Dinaluhan ito ng mahigit isandaang Lider at Opisyal ng TDC at Ating Guro Partylist, mga miyembro mula sa iba't ibang Rehiyon ng bansa, ilang kandidato sa mataas na posisyon kabilang na si Senator Alan Peter Cayetano na tumatakbong Vice President at mga kapatid natin sa media.
Naging tampok na usapin ang pagpapakilala ng Ating Guro Partylist bilang sandigan hindi lamang ng mga guro kundi maging ang lahat ng mga mamamayan ng bansa dahil nakatutok ito sa pagpapabuti ng educational system at maging ang kapakanan ng mga mag-aaral lalo na ang mga guro. Nabanggit din dito ang plataporma ng partido at maging ang nais nitong mangyari sa mga susunod pang mga araw at buwan.
Ipinakilala sa programa ang limang nominado ng partido. Sina TDC National Chairperson Benjo Basas bilang First Nominee, Voctech Advocates Joy Roble ang Second Nominee, Former Principal Arsie Jallorina ang Third Nominee, Adult Education and Life Long Learning Advocates Raquel Castillo ang Fourth Nominee, at Private Teacher and Writer Juanito Dona ang Fifth Nominee.
Nagbigay ng Solidarity message si Senator Alan Peter Cayetano at Dr. Romeo Fernandez ng PESPA habang inilatag nama ni TDC Secretary-General Emmalyn Policarpio ang plataporma ng partido. Nagbigay rin ng kani-kanilang mensahe ang mga nominee para lalong pagtibayin ang partido.
Nagpaaliw naman ng sayaw ang grupo ng TDC-SINAG habang tinula naman ni SINAG Chairman Jayson Cruz ang ilan sa kanyang mga piyesa. Sina Marilou Felipe at Jaime Albiza ang naging tagapagdaloy ng programa.
No comments:
Post a Comment