG-AARAL NG KABABAIHAN? PATUNAYAN.


III. ANG KAHALAGAHAN NG EDUKASYON SA MGA ASYANO

1. PARA SAAN ANG CIVIL SERVICE EXAMINATION NG MGA TSINO SA PANAHONG TRADISYUNALO NG CHINA? ANONG URI NG PAGSUSULIT ITO?
2 ANO ANG KAHALAGAHAN NG EDUKASYON SA MGA HAPONES?
3 ANU-ANO ANG PROBLEMANG KINAKAHARAP NG MGA KOREAN SA KANILANG SISTEMANG PANG-EDUKASYON?
4 ANO ANG NAKIKITANG LUNAS NG PAMAHALAANG KOREAN SA MGA SULIRANING ITO?
5 ANU-ANONG BANSA SA TIMOG ASYA ANG MAY MATAAS AT MABABANG LITERACY RATE?
6 SINO SI SHEIKH MUHAMMAD IBN ABD AL-WAHHAB?
7 ANO ANG KAUGNAYAN NG EDUKASYON AT RELIHIYON SA SAUDI ARABIA?
8 BAKIT GUMAGAMIT NG MGA WIKANG MALAY AT TSINO SA PAGTUTURO SA MALAYSIA?
9 ANU-ANO ANG ILAN SA MGA DAYUHANG PAMANTASAN ANG MATATAGPUAN SA SINGAPORE?
10 SA IYONG PALAGAY, BAKIT PINAPAYAGAN NG PAMAHALAANG SINGAPORE ANG PAGBUBUKAS NG MGA DAYUHANG PAMANTASAN SA BANSA?
11. ANU-ANO ANG PAGPUPUNYAGI NG PAMAHALAAN NA MAPABUTI ANG EDUKASYON NG MGA PILIPINO?
12 PAANO NAKATUTULONG ANG EDUKASYON SA PAGSULONG AT PAG-UNLAD NG ISANG MAMAMAYAN AT NG BANSA?
13 PAANO ISINUSULONG NG PAMAHALAAN ANG KARAPATAN SA EDUKASYON SA BAWAT MAMAMAYAN? PAANO IT PINAHAHALAGAHAN?
14 ANO ANG EDUKASYON?
15 ANO ANG KAUNLARAN?
16 ANO ANG POPULASYON?
17 ANO ANG PAARALAN?
18 ANO ANG LITERATE?
19 ANO ANG BATAS?
20 MAHALAGA BA ANG EDUKASYON SA BAWAT TSINO? PATUNAYAN.
21 PAANO MAPATUTUNAYAN NA LABIS ANG PAGPAPAHALAGA SA EDUKASYON SA CHINA?
22 MAY KAUGNAYAN BA ANG KAUNLARAN NG JAPAN SA EDUKASYON? IPALIWANAG.
23 KAPAKI-PAKINABANG BA ANG PAGPAPAHALAGA SA EDUAKSYON NA IPINAMALAS NG MGA HAPONES? MAGBIGAY NG HALIMBAWA.
24 NAIIBA BA ANG KURIKULUM NG MGA PAARALAN SA SOUTH KOREA? MAY EPEKTO BA ITO SA KATAUHAN NG MGA MAG-AARAL?
25 BAKIT TUMUTOL ANG MGA KOREAN SA PAGPAPATAYO NG PAMANTASAN NG MGA DAYUHAN SA KANILANG BANSA?
26 MALAKI BA ANG IMPLUWENSYA NG KALAGAYANG PULITIKAL AT PANG-EKONOMIYA NG INDIA SA EDUKASYON NG BANSA? BAKIT?
27 BAKIT KINOKONTROL NG PAMAHALAAN NG SAUDI ARABIA ANG PRODUKSYON NG MGA AKLAT SA KANILANG PAARALAN?
28 BAKIT NANGUNGUNA ANG MALAYSIA SA MGA BANSA SA TIMOG SILANGANG ASYA SA LARANGAN NG EKONOMIYA?
29 MATINDING KOMPETISYON BA ANG KINAKAHARAP NG MGA MAG-AARAL SA SINGAPORE? BAKIT?
30 MAY MGA SULIRANIN BA NA KINAKAHARAP ANG PILIPINAS SA LARANGAN NG EDUKASYON? ISA-ISAHIN ITO.


