Ang Kooperatiba sa Araling Panlipunan ay ang pagkakataon ng mga mag-aaral na makapag-ambag, makiisa, makapagpalago, makapag-impok at matuto ng mga bagay na may kinalaman sa paghahanapbuhay.
Ang gawaing itoý magbibigay liwanag at pang-unawa kung paano gumagalaw at pinapalago ang isang kooperatiba kahit sa maliit na bagay pa lamang. Kinakailangan kasi rito ang tamang pag-iisip, diskarte, pakikipagkapwa-tao, at marami pang iba.
Sa KAP, ang mga mag-aaral ay kinakailangang mag-ambagan upang mabuo ang puhunang kinakailangan upang makapagsimula ng kanilang negosyo. Ang bawat miyembro ay may kanya-kanyang mandato at responsibilidad upang mapaikot, mapaunlad, at mailako o maibenta ang kanilang produkto. Kapag naibenta na lahat ang mga produkto, ang mga miyembro ng kooperatiba ay muling bibili ng hilaw o handa nang produkto upang muling ibenta upang lumago at muling bumili ng mas maraming produkto para mas lumago ang kanilang puhunan. Sa huli, mabibigyan sila ng grado sa resulta, pamamaraan, at kaisipang nakamit nila sa pagtatapos ng markahan. Ang lahat ng kanilang ginawa, pinuhunan, pinagbentahan, pinagtulungan, kinita, karanasan, at nakamtan na bagay ay nakasulat sa pahinang ibibigay ng kanilang guro.
Layunin ng KAP na:
1. Matuto at Magkaroon ng malawak na pang-unawa ang mga mag-aaral sa isang kooperatiba;
2. Maikonekta at maikumpara ang pagbuo ng mga kabihasnang Asyano at ang pagbuo ng kanilang kooperatiba;
3. Mapalago hindi lamang ang kanilang puhunan kundi maging kanilang pakikipagkapwa-tao sa paaralan;
4. Maging ehemplo sa ibang mag-aaral sa pagtataguyod ng sarili at hindi ang maging pala-asa kaninuman;
5. Magiging simulain para sa mas malawak pang gawain sa kanila na magbibigay-tugon sa kanilang LIFELONG LEARNING.
Gabay:
1. Ang mga mag-aaral ay bubuo ng tatlo hanggang limang miyembro.
2. Ang mga miyembro na maaalis sa grupo dahil iresponsable o pinagkaisahang alisin dahil sa mali nitong nagawa ay hindi na maaaring sumali sa ibang miyembro maliban kung itoý bubuo ng sariling grupo.
3. Ang mga miyembro ay bubuo ng 50 piso na magiging simulain ng kanilang negosyo.
4. Bawat linggo, ang grupo ay magpapakita ng datos sa progress ng kanilang kooperatiba/negosyo na pipirmahan naman ng guro.
5. Ang grado ng bawat grupo ay maibibigay bago matapos ang markahan base sa kinalabasan, ginawa, pinagtulungan, karanasan, at iba pa.
Page #1
______________________________________________________________________________
KOOPERATIBA SA ARALING PANLIPUNAN (KAP)
PANGALAN NG GRUPO:__________________________________________________
MIYEMBRO
|
POSISYON
|
AMBAG/PUHUNAN
| |
1
| |||
2
| |||
3
| |||
4
| |||
5
| |||
6
| |||
7
| |||
8
| |||
9
| |||
10
|
_______________________________________
PINUNO NG KOOPERATIBA/GRUPO
_______________________________________
GURO
ARALING PANLIPUNAN VII
Page #2
_____________________________________________________________________________
WEEK #: _____
DATE: _____________________
PUHUNAN
| |
MGA BINILI / IBEBENTA
| |
NAPAGBENTAHAN / KINITA
|
PAGSASALAYSAY NG KARANASAN / PANGYAYARI: _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________
PINUNO NG KOOPERATIBA / GRUPO
______________________________________
LAGDA NG GURO
No comments:
Post a Comment