Masarap Gumala Diba?
Kung magmumula ka sa Kalakhang Maynila, tatlong terminal ang pwede mong puntahan (Monumento, Pasay, at Cubao). Dito mo makikita ang sakayan papuntang City of Pines. Nasa apat hanggang anim na oras ang biyahe kung sa Victory Liner ka sasakay at nakadepende ito kung ordinary aircondition or Deluxe. Mas mahal ang deluxe dahil may Comfort Room ito sa loob, mas kaunti ang pasahero, at mas mabilis ang biyahe kumpara sa karaniwan.
Isa ang Baguio City sa pinupuntahan ng karamihan sa bansa. Maliban sa malamig dito, masasarap ang pagkain. Hindi kasi pareho ang lasa ng pagkain nito sa karaniwang kainan sa kapatagan lalo na sa kalakhang Maynila. Malinamnam ang Filipino Food kasabay ng malamig na panahon. Basta kakaiba ang lasa na sa Baguio ko lang natitikman.
Marami ring tanawin ang magandang puntahan. Marahil sa lamig ng panahon, masarap maglakad-lakad. Isa rin ang strawberry farm na makikita naman sa La Trinidad, Benguet. Kaso may panahon lamang na magandang pumunta rito dahil may panahon lang na namumunga at pwedeng mamitas ng strawberry.
Ang mas kinasisiya ko ang mga produkto na kung sa Baguio ka mismo bumili, mas masarap dahil siguro sa presko nito. Tila nga nagiging kumpleto ang biyahe ko kapag nabili ko ang mga ito.
Minsan masarap ding makita ang ganda ng kapaligiran. Nakakatulong kasi itong mabawasan ang bigat ng problema o stress dulot ng trabaho. Kailangan mo lang tumingin-tingin dahil marami kang matutuklasan. Enjoy your Life!
Minsan masarap ding makita ang ganda ng kapaligiran. Nakakatulong kasi itong mabawasan ang bigat ng problema o stress dulot ng trabaho. Kailangan mo lang tumingin-tingin dahil marami kang matutuklasan. Enjoy your Life!
No comments:
Post a Comment