IV.  RELIHIYON AT KULTURA SA ASYA

1 BAKIT MAHALAGANG PAG-ARALAN ANG RELIHIYON?
2 MAGBIGAY NG TRADISYUNAL NA BAGAY SA JAPAN NA GINAGAMIT PA RIN NILA HANGGANG SA KASALUKUYAN.
3 SINO SI THICH QUANG DUC? BAKIT NIYA SINUNOG ANG SARILI NOONG 1963?
4 ANO ANG SATI? BAKIT MARAMI ANG TUMUTUTOL DITO?
5 SA IYONG PALAGAY, BAKIT PILIT IPINASUSUOT NG MGA TALIBAN ANG BURKA SA KABABAIHAN?
6 MAGBIGAY NG EPEKTO NG MALAKING POPULASYON SA PAMUMUHAY NG KARANIWANG PILIPINO.
7 ANONG MGA TRADISYON SA BANSA NA MAY KAUGNAYAN SA RELIHIYON ANG PATULOY NA SINUSUNOD? BAKIT?
8 ALIN SA MGA NAGAWA NG MGA ASYANO SA NGALAN NG RELIHIYON ANG KAYA MONG ISAGAWA? IPALIWANAG.
9 DAPAT BANG PARANGALAN ANG MGA ASYANO NA NANGUNA AT NAGING TAMPOK SA LARANGAN NG RELIHIYON AT KULTURA SA ASYA?
10 ANO ANG DALANGINAN?
11 ANO ANG PANANAMPALATAYA?
12 ANO ANG SINING?
13 ANO ANG RELIHIYON?
14 ANO ANG MOSQUE?
15 ANO ANG TEMPLO?
16 ANO ANG EDUKASYON?
17 ANO ANG ARKITEKTURA?
18 ANO ANG DAMBANA?
19 ANO ANG MUSIKA?
20 ANO ANG PANITIKAN?
21 ANO ANG PAARALAN?
22 ANO ANG KABIHASNAN?
23 ANO ANG KANLURAN?
24 PAANO NAPANATILI NG MGA HAPONES ANG RELIHIYON SA KANILANG KULTURA SA KABILA NG PAGIGING MODERNISADO NILA?
25 PAANO NASASALAMIN SA KAPALIGIRAN NG JAPAN ANG IMPLUWENSYA NG RELIHIYON SA KANILANG KULTURA?
26 MALAKI BA ANG EPEKTO NG BUDDHISM SA MGA PATAKARANG PAMBANSA? PATUNAYAN.
27 SINO SI THICH QUANG DUC? PAANO NIYA NAPATUNAYAN ANG KANYANG PAGSUNOD SA KATURUAN NG BUDDHISM?
28 MAKATARUNGAN BA ANG PATAKARAN NI PANGULONG NGO DINH DIEM TUNGKOL SA RELIHIYON?
29 BAKIT BUMAGSAK ANG REHIMENG DIEM SA VIETNAM?
30 NAIMPLUWENSYAHAN BA ANG PAMUMUHAY NG MGA INDIAN NG SATI?
31 BAKIT BUONG PUSONG ISINASAGAWA ANG SATI SA INDIA?
32 MAGALING BA ANG PAPEL NA GINAMPANAN NI ROOP KANWAR? ANO ANG NAGING BUNGA NG KANYANG GINAWA?
33 NAGING MAIGITNG BA ANG PAGTATALO SA INDIA TUNGKOL SA TRADISYON AT MODERNISASYON? PATUNAYAN.
34 MABABA BA O MATAAS ANG KALAGAYAN NG KABABAIHAN SA  LIPUNANG ARABO? IPALIWANAG
35 PAANO NAILALARAWAN ANG DISKRIMINASYON LABAN SA KABABAIHAN SA LIPUNANG ARABO? NAAAYON BA ITO SA UMMAH? BAKIT?
36 ANO ANG UMMAH?
37 PAANO NAILALARAWAN ANG DISKRIMINASYON LABAN SA KABABAIHAN SA AFGHANISTAN?
38 ISALAYSAY ANG MGA NAGANAP SA PAGBAGSAK NG TALIBAN SA AFGHANISTAN.
39 MALAKING SULIRANIN BA ANG KINAKAHARAP NGAYON NG PILIPINAS? BAKIT?
40 BAKIT MABILIS ANG PAGLOBO NG POPULASYON SA ATING BANSA? IPALIWANAG.
41 MAGBIGAY NG MGA DAHILAN TUNGKOL SA PAGDAMI NG KASONG HIV/AIDS  SA BANSA.
42 ANO ANG IMINUNGKAHI NI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO TUNGKOL SA PAGKONTROL NG POPULASYON? ISA-ISAHIN ITO.
43 BAKIT MARAMING TUMUTOL SA MUNGKAHI TUNGKOL SA TWO-CHILD POLICY?
44. PAYAG BA KAYO SA TWO-CHILD POLICY? IPALIWANAG.
45 SA IYONG PALAGAY, BAKIT HINDI SANG-AYON ANG SIMBAHANG KATOLIKO ROMANO SA PAGTATAGUYOD NG PAGPAPLANO NG PAMILYA GAMIT ANG KONTRASEPSYON?
46 ANO KAYA ANG POSIBLENG MANGYARI KUNG PATULOY NA DADAMI ANG POPULASYON NG MGA PILIPINO?
47 ANO ANG PASYON?
48 ANO ANG PAMAMANATA?
49 PAYAG BA KAYO SA PAGPAPAPAKO SA KRUS NG MGA PILIPINO TUWING SEMANA SANTA UPANG MALINISAN ANG KANILANG KASALANAN? IPALIWANAG ANG SAGOT.
50 PAANO KA MAKATUTULONG SA MGA TAONG HINDI NAGKAKASUNDO DAHIL SA KANILANG RELIHIYON AT KULTURA? ISA-ISAHIN ANG SAGOT.


