MGA GURO NAGTUNGO SA DBM UPANG HUMINGI NG PALIWANAG KAY DIOKNO,
HINDI RIN "PRIORITY" KAYA HINDI HINARAP NG KALIHIM
Tumungo ngayong umaga ang may 60 teacher-leaders ng Teachers Dignity Coalition mula NCR at CALABARZON upang magprotesta sa tanggapan ng DBM sa Maynila. Nais kasi ng mga guro na makausap at humingi ng paliwanag mula kay Budget Secretary Diokno tungkol sa kanyang pahayag na hindi priority ang umento sa sahod ng mga guro kasunod ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na itataas ang sahod ng mga public school teacher.
Nagsagawa muna ng programa sa labas ng gate ang mga guro. Ang iba'y nagtalumpati, umawit at tumula. Kasunod nama'y pinapasok na sila sa loob ng tanggapan ng DBM upang makipagpulong sa mga opisyal. Ang Assistant Secretary ang humarap sa kanila.
Iginiit ng mga guro na sana ay makipag-usap din sa kanila si Sec. Diokno at handa silang maghintay para rito. Subalit nasa mahalagang pagupulong umano ang kalihim at hindi maaaring abalahin kahit lima o isang minuto o kahit pa trenta segundo lamang.
Hindi niya talaga priority ang mga guro...
Please share!
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1948237335205971&id=136307986398924
No comments:
Post a Comment