ANG MGA KRUSADA NA NAGANAP MULA 1096 HANGGANG 1273
- Ang mga krusada ay isang kilusan na inilunsad ng simbahan at mga Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na lugar, ang Jerusalem, sa Israel.
- Nagdulot ito ng ugnayan ng mga Europeo at Silangan.
- Nakilala ng mga Europeo ang mga produkto ng Silangan tulad ng Pampapalasa, Mamahaling Bato, Pabango, Sedang tela, Porselana, Prutas, at iba pa.
ANG PAGLALAKBAY NI MARCO POLO
- Si Marco Polo ay isang Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga-Venice.
- Nanirahan siya sa China sa panahon ni Kublai Khan ng Dinastiyang Yuan.
- Itinalagang maglakbay sa iba't ibang lugar sa Asya sa ngalan ng Emperador.
- Nakarating siya sa Tibet, Burma, Laos, Java, Japan, pati na sa Siberia.
- Noong 1295 bumalik sa Italy at doon inilimbag ang aklat na "The Travels of Marco Polo."
- Ipinakilala niya sa kanyang aklat ang kagandahan, karangyaan, at kayamanan ng Asya.
RENAISSANCE
- Salitang Pranses na ang ibig sabihin ay "Muling Pagsilang."
- Naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon.
- Nagpasimula sa Italya na naganap noong 1350.
- Isang Kilusang Pilosopikal na makasining at dito binigyang-diin ang pagbabalik interes sa mga kaalamang klasikal sa Greece at Rome.
- Natuon ang interes ng tao sa istilo at disenyo, pamahalaan, edukasyon, wastong pag-uugali, at paggalang sa pagkatao ng isang indibidwal.
- Nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ng kalakalan at negosyo kaya umusbong ang rebolusyong komersyal na nagdulot ng mga pagbabago sa gawang pang-ekonomiya.
ANG PAGBAGSAK NG CONSTANTINOPLE
- Ang Constantinople ay ang pinakamalapit na teritoryo ng Asya sa kontinente ng Europe.
- Nagsilbi itong rutang pangkalakalan mula Europe patungong India, China, at iba pang bahagi ng Silangan na napasakamay naman ng mga Turkong Muslim noon.
- Ito ay naging daanan din sa panahon ng Krusada.
- Sa panahon ng Krusada, pansamantalang napigil ang pagsakop ng mga Turkong Muslim sa mga teritoryo patungong Europe subalit nang masakop ang Silangang Mediterranean, lubusang sinakop na rin ang Constantinople noong 1453.
- Naging kontrolado ng Turkong Muslim ang kalakalan mula Silangan patungong Europe na pumutol naman sa ugnayan ng mga mangangalakal.
- Tanging ang mga mangangalakal na taga Venice, Genoa, at Florence lamang ang pinayagang makaraan sa rutang pangkalakalan.
- Yumaman ng Italya sa nangyari, at dahil dito, napilitan maghanap ng ibang ruta ang ibang mangangalakal ng Europe.
- Dahil sa hirap ng paglalayag, naimbento ang astrolabe at compass upang makatulong sa kanilang paglalayag.
ANG MERKANTILISMO
- Prinsipyong pang-ekonomiya na nakasalalay sa dami ng ginto at pilak ang yaman at kapangyarihan ng isang bansa.
- Ang pamamaraan sa pakikipagkalakalan at ang pagbabangko ay napaunlad kaya ito'y nagdulot ng malaking kita sa mga bansa sa Europe.
LM: 196-199
Salamat po sa binigay nyo inpormasyon😊
ReplyDelete