V.  KALAGAYANG PANG-EKONOMIYA NG ASYA SA KASALUKUYAN

1. BAKIT NAGKAROON NG KRISIS PANANALAPI NOONG 1997? ANO ANG NAGING EPEKTO NITO SA EKONOMIYA NG ASYA?
2. ANO ANG DAHILAN NG MAGKAIBANG EPEKTO SA THAILAND AT TAIWAN NG NATURANG KRISIS?
3. ANO ANG PENOMENONG FLYING GEESE? SAAN ITO INIHALINTULAD?
4. PAANO MAKATUTULONG ANG BUKAS NA KALAKALAN PARA SA PILIPINAS AT IBA PANG BANSANG PAPAUNLAD ANG EKONOMIYA?
5. MAY KAUGNAYAN BA ANG MGA PAGPAPAHALAGANG ASYANO SA NAGANAP NA ECONOMIC MIRACLE SA ASYA? IPALIWANAG.
6.MAGANDA BA NG KINABUKASAN NG ASYA SA LARANGAN NG EKONOMIYA? PATUNAYAN ANG IYONG SAGOT.
7. MAY MGA ELEMENTO BA NA NAGING DAHILAN NG PAG-UNLAD PANG- EKONOMIYA NG ASYA? MAGBIGAY NG MGA HALIMBAWA.
8. ISALARAWAN ANG KALAGAYAN NG EKONOMIYA SA ASYA BAGO NAGANAP ANG KRISIS PANANALAPI NOONG 1997.
9. IPALIWANAG ANG KAHULUGAN NG GROSS DOMESTIC PRODUCT (GDP) SA EKONOMIYA NG BANSA.
10. KAILAN NAGSIMULA ANG KRISIS PANANALAPI SA ASYA? ANO ANG DAHILAN NITO?
11. MAGKAIBA BA ANG REAKSYON NG THAILAND AT TAIWAN SA NATURANG KRISIS PANANALAPI? BAKIT?
12. PAANO INILARAWAN NI KANAME AKAMASU ANG PAG-UNLAD AT PAGSULONG NG MGA EKONOMIYA SA ASYA?
13. IHALINTULAD SA PAGLIPAD NG MGA GANSA SA KALANGITAN SA EKONOMIYA NG MGA BANSA SA ASYA.
14. MAY MGA ORGANISASYON BANG PANG-EKONOMIYA NA SAGOT SA PAG-UNLAD NG EKONOMIYA SA ASYA? ISA-ISAHIN.
15. MAY PAPEL BANG GINAMPANAN ANG MGA ORGANISASYONG PANG-EKONOMIYA SA EKONOMIYA AT PULITIKA NG MGA BANSA SA ASYA? IPALIWANAG ANG IYONG SAGOT
16. IPALIWANAG ANG MGA LAYUNIN NG WORLD TRADE ORGANIZATION (WTO).
17. KAPAKI-PAKINABANG BA ANG MGA PANGUNAHING GAWAIN NA IPINAPATUPAD NG WTO? BAKIT?
18. TANGGAP BA NG MGA BANSA SA ASYA ANG MALAYANG PANDAIGDIGANG KALAKALAN? MAGBIGAY NG HALIMBAWA.
19. ANG ANG APEC? AU-ANONG BANSA ANG KASAPI NITO?
20. ANO ANG PANANAW NG APEC TUNGKOL SA MALAYA AT BUKAS NA KALAKALAN?
21. POSITIBO BA ANG PANANAW NG MGA EKSPERTO SA MALAYA AT BUKAS NA MGA KAGANAPANG PANG-EKONOMIYA? IPALIWANAG ANG INYONG SAGOT.
22. MALAKI BA ANG HAMON NA KINAKAHARAP NG ASYA KAUGNAY SA WTO AT APEC? IPALIWANAG ANG SAGOT.
23. ANO ANG KAUGNAYAN NG MGA PAGBABAGONG PANG-EKONOMIYA NA NAGANAP AT NAGAGANAP SA REHIYON SA KALAGAYAN NG MGA BANSA RITO?
24. ANU-ANO ANG PAGKAKAIBA-IBA NG ANTAS NG PAGSULONG AT PAG-UNLAD SA ASYA?
25. SINU-SINO ANG FOUR TIGERS OF ASIA?
26. BAKIT NASABING SICK MAN OF ASIA ANG PILIPINAS?
27. ANO ANG CHAEBOL?
28. ANO ANG KEIRETSU?
29. ANO ANG FREE MARKET?
30. ANU-ANONG MGA BANSA ANG KASAPI NG WTO AT APEC?

VI. KALAKALAN, KULTURA AT PAG-UNLAD SA KASALUKUYANG ASYA

1. PARA SA IYO, ANO ANG KAHULUGAN NG KALAKALAN?
2.BAKIT SINASABING MAY PANGANIB DING KAAKIBAT ANG KALAKALAN KUNG MINSAN?
3. NANINIWALA KA BANG KAAKIBAT NG KALAKALAN ANG KULTURA NG MGA MANGANGALAKAL? BAKIT?
4. SA IYONG PALAGAY, MAKABUBUTI BA ANG MALAYANG KALAKALAN?
5. SA IYONG PALAGAY, ANU-ANO ANG DAPAT NA KATANGIAN NG PINUNO NG ISANG BANSA UPANG ITO AY UMUNLAD?
6. PATUNAYAN NA ANG LAKAS NG LOOB AT PAGIGING MAPAMARAAN AY MGA KATANGIAN NG ISANG MATAGUMPAY NA MANGANGALAKAL.
7. PAANO NAKATUTULONG ANG PAGPAPAHALAGA NG PAMILYA, EDUKASYON, AT KAAYA-AYANG RELASYON SA PAG-UNLAD NG KALAKALAN AT KABUHAYAN NG ISANG BANSA?
8. ANO ANG KALAKALAN?
ANG MGA IDEYA, PAGLILINGKOD O SERBISYO AY MAAARI DIN BANG 9. ILAKO SA PAMILIHAN? IPALIWANAG ANG SAGOT.
10. BAKIT NANAKOP NG MGA BANSA ANG MGA KANLURANIN SA ASYA?
11. ANG BAWAT KALAKAL BA AY PRODUKTO NG ISANG KULTURA? IPALIWANAG ANG SAGOT.
12. PAANO NAGAGANAP ANG PAGPAPALITANG KULTURA SA KALAKALAN? IPALIWANAG ANG MGA SAGOT SA PAMAMAGITAN NG PAGBIBIGAY NG HALIMBAWA.
13. IPALIWANAG ANG GATT. GAANO KAHALAGA ANG LAYUNIN NITO?
14. PAANO NAITATAG ANG WTO? IPALIWANAG ANG LAYUNIN NITO. SA IYONG PALAGAY, MAKABUBUTI BA ITO SA ATING BANSA? PATUNAYAN ANG IYONG SAGOT.
15. BAKIT TINAWAG NA NICs ANG SOUTH KOREA, HONG KONG, SINGAPORE, AT TAIWAN?
16. MAKAPANGYARIHAN BA ANG ORGANIZATION OF PETROLEUM EXPORTING COUNTRIES (OPEC)?
17. PAANO NAKATULONG ANG PAGPAPAHALAGANG ASYANO SA KAUNLARAN NG ASYA?
18. PAGHAMBINGIN ANG GINAWA NG SINGAPORE AT SOUTH KOREA SA PAGPAPAUNLAD NG KANI-KANILANG BANSA?
19. MAKAPAMUMUHAY BANG MAG-ISA ANG ISANG PAMAYANAN O BANSA? BAKIT?
20. SINO SI LEE KUAN YEW?


