Matagumpay na naisagawa ng Teachers' Dignity Coalition ang kanilang National Forum-Consultation on Educational Policies at 3rd National Convention sa Benitez Hall, Teachers' Camp, Baguio City nitong February 5-7, 2016.
Nilahukan ito ng mahigit Limandaang (500+) deligadong guro, punungguro at iba pang kawani ng gobyerno mula sa iba't ibang rehiyon ng bansa. Kasama ring dumalo ang mga panauhin pandangal tulad ni Department of Education Secretary Bro. Armin Luistro na nagbigay ng keynote speech, DepEd-CAR Regional Director Dr. Ellen B. Donato na nagbigay ng welcome remarks, Professor Rene Romero na nagpaliwanag ng Significance of teachers' movement in educational reforms, DepEd-NCR Legal Officer IV Atty. Ariz D. Cawilan na nagpaliwanag ng DepEd Education Policies, at Si Education Reform Advocate / TDC Counsel Atty. Leland Lopez ay tumutok sa Gaps in Existing Policies. Dumalo rin sa ikalawang araw ng gawain ang ilang kandidato sa pagka-senador at kinatawan nila.
Nagpaliwanag naman ng Broader Policy Change si TDC National Chair at Ating Guro PArtylist First Nominee Benjo Basas na nagbigay din ng opening remarks sa lahat habang nakatutok naman sa TDC Organizational Presentation si TDC Outgoing Sec-Gen Emmalyn Policarpio.
Nagkaroon naman ng Forum-Consultation sa ikalawang araw ng gawain. Isa-isang sinagot nina Atty. Ariz Cawilan, Atty Leland Lopez, Emmalyn Policarpio at Benjo Basas ang mga katanungan at konsultasyon ng mga dumalo. Naging Moderator ng gawain si Ating Guro Partylist Fourth Nominee at AGP Secretary-General Raquel Castillo.
Naging makulay ang gabi ng sabado ng convention. Sa ginanap na Solidarity Night, nagbigay ng iba't ibang talento at impression ang ilang taga - North at Central Luzon, South Luzon, Visayas, Mindanao at maging ng National Capital Region deligates. Hindi rin nagpahuli ang TDC-SINAG Group sa pangunguna ni SINAG Chair Jayson Cruz at Sir Anthony Cruz. Nagbigay ang SINAG group ng isang hindi makakalimutang palabas na sinabayan ng mga piyesa nina Sir Jayson at Sir Anthony.
Idinaos rin ang ulat ng TDC Chairman ukol sa organization at maging ni TDC-Treasurer Felixita Estoesta tungkol naman sa Financial Report. Nagbuo rin ng COMELEC para sa eleksyon ng panibagong opisyales ng organisasyon upang maging maayos ang botohan na kinalaunan ay naipatupad naman. Kinabukasan, ipinresenta na sa publiko ang mga nanalo at panibagong batch ng opisyal ng TDC.
Sina TDC-Caloocan Olive De Guzman at TDC-SJDM Arnold Grecia ang naging tagapagdaloy ng programa.
No comments:
Post a Comment