This moment is my 40 hours awake due to Outing-Ouching.
Malapit na kami sa aming destinasyon sa Morong Bataan para magswimming ng gabi ng banggain ang isa naming van ng puting Honda ni KANO!
Ang resulta... anim sa walong sakay ng innova na binangga ang nasugatan at nagkaroon ng matinding pinsala kabilang na ang aming guro na napilit naming sumama samin dahil kasiyahan naman. So nakakahiya sa kanya kasi isa siya sa biktima ng aksidente.
Kitang kita namin ang biglang paglitaw ng kotse ni Kano noong nai-Uturn na namin ang aming sasakyan at saktong nagmamaniubra ang innova namin ng salpukin. Masyadong mabilis noon ang pangyayari kaya tila isang pelikula ang nakikita namin... pero noong makita naming umikot ang van dahil sa pagbangga dito.. na-alarma kami dahil sakay nun ang mga kaklase namin.. kaya naman dali-dali kaming lumapit sa mga kaklase naming nabangga para saklolohan sila. Madilim sa lugar at wala kaming alam na dapat kontakin para hingan ng tulong kundi ang mga kapatid ko sa media. Ipinaalam ko ang pangyayari at nakiusap akong ikonekta kami sa otoridad upang masaklolohan.
Mahigit kalahating oras pa bago isa isang nagdatingan ang mga peace officer at rescuer ng lugar.. ang mga nauna ay kakilala umano ni Mr. Lewis, ang driver ng white honda, para mag-imbestiga at alamin ang kalagayan namin... hindi lamang sila isa kundi marami... isa isa silang nagtatanung sa amin para alamin ang pangyayari habang ang iba nama'y nakamasid. Halos 40 minuto ng dumating ang tauhan ng SBMA para saklolohan ang mga biktima... nang macheck na sila, agad naman silang dinala sa ospital (BayPointe Medical Center). Wala man lang nagsabi o nagtanung samin kung saan namin dadalhin ang aming mga kasama but sumunod nalang kami sa ambulance.. at dinala nga kami sa malagintong ospital na iyon. Akalain mong halos 70k na ang wala pa naming isang araw na paglagi sa ospital.. 500 daw ata ang bayad kada oras sa emergency room plus professional fee, gamot at iba pa. Nang malaman namin iyon ay agad na kaming nabahala at hinanap ang salarin. (nakatakas)!
Nasa kustodiya ito ng Law Enforcers ng SBMA. Dinala raw ito sa ospital para magpacheck pero tumanggi ata at nawala... hindi rin nagpapaliwanag noon ang LE ng SBMA tungkol sa nangyari kaya ang mga pulis ang hinanap namin para dakipin ang salarin. Lumipas ang magdamag pero wala pa rin kaming lead sa Lewis na iyon at tanging sagot lang ng mga pulis sa Morong e magpa-followup pa sila. Ang masakit ay naamoy ng classmate ko na nakainom ng alam ang kumag pero walang nakalagay sa spot report ng mga pulis.. wala ring ipinresentang lisenya ang kumag. Andami mang paglabag ang ginawa ng kano pero bakit pinatakas ng LE SBMA ang suspect? Ni ang mga Pilipinong nakausap namin para alamin ang kinaroroonan ng suspek pero ni isa sa kanila wala nagsabi. Mas pinahahalagahan nila ang mga banyaga kaysa sa kapwa-Pilipino!
Ala-sais palang ng umaga ay tumulak na kami sa Morong Headquarter mula sa Subic para magpatulong sa mga pulis doon na eskortan kami papuntang bahay o sa Ocean Adventure (ayon sa kasamahan niyang nag-imbestiga e isa sa may-ari raw ng Ocean Adventure ang mokong). Agad namang nakipagtulungan samin ang mga pulis papuntang bahay umano nito.. subalit nung makarating kami ay hindi kami pinapasok sa gate ng residential/staff area kaya dumiretso kami sa ocean adventure para malaman ang katayuan ng taong ito.. subalit walang nakapagturo at nakapagsabi ng katayuan nito. Sa pag-uusap nila sa loob ay maya maya bumalik kasi sa residential area at doon may taong humarap samin. Sa umpisa ay hindi raw niya alam kung nasaan si kano pero ng magsalita ang pulis na kasuhan nalang kasi ayaw makipagtulungan ay nagparamdam ito eventually na gustong tumulong sa isang kundisyon (walang mamamagitang pulis) dahil namemera lang daw sila. Hindi man sumimangot ang kasama naming pulis pero ramdam namin ang pagkapahiya nila.
Sa punto ring ito ay tumawag na ang salarin at kinausap ang may-ari ng binanggang Innova. Ayon sa kanya, makikipagsettle na raw ang kumag. Gusto naman namin iyon para makaalis na kami sa gintong ospital. Subalit dumating nalang ang hapon ay tila wala itong balak magpakita o magbigay ng nararapat. Sa komunikasyon sa pagitan namin at ng kaklase naming nakausap niya, sasagutin daw niya ang bill ng ospital at ambulance na maghahatid sa injured classmates namin sa ospital sa Manila. Ang bill namin ay nasa 70k na for 15 hours kaya nagmamadali kasi sa settlement.. pero ng malaman iyon, parang lugi kami, kasi may bali ang ribs ng mga kasama ko at kailangang maconfine pero ang offer niya ay para makalayas lang kami sa sbma?
Sa mga panahong ito, delay na ang aming kain, wala kaming ligo, palit ng damit, tulog at iba. Wala man lang isang nag-offer ng tulong samin kahit pa kumalat na sa mga tsismosa ang nangyari. Halos mangiyak na kami sa pagod at puyat kasabay ng inis sa paghahanap kay KANO! Wala rin kaming pera.. subalit may nagpahiram samin dahil ayon sa kontak namin sa Manila ay sasagutin ni Mayor ang gasto para makauwi na kami tutal Caloocan Teachers kami. Tutulong pa sana na magpadala ng service o ambulance para kunin ang aming injured classmate at mailipat sa ospital sa Manila.
Paano nga ba nagsimula ito?
Nagplano kaming magkakaklase na makalabas ng siyudad at magpatanggal ng stress dulot ng sunud-sunod na trabaho. Makakatulong kasi ito para makapagbonding kami ng walang iniisip na iba maliban ang kasiyahan dahil papasok na naman ang June at simula na naman ng klase sa aming pinaglilingkurang paaralan at siyempre sa aming pagpapayabong ng kaalaman.
Gabi na kami umalis sa Caloocan at halos tatlong oras bago kami dumating sa subic.. binabaybay namin ang Subic to Morong ng maligaw ng liko ang driver namin.. malabo kasi ang signage kaya hindi agad napansin. Nasa unang kilometro palang kaming pumapasok sa way papuntang pasyalan, nang matanto ng driver na mali ang daan kaya dun din kami nagturn pabalik... sumunod naman ang isa na umikot.. subalit habang ginagawa niya iyon, siya naman pagdating ng humaharurot na white honda.. doon di;y tinumbok niya ang likurang bahagi ng Innova na siya namang dahilan para umikot ng 180 angle ang innova.
Ano aral dito?
1. Huwag magbiyahe ng gabi kung sulok ang pupuntahan mo upang maingatan ang sarili.
2. Iba ang teorya sa totoong buhay... dito kasi nasusukat ang kakayanan mong kumilos ng napapanahon.
3. Huwag magtitiwala sa nagmamagaling... baka nilalaglag ka lang sa bitag.
No comments:
Post a Comment