VII. MGA KONTRIBUSYONG ASYANO SA DAIGDIG

1 ANO ANG IBIG SABIHIN NG BOLLYWOOD?
2 ANO ANG DALAWANG TRADISYUNAL NA PAGTATANGHAL NA ISINASAGAWA NG JAPAN?
3 ANO ANG UGNAYAN NG MUSIKA, SAYAW AT DULAAN SA TIMOG SILANGANG ASYA? ANO ANG KARANIWAN NILANG PINAPAKSA?
4 SINO SI RABINDRANATH TAGORE?
5 ANO ANG HAIKU?
6 MAGBIGAY NG MGA HALIMBAWA NG NAPATANYAG NA MANUNULAT NA ASYANO SA KANLURANG ASYA?
7 SINU-SINO ANG KILALANG BASKETBOLISTANG TSINO NA NAGLALARO SA NBA?
8 SINU-SINO ANG NAPATANYAG NA MGA MANLALARO NG CHESS SA ASYA?
9 SAANG MGA LARANGAN NAPATANYAG ANG MGA PILIPINO?
10 BAKIT NARARAPAT PAHALAGAHAN ANG MGA KONTRIBUSYONG ASYANO SA LARANGAN NG PANITIKAN AT PERFORMING ARTS?
11 ANU-ANONG KATANGIAN ANG DAPAT TAGLAYIN AT ISALOOB NG MGA NAIS MAGTAGUMPAY SA LARANGAN NG PALAKASAN?
12 ANO ANG WAYANG KULIT?
13 ANO ANG MUDRAS?
14 ANO ANG RAGAS?
15 SA ANU-ANONG LARANGAN NG KULTURA NAKILALA ANG MGA ASYANO?
16 NILANG ISANG ASYANO, SA ANONG LARANGAN NG KULTURA GUSTO MONG MAGING MAGALING O DALUBHASA? BAKIT?
17 BAKIT TANYAG SA DAIGDIG SI AKIRA KUROSAWA?
18 ANO ANG PAGKAKATULAD NG BOLLYWOOD SA HOLLYWOOD?
19 BAKIT SINASABING MALAKI ANG UGNAYAN NG MUSIKA, SAYAW AT DULAAN SA TIMOG SILANGANG ASYA? PAANO ITO ISINASAGAWA?
20 BAKIT SINASABING MALAKI ANG EPEKTO NG RELIHIYON SA PANITIKAN NG INDIA?
21 NARARAPAT BIGYAN NG TUNAY NA PAGKILALA SI RABINDRANATH TAGORE? BAKIT? MAY KATULAD BA SIYA RITO SA ATING BANSA?
22 MAY IBA PA BANG KONTRIBUSYON SA PANITIKAN ANG IBA PANG MGA MANUNULAT SA INDIA?
23 IPALIWANAG ANG URI NG PALAKASANG KINAHIHILIGAN NG MGA ASYANO?
24 SA ANO PANG URI NG SPORTS KILALA ANG MGA PILIPINO? ILARAWAN ANG MGA MANLALARONG NAGPASIKAT NITO.
25 MAHALAGA BA SILA SA ATING BANSA? PATUNAYAN. PAANO MO PAHAHALAGAHAN ANG MGA NAGAWA NILA?

VIII. ANG KULTURA BATAY SA ASAL AT GAWI NG MGA ASYANO

1 PAGHAMBINGIN ANG PAGTINGIN NG TAOISM AT SHINTO SA KALIKASAN.
2 PAANO ITO NAKAAAPEKTO SA KANILANG GAWI AT ASAL?
3 PAANO IPINAPAKITA NG MGA TSINO ANG PAGGALANG SA MATATANDA?
4 ANO ANG KAIBAHAN NG CHOPSTICK SA CHINA AT JAPAN?
5 ANU-ANO ANG SINASAMBIT NA PAGBATI NG MGA HINDU, MUSLIM AT SIKH SA INDIA?
6 BAKIT HINDI PINAPAYAGAN SA INDONESIA NA HAWAKAN NG IBANG TAO ANG ULO?
7 ANU-ANO ANG GAWI AT ASAL NG MGA BEDOUIN PARA SA KANILANG MGA BISITA?
8 ANU-ANO ANG IBA'T IBANG PAGTINGIN UKOL SA PAGPAPAHALAGANG ASYANO BILANG SUSI SA TAGUMPAY NG ISANG BANSA?
9 PAANO MAIPAPAKITA ANG IYONG PAGGALANG SA MGA KAKAIBANG ASAL AT GAWI NG IBA?
10 ANG PAGIGING MAPAGPAUBAYA BA SA PANINIWALA NG IBA AY MAGDUDULOT NG KAPAYAPAAN? PATUNAYAN.
11 ANO ANG INTERNET?
12 ANO ANG KULTURA?
13 ANO ANG NAMASTE?
14 ANO ANG SAKE?
15 ANO ANG SALAAM ALEIKUM
16 ANO ANG SAT SRI AKAL?
17 ANO ANG TRADISYUNAL?
18 ANO ANG BEDOUIN?
19 ANO ANG CHOPSTICK?
20 ANO ANG TAOISM?
21 ANO ANG SELAMAT PAGI?
22 ANO ANG BURKA?
23 ILARAWAN ANG HIRARKIKAL NA UGNAYAN NG MGA TSINO.
24 PAANO TINATRATO ANG MATATANDA SA CHINA? BAKIT GANITO ANG PAGTRATO SA KANILA? GUSTO MO RIN BANG GANITO ANG PAGTRATO SA IYONG PAGTANDA? BAKIT?
25 PAANO PINAHAHALAGAHAN ANG HIRARKIKAL SA LIPUNAN AT MATATANDA SA JAPAN? IPALIWANAG.
26 IPALIWANAG ANG MGA GAWI AT ASAL SA PAGKAIN NG MGA HAPONES.
27 PAANO MO ISINASAGAWA ANG TRADISYUNAL NA PAGBATI NG MGA HINDU SA INDIA? BAKIT KAIBA ANG PAGBATI NILA SA MGA BABAE AT LALAKI?
28 BAKIT MAHALAGA ANG TITULONG HAJI? PAANO ITO NAKAKAMIT?
29 IPALIWANAG ANG PINAG-UGATAN NG KULTURA NG MGA ARABO. KATANGI-TANGI BA ANG KANILANG PAKIKITUNGO SA PANAUHIN? PATUNAYAN.
30 ANU-ANONG PAGPAPAHALAGANG ASYANO ANG MAGSISILBING SUSI SA TAGUMPAY AT PAG-UNLAD NG MGA BANSA RITO?

IX. MGA ISYU AT PROBLEMA SA PILIPINAS BUNGA NG MGA PAGBABAGO SA ASYA

1 BILANG MAG-AARAL, ANO ANG MAIAAMBAG MO UPANG MAISALBA ANG KALIKASAN SA TULUYANG PAGKASIRA NITO?
2 SUMASANG-AYON KABA NA ANG PATULOY NA PAGLAKI NG POPULASYON ANG SANHI NG KAHIRAPAN SA BANSA? PANGATWIRANAN.
3 BUKOD SA MGA NABANGGIT, MAKAPAGBIBIGAY KAPABA NG IBANG SEKTOR NG LIPUNANG PILIPINO NA BIKTIMA NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO? BAKIT?
4 BILANG ISANG ORDINARYONG MAMAMAYAN, NAKAAAPEKTO RIN BA SA IYO ANG BANTA NG TERORISMO SA BANSA? KUNG OO, SA PAANONG PARAAN?
5 ANU-ANO ANG NAPAPANAHONG ISYU AT PROBLEMA NA KINAKAHARAP NG PILIPINAS BUNGA NG MGA KASALUKUYANG PAGBABAGONG PAMPULITIKA, PANG-EKONOMIYA AT PANLIPUNAN SA ASYA?
6 BAKIT DAPAT IPAGKAPURI NG BAWAT PILIPINO ANG MATAGUMPAY NA PAGSASAGAWA NATIN NG PEOPLE POWER?
7 ANO ANG KALIDAD?
8 ANO ANG KALUNUS-LUNOS?
9 ANO ANG KATIWALIAN?
10 ANO ANG NAISALBA?
11 ANO ANG MAPATALSIK?
12 ANO ANG PANDARAMBONG?
13 ANO ANG TERORISMO?
14 ANU-ANONG LIKAS NA YAMAN ANG TAGLAY NG PILIPINAS?
15 BAKIT PATULOY NA NAUUBOS ANG MGA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS?
16 ANU-ANO ANG EPEKTO NG MABILIS NA PAGKAUBOS NG ATING LIKAS NA YAMAN?
17 ANU-ANONG HAKBANG ANG ISINASAGAWA NG PAMAHALAAN PARA MALUTAS ANG MGA PROBLEMANG PANGKALIKASAN?
18 MAITUTURING BANG MABILIS ANG PAGLAKI NG POPULASYON NG PILIPINAS BAWAT TAON? BAKIT MO NASABI ITO?
18 BAKIT SINASABING ANG MALAKING POPULASYON AY ISA  SA SANHI NG KAHIRAPAN?
19 ANO ANG ISINASAAD NG PANUKALANG BATAS NA TWO-CHILD POLICY? ANO ANG REAKSYON NG ILANG MAMAMAYAN DITO?
20 BAKIT GUSTONG KONTROLIN NG UNITED STATES ANG PAGLAKI NG POPULASYON NG MGA BANSANG KABILANG SA IKATLONG DAIGIDIG?
21 PAANO NILULUTAS NG PAMAHALAAN ANG LUMALAKING POPULASYON NG BANSA?
22BAKIT SINASABING MAY DISKRIMINASYON SA KABABAIHAN?
23 BAKIT KATUTUBO SA ASYA ANG NAGDARANAS NG PAGMAMALUPIT AT DISKRIMINASYON? PAANO ISINASAGAWA ANG PAGMAMALUPIT NA ITO?
24 BAKIT LAGANAP ANG REBELDENG KILUSAN SA REHIYON?
25 ANU-ANONG GRUPO SA PILIPINAS ANG AKTIBO SA PAKIKIPAGLABAN SA PAMAHALAAN? BAKIT SILA LUMALABAN SA PAMAHALAAN?
26 ANU-ANONG SEKTOR SA PILIPINAS ANG HIGIT NA NAAAPEKTUHAN NG KRISIS SA PANANALAPI SA ASYA NOONG 1997? BAKIT?
27 ANO ANG PROGRAMANG INILUNSAD NI PANGULONG RAMOS UPANG IANGAT ANG EKONOMIYA SA PILIPINAS?
28 PAANO NAKAAAPEKTO ANG DAYUHANG PAGKAKAUTANG NG PILIPINAS SA MGA PILIPINO?
29 PANG-ILAN ANG PILIPINAS SA MGA BANSA SA ASYA NA MAY MATAAS NA KASO NG KATIWALIAN? PANG-ILAN ITO SA BUONG DAIGDIG?
30 BAKIT LAGANAP ANG IBA'T IBANG URI NG KATIWALIAN SA MGA SANGAY NG PAMAHALAAN SA PILIPINAS?
31 ANO ANG NAGIGING BUNGA NG KATIWALIAN AT KAWALAN NG KATATAGANG PAMPULITIKA NG PILIPINAS?
32 MAKAIISIP BA KAYO NG PARAAN KUNG PAANO MALULUTAS NG PILIPINAS ANG PROBLEMANG ITO?
33 ANU-ANONG PANGYAYARI SA PILIPINAS ANG MAITUTURING NA GAWA NG MGA TERORISTA? BAKT ITINUTURING ANG MGA ITO NA GAWA NG MGA TERORISTA?
34 ANO ANG NAGIGING BUNGA NG MGA PANGYAYARING ITO?
35 PAANO NILALABANAN NG PILIPINAS ANG BANTA NG TERORISMO?


X. ANG SAKIT SA ASYA

1 ANU-ANONG SAKIT ANG DUMADAPO SA MGA MAGSASAKA SA ASYA?
2 SA IYONG PALAGAY, PAANO MAIIWASAN NG MGA TAGALUNGSOD ANG GANITONG MGA SAKIT?
3 ANO ANG EPIDEMIC?
4 ANO ANG ENDEMIC?
5 ANO ANG PANDEMIC?
6 PAANO KA TUMUTULONG SA IYONG PAARALAN AT BARANGAY SA PANGANGALAGA NG KALUSUGAN NG IYONG MGA KAMAG-ARAL AT KABARANGAY?
7 ANO ANG DENGUE?
8 ANO ANG HEPATITIS A?
9 ANO ANG HEPATITIS B?
10 ANO ANG ANOPHELES?
11 ANO ANG SCHISTOSOMIASIS?
12 ANO ANG SARS?
13 ANO ANG CIVET CAT?
14 ANO ANG BIRD'S FLU?
15 ANO ANG HIV?
16 ANO ANG AIDS?
17 PAANO ISINASAGAWA ANG KLASIPIKASYON NG SAKIT?
18 PAGHAMBINGIN ANG KLASIPIKASYON NG SAKIT.
19 ANU-ANO ANG SAKIT NA KARANIWANG DUMADAPO SA MGA MAGSASAKANG ASYANO?
20 ANU-ANO ANG SANHI AT RESULTA NG MGA SAKIT NA ITO?
21 PAANO KUMAKALAT ANG SAKIT SA MATATAONG LUNGSOD?
22 PAANO NAAAPEKTUHAN ANG MGA TAONG DINAPUAN NG SAKIT?
23 MAY KATOTOHANAN BA NA MAY KAKAIBANG SAKIT NA NAGMULA SA ASYA?
24 BAKIT MAHIRAP SUGPUIN ANG MGA SAKIT NA ITO?
25 MAY MGA HAKBANG NA DAPAT SUNDIN ANG MGA TAO AT ANG PAMAHALAAN UPANG MAPANGALAGAAN ANG KANILANG KALUSUGAN. ISA-ISAHIN ANG MGA ITO.

XI. ANG PANDAIGDIGANG KALAKALAN AT ANG ASYA

1 ANO ANG PAPEL NA GINAGAMPANAN NG ASYA SA PANDAIGDIGANG KALAKALAN SA PANAHON NG KOLONYALISMO?
2 PAANO NAAPEKTUHAN NG COLD WAR ANG PAKIKIPAG-UGNAYANG PANGKALAKALAN NG MGA BANSANG ASYANO?
3 PAANO UMUNLAD ANG EKONOMIYA NG JAPAN MATAPOS ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG?
4 ANO ANG MGA IPINATUPAD NA REPORMANG PANG-EKONOMIYA SA CHINA?
5 ANO ANG PAGBABAGO SA PATAKARANG PANG-EKONOMIYA NG MGA BANSA SA TIMOG SILANGANG ASYA NITONG HULING DALAWANG DEKADA?
6 SA IYONG PALAGAY, BAKIT TINAWAG NA ASIA-PACIFIC CENTURY ANG KASALUKUYANG PANAHON?
7 DAPAT BANG TANGKILIKIN ANG PRODUKTONG PILIPINO? IPALIWANAG.
8 ANO ANG PAPEL NA GINAGAMPANAN NG ILANG BAHAGI NG ASYA SA PANDAIGDIGANG KALAKALAN NANG NASAKOP ANG MGA ITO NG MGA BANSANG KANLURANIN?
9 ANO ANG NAGING EPEKTO NG KOLONISASYON SA ILANG BANSA SA ASYA?
10 ANO ANG COLD WAR?
11 ANU-ANONG KAGANAPAN ANG NANGYARI SA ASYA NA NAGPAKITA NG COLD WAR?
12 PAANO NAKAAPEKTO ANG COLD WAR SA KAAYUSANG PAMPULITIKA AT PANG-EKONOMIYA SA ASYA?
13 ANO ANG NAGANAP SA JAPAN SA PANAHON NG KOLONYALISMO SA ASYA?
14 PAANO UMUNLAD ANG EKONOMIYA NG JAPAN PAGKATAPOS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG?
15 BAKIT PANGUNAHING MODELO ANG CHINA SA SOSYALISTANG PAMAMAHALA SA ASYA?
16 ANO ANG MGA REPORMANG PANG-EKONOMIA NA IPINATUPAD SA CHINA UPANG ITO AY UMUNLAD?
17 ANU-ANONG REPORMANG PANG-EKONOMIYA ANG KANILANG ISINAGAWA UPANG SILA AY UMUNLAD?
18 ANU-ANONG MAKABAYANG PATAKARAN ANG PINAGTIBAY SA MARAMING BANSA SA ASYA? BAKIT ITO KAILANGANG GAWIN?
19 ANU-ANO ANG LARAWAN NG PAGBABAGO ANG NAKIKITA SA PAGLAHOK NG ASYA SA PANDAIGDIGANG KALAKALAN?
20 BAKIT BINUO ANG ILANG ORGANISASYONG REHIYUNAL NG MGA BANSANG ASYANO?

XII. MGA HAMON NG PAPALAKING POPULASYON AT URBANISASYON

1 ANU-ANO ANG IBA'T IBANG PAGBABAGONG NAGAGANAP SA BUHAY NG MGA ASYANO?
2 ANU-ANO ANG DAHILAN AT BUNGA NG MGA PAGBABAGONG ITO?
3 PAANO NAKAKAAGAPAY ANG MGA ASYANO SA MGA PAGBABAGONG ITO?
4 IPALIWANAG ANG ONE CHILD POLICY NA IPINATUTUPAD SA CHINA?
5 ANU-ANO ANG SULIRANING DULOT NG PAGLAKI NG POPULASYON SA INDIA?
6 ANU-ANONG BAGAY ANG NAGPAPALALA SA SULIRANIN NG PAGLAKI NG POPULASYON SA INDONESIA?
7 ANU-ANO ANG NAGPAPADALA SA SULIRANIN NG DUMARAMING TAO?
8 ANU-ANO ANG MAUUNLAD NA BANSA SA SILANGANG ASYA?
9 SA HARAP NG MGA NAKALULUNGKOT NA MGA PANGYAYARING ITO SA BUONG ASYA, MAY NAKIKITA KA BANG MGA LUNAS UPANG MAIBSAN ANG MGA ITO?
10 ANO ANG MEGACITY?
11 ANU-ANO ANG NEGATIBONG EPEKTO NG PAGKASIRA NG ATING KALIKASAN AT KAPALIGIRAN SA PAMUMUHAY NG MGA TAO?
12 PAANO MO ITATAGUYOD ANG MGA PROGRAMA NG PAMAHALAAN SA PAGKONTROL SA PAGLAKI NG POPULASYON?
13 ANO ANG POPULATION?
15 ANO ANG CONTRACEPTIVE?
16 ANO ANG URBANISASYON?
18 ANO ANG INSENTIBO?
19 ANO ANG PANTAWID PAMILYA PROGRAM O 4P's?
20 ANO ANG RH BILL?
21 BAKIT MALAKI ANG SULIRANING KINKAHARAP NG MGA ASYANO DAHIL SA MABILIS NA PAGLAKI NG POPULASYON?
22 BAKIT MAY MGA BANSA SA ASYA NA MALAKI ANG POPULASYON?
23 MAY MGA HAKBANG BANG GINAWA ANG CHINA PARA MATUGUNAN ANG MALAKING SULIRANIN SA POPULASYON NITO? ISA-ISAHIN ITO.
24 IBIGAY ANG MGA SALIK NA NAGPAPALUBHA SA SULIRANIN NG INDIA TUNGKOL SA MABILIS NA PAGLAKI NG POPULASYON. IPALIWANAG ANG BAWAT ISA.
25 PAANO BINIGYAN NG SOLUSYON NG PAMAHALAAN ANG KANILANBG SULIRANIN TUNGKOL SA MALAKING POPULASYON? TAGUMPAY BA ITO?
26 MABILIS BA ANG PAGLAGO NG POPULASYON SA PAKISTAN? ANO ANG TINATAYANG LAKI NG POPULASYON SA PAKISTAN SA TAONG 2050?
27 EPEKTIBO BA ANG MGA PRGRAMANG INILATAG NG MGA BANSA SA SILANGANG ASYA TUNGKOL SA PAGKONTROL NG POPULASYON? PATUNAYAN.
28 MALUBHA RIN BA ANG SULIRANIN SA PAGKONTROL NG POPULASYON SA VIETNAM? BAKIT?
29 MAY KAUGNAYAN BA ANG SULIRANIN NG POPULASYON SA URBANISASYON?
30 KAAKIBAT DIN BA SA PAGLAKI NG POPULASYON ANG PAGKASIRA NG ATING KAPALIGIRAN? MAGBIGAY NG HALIMBAWA.


XIII. MIGRASYON AT SULIRANIN NG TRANSNATIONAL CRIMES

1 ANU-ANO ANG PUSH-PULL FACTOR SA MIGRASYON?
2 ANO ANG REFUGEE?
3 ANO ANG TRABAHO NG MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA SA HONG KONG SA TAIWAN?
4 ANO ANG MGA EPEKTO NG MIGRASYON?
5 ANU-ANO ANG IBA'T IBANG KATANGIAN NG MGA TRANSNATIONAL CRIME?
6 ANO ANG MAIL ORDER BRIDE?
7 ANU-ANO ANG NEGATIBONG EPEKTO NG HUMAN TRAFFICKING?
8 SINU-SINONG PINUNO NG ASYA ANG INAKUSAHAN NG PAGNANAKAW?
9 ANU-ANO ANG LAYUNIN NG MGA TERORISTA?
10 SAAN MATATAGPUAN ANG GOLDEN TRIANGLE?
11 BAKIT MAHALAGA ANG PIRACY SA STRAIT OF MALACCA?
12 ANU-ANO ANG MGA HAKBANGING SINIMULAN AT ISINAGAWA UPANG MATUGUNAN AT MAKONTROL ANG MGA TRANSNATIONAL CRIME?
13 PAANO MAKATUTULONG ANG MGA MAMAMAYAN SA PAGSUGPO NG MGA TRANSNATIONAL CRIME?
14 PAANO MAKATUTULONG ANG PAGKAKAISA NG MGA PAMAHALAANG ASYANO PARA MASUGPO ANG MGA TRANSNATIONAL CRIME?
15 NAKATUTULONG BA ANG MGA OFW SA PAG-UNLAD NG EKONOMIYA NG KANILANG BANSA? PAANO?
16 ANO ANG MARITIME PIRACY?
17 ANO ANG DRUG TRAFFICKING?
18 ANO ANG MAIL ORDER BRIDE?
19 ANO ANG TERORISMO?
20 ANO ANG HUMAN TRAFFICKING?
22 ANO ANG TRANSNATIONAL CRIME?
23 ANO ANG MIGRASYON?
24 ANU-ANO ANG PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA NG MGA PULL AT PUSH FACTOR SA MIGRASYON?
25 ANU-ANO ANG MAGANDA AT DI MAGANDANG BUNGA NG MIGRASYON?
26 ANO ANG KAHULUGAN NG TRANSNATIONAL CRIME?
27 ANU-ANO ANG KATANGIAN NG MGA TRANSNATIONAL CRIME?
28 MAGBIGAY NG HALIMBAWA NG MGA MALUBHANG TRANSNATIONAL CRIME?
29 BAKIT ITINUTURING NA MALUBHA ANG MGA ITO?
30 KUNG IKAW AY ISANG LIDER, PAANO MO SUSUGPUIN ANG MGA TRANSNATIONAL CRIME?

XIV.  PAGKAKAISA SA KABILA NG PAGKAKAIBA-IBA

1 ANU-ANO ANG KASALUKUYANG SULIRANING KINAKAHARAP NG ASYA?
2 BAKIT NAKUHA PA NG MGA BANSANG ASYANO NA MAGBUKLOD-BUKLOD SA KABILA NG MAGKAKAIBANG PANINIWALA, KULTURA AT IDEOLOHIYA?
3 SA IYONG PALAGAY, PAANO NAKATUTULONG ANG MGA ORGANISASYON O SAMAHANG PANREHIYON?
4 PAANO NAPAGBUBUKLOD NG ASEAN ANG MGA BANSA SA TIMOG SILANGANG ASYA?
5 KAILAN ITINATAG ANG SAARC?
6 ANU-ANONG BANSA ANG NAGTATAG NG SAARC?
7 ANO ANG MGA DAHILA PAGKATATAG NG CAREC?
8 PAANO NAKATUTULONG ANG CAREC SA PAG-UNLAD NG MGA BANSANG KASAPI NITO?
9 ANO ANG LAYUNIN NG APEC?
10 BAKIT HINDI OBLIGADO ANG MGA KASAPING BANSA NA SUMUNOD SA ISANG KASUNDUAN?
11 IPALIWANAG ANG PAMAMARAANG ASEAN SA NEGOSASYON AT DIPLOMASYA.
12 BAKIT MATINDI ANG ALITAN SA PAGITAN NG INDIA AT PAKISTAN?
13 PAANO NAGTULUNGAN ANG MGA SAMAHANG PANREHIYON SA PAGLUTAS NG MGA SULIRANIN SA REHIYON?
14 BAKIT MAHALAGA ANG DIPLOMASYA AT NEGOSYO SA PAGITAN NG MGA BANSA?
15 IPALIWANAG ANG MGA SULIRANING KINAKAHARAP NG ASYA SA KASALUKUYAN.
16 IPALIWANAG ANG MGA UGAT NG KAHIRAPAN.
17 BAKIT KAILANGANG LUTASIN ANG PROBLEMA NG KAHIRAPAN?
18 BAKIT KAILANGANG MAGBUKLUD-BUKLOD ANG MGA BANSANG ASYANO SA HARAP NG MGA SULIRANIN?
19 ANO ANG ASEAN? ANU-ANONG BANSA ANG KASAPI NITO?
20 IPALIWANAG: "PAGKAKAISA SA KABILA NG PAGKAKAIBA-IBA."



Gabay sa Proyekto:

A. SCHEDULE!
1. March 1-2 (Huwebes-Biyernes) Deadline ng Pagpapasa ng Proyekto (no extension policy)

B. POLISIYA! (SAGUTIN ANG MGA TANONG)
1. maaaring sulat-kamay
2. ipapasa ng naka-folder o nakabalot na mukhang proyekto.
3. bawal kumopya sa kaklase (kanya-kanyang sagot)
4. bawal ipasa sa hindi petsa ng pagpapasa (kung gusto may paraan!)
5. bawal ang hindi kumpleto
6. bawal ipagawa kay nanay, tatay, ate o kuya, kapitbahay at iba pa.
7. bawal ang ayaw matuto!
8. ilalagay sa yellowpad kung isusulat at naka-long folder
9. Mas maagang matapos at maipasa ng kumpleto, mas mataas ang puntos


No comments:

Post a Comment